CHAPTER 16
Chapter 16
Dahil bakasyon ay nanatili lang ako sa bahay. I texted my Dad but he didn't give me a reply. Ewan ko, baka busy. Ilang buwan na rin siyang hindi umuuwi.
"Nich, kumain kana." sabi ni Ate Bia kaya sumunod lang ako sa kanya. She prepared a food for me. Napangiti ako sa kanya.
Pero mabilis na napawi ang ngiti ko nang maupo rin si Dalia sa upuan sa harap ko. She raised her eyebrows on me. Hindi ko nalang siya pinansin nang kumuha rin siya ng pagkain na niluto ni Ate bia para sakin. Tahimik lang ako habang siya ay hawak ang cellphone habang kumakain.
Nasa kalagitnaan palang kami ng pagkain ay natigil kami dahil sa pagdating ni Tita Haidy. Her eyes widened habang nakikinig sa tawag sa kanyang phone.
"Where is he now? Ano?!" sigaw nito.
Sabay kaming tumayo ni Dalia at lumapit dito. I don't know but I feel nervous.
"Ma, what's wrong?" tanong ni Dalia perp hindi pinansin ng ina.
"Tell me kung saang ospital 'yan!"
"Ma! What's that?!"
"Xian is now on his critical condition! Nasa Forzeo Hospital siya!" pagkasabi niya non ay mabilis siyang nagtungo palabas ng bahay.
Natulala ako. What did she say? My Dad? On the hospital? Critical condition?
Dalia took a stare at me before she followed her mom. Namalayan ko nalang ang pagtulo ng luha ko. It won't be.
Mabilis akong lumabas ng bahay at nagtricycle para makarating agad sa ospital. Hinarang ko agad ang isa sa nurse na nakasalubong ko para itanong kung nasaan si Daddy.
"Nurse, please. I need to see him. Right now. R-Right now." I beg on her. May lumapit na isang lalaking nurse sa akin kaya tinanong ko rin ito. "Where's my father? X-Xian Glarileo...Nurse, answer me!"
"Come with me," ani ng lalaking nurse kaya sinundan ko lang siya kasabay ng luhang nananalaytay sa aking mga mata.
Napakapit ako sa pader nang tumigil siya sa paglalakad. Sa tapat ng morgue.
"N-No.."
"Ms., we're sorry...but your father is died..."
"I said no! H-Hindi 'yan si Daddy! Buhay ang ama ko!" I shouted.
Binuksan niya ang pinto ng morgue at nakita kong nandoon rin sina Tita Haidy at Dalia. Napailing-iling ako.
Sinagi ko ang nurse na kasama ko at marahas na pumasok sa loob. But my knees gave up when I saw the face of my father.
Unang pasok ko palang ay ang maputla niyang mukha ang nakita ko. Parang naputol ang pisi ng pag-asa ko. Totoo. My dad left me. He left me. They left me.
Iniwan na ako ng magulang ko. Sobrang sakit. Paano nilang nagagawang saktan ang nag-iisa nilang anak? Iniwan nila ako pareho. Bakit?
I tried to stand up but my knees giving up because I'm weak. Mahina ako, at hindi ko kayang tanggapin. May dalawang nurse na inalalayan akong tumayo hanggang makalapit ako kay Daddy. I sobbed on his chest. I hugged him wishing that he can hug me back.
"Y-Your baby is here...wake up.."
Hindi ko mapigilang humagulgol sa balikat niya. Hindi man lang kami nakapag-usap sa huling sandali niya. Ni hindi ko alam kung anong dahilan ng pagkamatay niya.
Wala na akong lakas ng dalhin ako sa labas ng mga nurse. Ang sabi ay para maayos na ang burol niya. I don't want to hear that word again. Parang ayaw kong makita ang ama ko sa loob ng kabaong.
Tulala lang akong nakaupo sa isang tabi nang may maupo sa katabi kong upuan.
"Ms. Glarileo, your father was on his critical condition nang dalhin siya dito. He had a stage 4 cancer na hindi naagapan.."
"H-He didn't tell me..." mas bumilis ang agos ng luha ko. Anong klaseng anak ako? Bakit hindi ko man lang alam na may malubhang sakit na pala ang ama ko?
"We're sorry for your lost, hija." the doctor patted my shoulder.
Natanaw ko ang mag-ina na palabas na ng ospital kaya sumunod ako sa mga ito. Nakita naman ako ni Dalia kaya nginuso niya ako sa ina.
"Hindi ka sasabay sa amin. Bahala kang umuwi sa sarili mo." pagkasabi ni Tita Haidy 'non ay pumasok na siya sa kotse.
I don't have the plan para sumabay sa kanila. I just want to ask them kung saan nila dadalhin ang burol ni Daddy.
Umuwi ako sa bahay na parang wala sa sarili. Nang makapasok sa loob ay nakita ko ang mga bulaklak na nakaayos sa gilid at ang mga ilaw. So, dito ang burol. Mayamaya lang ay dumating na nga ang kabaong, and ofcourse, alam kong nandun na si Daddy.
I walked upstair to my room. Unang hakbang ko palang papasok ay hindi ko na naman mapigilan ang luha ko. Sinarado ko ang pinto at sumandal doon habang umiiyak mag-isa. I don't know where to get strength to face my Dad on his coffin. Hindi ko kaya.
Hindi ako bumama magdamag. Rinig kong marami na ang tao sa baba na nakikiramay pero ako ay heto, nagkulong sa kwarto. Paulit-ulit akong kinakatok ni Manang at ate bia pero hindi ko sila pinagbubuksan. I locked the door of my room. I cried the whole night. Madaling araw na nang marinig ko ang pamilyar na boses na panay ang katok.
Unti-unting bumibigat ang mga mata ko dahil sa kaiiyak at dahil na rin sa pagod.
"Nich! Open the door! Babe!"
It's him. Chio is here.
Pero hindi ako tumayo para pagbuksan siya. Nanatili ako sa sulok sa baba ng aking kama habang patuloy na umiiyak.
"A-Ate Bia, do you a double key for this room?"
"Meron, teka lang." panandaliang nagtahimik. "Ito..."
Niyakap ko ang sarili at yumuko sa tuhod nang magbukas ang pintuan. And a brief second had past, he embraced me to tightly while brushing my hair. I sobbed even more when he hold my cheeks and our eyes meet.
"I'm here. Hindi ka nag-iisa." he hugged me again. "Kumain kana? Sasamahan kita."
"H-Hindi ko kaya, Chio." I shooked my head while still sobbing on him.
Tumingin ulit siya sa mga mata ko at ginamit ang ngiti para pakalmahin ako.
"Kukuha ako ng pagkain. Dito kalang ha? You need to be strong, Nich. Hindi gusto ni Tito 'yan."
Inalalayan niya akong maupo sa kama bago siya lumabas para kumuha ng pagkain. Ilang saglit lang ay bumalik na siya na may dalang tubig at plato na may kanin at ulam.
Naupo siya sa tabi ko. At paulit-ulit akong pinanganga hanggang wala na rin akong nagawa kundi ang magpasubo sa kanya. Tears didn't stop from falling. Tulala lang ako habang siya ay paulit-ulit akong pinapangiti. Pero hindi ko magawa. How can I smile right at this situation? For god sake my father just died. Ni ang sakit niyang cancer ay hindi ko alam. Hindi niya pinaalam, at hindi ko alam kung bakit niya itinago sa akin iyon.
"Hindi mo ba...sisilipin ang Daddy mo?" he asked. Wala akong naging sagot kundi ang paghikbi. Niyakap niya ulit ako at hinalikan sa sentido. "Sasamahan kita."
Sa huli ay napapayag niya rin ako. Bumaba kami at nagtungo sa harap ng kabaong. Nakatungo lang ako. Rinig ko ang pag-uusap ng mga tao sa akin pero hindi magawang lingunin.
"Magtatampo ang Daddy mo kung hindi mo siya titignan."
Ipinihit ko ang ulo ko paangat sa mukha ni Dad na nakahimlay na sa bago niyang tahanan. All I can do is to mourned. My whole body was shaking as I stared on his face. My dad is now on his peaceful sleep, pagtulog na kahit kailan ay hindi na magigising muli.
Panay lang ang iyak ko sa loob ng tatlong araw na burol ni Daddy. Hanggang sa funeral niya ay panay lang ang iyak ko. Chio was always on my side pero hindi ko man lang siya kinakausap. My mind still can't digest everything that just happened.
Everytime na may mawawala sa isa sa mga mahal natin sa buhay. We always ending up saying...parang kaylan lang.
Parang kaylan lang nasa tabi ko pa siya, yakap ako, hinahagpos ang buhok ko. Parang kaylan lang na pinaliliguan niya ako dahil puro putik ang katawan ko. Parang kaylan lang na magkabiruan pa kami sa kung ano-anong bagay. Parang kaylan lang na tinatawag niya akong baby t'wing maglalambing siya sakin. Parang kaylan lang, Dad.
Sinubukan kong tanggapin ang nangyari. Nang magpasukan ay normal na estudyante na ulit ako. I always missing my dad, pero ngumingiti nalang ako at tinatapat ang kamay sa puso ko gaya ng sabi ni Chio. He's always here in my heart. Hinding-hindi siya mawawala dito.
__
cessias
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro