Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

EPISODE 01: Walls Are Now Whispering


LUCIA SLUMPED forward on her monoblock chair, her cheek pressed against the wooden desk. Nakatambay siya sa open-air elevated study lounge na overlooking ang malawak na school grounds—tulala at walang pumapasok na matino sa utak niya ngayon. Mabuti na lang at manonood lang daw sila ng palabas ngayon sa Film Theories at Appreciation class niya mamayang alas sais ng gabi. Last class niya na rin iyon para ngayong araw.

The school was in total shambles after the sudden death of Enzo Gabriel Hidalgo, the After School Society President. The school publication was prohibited from writing an article about the tragic event, so they asked her to write a commemorative article instead. Ayos lang iyon sa kanya, mas gusto niya rin iyon. The previous happenings not only traumatized everyone—she was too.

Lucia squeezed her eyes shut as she tried to forget about that premonition dream. Anything related to ghosts and paranormal sightings—she hates it! She didn't want to get involved in that kind of thing dahil alam niyang hindi maganda ang maidudulot no'n sa kanya. Ghosts mean danger. . . worse, death.

"You think it's a suicide?"

Natigilan siya nang marinig iyon sa kabilang table. Kahit hindi niya iangat ang ulo nasulyapan na niya kanina ang dalawang estudyante na magkaharap sa kabilang mesa.

"May suicide note na nakita sa crime scene, case closed na nga e. So ano pa bang proof kailangan mo?"

"Girl, hindi mo ba alam ang curse ng After Class Society?"

Kumunot ng noo ni Lucia. Oh, the haunting curse? Although it doesn't surprise her at all. Ilang beses na na niyang naririnig sina Gia at Lawrence na pinag-uusapan ang tungkol doon sa pub office.

"Every 6 years, may namamatay na member sa kanila."

That, she knows.

Suminghap ang kausap nito. "Hoy, teka, meaning ba n'on e, ngayon ang ika-6th year?" Naramdaman ni Lucia ang pagtango ng kaharap nito. "Ay, okay! After 6 years ulit," masiglang dagdag nito. Lumikha ng matinis na tunog ang biglang pagtuwid niya ng upo, kasabay ng pag-atras ng kanyang upuan at pagkiskis nito sa sahig. Jusko po, wala man lang empathy ang isang 'to.

Marahas niyang ibinaling ang tingin sa dalawa, na parehong nagulat at bahagyang napaatras sa kanilang kinauupuan. If other looks could kill, hers was sinister.

"Nagpapaniwala kayo sa mga ganyan," basag niya.

"B-bakit ba? Sino ka ba?" the girl in the pink headband demanded, sounding both annoyed and horrified. "At saka, anong alam mo roon, aber?"

"Wala akong alam pero ang mga ganyang bagay ay hindi na dapat inaalam pa. Tatakutin n'yo lang ang mga sarili n'yo. At saka, let the man rest in peace. He might have a tough life—the least we could do for for him is to respect his death."

Both women pressed their lips together guiltily. Good, dahil iyon dapat ang tamang response sa mga ganitong pangyayari. Lucia grabbed her black knapsack from the floor beside her chair and stood up. Nasundan ng dalawa ang pagdampot niya sa lapis sa mesa ng mga ito.

"Gagamitin n'yo pa 'to?" The two shook their heads in unison. "Okay, akin na 'to, a?" Tumango ang dalawa. "Thanks." Isinukbit niya ang bag sa kabilang braso saka suwabeng pinusod ang buhok gamit ng lapis.

Nilayasan niya ang dalawa at bumaba mula sa study lounge, tinungo niya ang daan papunta sa Mount Carmel Hall. Doon na lang muna siya tatambay habang naghihintay ng oras. Bumaba ang tingin niya sa suot niyang relo sa kaliwang kamay: 04:30 PM. Hindi niya napigilan ang pag-ismid, ang tagal ng oras, uwing-uwi na siya.

Huminto siya at nilingon ang canteen na nasa ibaba lang ng study lounge. Hindi pa siya gutom pero baka magutom siya mamaya, so she traced her steps back and decided to buy some snacks first. Bumili siya ng dalawang siopao at isang orange juice. She didn't stay long, lumabas din agad siya at muling tinungo ang daan patungo sa MC Hall. But this time, she chose to walk through the outdoor covered hallway. After that dream, she never passes through the field without someone accompanying her.

Pero kahit na roon siya dumaan, matatanaw pa rin niya ang statue ni San Nicolas de Tolentino. She had been avoiding St. Nicholas's garden, pakiramdam niya ay kapag lumapit siya roon ay mangyayari ang panaginip niya. Kaya nang matanaw niya iyon sa gilid ng kanyang mata ay pinanatili niya ang tingin sa kanyang harapan hanggang sa makarating siya sa lobby ng MC Hall kung saan naka-setup ang memorial altar ni Enzo. Magkatulong na nilagay iyon ng Supreme Student Council at ng mga members ng After Class Society roon.

Closed friends, classmates, and some SNU students leave heartfelt messages and flowers for the late After Class Society President. It had been a week since Enzo's sudden passing pero ramdam pa rin sa buong campus ang kalungkutan. Campus and societal activities have been temporarily suspended to allow everyone time to mourn and pay their respects. He was one of the most active and supportive society presidents in SNU—he was such a loss. At mukhang tuluyan na ring mawawala ang After Class dahil sa pagpanaw nito. Sa narinig niya, isa-isa na raw nagsisialisan ang mga members pero sabi ni Gia, may isa raw ang nagmamatigas.

In her opinion, mas okay na hindi na mag-operate ang After Class ng sa ganoon ay matigil na rin ang mga horror stories na naririnig niya tungkol sa society na iyon. Napaparanoid lang ang mga estudyante sa mga kuwentong katatakutan. If totoo man o hindi ang tungkol sa sumpang bumabalot sa After Class, she doesn't think that it would be wise for a student to involve in such paranormal investigation.

Papaliko na sana siya patungo sa SIDLAK Publication office nang muli niyang mamataan ang pamilyar na matangkad na lalaki, naglalakad diretso sa direksyon niya. Pero alam ni Lucia na hindi siya ang pakay nito—kundi ang altar memorial ni Enzo.

The man always wore a serious expression, his uniform sleeves constantly rolled up near his elbows. The white T-shirt underneath peeked out from the slightly open polo, its front buttons were always undone whenever they crossed paths outside. Whether it was intentional, trip lang, or literal na naiinitan lang talaga ito kapag nasa labas ng classroom ay alam niya sa sarili niyang wala siyang pakialam.

From her unsolicited perspective, mukha lang itong mayamang sanggano sa paningin niya. He was undeniably hard to miss—not just because of his striking looks but also because he seemed to actually have a working brain. In fact, may dalawang minor subjects siya ngayong semester na kaklase niya ang lalaki, so she knew this literary boy's name—Marius Shelley Ilusorio, the literature major. Rus for short.

Lucia wondered if he was named after Mary Shelley, the author of the classic novel Frankenstein. But for now, she would keep her intrusive thoughts to herself. Bakit ba siya magtatanong kung hindi naman sila close?

Sinundan niya ng tingin ang lalaki hanggang sa tumigil ito sa harapan ng memorial altar ni Enzo. Rus's back fully blocked Enzo's large picture frame. Hindi naman lagi pero sa tuwing napapadaan siya sa MC Hall ay nagkakataong nandoon din ang lalaki. He would always visit it as if it were Enzo's grave. Frankly speaking, it really was.

"Hey." Lucia flinched at the unexpected tap on her left shoulder. Glancing at who it was, she first noticed Gia's signature-aligned brows—exclusive only for her. "Papasok ka ba o papasok ka pa rin?"

"Papasok, pero bakit ba lagi ka na lang nanggugulat?" seryoso niyang balik-tanong sa kaibigan.

Gia's face softened as she let out a hearty laugh. "Girl, you should see yourself when you're lost in your train of thought. Mukha ka laging may nakikitang multo."

"I can't see ghosts," kaila niya.

"Sige, kunwari naniniwala ako." Gia linked arms with her and gently led her to the pub's office. Nagpatangay na rin siya. "Kaklase mo ngayon si Rus, 'di ba?"

"Oo, bakit?"

"Girl, siya iyong tinutukoy ko na last member standing ng After Class." Gia tapped her ID on the access reader, and the door unlocked with a soft beep. She then pushed it open, and they stepped inside. "Ang weird nga e."

"Bakit?"

"Kasi hindi naman daw iyan active member si Rus noon sa After Class. Um-attend lang daw ng attendance 'yan. Sa sampung initiated-society events nila, isa o dalawang events lang ina-attend-an niyan. Kaya pati mga umalis na mga members ay nagtataka kung bakit ang reluctant niya to withdraw."

Lucia's forehead creased, bumitaw siya kay Gia para maipatong ang bag at plastic ng pagkain sa itaas ng mesa niya. Si Gia naman ay tumayo at bahagyang sumandal sa gilid ng mesa sa kanyang harapan.

"Weird nga."

"Natumbok mo."

"Pero may magagawa ba siya kung mag-isa na lang siya?" She pulled her swivel chair closer and sat down. "The SSC and school administration will not permit a society to operate unless it has at least five members. Considering the After Class situation, the probability appears to be slim."

So why was he still holding on to that slim chance? Inabot niya ang plastic sa mesa at inilabas roon ang dalawang siopao. What made him fight the dissolution when he hadn't even been a dedicated member in the past? "Here." Inabot niya ang isang siopao kay Gia.

"Thanks!" Gia smiled as she eagerly took the food. "As I've heard, close daw sila ni Enzo."

Lucia can't help but raise an eyebrow. Oh, that's something. "Best friends?"

Gia shrugged her shoulders. "Baka? Or may something sila romantically?" she replied while chewing. "God!" She looked up at the ceiling, hands raised as if seeking divine intervention. "Please let Kuya Enzo's soul rest in peace."

Lucia paused to consider it, but she couldn't seem to get a sense of it. Rus didn't quite match the image that Gia was portraying—or might I say, it didn't match my image of Rus. Frankly speaking, she hardly knew the guy. Ngayon lang sila nagkaroon ng subjects na magkasama. . . and he seems like. . . he has changed.

"His soul will rest if we stop talking about him," aniya, saka kinagatan ang hawak niyang siopao.

Bumalik ang tingin ni Gia sa kanya. "But aren't you curious about Rus? Or his relation to Enzo? Ako kasi hindi matatahimik—"

"Rus is outside. Should I ask him?" she interrupted lazily.

Gia's eyes widened as she shot her a disbelieving look. "Seriously, Luch?"

"I mean, if you're that curious about the literary boy, you might as well get the information straight from him."

Imbes na mainis ay tinawanan lang siya nito. "Unbelievable!"

"So, if you can't muster the courage to do it, then just get over it."





LUCIA COULD hardly believe it.

Dapat ay nasa bahay na siya ngayon but she ended up helping Gia with her SIDLAK proposal for the upcoming society and organization hopping. Nagmamagaling kasi kaya ito tuloy ang inatasang magplano ng senior editor-in-chief nila na pagme-meeting-an nila bukas. Next week, magre-resume na ang mga campus activities ng SNU. Isa na nga roon ang society and org hopping na spearheaded ng SSC.

May isang buong linggo ang bawat society at organization na mag-recruit ng new members o magpakilala sa mga freshmen. Expected na rin niya na magiging abala ang SIDLAK sa susunod na linggo, dahil marami silang society at org na kailangang i-cover—kasama na rin ang publication. Nabawasan na naman kasi sila matapos ang graduation ng mga seniors, kaya magkakaroon muli ng recruitment para sa mga writers, layout artists, at production staff.

Lucia's finger hovered over the laptop's power button when the office lights started flickering. Napatingala siya sa kisame, huminto ang pagpatay-sindi. Her forehead creased, binalik niya ang atensyon sa screen ng laptop at muling iniangat ang kamay sa itaas ng power button, akmang pipindutin iyon nang magsimula na namang magpatay-sindi ang mga ilaw.

Naningkit ang mga mata niya sa pagkainis. Heto na naman, nagsisimula na naman ang mga 'to. Kaya ayaw na ayaw niyang naiiwan na mag-isa sa ganitong mga oras. Bumuga siya ng hangin at sinara na lamang ang laptop.

"Uuwi na po!" kausap niya sa kawalan, the lights stop flickering.

Dinampot niya ang cell phone sa tabi ng laptop at tinawagan si Gia. Mag-a-alas-nuebe na ng gabi pero hindi pa rin bumabalik ang isang 'yon. Ang sabi ay sasaglit lang ito sa SSC office para kausapin ang secretary.

Gia picked up her call.

"Uuwi na ako. Bahala ka na rito."

"Luch, wait! Saglit lang, ipi-print na nila ang event schedules ng mga society at orgs. Natagalan lang kasi may night class pala si Ate Sheena." Gia was referring to the SSC Secretary.

"Puwede naman kasing email na lang 'yan—"

"Email nga sana kaso biglang nawalan ng Wi-fi connection dito. Kaya ito, ipi-print na lang, saglit na lang talaga. Ah nga pala, puwedeng makisuyo."

Marahas na naisandal niya ang likod sa sariling swivel chair. "O, ano na naman?"

"Naiwan ko ang hiniram ko na HDMI cable sa classroom. Tumawag sa'kin si Larry, pinapasauli niya sa DJComm office. Alam kong naiwan ko 'yon sa MC Room 406. Hindi pa naman siguro lock 'yon ngayon—"

"Anak nang—Gia!" sigaw niya sa sobrang inis.

"Sorry na, please, Luch. Mapapatay talaga ako ni Larry kapag hindi ko 'yon nasauli ngayon. May gagamit daw no'n ng 7 am class bukas."

Lucia took a deep breath, trying to calm herself—otherwise, she might just strangle Gia out of sheer frustration if they crossed paths. Talagang sa fourth floor MC building pa talaga naiwan ng magaling ang HDMI cable. She hated that hallway when it's already dark.

"Fine!" may inis at pabagsak niyang sagot.

She ended the call and stood up from her chair. Slipping her phone into the front pocket of her uniform skirt, she went straight to the door and left. Automatic nang nala-lock ang mga org and society offices sa SNU. No need for keys, just one tap and it will open—of course, nabubuksan lang iyon kapag may access ang ID.

Paglabas niya, agad siyang binalot ng malamig na simoy ng hangin. Bahagyang madilim na ang hallway, at hindi lahat ng sulok ay naaabot ng ilaw mula sa mga poste sa malawak na school ground. Sa kanyang paningin, tila may mga matatalas na matang nagmamasid mula sa kadiliman.

Maya-maya pa, lalong bumagsak ang lamig sa paligid, at naramdaman niya ang unti-unting pagtayo ng mga balahibo niya. Nag-iinit ang likod ng tainga niya dahil sa isang hindi maipaliwanag na puwersang humihila sa kanya upang lumingon sa altar memorial ni Enzo, pero pinilit niyang patatagin ang sarili. May iba namang daan papunta sa MC Room 406—ang exit stairs, na isa ring pagsubok ng ganitong oras. Pero ano pa bang magagawa niya?

Pinihit niya sa kabilang direksyon ang katawan at tinahak ang pasilyo papunta sa exit stairs ng MC Hall. May nakasalubong siyang dalawang estudyante na mukhang pauwi na at pagkatapos no'n ay wala nang sumunod. Sa sobrang tagal na ng unibesidad na ito, hindi na nakapagtataka na pinamumugaran na ito ng maraming mga nilalang ng dilim. In most cases, she could ignore them with ease, but there were times when their presence was too strong for a mere human to handle. Ayaw niyang mag-explain, wala rin namang makakaintindi sa kanya. Iisipin lang ng mga tao na baliw siya.

The tall, floor-to-ceiling wooden double doors were left ajar, always reminding her of an old castle entrance. Lucia slowly pushed one open and stepped inside the dimly lit room. The large stained-glass window cast its reflection onto the vintage tiled floor, creating a shadow of its intricate frame and the image of St. Michael the Archangel battling a demon. Sa totoo lang, sa dami ng puwedeng i-design noong unang panahon, ito pa talaga?

She let out an exhausted sigh as she approached the staircase that would take her all the way to the 6th floor of MC Hall. Each step echoed through the empty stairwell as if someone were following closely behind her. Her rule in moments like this: never, ever look back.

But what if. . . you hear something more?

"Lucia. . ."

She stopped in her tracks—that familiar male voice.








"WHAT THE F*CK—"

Marius yanked his bag open, his hands moving frantically as he searched for the pen. Damn it! He couldn't find it. Kinapa niya ang bulsa ng kanyang pantalon, pati na sa harapang bulsa ng kanyang polo, pero wala roon. Marahas siyang napabuga ng hangin bago mariing isinara ang bag. He slung it over his shoulder and sprinted toward the grand staircase.

Hindi siya puwedeng umuwi na hindi na nahahanap ang ballpen na iyon. He couldn't lose it—not in this lifetime!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro