Chapter 8
Chapter 8
Mistress
Kung galit ako kay Javi at halos kalimutan ko nang mag-asawa pa rin kaming dalawa, hindi rin mas mababa ang galit ko kay Alaine. Ang babaeng ito, na minsang tinuring kong kaibigan, ngayon ay hindi ko na makita bilang ganoon. Sa halip, ang tanging nararamdaman ko sa kaniya ay galit at pagkamuhi.
Isang araw, nagkita kami sa isang party. Party ito ng kumpanya nina Javi, at imbitado rin ang mga magulang ko. Kahit wala akong balak pumunta, nagdesisyon pa rin akong magpakita para hindi mag-alala ang pamilya ko. Alam kong kung hindi ako dadalo, tiyak na magtatanong sila.
Hindi ko inaasahan na nandoon din si Alaine.
Pagkapasok ko pa lang sa venue, agad nag-init ang dugo ko nang makita ko siya. She looked as glamorous as ever, as if she had no care in the world.
I'm sure she's heard the news about my miscarriage, yet she never once asked how I was doing. Not even a single message or phone call. It was in that moment that I knew—there was no saving our friendship.
"Why's that woman even invited here?" tanong ni Mommy Emerald, na nasa tabi ko.
Isa nang sikat na artista si Alaine, kaya kahit mga magulang namin ay updated sa mga balita tungkol sa kaniya—kasama na ang tsismis tungkol sa kaniya at kay Javi.
Nagkatinginan kami ng aking biyenan. She leaned closer, her expression curious but kind. "You don't believe the rumors about your friend and Javi, right, hija?"
Napatingin ako sa kaniya, pilit na pinipigilan ang kung anumang emosyon na baka mabasa niya sa mukha ko. Tumango lang ako, sabay bigay ng isang mapilit na ngiti.
Ngumiti rin siya bilang sagot. Para sa kaniya, ang mga balita tungkol kina Javi at Alaine ay isa lamang bunga ng pagiging artista ng huli—isang produkto ng showbiz intrigues at kasikatan ni Alaine.
But I couldn't convince myself. I thought knew better.
Tiningnan ko si Alaine na nandoon, nagmimistulang bituin sa gitna ng mga bisita. Nakikihalubilo siya, walang kapansin-pansing bahid ng pagkahiya o pagsisisi. Mula sa kaniya, lumipat ang tingin ko kay Javi. He was busy entertaining his company's investors, his focus seemingly unshaken.
A pang of anger stabbed my chest. How could they both act so normal?
"Pupuntahan ko lang sina Mommy at Daddy," sabi ko kay Mommy Emerald bago ako tumalikod.
"Alright, hija. I'll be fine here," sagot niya. May mga kaibigan na rin siyang lumapit kaya naiwan ko siya sa kanilang kwentuhan.
Sa kabilang bahagi ng venue, nakita ko ang kapatid kong si Reo. Ang saya sa mukha niya nang makita niya ako ay nagdala ng konting ginhawa sa puso ko.
"Ate!" malakas niyang bati, sabay kaway.
Ngumiti ako at lumapit, agad siyang niyakap. "Reo, I've missed you!"
Kasunod noon ay lumapit ako kay Mommy, na nakatingin lang sa amin ng may pagmamalasakit.
"Mom," sabi ko, sabay halik sa kaniyang pisngi. "Where's Dad?"
"Your dad is talking with the other guests," sagot niya, sabay turo sa gawi kung saan ko nakita si Daddy, nakikipag-usap sa ilang kakilala niya. Tumatawa pa siya habang nagkukwentuhan.
Napangiti ako nang bahagya. At least my family seems happy and at peace.
"How have you been, hija? Are you eating well? But you look better now," sabi ni Mommy, masusing tinitingnan ang mukha ko.
Napangiti ako. Alam kong hindi pa ako ganap na maayos—ilang buwan pa lang ang lumipas mula nang mawala ang anak ko, at dala ko pa rin ang sakit noon. Ngunit pilit kong sinusubukan. I'm trying to move on.
"You look better," ulit ni Mommy, na para bang naghahanap ng kumpirmasyon mula sa akin.
Ngumiti lang ako ulit at hindi na nagsalita. Hindi ko na idinagdag na si Quinn ang tumutulong sa akin nitong mga nakaraang araw. Whenever I was with him, kahit paano, I felt lighter. But that wasn't something I could share with my mother.
Sa gilid ng mata ko, muling nasilayan si Alaine. Her laughter rang out as she talked to a group of admirers. Napapikit ako, pilit na nilulunod ang muling sumisiklab na galit.
How could she laugh so easily?
Hindi ko alam kung hanggang kailan ko kayang tiisin ang presensiya niya—ngunit isang bagay ang sigurado. Hindi na kami magiging magkaibigan, at hindi ko mapapatawad ang ginawa nila ni Javi.
I spent some time with Mommy and Reo, trying to focus on the comfort of their presence. Ngunit kahit sandaling saya ang dala ng pag-uusap namin, hindi maitatangging may bumabagabag sa akin. Parang tahimik na banta ang paligid—at totoo nga, hindi ko inaasahan ang kasunod na mangyayari.
Pagpasok ko sa ladies' washroom ng venue, bumungad sa akin si Alaine. Parang sinadya ng tadhana na magkita kami rito, sa lugar kung saan walang ibang makakasaksi sa sagupaan namin.
Nagtagpo ang mga mata namin. Napahinto siya nang makita ako, tila nagulat. Pero ako, hindi ko siya binigyan ng pagkakataong makabawi.
"Reese—"
Hindi ko siya pinansin. Dumiretso ako sa sink, nagbukas ng gripo, at hinugasan ang mga kamay ko. "Don't act as if we still know each other. I don't know you anymore," sabi ko, hindi man lang siya nilingon.
Sa totoo lang, kahit na minsan naging magkaibigan kami, pakiramdam ko ngayon, ibang tao na siya. Hindi na siya ang babaeng kilala ko noon.
Hindi siya sumagot kaagad, ngunit narinig ko ang mahina niyang pagtawa. Napatingin ako sa salamin, at doon nakita ang nakakalokong ngiti sa kaniyang labi.
"So, you actually believe the rumors? Hindi pa ba kayo nag-uusap ng asawa mo?" tanong niya, ang tono niya may halong pang-iinsulto.
Napatingin ako nang diretso sa kaniya. Ano ang ibig sabihin niya? Noong huling beses kaming nag-usap, halos diretsahang inamin niya ang relasyon nila ni Javi. Pero ngayon, tinatawag niya itong tsismis?
"Kaya ka ba galit na sa akin ngayon? Well, I don't really care. I only care about your husband," dagdag niya, walang pakundangan.
Kumuyom ang mga kamao ko habang pinipigilan ang sarili kong gumawa ng eksena. Nararamdaman ko ang pagngingitngit ng buong pagkatao ko. Gusto ko siyang saktan, pero alam kong hindi ko siya dapat patulan.
Ngunit sa totoo lang, alam kong wala na talagang natitira sa Alaine na nakilala ko. She's not my friend anymore—just a stranger cloaked in betrayal.
Ngumiti ako, pero malamig at puno ng sarkasmo. "Oh, you do... care about my husband," sagot ko, sadyang pinapakita ang galit na sinusubukan kong itago.
Napatigil siya, at nawala ang ngiti sa kaniyang labi. Alam kong matalas ang dila niya, pero sa puntong ito, natutunan ko na kung paano siya labanan. Madaling maapektuhan si Alaine, at iyon ang gagamitin ko laban sa kaniya.
"Of course, you sure do care about my husband," ulit ko, sinasadya ang bawat salitang bumubuo sa pangungusap. "And care less about yourself, right? Kasi wala ka ngang pakialam kahit pa lumabas ka bilang kabit."
Nanlaki ang mga mata niya, halatang tinamaan ng sinabi ko.
"And what's worse," dagdag ko pa, "you seem proud about it. Proud to be linked to a married man. Proud to be called a mistress." Tumikhim ako at binigyan siya ng isang matamis ngunit sarkastikong ngiti.
Ang dating composure niya ay naglaho. Kumunot ang noo niya, at kita ang galit sa ekspresyon niya. She looked nothing like the sweet and demure persona she portrays on television. This was the real Alaine—entitled, selfish, and cruel.
"Ha! Kaya ka namatayan ng anak, eh!" bigla niyang sabi, ang boses niya puno ng galit at pangungutya. "Because you don't deserve both the baby and Javi."
Tumigil ang mundo ko sa mga salitang iyon. Parang kidlat na tumama sa akin ang bawat salita niya. How dare she?!
Bago ko pa napigilan ang sarili ko, lumipad ang kamay ko at sinampal ko siya ng buong lakas. Ang tunog ng sampal ay umalingawngaw sa restroom, at nakita ko siyang napahawak sa kaniyang pisngi, halatang nasaktan. Nanlaki ang mga mata niya, tila hindi makapaniwala sa ginawa ko.
Hindi ko siya tinigilan. Lumapit ako sa kaniya, ang boses ko mababa pero puno ng determinasyon. "Never, ever bring my child into this," sabi ko, ang mga salita ko parang kutsilyo na tumatama sa kaniya. "And you listen to me—Javi is my husband, and he will remain that way. Ikaw? You will always be nothing but his mistress. A scandalous mistress."
"Punyeta ka!" sigaw niya, sabay hatak sa akin.
At doon, sa loob ng ladies' room, nauwi kami sa pisikalan. Walang arte, walang pasakalyeng drama—isang sagupaan ng dalawang babaeng nilamon ng galit at pagkakanulo. Alam kong hindi tama, pero sa mga sandaling iyon, hindi ko na inintindi.
Ang tanging mahalaga ay mailabas ko ang sakit, galit, at hinanakit na matagal kong kinikimkim. If she wanted to destroy my life, I would make sure hers wouldn't be untouched.
Read more updates on Patreon or VIP! For only $3 or ₱150 a month, you can access all the updates for this story and my other exclusive stories on Patreon and VIP. To join, kindly message me on Facebook at Rej Martinez. Other membership promo sales are also available. Thank you, and happy reading!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro