CHAPTER 9
Ramdam ni Lia ang mainit na paghinga ni Denmark nang mas lumapit ito sa kanya. Hindi niya maintindihan kung bakit tila nagwawala ang tibok ng puso niya, lalo na nang mahuli niya ang nang-aakit nitong titig.
'Ano bang ginagawa ng lalaking 'to?'
Hindi siya dapat naaapektuhan. Alam niyang lasing ito. Alam niyang may ibang gusto si Denmark. Pero bakit parang siya ang tinutukso nito ngayon?
"Akala mo ba hindi ko napapansin ang galawan mo?" malamlam ngunit mapanuksong tanong ni Denmark. "Madalas ka palang pumupunta rito? Gusto mo lang ba akong makita?"
Muntik nang mahulog ang panga ni Lia sa sinabi nito.
"P-Paano mo nalaman?" natataranta niyang tanong, pilit na itinatago ang kaba sa boses. Parang siya na mismo ang nagbukó sa kanyang sarili dahil hindi man lang niya nagawang itanggi ang akusasyon nito.
Umismid si Denmark, tila nag-eenjoy sa pagkalito niya. "Let's just say that I have my own eyes... parang may CCTV pagdating sa'yo."
Naningkit ang mga mata ni Lia. "CCTV ka diyan. Wala kang ebidensya."
Denmark chuckled. "You like me, right?"
Doon na siya napikon. Masyadong mataas ang kumpiyansa ang lalaking ito!
"Asa ka!" mariin niyang tutol, sabay iwas ng tingin. "Hindi! At mali ka dahil may iba kang gusto!"
Sa halip na mapikon, mas lumawak ang ngiti ni Denmark. "At paano kung wala pala? Pwede mo na akong magustuhan?"
Napasinghap si Lia nang biglang humakbang si Denmark palapit. Mas lalo siyang kinabahan nang maramdaman ang init ng katawan nito.
"Denmark..." babala niya.
Ngunit imbis na makinig, napakabilis nitong inilinis ang mesa gamit ang isang galaw ng kamay. Lahat ng mga papel at gamit ay nagkalat sa sahig.
"Anong—"
Bago pa siya makapag-react, magaan ngunit may pwersa siyang iniangat ni Denmark at pinaupo sa ibabaw ng mesa. Muntik siyang mapasigaw sa gulat.
"Denmark, ano ba!" Pilit niyang tinulak ang matipunong dibdib nito, pero parang pader na hindi natinag ang lalaki.
His teasing was different this time. More intense. More seductive. Pinagmasdan siya ni Denmark na para bang siya lang ang babaeng nag-e-exist sa mundong ito.
"Ba't ka kinakabahan, Lia?" bulong nito habang nakatutok ang mapanuksong tingin sa kanya.
Lalong bumilis ang pintig ng puso niya. Hindi niya na maalala ang dahilan kung bakit siya nandito. Kung bakit niya ito dapat iwasan. Ang alam lang niya, ang distansya sa pagitan nila ay unti-unting nawawala. At ang natitira na lang ay ang panganib ng tukso na pareho nilang hindi sigurado kung kaya nilang labanan.
Nag-aapoy ang tingin ni Lia kay Denmark habang pilit na iniiwasan ang matinding tensyon sa pagitan nila. Ramdam niya ang mainit na palad nito na nakapatong sa gilid ng mesa, bahagyang naiipit siya sa pagitan ng katawan nito at ng matigas na kahoy.
Nagbabala siya na parang hindi alintana ang kaba sa dibdib. "Isang maling hakbang mo lang, Denmark, at ikaw ang unang makakasuhan ng org namin ng sexual abuse."
Sa halip na umatras, mas lalong lumalim ang tingin ng lalaki, at isang mapait na ngiti ang gumuhit sa labi nito.
"Then do it." Tumigil ito ng ilang segundo, saka marahang nagpatuloy, "I can get away with my crimes, just like what your father did."
Halos lumubog ang mundo ni Lia sa narinig. "A-ano?"
Hindi niya akalaing mababanggit ni Denmark ang tungkol sa kanyang ama, ang lalaking haligi ng tahanan nila noon, ang tanging inaasahan niya sa buhay niya na biglang nawala maliban sa iniwang sugat nito na pilit niyang binubura.
Mas lalo siyang nagimbal nang ipagpatuloy nito, tila sinusulit ang sakit na dulot ng kanyang rebelasyon.
"Nalaman ko kay Teyce," anito, tinutukoy si Tita Sonya. "And it's not a secret. Lahat ng tao rito, alam kung gaano naging miserable ang buhay mo."
Tila sinuntok ang dibdib ni Lia.
"So if I were you," Bumaba ang tono ng boses ni Denmark, mas nagiging mabagal ngunit mapanukso, "seize this kind of opportunity—na may tulad ko na nabibighani at nagkakainteres sa'yo."
Tila isang nagbabagang apoy ang sumiklab sa loob ni Lia. Mariin at walang alinlangan niyang sinampal si Denmark.
"Wala akong balak magpagamit sa'yo, Denmark!" matalim niyang tugon, nagliliyab ang kanyang mga mata. "At lalong hindi ako katulad ng babaeng iniisip mo! Hindi ako oportunista!"
Akala niya'y tapos na ang lahat. Akala niya'y iiwan na siya ni Denmark matapos ang matalim niyang mga salita.
Pero nagkamali siya.
Sa halip na umurong, bigla na lang siya nitong hinawakan sa batok, hinigit palapit—at bago pa siya makapalag, naramdaman niya ang malupit ngunit marubdob na halik ni Denmark sa kanyang labi. Madiin. Mapusok. Parang lason na dumaloy sa kanyang sistema.
Napapikit si Lia, hindi dahil sa nagugustuhan niya ito, kundi dahil sa sobrang gulat at halo-halong emosyon na bumalot sa kanya. Hinawakan niya ang dibdib ni Denmark, pilit siyang lumalaban, pero mas lalong humigpit ang yakap nito.
Naramdaman niya ang panggigigil nito, ang tila galit at kabiguan na ibinubuhos sa halik na iyon. At mas lalong nakagugulat, ang sariling katawan niya na tila nadadala sa init ng sitwasyon.
'Hindi, Lia! Hindi ka dapat magpatalo rito!' sigaw ng kanyang isip.
Ngunit paano niya pipigilan ang isang bagay na matagal nang unti-unting lumalamon sa kanya?
Napangisi si Denmark habang pinagmamasdan ang pamumula ng pisngi ni Lia, hindi dahil sa hiya, kundi sa matinding galit. Napansin niyang napaluha ito, at kasunod niyon, walang tigil ang pagkatok sa pinto habang pilit na hinihila ang doorknob, umaasang may makarinig.
Pero tila naglahong parang bula ang mga kasambahay sa mansyon. Wala. Wala ni isa mang sumagot.
Lumapit si Denmark sa kanya at huminga nang malalim.
"Kung sakaling makaalis ka rito," bulong nito, "isumbong mo na ako kay Teyce. I won't go away from what I did."
Napalingon si Lia sa kanya, halatang naguguluhan sa tila pagsuko nito.
"Ganito ka ba talaga?" nanghihinang tanong niya. "Akala ko may natitira pang konsensya sa'yo, Denmark."
Hindi umimik ang binata, ngunit nakita niya ang bahagyang pagdilim ng ekspresyon nito. Para bang may pilit itong itinatago—isang bagay na hindi pa niya kayang aminin.
Bumalik si Lia sa pinto, mariin pa ring kinakatok ito. Ngunit sa gitna ng lahat ng kaguluhan sa kanyang isip, isang bagay ang bumabagabag sa kanya.
Habang hinahalikan siya ni Denmark kanina, may kakaiba siyang naramdaman.
'Hindi siya si Denmark at lalong hindi siya si Adrian...'
Pero bakit? Bakit habang magkalapit sila, mas lalo niyang nararamdaman ang koneksyon nila? Bakit sa kabila ng galit, may isang parte sa kanya ang gustong bumalik sa bisig nito? Tila traydor ang kanyang puso. At tila isang delubyong paparating, alam niyang hindi pa ito ang katapusan.
Hindi umimik si Lia. Nagawa niyang pigilan ang luha niya, pero ramdam niya ang bigat sa kanyang dibdib. Napaupo siya sa isang sulok, yakap ang sarili, halatang frustrado.
Sa kabilang dulo ng silid, naupo si Denmark sa kanyang swivel chair. Parang biglang nawala ang kalasingan niya. Kinuha niya ang isang kaha ng sigarilyo mula sa drawer, sinindihan ang isa, at marahang naghithit-buga.
Sa ibang pagkakataon, sigurado siyang magrereklamo si Lia. Noon pa man, noong mga bata pa sila, hate na hate nito ang amoy ng sigarilyo. Kapag may naninigarilyo sa paligid, agad itong lalayo o kaya'y tatakpan ang ilong. Pero ngayon, wala siyang narinig ni isang reklamo. Wala man lang reaksyon. Tila hindi niya namamalayan ang matapang na amoy ng usok sa paligid. Para bang wala siya sa sarili. Denmark studied her carefully. Tahimik lang itong nakayuko, nakatitig sa sahig, parang may malalim na iniisip. Alam niyang ginugulo ito ng huling sinabi niya.
Tama ang hinala niya. Hindi lang galit ang nararamdaman ni Lia—may halong pagtataka, pagkalito, at isang uri ng sakit na hindi nito inaasahang mararamdaman.
"Sa dami ng sinabi ko, doon ka ba talaga nag-focus? Tungkol sa tatay mo na hindi na magpapakita?" sarkastikong tanong ni Denmark habang patuloy sa paghithit ng sigarilyo.
Hindi pa rin siya sinagot ni Lia. Napangisi na lang siya. "So, gusto mong malaman kung anong alam ko tungkol sa tatay mo?"
Doon lang bahagyang gumalaw si Lia. Itinaas nito ang paningin, hindi para tumingin sa kanya kundi para dumiretso sa pinto.
"Kung may gusto kang sabihin, sabihin mo na lang agad," malamig na tugon ni Lia.
Tumayo si Denmark at lumapit sa kanya.
"Kung talagang gusto mong malaman ang totoo, kailangan mo akong tanungin nang direkta," bulong niya, tila tinutukso ito.
"Pero bago ang lahat, sagutin mo muna ako. Bakit ka talaga palaging pumupunta rito? Dahil ba gusto mong malaman kung sino ako... o dahil gusto mong malaman ko kung sino ka?"
Nakaramdam ng matinding pagkabigo si Lia. Dahil sa tanong na iyon, mas lalo siyang nalito. Dahil alam niyang maaaring may punto si Denmark. At kung tama ang hinala niya... baka ang lalaking ito ang tanging may hawak ng sagot na matagal na niyang hinahanap.
Tahimik pa rin si Lia. Hindi na niya nagawang umimik, hindi na rin siya tumingin kay Denmark. Alam niyang ngayong gabi, tinatanggap na niya ang pagkatalo. Mali ang dumalaw rito. Mali ang maghanap ng kasagutan sa isang pamilyang malihim. At higit sa lahat, mali ang maramdaman niya para kay Denmark, lalo na ngayong malinaw na may kung anong agenda ito laban sa kanya.
Napatitig si Denmark sa dalaga. Nakaramdam siya ng bahagyang konsensiya, isang damdaming hindi niya madalas maramdaman. Hindi niya alam kung dahil ba iyon sa halik na pinilit niyang ipatikim kay Lia o dahil sa paraan ng pagsuko nito ngayon—tahimik, hindi lumalaban, ngunit halatang may bumabagabag na kung ano. Hindi siya sanay na makita si Lia na ganito.
Palihim niyang kinuha ang telepono at tinext si Sonya: "Teyce, I impulsively kissed Lia. I know you would object to this. If Lia complains, I will just surrender myself to the authorities. Open the door for us."
Pagkatapos niyang i-send ang mensahe, itinapon niya ang sigarilyo sa ashtray at pinatay ito. Hindi naman talaga siya habitual smoker—ginamit lang niya iyon bilang harang o isang facade para inisin si Lia. Pero sa halip na mainis ito, wala man lang itong naging reaksyon.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro