Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 7

Paglabas ng mansyon, naghiwalay sila ng landas ni Lyn.

"Mauna na ako, Lyn. I need to go. May ibang raket pa ako," sabi ng Lia.

"Raket?" nagtatakang tanong ni Lyn.

Tumawa si Lia "May kailangan akong tulungang flower shop business. Minsan tumutulong ako sa paggawa ng bouquet."

Napangiti si Lyn. "Gusto ko rin 'yan minsan. Mukhang masaya."

"Sabihan kita pag kailangan nila ng extra."

Nagpaalaman na sila, at naiwan si Lia na naglalakad mag-isa sa sidewalk. Malamig ang hangin, at ramdam niya ang katahimikan ng gabi. Ngunit ilang saglit pa lang siyang nakakalayo nang bumusina ang isang hindi pamilyar na kotse sa tabi niya.

Napairap siya. "Sino na naman 'to?"

Bumaba ang car window, at doon niya nakita ang lalaking pinaka-ayaw niyang makita ngayon. Si Denmark.

"Bwisit," mahina niyang usal sa sarili.

Nakangising nakasandal si Denmark sa manibela, tila ba aliw na aliw sa reaksyon niya.

"Tara, ihahatid na kita," aniya, walang babala sa kanyang tono.

Napahinto si Lia. Gusto niyang tumanggi. Gusto niyang umiwas. Pero gaya ng dati, tila hinahatak siya palapit sa panganib na dala ng lalaking ito.

Hindi sumagot si Lia. Nagpatuloy lang siya sa paglalakad, pilit na hindi pinapansin si Denmark. Pero halatang hindi ito sanay na binabalewala siya.

Makalipas lang ang ilang segundo, bumukas ang pinto ng kotse at mabilis na bumaba si Denmark, agad siyang hinarangan sa daan.

"Lia, sandali lang."

"Ano na naman?" Naiinis na siya, pero hindi niya rin maitanggi ang bahagyang kaba sa dibdib.

Diretso siyang tinitigan ni Denmark, seryoso ang ekspresyon. "Sorry for being mean earlier."

Napakunot ang noo ni Lia. Hindi niya inaasahan ang paghingi nito ng tawad.

"When I heard you mistaken me for someone... na parang importante sa'yo, nakaramdam ako ng selos."

Halos hindi siya makahinga. "Selos?"

Natawa siya sa loob-loob niya. Ano namang karapatan ng lalaking ito para magselos? Bakit parang ang kapal naman ng mukha nitong sabihin 'yon?

Pinagmasdan niya si Denmark, sinusubukang basahin kung nagbibiro lang ito o seryoso. Pero mukhang walang bahid ng pang-aasar sa mga mata nito. Alam niya namang may iba itong gusto.

"Denmark, ano bang trip mo?" inis na tanong niya. "Alam ko namang may nililigawan kang iba. So, ano 'tong selos na sinasabi mo?"

Bahagyang lumamlam ang mata ni Denmark, pero agad din itong bumalik sa dati—may halong pagmamataas, pero may kung anong hindi niya maipaliwanag.

"Sinabi ko bang may nililigawan ako?" ganting tanong nito.

Napasinghap si Lia. "No... pero obvious naman. May binibigyan ka ng bulaklak, hindi ba? At naalala ko na sinabi mo 'yon kay Tiya Lourdes noong pumitas ka ng mga bulaklak sa garden."

Saglit na natahimik si Denmark. Ngunit imbis na sumagot nang diretso, bahagya siyang lumapit kay Lia. "At kung sakali, anong mararamdaman mo kung ikaw pala ang gusto kong ligawan?"

Parang natigil ang mundo ni Lia. Hindi niya alam kung anong dapat maramdaman. Takot? Tuwa? Pero ang mas natityak niya, gulo lang ang hatid nito. Ang mas kinaiinisan niya—hindi niya agad masagot si Denmark.

Umiling si Lia. Ayaw niyang mahulog sa bitag ng mga salitang hindi niya sigurado kung may katotohanan. Ayaw niyang magpaka-engot sa isang lalaking hindi niya lubos na kilala. Sinubukan niyang lumakad palayo, pero mabilis siyang hinila ni Denmark.

Nag-init ang balat niya sa pagdampi ng kamay nito sa braso niya. Hindi niya alam kung dahil ba sa init ng katawan ng lalaki o dahil sa kakaibang pakiramdam na dulot nito. Pero isang bagay ang sigurado siya—nanghina siya.

Bago pa siya makapalag, marahan siyang isinakay ni Denmark sa kotse. Hindi naman ito marahas, pero sapat ang pagkakapigil nito para hindi siya makatanggi.

"Dadalhin kita sa raket na sinasabi mo sa kaibigan mo," anitong walang bahid ng pag-aalinlangan.

Napakunot ang noo ni Lia. "Paano mo nalaman?"

Ngumiti lang si Denmark, bahagyang napailing. "I just heard. Malakas ang pandinig ko."

Naningkit ang mga mata ni Lia, hindi siya kumbinsido sa sagot nito. Pero bago pa siya makapagsalita ulit, nagsalita na si Denmark, at ang sumunod nitong sinabi ay halos magpabagal sa tibok ng puso niya.

"At nang makita kitang helpless dahil sa sakit mo, nagkaroon ako ng sense of urgency at feeling ko... responsibilidad na kita."

Napalunok si Lia. "Responsibilidad?"

Ano'ng ibig sabihin ni Denmark? Bakit parang... parang pinaparamdam nitong may halaga siya rito? At mas lalong hindi niya maintindihan ang sarili—bakit hindi niya magawang bumaba ng kotse?

Naging tahimik na si Lia matapos ibigay ang address ng flower shop. Hindi na siya nagsalita pa habang nagmamaneho si Denmark, at hindi rin naman ito nangulit. Ngunit ramdam niya ang panaka-nakang sulyap ng binata sa kanya, na lalo lang nagpagulo sa kanyang isipan.

Pagkarating sa flower shop, agad niyang tinanggal ang seatbelt at lumabas ng kotse, pero bago pa siya makalayo, bumaba rin si Denmark at sumabay sa kanya.

"Dito na ako magpapaalam," anito, pero hindi agad umalis. Sa halip, bahagyang yumuko ito at bumulong, "You still have my business card. Alam kong hindi mo kayang itapon 'yon. Tawagan mo ako. Update me, I won't complain. Basta gusto kong malaman na secured kang makakauwi."

Napangiwi si Lia at marahang tinulak ang binata palayo. "Ang creepy mo."

Ngumiti lang si Denmark, pero may kakaibang kislap sa mga mata nito. "I'm just trying to get to know you. Magiging creep lang ako kapag lumagpas na ako sa ginagawa kong ito."

Hindi alam ni Lia kung ano ang mas nakakainis—ang pagiging self-assured ng lalaki o ang simpleng katotohanang hindi niya magawang deadmahin ito.

Bago pa niya maisip ang isasagot, tiningnan siya ni Denmark nang makahulugan, saka walang sabi-sabing bumalik sa kanyang magarang kotse.

Napabuntong-hininga si Lia habang sinusundan ito ng tingin.

***

Kinabukasan, tahimik na tinanaw ni Denmark ang hardin mula sa madilim na bahagi ng bakod. Hindi niya maintindihan kung bakit siya nandito, kung bakit siya nag-abalang puntahan si Lia para humingi ng dispensa.

"Bakit ko ba ginagawa 'to?"

Dapat lang na masaktan si Lia. Dapat lang na matakot siya sa kanya. Pero this time... he went too far. At ayaw niyang aminin, pero may kung anong bigat sa dibdib niya nang makita niya ang reaksyon ni Lia kahapon—parang may bumalik na takot sa mga mata nito. At sa hindi maipaliwanag na dahilan, naalala niya ang nakaraan.

Napailing siya. Hindi siya nandito para magpakalunod sa emosyon. Dapat, hihingi lang siya ng tawad—hindi dahil sa pagsisisi, kundi para mapalapit kay Lia.

Pero bago pa siya makalapit, biglang napahinto si Denmark nang may marinig siyang boses—hindi kay Lia, kundi sa lalaking kaharap nito.

"Lia, sigurado ka bang okay ka na? Alam mo namang nag-aalala ako sa'yo."

Denmark's eyes narrowed. Sa sulok ng hardin, nakita niya si Lia at isang lalaking may katamtamang tangkad, mukhang kagalang-galang pero halatang may intensyon.

"Julian?"

Naramdaman ni Denmark ang hindi maipaliwanag na kirot sa loob niya nang marinig niyang banggitin ni Lia ang pangalan nito. Hindi dapat, pero bakit parang ayaw niyang may ibang lalaking lumalapit kay Lia?

"Huwag mo na akong alalahanin, Julian. Over fatigue lang 'yon. Hindi naman ako mamamatay." May bahagyang tawa sa tono ni Lia, pero halatang hindi siya ganoon ka-interesado sa kausap.

Julian, however, wasn't giving up. "Kahit na. Hindi mo na kasi inaalagaan ang sarili mo. Baka kailangan mo ng kasama palagi para hindi ka na napapagod nang sobra."

"Julian..." Napabuntong-hininga si Lia.

At doon pa lang, alam na ni Denmark—Julian has been courting her. He clenched his fists. Alam niyang wala siyang karapatang makialam. Wala siyang karapatang magselos. Pero bakit parang gusto niyang sumulpot at patigilin ang pag-uusap nilang dalawa?

Damn it.

Muling nag-focus si Denmark sa pag-eavesdrop.

"Seryoso ako, Lia. Hindi kita pipilitin, pero gusto ko sanang malaman mo na gusto kitang alagaan. Kung papayagan mo lang ako."

Denmark felt something ignite inside him. A deep, burning irritation. Ang Julian na 'to, hindi ba niya nakikitang hindi interesado si Lia? Bago pa niya mapigilan ang sarili, isang malamig na ngiti ang dumapo sa kanyang labi at nagpakita na sa dalawa.

"Mukhang istorbo ako." Mabagal ang hakbang niya, pero punong-puno ng kumpiyansa.

Nagulat si Lia, pero mas lalo pang nagulat si Julian.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro