CHAPTER 4
Pagkauwi ni Denmark sa mansyon, sinalubong siya ng tiyahin niyang si Sonya. Isang masungit ngunit mapagmahal na ginang na matagal nang nanatili sa tabi niya. Sa kabila ng kanyang galit at hinanakit, si Sonya lang ang isa sa mga tao na tunay niyang pinagkakatiwalaan.
"Anong nangyari sa lakad mo, anak?" tanong nito habang inaayos ang mesa.
Dahan-dahang ibinaba ni Denmark ang bouquet ng bulaklak at siya na mismo ang naglagay nito sa isang vase.
"May dala akong mga bulaklak para sa inyo," tipid niyang sagot.
Tinitigan siya ng tiyahin, halatang nag-iisip. "So by those flowers, I can tell that you went to your old house."
Napabuntong-hininga si Denmark. "Yes po."
Bahagyang napangiti si Tita Sonya at tumango-tango. "Have you seen her?"
Nagtaas ng kilay si Denmark. "Who?"
"That girl named Lia, your friend."
Tumigas ang ekspresyon ni Denmark at agad niyang niluwagan ang suot na kurbata, saka bumagsak sa sofa. "Wala akong kaibigan."
Matamis na ngiti lang ang itinugon ni Tita Sonya. "Kung wala kang kaibigan, bakit ka bumalik doon? At bakit mo inaalam kung kumusta siya?"
Hindi na sumagot si Denmark. Ayaw niyang aminin, kahit sa sarili niya, na may bahagi pa rin ng nakaraan niya ang hindi niya gustong mawala.
***
Kinabukasan, hindi mapakali si Denmark. Kahit anong gawin niya, bumabalik sa isip niya ang huling tagpo nila ni Lia. Ang pagkalito sa mukha nito, ang paraan ng pagtitig nito sa kanya, at ang tila hindi mawaring lungkot sa mga mata nito.
Parang alam niya... Parang naaalala pa rin niya ako.
Sa kabila ng matibay niyang paniniwalang kailangan niyang maghiganti, hindi niya mapigilan ang sariling bumalik sa hardin. Pero sa pagbalik niya roon, hindi niya inaasahan ang kanyang madadatnan. Balak niyang magpapansin kay Lia.
Sa isang gilid ng hardin, nakita niyang nakaupo si Lia, yakap ang sarili. May bahid ng panghihina sa kanyang mukha, at tila nahihirapan siyang huminga. Agad lumapit si Denmark, hindi alintana ang alinlangan sa kanyang puso.
"Lia!" Mabilis niyang tinawag ang pangalan nito, pero hindi ito sumagot.
Napansin niyang nanginginig ito, at kahit gustuhin niyang huwag makialam, hindi niya kayang balewalain ang sitwasyon.
"Lia, anong nangyayari sa'yo?" Doon niya napansin ang mga butil ng pawis sa noo nito.
"Masakit..." mahina nitong sabi.
Hindi na nagdalawang-isip si Denmark. Binuhat niya si Lia sa kanyang mga bisig at mabilis na dinala sa sasakyan. Wala na siyang pakialam kung sino ang makakita sa kanya. Ang mahalaga, madala niya ito sa ospital bago mahuli ang lahat.
Sa ospital, hindi mapakali si Denmark habang naghihintay sa labas ng emergency room. Wala siyang ibang nagawa kundi isipin ang nangyari. Sa kabila ng lahat ng sakit at galit na itinanim niya sa kanyang puso, hindi niya matanggap ang ideya na maaaring mawala si Lia kung hindi niya ito nakita sa gano'ng kalagayan.
At sa sandaling iyon, isang nakakagulat na katotohanan ang unti-unting lumilinaw sa kanya—hindi kailanman nawala ang pagmamahal niya kay Lia.
'Hindi puwede. Hindi ako bumalik para magmahal. Bumalik ako para gumanti. At dapat kasama si Lia sa plano kong paghigantihan.'
Nakaupo si Denmark sa labas ng emergency room, pinagmamasdan ang mga nagdaraang nurse at doktor. Nasa loob pa rin si Lia, at kahit hindi niya gusto ang ideya na nag-aalala siya, hindi niya maiwasang maramdaman iyon.
Ilang minuto pa, lumabas ang doktor. Agad siyang tumayo.
"Kumusta po siya, Doc?" tanong niya, tila nagmamadali.
"Wala naman siyang malubhang sakit, pero kailangan niyang magpahinga. Over fatigue at stress ang dahilan ng kanyang pagkakasakit. Napagod siguro sa trabaho o sa personal niyang sitwasyon," paliwanag ng doktor.
Napamulagat si Denmark. "Overfatigue at stress?"
Mabilis niyang inisip ang sitwasyon ni Lia. Wala itong matinong trabaho, hindi rin ito nakapagpatuloy sa kolehiyo, at sa kabila ng lahat, nagtratrabaho pa ito bilang kasambahay sa pamilya Rivas. Doon lumakas ang hinala niya. Pinahihirapan siya ng mga Rivas, lalo na ang matriarch ng pamilya, si Selma Rivas.
Muli niyang sinilip si Lia mula sa salamin ng pinto. Tahimik itong nakahiga, mukhang mahina pa rin, pero sa tingin niya, hindi na ito kagaya kanina na hirap sa paghinga.
Biglang may pumasok na ideya sa isip niya—isa na namang maingat na plano. He will subtly befriend Lia. He will pretend to be her knight in shining armor.
Dahil kung gusto niyang tuluyang sirain ang pamilya Rivas, kailangan niyang makuha ang loob ni Lia. At ang pinakamadaling paraan? Gamitin ang natural na kabutihang loob nito.
***
Habang tulog si Lia sa hospital bed, nakatutok ang mga mata ni Denmark sa kanya. Hindi na niya inisip ang paghihiganti. Ang alam niya, hindi deserve ni Lia na magpakapagod.
Isang bahagi ng utak niya ang nagsasabi, magandang magpaka-knight in shining armor sa ganitong sitwasyon. Kung hindi niya gagawin ito, baka mawalan na siya ng pagkakataon na tulungan si Lia. Baka mawala pa siya sa buhay nito at mawalan ng lahat ng pundasyon na magsisilbing panghuling hakbang sa kanyang plano.
Naging mabigat ang paghinga ni Denmark habang pinagmamasdan ang mahinang katawan ni Lia. 'Hindi siya puwedeng mawala sa pagkakataong ito.'
Pero hindi rin niya maiwasang magtanong sa sarili niya. 'Kung makuha ko ang loob ni Lia, anong mangyayari sa huli?'
Pagmulat ng mga mata ni Lia, unang naramdaman niya ang matinding pagod sa buong katawan. Sunod niyang napansin ang malamig na pakiramdam ng ospital, ang amoy ng gamot, at ang mahina niyang paghinga.
"Gising ka na pala."
Mabilis siyang napatingin sa gilid at bumungad sa kanya ang malamig na ekspresyon ni Denmark. Nakaupo ito sa gilid ng kama, nakapamulsa, at nakatingin sa kanya nang walang emosyon.
"A-anong ginagawa mo rito?" naguguluhang tanong ni Lia.
"Ikaw kaya ang hinimatay sa harapan ko? Ano, pababayaan na lang kita?" Parang iritable ngunit may simpatya ang boses nito.
Para namang bumilis ang tibok ng puso ni Lia sa narinig. Hindi niya inasahan na ang isang tulad ni Denmark, kahit malamig ang kilos, ay may malasakit pala.
"S-salamat ha," mahina niyang sabi, sabay tingin sa kama.
Tumikhim si Denmark at tumayo. "Siguraduhin mong magpapahinga ka. Hindi mo kailangang magpakahirap sa trabaho."
"Wala akong choice," mahinang sagot ni Lia. "Kailangan kong mabayaran ang utang ng pamilya ko."
Saglit siyang nilingon ni Denmark, tila may gustong sabihin, pero pinili nitong hindi na lang magsalita.
Maya-maya pa, dumating si Tiya Lourdes. Agad itong lumapit kay Lia at hinawakan ang kamay nito.
"Naku po, Lia! Ano bang nangyari sa'yo? Bakit hindi mo sinabi na masama na pala ang pakiramdam mo?"
Ngumiti si Lia. "Huwag kang mag-alala, Tiya. Pagod lang ako."
Napansin naman ni Lourdes si Denmark. "Naku, ikaw pala ang tumulong sa pamangkin ko? Maraming salamat, ha. Napakabuti mong tao."
Bahagyang ngumiti si Denmark, isang ngiting halos hindi makita. "Wala anuman po."
Habang pinagmamasdan ni Lia ang presensiya ni Denmark, bigla niyang naalala ang sinabi ng tiyahin niya dati—may nililigawan na raw ito.
Tama lang siguro na malamig ito sa kanya. May ibang babae na itong gusto. Pero bakit parang may kung anong kirot sa puso niya? Bakit parang hindi niya kayang tanggapin na may ibang mahal na ito? At bakit siya nagseselos?
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro