CHAPTER 25
Sa bawat pagtatagpo ng mga labi nila, may sinasadyang kalakip na malalim na koneksyon na si Denmark lamang ang nakakaramdam. Hindi lang siya nakikipaglaro; may mas matindi siyang nararamdaman. Gusto niyang patunayan kay Lia na hindi lang ito isang laro, at hindi rin siya nagmamagaling.
Sa isang iglap, nagbago ang lahat ng sensasyon ni Lia. Hindi niya inaasahan na isang simpleng halik ay magdadala sa kanya sa lugar ng kalituhan at saya. Sa kabila ng mga salitang walang kabuluhan, ang pagkakalapit nila ay parang ipinagkatiwala na niya sa mga kamay ng binata.
Ngunit para kay Denmark, wala siyang ibang hangarin kundi ipakita ang kabuuan ng nararamdaman niya.
Itutuloy pa sana nila ang mga halik na iyon nang marinig nila ang papalapit na yabag ni Tiya Lourdes. Biglang lumayo si Denmark, nagpakawala ng isang hininga, saka bumaling sa kanya na may pilyong ngiti.
“Parang pasarap nang pasarap ang halik mo habang tumatagal,” sabi ni Denmark, ang boses ay may halong biro at lambing.
Ngumisi si Lia, hindi nagpatalo. “Ikaw ang nagturo sa'kin.”
Napatango si Denmark, tila tuwang-tuwa sa sagot niya. Saka ito lumapit muli, bahagyang dumukwang sa tainga ni Lia bago marahang bumulong, “Next time, may iba pa akong ituturo.”
Hindi niya alam kung bakit, pero imbes na mainis, may kung anong kilabot ang dumaan sa katawan niya. Para bang isang uri ng hindi maipaliwanag na kilig ang dumaloy mula sa kanyang leeg pababa sa kanyang mga braso. Hindi siya makatingin kay Denmark, ngunit hindi niya kayang tanggihan ang nararamdamang kakaibang koneksyon, kahit pa ipinipilit niyang itulak ang lahat ng iyon palayo.
Dumating nga si Tiya Lourdes, may dala itong damit para sa kanilang dalawa.
Agad na tumakbo si Lia papasok sa maliit na kwarto ng hardin upang makapagpalit. Ayaw niyang makita pa ni Denmark kung gaano siya nadala sa moment at kung paano niya pilit na kinakalimutan ang ginawa nitong paghalik sa kanya. Pang-apat na beses na ito sa!
Pagkalabas niya, suot na niya ang isang oversized shirt at pajama. Wala na ang puting damit na ikinahiya niya kanina. Samantala, si Denmark naman ay nakapagpalit na rin ng itim na t-shirt, may pangalan pa ng politiko. Ayaw pa naman niya ng gano’n, pero bastos naman siya kung hindi niya susuotin.
Pinagmasdan siya ni Lia ng isang saglit, at napansin niyang may bahid ng pananabik sa mukha ni Denmark, kahit hindi nito direktang ipinakita.
“Bakit ba?” tanong ni Lia na parang walang pakialam, kahit na ang totoo’y naguguluhan siya sa lahat ng nangyayari.
Hindi sumagot si Denmark kaagad. Sa halip, ngumisi ito, na parang alam ang nararamdaman ni Lia ngunit hindi lang nito ipinapakita.
“Wala. Gusto ko lang makita kung anong itsura mo kapag iba na ang damit mo. Ang ganda mo pa rin.” Pabulong iyon, para masiguro na hindi maririnig ni Tiya Lourdes na walang kaalam-alam sa ganitong sitwasyon nila.
“Lia, iwan ko muna kayo rito ha? Kailangan kong ayusin ang mga order sa labas,” ani Tiya Lourdes. “Ayaw ko sanang pagkakitaan ang mga pananim natin, pero sayang ang kita.”
“Opo, Tiya. Ako na ang bahala dito,” matamlay niyang sagot.
Ngunit bago pa siya makapagsimula sa pag-aayos ng mga bulaklak, napansin niyang hindi umaalis si Denmark. Nakangiti lang ito, waring hinihintay na mapansin siya.
“Bakit ka pa nandito?” taas-kilay niyang tanong.
“Tutulong ako,” anito, saka walang paalam na kinuha ang isang pares ng gunting at nagsimulang pumili ng mga bulaklak.
Napasimangot siya. Ayaw niyang may kasama, lalo na si Denmark. Pero kahit anong pilit niyang ipakita ang inis niya, hindi ito natinag. Sa halip, patuloy lang itong nakikialam sa mga bulaklak na inaayos niya.
Kaya nagkunwari siyang sobrang focused para i-ignore ang presensiya nito. Hanggang sa natinik siya sa isang rosas.
“Aray!” Napatigil siya at napatingin sa daliri niyang may maliit na sugat. Tumulo ang butil ng dugo mula rito.
Bago pa siya makakilos, mabilis na lumapit si Denmark. Imbis na kunin ang panyo o kahit anong pamunas, hinawakan nito ang kanyang kamay at marahang isinubo ang daliri niya, sinipsip ang dugo na parang wala lang.
Nanlaki ang mga mata ni Lia. “D-Denmark!”
Nagtagal ito ng ilang segundo bago niya maramdamang binitiwan na ng lalaki ang daliri niya. Nang tingnan niya ito, nakangiti lang si Denmark, tila walang ginawang mali.
“Careless,” mahinang sabi nito at tinitigan siya sa mata. “You know what? You're like a rose, beautiful but deadly.”
May kung anong panginginig ang gumapang sa likod ni Lia. Alam niyang may biro sa tono nito, pero ang paraan ng pagsasalita ni Denmark—mabagal, malalim, at halos bumubulong ay talaga namang may ibang epekto sa kanya. It was subtly seducing her. Pinilit niyang alisin ang kamay mula sa pagkakahawak nito.
“Gusto mo yatang patayin kita?” aniya kasabay ng pagtatago ng kilig na reaksyon.
Ngumiti si Denmark. “Ikaw ba, gusto mo akong patayin, o gusto mong matukso pa kita nang husto?”
Napasinghap siya. Gusto niyang sagutin ito, gusto niyang itaboy si Denmark, pero alam niyang hindi lang ito basta laro para sa lalaki.
Muling nagpatuloy si Denmark sa pagsasalita. “Pero mas malapit ka pa rin sa bulaklak na dahlia, gaya ng pangalan mo, Lia. You're different. You're fragile outside but strong inside, and undeniably—you have a colorful nature.”
“Saan mo naman napupulot ang mga ganyan?” Itinago niya ang kilig sa poetic side nito. Ayaw niyang madala masyado sa ganitong laro nila. Baka mas maging overproud pa si Denmark at mas maging territorial.
Hindi na sumagot si Denmark. Ngumiti lang ito at nag-focus sa pag-arrange ng mga bulaklak.
***
Inabot ng maghapon ang pag-aayos nila ng mga bouquet. Kahit pa ayaw niyang aminin, naging maayos naman ang teamwork nila ni Denmark. Mahigit sampung bouquet ang kanilang natapos, at kahit pagod, may kung anong kasiyahan siyang naramdaman sa kaloob-looban niya.
“Order tayo ng pagkain,” biglang sabi ni Denmark matapos nilang iligpit ang mga natapos na bouquet.
Hindi na siya tumanggi dahil ramdam niya rin ang gutom. Ilang minuto lang ang lumipas at lumabas ito upang salubungin ang delivery rider. Sinundan ito ni Lia ng tingin mula sa loob ng hardin.
Doon niya napansin ang good side ni Denmark—kung paano ito magalang at magaan kausap sa delivery rider. Katulad din naman noong tinulungan niya ang driver sa outreach program nila nang masiraan ito. Wala talaga itong kayabang-yabang, walang kaartehan, at tila ba sanay na sanay sa ganitong pakikitungo sa iba. She knows, he wasn't faking it.
Saglit siyang natulala. Pero natunaw agad ang admiration niya nang bumalik ito, may bitbit na malaking kahon ng pizza at dalawang paper bags na naglalaman ng rice and chicken.
“Tara, kain na tayo,” anito, inilapag ang pagkain sa maliit na mesa sa loob ng garden shed.
Habang kumakain, napansin ni Denmark ang smudge ng sauce sa labi ni Lia. Alam niyang hindi ito mapapansin ng dalaga, kaya naman may kung anong kapilyuhan ang pumasok sa isip niya.
Lumapit siya rito, hinablot ang hawak nitong pizza. Bago pa ito makapagreklamo, hinagkan niya ang cupid's bow ng labi nito kung saan naroon ang sauce.
Namilog ang mata ni Lia.
“Ano ‘yon?!” inis niyang tanong habang hinahawi ang mukha nitong malapit sa kanya.
Ngumiti si Denmark na para bang walang bahid ng pagsisisi. “Bothered lang ako kapag may dumi ka sa labi. Para bang gusto ko, ako ang maglilinis dahil nagiging distracted ako.”
Napasinghap siya sa sagot nito. “Ano? Baliw ka ba?!”
Nagkibit-balikat si Denmark. “Your lips taste better than this meal.”
Hindi niya alam kung paano pipigilan ang pamumula ng kanyang pisngi. Inis na sinubukan niyang itulak ang lalaki, pero mabilis itong nakailag.
“Denmark, kapag hindi ka tumigil, babatuhin kita ng chicken leg!” banta niya.
Tumawa lang ito, at sa huling sandali, may ibinulong pa. “Ikaw lang naman ang nagpapasarap sa hapunan ko, Lia.”
Napatigil siya. Pilit niyang iniwas ang tingin, pero hindi niya maitatangging gumugulo na naman ang isip niya dahil kay Denmark.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro