Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 20

"Lia, anong nangyari bakit namumula ang mukha mo?" nag-aalaang tanong ni Lyn sa kaibigan. Napansin niya kasi na parang hindi normal ang itsura nito, bukod sa parang sinakluban ng langit at lupa.

Tipid na ngumiti si Lia. "Wala 'to, baka nasobrahan lang sa blush on."

"Blush on? Hindi ka naman gumagamit no'n ah," 'di kumbinsidong tugon ni Lyn.

"Sinubukan ko lang," sabi naman ni Lia at iniwasan na si Lyn kaya minabuti niyang mag-ayos ng files nila sa women's org.

Napasinghap naman si Lyn, iba talaga ang pakiwari niya. Alam niyang may dinaramdam ang kaibigan. May assumption na nga siya sa posibleng nangyari.

"Sinaktan ka na naman ni Madam Selma? Ang bruhang 'yon!" Halos maisigaw na ni Lyn at lingid sa kaalaman niyang narinig iyon ni Denmark na abala naman sa pagbabantay sa mga batang nasa org upang libangin pansamantala.

"Huwag ka ngang sumigaw, wala lang talaga 'to," kaila ni Lia. "Pasaway na naman ba 'yong batang si Chelsea?"

Napahilot sa sintido si Lia bago sumagot. "Pasang-awa ang grades. Hindi pwedeng gano'n dahil pinagmamalaki siya ng parents niya at perfect daughter siya sa mata nila. Besides, may profile na pinangangalagaan ang asawa ni Mrs. Selma dahil tatakbo sa eleksyon."

"Dapat kasi hindi na nila iasa sa'yo 'yan eh. Kasi ang napagkasunduan, magiging kasambahay ka lang paminsan-minsan," sabi pa ni Lyn.

"Kung hindi ko naman gagawin 'yon, hindi mababawasan ang utang ko," paglilinaw ni Lia.

"Bahala ka, basta huwag kang magpapaapi sa kanila huh?" bilin ni Lyn saka tinapik ang balikat ng kaibigan. Nagpalitan na lamang sila ng ngiti at hindi namalayan ang pagdating ni Julian sa org. Malapad ang pagkakangiti ng lalaki nang salubungin si Lia. May dala pa itong bulaklak at tsokolate.

"Para sa'yo Lia." Magiliw na inabot ni Julian ang isang bouquet ng mamahaling bulaklak kay Lia. Alanganing napangiti si Lia nang tanggapin ang bulaklak.

"Saang flower shop mo na naman 'to nabili? Mukhang mamahalin. Hindi ka na sana nag-abala, marami kaming bulaklak sa garden."

Lingid sa kaalaman ng dalawa na pinupukol na sila ng tingin ni Denmark sa kabila ng pagiging busy nito sa mga bata.

"Alam mo naman, espesyal ka sa'kin. Kaya gusto ko espesyal ang ibigay ko," nakangiting sagot ni Julian. Inilapag ni Lia ang bulaklak at tinawanan ang lalaki.

"Talaga ba? Pero sana hindi ka na nag-abala. I mean, hindi naman sa hindi ko na-appreciate, pero hindi ka dapat gumagastos pa para sa'kin."

"Walang kaso sa'kin. Mag-lunch ka na kaya," mungkahi ni Julian at napatingin sa relo na kanyang suot.

Napatango si Lia. "Okay, sabay na tayo."

Nagtungo ang dalawa sa dining area ng headquarters. Natatawa na lang si Lyn habang sinusundan sila ng tingin nito. Kay Denmark naman siya nag-usisa.


"Mr. Ozdemir, lunch time na," ani Lyn at napatango naman sa kanya ang binatang si Denmark.

"Mga bata, punta muna kayo sa ibang ate ninyo dahil kakain muna tayo," sabi ni Denmark sa mga bata habang gina-guide ang mga ito sa iba pang staff bago siya lumapit ulit kay Lyn.

"Doon na tayo kumain sa dining area," mungkahi niya kay Lyn para masundan sina Lia at Julian.

Since he first met that guy, may masama na siyang kutob dito. It should be none of his business but Lia must be protected. She's a friend for him after all.

"Huwag na pala, ma-invade pa natin ang privacy nung dalawa," nakangising tugon ni Lyn.

Napakunot-noo si Denmark. "And why? Kakain lang naman sila, wala naman silang gagawin doon na ibang bagay."

"Kasi, alam mo na, gusto ko lang na magka-lovelife na si Lia. Hayaan na natin sila. Kung magkataon, si Julian ang magiging first bf niya."

"Do you think na mapagkakatiwalaan ang lalaking 'yon?"

"Siguro. Ang alam ko gusto rin naman ni Lia si Julian, kaso parang nag-aalangan pa."

"If she liked that guy, bakit hindi pa niya sagutin 'di ba?"

"May first love kasi si Lia, yung kababata niya na Adrian ang pangalan."

Nagitla si Denmark sa pinagtapat ni Lydia. Kahit naman narinig na niya kay Lia na si Adrian ang una nitong pag-ibig, may yanig pa rin sa puso niya ang bagay na 'yon lalo nang ulitin pa ni Lyn.

He sighed. "Ang tatag naman niya para humawak sa isang tao na di niya alam kung buhay pa ba o hindi."

Natutop ni Lyn ang bibig. "Don't tell me, kinuwento ni Lia sa'yo ang lahat? Pati 'yong past niya?"

Umiling si Denmark. "Nope."

"Ah kaya pala. Pero bibigyan ko pa rin ng time si Lia, nasa kanya na 'yon kung sasagutin niya si Julian."

"Lyn, do you really know that guy who's courting your friend?" tanong pa ni Denmark.

"Ah— sa pangalan ko lang siya kilala at sabi ni Lia magkatrabaho lang sila dati," sagot naman ni Lyn.

***

Denmark tightened his grip on his phone. Nasa kanya na ang impormasyon. Alam na niya ang katotohanan tungkol kay Julian. Kung gusto niya, maaari niyang ipagsigawan iyon ngayon din, sirain ang imahe ng lalaki sa harap ni Lia, o sa harap ng lahat. Pero hindi niya muna gagawin. Madali niyang nahanap ang pagkakakilanlan nito. Pangalan at former workplace lang ang na-provide niya sa imbestigador na kakilala niya para ma-check ang background ni Julian. May asawa na ito at dalawang anak.

Tahimik niyang s-in-ave ang files at ibinulsa ang phone niya. May ibang paraan para protektahan si Lia. At higit sa lahat, may mas malalim pa siyang dahilan kung bakit hindi siya pwedeng basta na lang umamin.

"Uy, Denmark." Tawag ni Lyn, dahilan para maputol ang seryoso niyang pag-iisip. "Kanina ka pa tahimik."

Umiling siya. "Wala. Medyo inaantok lang. Kailangan ko sigurong magkape."

Nagtaka si Lyn pero hindi na siya nag-usisa pa.

Sa dining area, nakita niyang natatawa si Lia sa sinasabi ni Julian. Napakunot ang noo niya. Hindi ba talaga nararamdaman ni Lia ang pagiging peke ng lalaking ito?

Pero hindi siya dapat makialam. Hindi pa. Nagpasya siyang bumalik sa mga bata. Habang pinagmamasdan ang saya ni Lia, tahimik niyang inisip ang susunod na hakbang.

Julian might be her suitor now, pero hindi niya hahayaang mahulog ito nang tuluyan sa bitag ng isang sinungaling. Not because he cared. But because this was his game and he never played it just for the sake of losing.

Matapos ang pakikipaglaro sa mga bata sa outreach, tahimik na namang nakamasid si Denmark habang masayang nag-uusap pa rin sina Lia at Julian at busy sa pag-o-organize ng ibang papeles. Ang dalaga, tila walang kaalam-alam sa kalokohan na nagbabadya sa buhay nito. Kung paano ba naman, ni hindi nito nagawang usisain pa ang background ng lalaking manliligaw. Napaka-naïve.

Napangisi siya habang iniinom ang kape sa kanyang kamay. Kung nagawa niyang paikutin si Lia nang gano'n kadali sa mga nakaraang linggo, hindi na siya magtataka kung nahulog din ito sa matatamis na salita ni Julian. Maganda pero tanga. Madaling paikutin sa palad. At dapat, natutuwa siya sa gano'n nitong pag-uugali.

Kung totoong sasagutin ni Lia si Julian, siguradong magiging kabit ito. Ang perfect, hindi ba? Mabilis na sisikat ang pangalan nito sa Castilla—hindi bilang active volunteer at advocate na tumutulong sa kababaihan, kundi bilang babaeng walang hiya at kabit ng isang may-asawang lalaki.

Pero heto siya, hindi mapanatag. Dahil kahit alam niyang makatarungan lang na masira si Lia, lalo na dahil sa kasalanan ng ama nito sa pamilya niya, may mali. Kung magiging kabit man ito, bakit ito ang dapat husgahan, gayong si Julian naman ang hindi committed sa marriage nito sa ibang babae? Ang lalaking ito ay may asawa, ito ang nanloloko. Pero ang ending— babae pa rin ang babatikusin, huhusgahan, at sisirain ng lipunan.

Bigla siyang napailing. Ano bang paki niya sa mga ganitong usapan? Wala naman siyang pinatulan noon para gawing kabit o side chick. Hindi rin siya naging other man. Kaya sure siya, na hindi relatable sa kanya ang ganitong sitwasyon.

Hindi ba't matagal na niyang plinano ito? Matagal na niyang inihanda ang sarili sa pagbagsak ni Lia? Pero ngayon, parang hindi na lang paghihiganti ang nararamdaman niya.

"Selos ba 'to?"

Napatingin siya kay Lia, na noo'y abala sa pakikinig kay Julian. Nagtatawanan pa ang dalawa. At para sa unang pagkakataon, hindi lang inis ang naramdaman niya—may halong kirot.

'Putangina.'

Nilagok niya ang natitirang kape at tumayo. Hindi pa niya oras para makialam. Pero darating ang araw na malalaman din ni Lia ang totoo. At gusto niyang makita kung paano nito haharapin ang katotohanang matagal niyang itinago.

Valid ang galit ni Denmark. Kahit pa nilalaro lang niya si Lia o kahit na palihim niyang kinukutya ito sa isip niya sa pagiging naïve—alam niyang hindi siya tulad ni Julian. Wala siyang niloloko. Wala siyang tinatapakang tao. Five years na siyang single, at simula nang bumalik siya sa Castilla, mas inuna niya ang paghahanda sa matagal nilang planong paghihiganti kaysa sa pakikipagrelasyon. Hindi niya priority ang mga babae, lalo na ang love life.

Marami na ring dumaan sa buhay niya. Mga babaeng matatalino, magaganda, at kasing-intense niya sa lahat ng bagay. Pero wala sa kanila ang nagdala sa kanya ng ganitong pakiramdam—iyong tipo na gusto niyang lumaban nang patayan, kahit wala siyang kasiguraduhan kung kaya siyang ipaglaban ng taong iyon. At ang mas nakakainis? Si Lia pa ang nagdala ng ganitong epekto sa kanya.

Si Lia na hindi naman niya girlfriend. Si Lia, na dapat ay isang pawn lang sa laro niya at hindi man lang nag-i-effort na pakiligin siya kahit sumasakay ito sa pakikipaglandian sa kanya. Pero heto siya, gigil na gigil na protektahan ito mula sa isang lalaking tulad ni Julian.

Pinanood na naman niya ang dalawa mula sa distansya. Masaya pa rin silang nag-uusap. Hindi niya alam kung si Julian lang ang nag-e-enjoy, o si Lia rin. Pero isang bagay ang sigurado—hindi niya kayang hayaang mahulog ito sa maling lalaki.

Pero paano kung nahulog na ito?

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro