Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 15

Tahimik na nakatingin si Lia sa labas ng bintana habang binabaybay nila ang kalsada. Ngunit hindi niya maiwasang maalala ang eksenang iniwan nila sa gala.

Lumingon siya kay Denmark, kita pa rin ang lipstick na ayaw nitong burahin. Napangiwi siya. "Paano si Gwen?"

Napakunot-noo ang binata. "Ano?"

"Iniwan mo siya nang walang pasabi, 'yong date mo." Itinago niya ang bahagyang inis sa boses niya, pero hindi niya mapigilan ang pagtatanong. "Nag-aalala ka ba kahit kaunti?"

Nagkibit-balikat si Denmark na tila wala man lang pakialam. "Kaya na niya ang sarili niya."

Hindi niya binanggit ang totoong kaugnayan nila ni Gwen—na hindi niya talaga ito date at lumalabas na magpinsan sila dahil pamangkin ito ni Carlos. Hindi rin niya sinabi na gusto niya lang paglaruan ang damdamin ni Lia kanina.

Bahagyang napasimangot si Lia. Hindi niya maintindihan kung bakit parang walang halaga kay Denmark ang babae, pero mas inis siya sa sarili dahil bakit ba siya nag-aaksaya ng panahon na itanong ito?

At bago pa niya mas lalong isipin ang tungkol kay Gwen, bigla na lang huminto si Denmark sa pagmamaneho.

Nagtaka siya. "Bakit tayo huminto?"

Ngunit hindi ito sumagot. Sa halip, tahimik lang itong nakatitig sa kanya.

Nag-init ang pisngi ni Lia. "Ano?"

Mabagal na ngumiti si Denmark. "Napakaganda mo ngayong gabi. Gusto ko lang kunin ang moment na 'to para mas tingnan ka."

Nagtagpo ang kanilang mga mata. Sa kabila ng mga mapang-asar nitong biro, ang tono ng boses nito ngayon ay seryoso, halos pabulong pa ang pagkakasabi.

"Kung hindi lang kita kilala, maiisip kong galing ka sa isang aristokratang pamilya," dagdag nito, ang mga mata ay puno ng paghanga.

Saglit siyang hindi nakasagot. Hindi niya alam kung anong mas nakakagulat—ang hindi inaasahang papuri, o ang paraang tinitigan siya nito, na parang siya lang ang tao sa mundo sa gabing ito.

Parang nabihag siya sa titig ng binata, ngunit agad siyang umiwas. "Nambobola ka na naman."

Umiling si Denmark. "Bakit? Hindi pwedeng totoo?"

"Denmark—"

Ngunit bago pa siya makapagsalita ulit, lumapit ito nang bahagya, unti-unting bumaba ang tingin sa kanyang mga labi.

Napalunok si Lia. Muli, naramdaman niya ang parehong tensyon na bumalot sa kanila kanina sa gala na katulad sa tensyon na bumalot sa kanila nang maghalikan sila kanina sa madilim na parking lot, na hindi man lang natakot na baka may makakita sa kanila.

At sa sandaling iyon, alam niyang kahit anong pilit niyang iwasan, hindi na niya matatakasan ang isang bagay na ito.

Naramdaman ni Lia ang pag-init ng kanyang katawan, kahit na malakas ang aircon sa loob ng kotse. Hindi niya kayang balewalain ang paraan ng pagtitig ni Denmark sa kanya—mas intense, mas malalim, parang may hinihintay.

Alam niyang gusto na naman siya nitong halikan. At ang nakakainis, gano'n din ang nararamdaman niya. Gusto niyang damhin ulit ang halik nito.

Napakagat siya sa labi, pilit pinipigilan ang sariling magpatalo sa tensyon sa pagitan nila. Pero mas lalo lang siyang nawindang nang biglang lumapit pa si Denmark.

Narinig niya ang marahang paghinga nito bago nito inilagay ang kamay sa kanyang balikat. Hindi mahigpit, hindi rin basta-basta—sapat lang para iparamdam sa kanya na nais siya nitong titigan nang mas maigi.

"Denmark..." bulong niya, hindi sigurado kung babalaan ito o hahayaan na lang ang nangyayari.

Ngunit hindi ito sumagot. Mas lalo lang nitong pinagmasdan ang kanyang mukha, ang bawat detalye ng kanyang features—parang may hinahanap, parang may gustong tandaan.

At sa sandaling iyon, hindi niya alam kung paano pa siya makakatakas sa bitag na ito. Dahil kung mas lalapit pa si Denmark, alam niyang hindi na siya makakapalag.

Tama nga ang hinala niya. Balak na naman siyang halikan ni Denmark. At hindi lang basta halik—may pagsuyo, may init na tila hindi niya kayang tanggihan.

Nang dumampi ang labi nito sa kanya, hindi siya nakapalag. Parang si Denmark na lang ang sentro ng kanyang mundo, hinahatak siya sa isang dimension kung saan siya lang ang mahalaga rito. Hinayaan niyang magpatuloy ito. Hinayaan niyang malunod pa sa isang emosyon na pwedeng magpabaliw sa kanya.

Masuyo iyon ngunit mapang-angkin. Malambot ngunit may halong panggigigil. Parang sinadya ni Denmark na gawing mahina ang kanyang tuhod, na pawiin ang anumang pag-aalinlangan niya.

Nagtagal ng limang minuto ang kanilang halikan. Limang minutong pakiramdam niya ay naputol ang kanyang paghinga. Limang minutong parang hindi na siya ang dating Lia na reasonable at may kontrol sa sarili.

Pero sa kabila ng lahat ng iyon, alam niyang walang ibig sabihin ito kay Denmark. At iyon ang mas nakakapanghina.

Nang bumitaw ito, bahagya itong napailing bago lumitaw ang isang pilyong ngiti sa mga labi nito. "Finally, nabura ko na lahat ng lipstick mo. That was my goal."

Napakurap si Lia, pilit iniintindi ang sinabi nito. "Ano?"

Bigla siyang napakapit sa dashboard, gulat na gulat. Gano'n lang? Tungkol lang pala sa lipstick ang goal nito?

Lihim na napamura siya sa isip.

Sumulyap ulit si Denmark sa kanya habang pinapaandar muli ang sasakyan, nanatili sa labi nito ang mapaglarong ngiti.

"Pag inulit ko pa, baka mamaga na ang labi mo." Tumigil ito saglit bago dinagdagan, "May next time pa naman."

Hindi makapaniwala si Lia. This man is unbelievable. At ang mas nakakainis? Sa kabila ng asar na nararamdaman niya... parang inaabangan na niya ang next time na sinasabi nito.


***



flashback:

"Lia, kaunti na lang maabot ko na 'yong tuktok ng puno, nandoon kasi 'yong pinakamalaking mangga!" sigaw ni Adrian habang ini-extend ang maliit niyang braso para maabot ang nais na mangga habang nakasabit siya sa manipis na sanga ng puno.

"Ang galing mo Adrian! Kaunti na lang! Kailangan marami tayong maiuwi para matuwa ang tatay mo!" Lia cheered her friend. Hawak niya lamang ang basket na paglalagyan ng mga pinitas na mangga habang siya ay lookout dahil may nagmamay-ari talaga ng puno ng mangga sa buról na kinaroroonan nila.

"Kaya mo 'yan!" isa pang motivation ni Lia sa kaibigan. Natagumpayan naman ni Adrian na maabot ang malaking mangga at nasalo naman ng basket ni Lia pagkahagis niya.

Ilang minuto lang ang lumipas, nakarinig si Lia ng tahol ng isang malaking aso. Pamilyar iyon sa kanya dahil may alagang aso ang may-ari ng mango tree—angangahulugang parating na ang may-ari na matandang babae sa buról.

"Adrian, nandyan na siya!" patiling sigaw ni Lia kaya natataranta na si Adrian at hindi alam ang gagawin. Sa sobrang pagmamadali, nahulog si Adrian sa sanga ng puno.

"Aray ko!" nakangiwing bulalas ni Adrian, naunang lumapat sa ibaba ang kanyang likod at nagkaroon din siya ng galos sa braso. Napunit din ang t-shirt niya dahil nasabit sa isa pang sanga bago siya bumagsak.

"Dali na! Gagamutin na lang natin 'yan pag-uwi." Tinulungan ni Lia si Adrian na bumangon kaagad. Hawak ni Lia ang basket na punong-puno ng mangga ngunit natatapon iyon dahil walang takip. Adrian noticed his friend's struggle while running fast ahead to him, so he decided to make a little help.

"Lia tumigil ka muna saglit!" utos ni Adrian at huminto naman si Lia. Napagtanto rin nila na nakalayo na sila sa burol at mukhang hindi naman sila naabutan ng may-ari.

"Bakit Adrian? Napapagod ka na ba? Natakot kasi ako eh," mapagpaumanhing sabi ni Lia. Umiling kaagad si Adrian at hinubad ang napunit niyang T-shirt. Iyon ang itinakip niya sa basket matapos din niyang pulutin ang mga manggang natapon.

"Pahiram ng tali mo Lia."

Tumango si Lia at tinanggal sa buhok ang suot niyang ponytail. Napahanga siya sa pagiging maparaan ni Adrian dahil habang nakatakip sa basket ang t-shirt, ginamit nito ang ponytail para iharang sa gilid ng mga basket. Para itong gumawa ng laruang tambol na ginagamit ng mga kabataan tuwing nangangaroling kapag sasapit na ang Pasko.

"Ang galing mo naman!" namamanghang komento ni Lia. Muli silang nagpatuloy sa paglalakad ni Adrian at nauuna ito sa kanya. Hangga't sa nakuha ng atensyon niya ang bálat sa likod nito.

"Ang cute naman ng bálat mo sa likod Adrian."

"Mabilis namang lumingon si Adrian at nahihiyang nginitian si Lia. "Sabi rin ni Tatay Senon, cute nga raw ang 'yan. Kapag nawala raw ako, 'yan daw ang pagkakakilanlan ko."

"Bakit naman niya nasasabing mawawala ka? Nandito naman kami para sa'yo eh."

"Apir tayo dyan!" Itinaas ni Adrian ang kamay at nakipag-apiran kay Lia. "Thank you, Lia. Alam mo, minsan naiisip ko, paano kung pagtanda natin, tayo ang magkatuluyan?"

Hindi nakasagot si Lia. Pero sa kabilang banda, pinapangarap niya ang bagay na 'yon. At kumakabog sa tuwa ang puso niya kahit idea pa lang iyon.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro