B1-Wrong Number (KyennSiAko)
📕Requester: KyennSiAko
📕Title: Wrong Number
📕Critic Mentor: MissReferee
Wrong number to January 24, 2018
💥Book Cover:
-This is too simple pero bumagay naman sa theme mo. Hindi ko naman masasabi na attractive o hindi dahil nasa gitna siya ng dalawa. Depende nalang sa readers kung bubuksan ito kasi may kanya-kanya naman tayong taste. At minsan hindi naman nakikita sa pabalat kung gaano kaganda ang nilalaman basta mai-deliver mo lang nang maayos ang mga ipahihiwatig mo mula sa simula.
💥Title:
-WRONG NUMBER. Common, though wala pa naman akong nababasa na ganito pero may mga kapareha ka. Not only one or twice but more than that.
-Pero hindi naman iyon magiging hadlang para mabuo ang kwento mo. Kasi may kanya-kanya tayong perspective patungkol sa mga bagay-bagay. May kanya-kanya tayong ideya para makabuo ng isang istorya. At may kanya-kanya tayong paliwanag sa mga bagay na nakikita at nakakasalamuha na'tin.
-Para sa'kin lang, be different. Gawan mo ng ibang kwento at baliin mo iyong expectations namin na ganoon lang iyon.
💥Opening:
-Noong una, medyo nag-alangan ako sa diskripsyon mo. Siguro kung walang malalim na dahilan at hindi mo bubuklatin ang kasunod na pahina ay hindi mo ito magi-gets.
-Kasi para sa akin, wala itong naging amor, ano naman kung na wrong send ka sa ex-boyfriend nang bestfriend mo. Big deal ba? A simple apologize can clear in any forming obstacles.
-Kasi sabi ko nga ay may kanya-kanya tayong taste pagdating sa isang kwento. May mga sensitive diyan na medyo ayaw nang kakornihan, pero mayroong iba na gustong-gusto ang pagiging basagulera o ang pagkakulit ng bida. At may iba naman na ayaw nang mga pa-hard to get na feeling mo sila ang prinsesa sa lahat ng istorya.
-But at the same time, napapaisip din ako. Isa nga iyong kahihiyan para sa ego na'tin. Na pwede niyang isipin na habang sila pa ng bestfriend niya ay may pagnanasa ka na sa kanya. Medyo nakaka-hurt din iyon kung iisipin.
-Sabi ko nga kanina, hindi naging angkop ang diskripsyon mo para sa akin, PERO dahil inilagay mo itong "Hello pala sayo....-" doon nagdalawang-isip na ako. May dalang impact. Interesting. Catchy. Kasi kung wala iyon, ay hindi gaano bebenta ang diskripsyon mo.
💥Plot/ Conflict:
-This is my first time to read this kind of Epistolary. May mga nakikita akong ganito sa social media at mapa-national book store man. But they doesn't give me something creep. Hindi ako nai-engganyo sa ganito lang nila idini-detalye.
-Pero nang mabasa ko 'to ay parang nag-iba na ang pananaw ko. Parang feeling ko, binabasa ko lang ang mga text messages nang mga matatalik kong kaibigan, kung saan nai-enjoy ko rin ito ng sobra.
-Again, wala pa naman akong nababasang ganito. Na ex-boyfriend ng bestfriend, kaya fresh pa ito sa akin. Maganda ang pagkakahubog ng plot mo at nakikita na mismo namin ang problema na kakaharapin niya in the future, but still may ibinibigay ka pa ring mga bagong problema na nag-aabang sa kanila.
-Sobra akong nakahinga ng maluwag noong makita ko ang mismong point of view niya. Para bang nabunutan ako ng tinik kasi at least lumabas na iyong pinakahihintay ko.
-I really really like it kasi nalaman ko na hindi lang ito iyong simpleng chat story, though kung titingnan ay parang nga' kasi ang kakulitan lang naman ni Kervin ang nag-uumapaw sa bawat chapters, which is okay naman kasi sa ganoon talaga mabubuo ang chat story. Pero ang pinaka-gusto ko talaga rito ay 'yong DELETED MESSAGES na inilalagay mo sa huli. That was so great idea. At kung hindi mo babasahin at uusisaing mabuti ay hindi mo malalamang deleted na iyon.
-I also liked na hindi ka nauubusan ng idea every day na ginagawan mo sila ng istorya, makabuo lang ng kwento. In short, hindi kami nakakaramdam ng pagka-boring kasi palagi kang may inihahandang kakaiba. Tulad noong mga punch lines, at mas na-engganyo ako noong malapit na malapit ng magsabi ng totoong nararamdaman itong si Kervin.
-Napakabilis ng mga pangyayari kung sa feelings ang pagbabasehan kay Kervin, mga galawang hokage. Pero maybe, may gusto talaga siya kay Maiken dati pa. Crush or what so ever.
-The good thing is naisingit mo talaga rito iyong family problem na mas nagbigay pa sa amin ng curiosity para basahin ang istorya. Kasi parang may hidden secret pa sa pagkatao ni Maiken na dapat naming abangan.
-Siguro ang maihihingi ko nalang ay gawan mo sana ng hustisya ang katanungan namin kung anong nangyari sa relasyon ng magdyowa dati 'referring to her Bestfriend and the ex.' Para sana hindi kami ganoon ka-inis 'which is ako lang talaga ang naiinis. Lol
-Kung sa reyalidad, isa lamang itong simpleng problema-estudyante, (at sana huwag niyo nalang tularan, -urgh naiinis talaga ako kay Maiken kasi napaka-babaw nang problema niya para iyakan.)
-Pero syempre, dahil sabay sa uso. Alam kong papatok sa mga kabataan.
💥Setting:
-Kung sa settings ang pag-uusapan ay nakulangan ako dito 'sa mga naunang pahina'. Pero kaagad naman iyong nabawi noong nagsimula na sila pumasok. Kasi di'ba chat story nga ito, kaya medyo walang gaanong settings pwera nalang kung napapag-usapan nila.
💥Characterization/ Dialogue:
-Sa lahat, ito ang pinaka-gusto ko. Kasi pang- real life story na siya. Iyong mga pambobola thingy, iyong text-text na nauuwi sa crush or love, at iyong mga pamatong-bato.
-Sobrang nagpapaka-martir si Maiken para kay Vincent. Bakit? Ganyan na ba ang mga kabataan ngayon? Na tipong pinuntahan niya pa sa dorm para alagaan? At aakyat pa kung hindi papapasukin? I don't get her point. Haist. Whatever, naiinis lang talaga ako sa ganoong mga kabataan. Susko.
-Sa mga dialogue, katulad nga ng sabi ko kanina ay swak na swak ito. Hindi kami maboboring kasi iba't-ibang pakulo ang ibinibigay mo. Sumasabay sa uso. Pang-reality man o pang-wattpad. Sulit basahin. Especially sa pagiging makulit ni Kervin, sa ugali ni Maiken. Sa used of words mo! I really love it. At doon talaga ako mas nag-enjoy sa pangbato ni Maiken na mga amazing words. Hindi siya iyong tipong Maria Clara na nagpapaka-mahinhin para maging desente ang karakter. Saktong-sakto talaga sa panahon ngayon.
💥Point of View:
-Dito, wala naman akong ibang masasabi kasi in good terms ang mga ito. Siguro dagdagan nalang ng mga showing for settings. Mag-add ka pa sana ng mga settings, huwag lang iyong bahay-school lang siya, para mas malawak iyong mapuntahan ng kwento.
💥Show versus tell/ Format of the text/ Grammar and spelling:
-More on telling ka, kasi nga isa itong chat story. Kaya magbabase nalang ako sa mismong point of view na inilagay mo.
-Hindi naging makatotohanan para sa akin ang part na tatalon siya sa labas ng dorm ng mga boys. Kasi tatalon siya eh, imposible na pahiga ang bagsak niya. Pwera nalang kung hinayaan niya ang sarili na mahulog. At gaano ba siya kalaki? Tatalon siya mula sa second floor at sasaluhin ni Kervin. Hindi man na'tin sabihin, pero ang impact noon ay malakas, lalo na kung nakatayo siya na nasalo.
-To think na three+ meters ang layo ng floor to floor. Sabi nga ni Sean Hughes, isang professor sa surgery. "From a high of 3m you could fracture your spine." Siguro dapat ang ginawa mo nalang 'para mas makatotohanan ay ang bumagsak sila pareho sa sahig. At dinala itong si Kervin sa Clinic, and also the way you narrate it ay medyo hindi naging tugma.
*pagkakahawak
-much better kung 'pagkakayapos' o 'pagkakakarga'.
-Ano pong ibig sabihin nito? Medyo naging malabo ang pag-i-explain mo rito. Anong klaseng pambato ang ibinabato niya? Bato ba? Nanggugulo sa bahay niyo? Binabato ka ng bato sa bintana?
-Marami ka ring typo, at sana kung magka-oras ka para i-edit ay i-edit mo na siya para mas maging pormal ang kwento. Sa mga unang point of views napapansin ko na may paisa-isa ka pang pagkakamali sa rules ng RIN at DIN, at doon sa YUN AT YAN. I know na alam mo naman na iyang mga 'yan, kaya hindi ko na iisa-isahin pa.
-Mayroon ding mga mali sa paragraph. I mean, minsan iyong right side which is dialogue ni Maiken ay napupunta sa left. May mga ganoong parte, na dapat i-edit.
-Sa way mo ng pagsusulat ay maayos naman siya. Makikilala mo sila with their different personalities. Na masasabi ko namang ugali talaga ng mga kabataan ngayon.
💥Style:
-Napangatawanan mo ito, dahil hindi lang lungkot at tawa ang mararamdaman namin dito, kasi ako sobrang inis na inis na sa ugali ni Maiken. Too selfish. Mas uunahin niya pa ang kagustuhan niya kesa sa feelings ng kaibigan niya, na alam naman niyang masasaktan niya sa oras na magka-bukuhan na. At diyan lalabas ang turingan niyong magkaibigan. Though, nasabi naman ni Maiken na hindi niya alam kung bakit hindi niya mabura-bura --pero in the name of friendship, mas iisipin mo pa rin ba iyong walang kwentang dahilan kesa sa bestfriend mo? 'Kung gusto may paraan, kung ayaw may dahilan.'
-Sana makita ko sa katapusan ng kwento ang importansya ng friendship. Kasi doon nagsimula eh. Hindi lang iyong pakikipag-chat niya ang conflict. Madaming-madami, kaya I hope makita ko ang friendship nila as a role model. Kasi ang kaibigan minsan lang dumating 'yan, at kung meron man, puro plastik pa. Kaya wala rin. At hahayaan mo bang masira ang pagkakaibigan niyo dahil lang sa lalake?
💥Conclusion (strenght and needs improvement):
-Mayroon ka ng katangian as an Epistolary writer, kaya wala na akong ibang masasabi pa maliban sa settings, which is minsan nawawala. But overall, sobrang ganda niya. Nakaka-enjoy basahin. Good luck.
💥Tips
-Para mas maging formal ang iyong akda tumungo ka sa TIPS na nasa librong ito.
*Right placing of punctuations for the action and dialogue tags.
💥Rating: 4.75
🔉Comment inline your feedback about my critic to the following category.
👑Very Satisfied
👑Satisfied
👑Not Satisfied
⏩⏩⏩⏩⏩⏩⏩⏩⏩⏩⏩⏩⏩⏩
Hi. Sorry kung hindi lahat ng chapters ay nabasa ko. Pero na-scan ko naman siya 'forward para sa additional information. At kung may katanungan ka, i-komento mo nalang iyan para madali kong malinaw. Salamat sa pagtitiwala.
✨✨✨
Posted by: Founder Seb
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro