B1-When She Take A Glance (Zane_Chang00)
📕Requester: ZANE_CHANG00
📕Title: When She Take A Glance
📕Critic Mentor: MadHanuelkim
⏩Hi! Pasensiya kung natagalang ang resulta ng pagki-critique ko sa story mo. Sana lahat ng mabasa mo rito ay i-take mo as positive at gusto lang kitang tulungan.
⏩Be Ready and Be OpenMinded. Thank you!
💥Book Cover:
📌Maganda ang napili mong cover para sa story mo. Fierce 'yong girl which bagay sa character ni Craliegh. Medyo sumablay lang sa font at color. Advice ko lang na palitan mo lang ang font at color magiging perfect na siyang cover ng story mo.
💥Title: When She Take A Glance
📌Very good choice of title dahil hindi pa siya gamit sa mundo ng Wattpad.
📌But I think wala akong ma-trace na kaugnayan ng title mo sa content ng story mo. Mas nangibabaw kasi na lagi siyang galit sa mga taong nakakasalamuha niya.
📌Dapat kasi kapag pipili tayo ng title related talaga sa content at plot ng story mo. 'yan kasi ang hahatak sa readers mo. Nandiyan na 'yong pagiging unique ng title mo pero sa content talaga sumablay walang connect. Kung mayroon man hindi ko talaga makita.
💥Description
📌Sa description na nilagay mo sa book mo humanga agad ako ang ganda kasi e. Doon pa lang na-hook na ako sa story mo kaya very good ka rito.
💥Plot
📌Hindi ko talaga ma-trace kung ano ang pinaka-plot ng story. Maybe 'yon ang aabangan ng readers mo dahil ang hirap niyang i-predict.
💥Setting
📌Sana maging consistent ka rito. Hindi dapat natin kalimutan ilagay kung saan at kailan ginganap ang story para hindi malito ang mga readers.
📌Napansin ko lang napakabilis ng pacing ng story mo. Sa sobrang bilis ang bawat kabanata ng story mo ay hindi ko na maunawaan. Katulad ng may nakita si Caliegh na babae sa isang kabanata tapos sa sumunod na kabanata biglang stepmom niya na kaharap niya.
📌'yong mga simpleng parte na nawala sa story mo ay magugulo ang mga readers at mapapaisip sila kung anong nangyari, bakit ang bilis naman o parang ang gulo ng kabanata.
📌Dapat kahit gusto mo pabilisin 'yong pacing ng story kailangan ilahad mo pa rin 'yong sa tingin mo na mahalagang scene para hindi malito ang readers mo.
💥Characterization
📌Perfect ka rito dahil maganda ang pagkaka-build up mo ng karakter ng bidang babae. At ang ibang mga nakapaligid sa kaniya.
📌'yon nga lang parang 'yong ibang scene ni Caliegh na palaging galit medyo OA na 'yong datingan kasi na-over power niya na 'yong palaging galit sa ibang tao.
💥Dialogue
📌Ang masasabi ko lang maganda ang choice of words na ginamit mo madali lang maintindihan pati ang mga monologues at narration.
📌Pero may time na gumagamit ka ng mga jejemon o mga shortcut words. Dapat kasi kapag gumagawa tayo ng story formal writing ang gagamitin natin para 'yong mga readers hindi sumakit ang mga mata nila or maging dahilan para hindi nila ituloy ang pagbabasa.
💥Point of View
📌Ang ginamit mo lang ay POV ni Caliegh which is tama pero may time na hindi ko naiintindihan 'yong dialogue kapag may ibang karakter na ang papasok sa story mo.
📌Kailangan mo pang lawakan 'yong narration at dialogue ng ibang karakter sa story mo para mas maunawaan ng readers ang kuwento mo.
💥Show versus tell
📌Show ka lang nang show kulang ka sa tell may time naman ng tell ka nang tell kulang ka naman sa show.
➡️Example
"Tumahimik ka riyan!" sigaw ko habang nanggigil na nakakuyom ang aking kamay na nakahanda na para manapak ng stepmom.
📌Dapat kasi consistent ka sa paglalahad ng kuwento mo. May time na maayos ang content ng story mo may time na hindi.
💥Format of the text
📌Minsan may paragraph ka na tama lang ang haba para basahin ng mga readers. May time naman na may dialogue ka na sobrang haba sa ibang chapter ng story mo.
📌Kailangan kasi na kapag gumagawa tayo ng dialogue at monologue ay akma lang ang haba para sa mga readers lalo na kapag tamad sila ng mahahabang paragraph.
💥Grammar, Spelling and Punctuation
📌Kapag may mga salita kang hindi sigurado gumamit ka ng dictionary malaking tulong 'yan sa'yo.
📌Another way that people incorrectly write dialogue is by putting a comma between two sentences instead of a period.
Incorrect:
"I have made up my mind," she said nodding, "I do not want to marry him."
Correct:
"I have made up my mind," she said, nodding. "I do not want to marry him."
📌'yan po ang tamang gamit ng comma at kung kailan gagamitin ang tuldok. Sundin mo lang 'yan at hindi ka na magkakamali.
📌Lahat po ng mga Pantangi at Pambalana na uri ng pangngalan ay magkaiba natin sinusulat.
💥Pantangi (Proper)- malaking titik (tiyak na ngalan ng tao, hayop, bagay, lugar at pangyayari)
➡️Julia
➡️Caliegh
💥Pambalana (Common)-maliit na titik (hindi tiyak na ngalan ng tao, hayop, bagay, lugar at pangyayari)
➡️bata
➡️ate
💥Style
📌Tingin ko nasa maling genre 'yong story mo. Mas maganda kung nasa Teen Fiction or Chicklit ang genre ng story mo instead of Non-Fiction.
📌Nakakaapekto ang paggamit ng mga maling salita at punctuation na ginamit mo sa grammar kaya tingin ko kailangan mo siyang i-edit ng husto. Tanggalin mo na rin 'yong "boogsh, ting-ting" sa dialogue mo para maging formal ang pagsulat mo.
💥Conclusion (needs improvement):
➡️Grammar
➡️Spelling
➡️Punctuation
➡️Content
💥Rating: 3
3: Average
Kailangang i-apply ang mga natutunan sa mga kuwento at writing tips na binasa.
🔉Comment inline your feedback about my critic to the following category.
👑Very Satisfied
👑Satisfied
👑Not Satisfied
⏩⏩⏩⏩⏩⏩⏩⏩⏩⏩⏩⏩⏩⏩
Message from Critic Midoriya
Sana makatulong lahat ang mga sinabi ko sa'yo rito. At huwag mo sanang ikagalit o ika-down ang mga mensahe ko sa'yo. Salamat sa pagpili sa'kin bilang critic.
Keep it up!
---
Posted by:
¤Founder Seb.¤
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro