B1-The Writer's Dream (Jhoyfulness)
📕Author: Jhoyfulness
📕Story Title: The Writer's Dream
📕Critic Member: Violet Violet_Ybrehl07
📌Paalala
Ang iyong mababasa ay pawang opinyon lamang na may pinagbasehan. Panatilihing bukas ang iyong isipan sa iyong mga mababasa sa kabanatang ito.
📌Maaari lang magtanong o maghayag ng iyong saloobin ukol sa aking mga isinulat dito.
📌Pinagbasehan ko lamang ang laman ng iyong akda na chapter one hanggang chapter ten.
⏩⏩⏩⏩⏩⏩⏩⏩⏩⏩⏩
📍Bago ko simulan ang real format ng pagki-critique ko ay isisingit ko muna ito.
📍Medyo naduling ako sa chapter format mo. Hindi ko alam kung blurb ba iyon or simula ng kwento o kung ano pa man ang tawag.
📍Ganito yung pagkakasunod-sunod niya which is hilong-hilo ako.
Work of Fiction
Writer's Dream
Beginning|Story
Story
Story|chapter 1
Chapter 2
Chapter 3|oneshot
Chapter 4
Chapter 5
Poem|Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Story|Chapter 10
📍Hindi ko alam kung anong purpose mo at ganito ang Chapter Format. Ayoko sanang pansinin kasi hindi naman siya kasama sa dapat kong i-critique pero honestly sobra akong naguluhan.
📍Yung part na Writer's Dream pwede mo na siyang tanggalin since yun naman ang blurb mo. Sa story Description lang dapat siya at 'wag mo nang i-include sa content ng story mo.
📍Yung part na beginning|story gawin mong prologue. Opening na kasi ang tawag sa part na iyan. Then yung part ng Story, gawin mo ng chapter one.
📍'Yung title ng chapter 1,3,6 at 10, tanggalin mo na yung mga story, poem at oneshot.
📍Kung ayaw mo namang tanggalin lagyan mo na lang ng title ang bawat chapter mo.
⏩So back to our real topic.
💥Book Cover
📌Hindi ko maintindihan kung ano yung connection ng cover mo sa title mo. Your title is Writer's Dream pero ang cover mo ay isang babaeng nakatalikod. Dark pa ang background kaya mas na-confuse ako. Dapat ay may connection ang cover sa content at title.
💥Title
Marami akong alam na story na ganito ang title. Kaya kahit hindi ako mag-search alam kong marami akong makukuhang result na kapareho ng sa'yo. Use Thesaurus Dictionary for more unique words na maaari mong magamit as your title.
💥Opening.
I consider the "Beginning|Story" as your opening. Maayos naman ang opening mo. Nagkaroon na kaagad ako ng initial idea kung ano ang mga mangyayari. The good thing about your story is you give some clues but you did not give everything. Hindi mo nilahat ang detalye na dapat na nakalagay doon. Pero sana naglagay ka man lang ng kaunting background about her family. Hindi ko kasi alam kung mayaman ba sila or average lang. Put something about their family kahit na mga isa or dalawang sentence lang.
💥Conflict
Itong part na ito ang nakapagpanganga sa akin all through out your story. Hindi ko alam kung paano mo naisingit ang conflict mong ito na hindi ko inaasahang mababasa ko sa ganitong story. Mas madalas kong makita ang conflict na ito sa General Fiction at bihira lang sa chicklit. Magaling lang mag-isip ng twist ng story mo though marketed na pero rare naman siya na mapabilang sa genreng pinili mo.
💥Plot.
Gaya ng sabi ko sa conflict marketed na ang plot mo. Marami akong nabasang same ng plot sa iyo pero sa magkaibang libro. Parang dalawang concept na pinagsama sa isa ang naging plot mo. Ewan ko kung bakit pero nag-enjoy ako sa pagbabasa ng story mo. To the point na nakalimutan kong iki-critique pala kita. Tawa ako ng tawa sa mga simpleng banat mo. May something ang story mo na hindi ko maipaliwanag eh. Ah basta nag-enjoy ako sa pagbabasa kahit na mabenta na yung plot.
💥Setting.
Nakakalimutan mo ito. You focus more on your character. Hindi mo napakangatawanan ang setting mo. Nawawala yung pagde-describe mo sa story. Hindi ka lang dapat sa story nagfo-focus. Dapat mo rin itong bigyan ng pansin para mas madama at ma-project ng reader mo ang mismong storya mo. I-describe mo ang lugar 'wag puro nararamdaman ng character mo.
💥Dialogues
Kung gagawa kayo ng dialogues always remember this rules
Always use comma (,) between the dialogues and the identifier like 'he said/she said'. Gagamit ka lamang ng period (.) Kung ang dialogues ay nasa hulihan. You also need to Capitalize the first Lettet on your Dialogues
Ex (disregard the parenthesis)
"Gagawin ko po yan(,)" sabi ni Anna.
Biglang nagsalita si Anna "Gagawin ko po yan."
If your going to use exclamation point and question mark the next letter will be capitalize.
"Akin na ito?" Tanong ni Anna.
"Akin na ito!" Sigaw ni Anna.
"Bakit mo ba ito ginagawa? Akin naman talaga ito ahh!" Iyak na sabi ni Anna.
At kung mayroong dalawang dialogues sa loob nang isang paragraph always use comma in between like
"Umalis na si Anna," sabi ni Erika, "Hindi! Hindi ito maaari!" Sigaw ni Bea.
Isa kasi ito sa nakita kong major technicalities mo. Kailangan mo rin itong pagtuunan ng pansin.
💥POV/ Show vs. Tell.
Gaya ng sabi ko, merong something ang story mo na hindi ko maipaliwanag. Yung mga choice of words mo na para bang hinihila kang basahin ang storya mo. Mahirap sa akin ang makapaghanap ng storya na papasok sa panlasa ko. Yung tipong babasahin ko siya hanggang dulo. Madalas ay nagbabasa ako ng kwento hanggang kalahati lang. Pero yung kwento mo? Binasa ko hanggang dulo kahit hindi pa tapos. Bitin nga eh hahaha. Magaling kang magmanipula ng isip ng tao gamit ang mga salita.
💥Format of Text
Maayos ang writing format mo. Hindi masakit sa mata. Tama lang sa panglasa ng mga taong mahilig sa pagbabasa ng mga storya na may formal format. Medyo may problema ka lang sa punctuation.
💥Grammar and Spelling
Grammar and spelling
Ang madalas mong problema sa part na ito ay ang
⏩Hiram na salita
⏩Pagdodoble-doble ng salita
⏩Overloaded na punctuation
⏩Pina-ikling salita
⏩
📍Kapag gagamit ka ng hiram na salita. Kailangan ming gamitin ang dash sa pagitan ng tagalog at english syllable. Kagaya nang
Ini-scan, nag-uniform, nag-swimming, na-realize
And so on...
📍Sa pagdodoble-doble nang salita. Kinakailangan din ng dash sa pagitan ng dalawang salita. Katulad ng araw-araw, maya-maya, linggo-linggo.
📍Overloaded na punctuation.
Kung gagamit ka ng punctuation laging isa lang. Hindi yung dodoblehin mo. Wala yan sa rules ng punctuation.
Capitalization.
⏩Sa unahang bahagi ng bawat paragraph ay kinakailangan na ang First Letter ay Capital.
⏩Sa bawat noun katulad ng pangalan ng tao ay dapat ang first Letter ay Capital.
⏩Sa bawat pronoun katulad ng paga-address sa tao ay dapat capital ang first letter.
Ex. Nanay, Tatay, Mister, Madam Kuya, Ate.
📍Kapag paiikliin mo ang mga salita kailangan mong gumamit ng apostrophe.
Ex. Don't, s'ya n'ya, sa'kin
Minsan kasi nakakalimutan mo yan. Yan yung madalas kong napapansin na pagkakamali mo sa buong story
💥Style
Napangatawanan mo naman ang chicklit since mas nag-focus ka sa heroine mo kaya good job ka dito.
💥Conclusion
Gaya ng sabi ko. Kailangan mong i-improve ang punctuation mo. Doon ka halos may pagkakamali. Pero alam kong may i-i-improve ka pa. Trust me maganda ang story.
💥Rating
4- above average
May pagkakataon kang makamit ang nais mo basta magsikap at magtiwala sa talento mo.
🔉comment inline you feedbacks about my critics to the following category.
👑Very Satisfied
👑Satisfied
👑Not Satisfied
⏩⏩⏩⏩⏩⏩⏩⏩⏩⏩⏩⏩⏩⏩
Message of Critic Violet
I just want to say. Mag-update ka na 😭😭😭 bitin na bitin ako sa last part. Pero seriously sana maayos ang pagtanggap mo sa critique ko. If you have some question don't hesitate to ask me or pm me.
💥💥💥
Posted by Founder Seb
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro