B1- The Promise That We Broke (FernCano)
📌Paalala
Ang iyong mababasa ay pawang opinyon lamang na may pinagbasehan. Panatilihing bukas ang iyong isipan sa iyong mga mababasa sa kabanatang ito.
📌Maaari lang magtanong o maghayag ng iyong saloobin ukol sa aking mga isinulat dito.
📌Pinagbasehan ko lamang ang laman ng iyong akda na chapter one hanggang chapter Ten.
⏩⏩⏩⏩⏩⏩⏩⏩⏩⏩⏩⏩⏩⏩
💥Book Cover
I like your book cover. Simple yet meaningful. Nakikita ko na may ibig sabihin siya. At habang binabasa ko ang akda mo. Nakita ko ang connection nang binabasa ko na ang buong kwento.
💥Title
Marketed na ang title mo. Marami ng naglipanang ganyang title. Mero'n din na hindi man kayo parehong-pareho may pagkakatulad naman ang concept ng title niyo. I suggest to use thesaurus. Makakatulong iyan sa pagpapaganda ng title mo.
Kapag kasi hindi unique ang title mo malaki ang chance na hindi pansinin ng mambabasa ang akda mo. Naranasan ko na iyan, sa totoo lang.
💥Opening
Napakaikli ng opening mo. Tiningnan ko rin yung description mo at pareho sa prologue.
Magkaiba po ang prologue sa story description. Ang story description ay pareho lamang sa trailer ng mga movie. Kumbaga sneak peak sa nuong story. Samantalang ang prologue ay introdiction sa movie.
Sa paggawa ng prologo maaari mong gamitin ang:
⏩Foreshadowing
Nagbibigay ka ng scene na dapat ay nasa gitna or huli. Parang isang clue sa mangyayari sa gitna pero hindi mo ilalahad ang buong detalye.
⏩Short summary
Yung super short summary lang. Gaya sa foreshadowing hindi mo rin ilalahad ang buong detalye. Yung pinaka highlight lang ng story mo ang ilalagay
⏩Questions
Magbigay ka ng kaunting description then magtanong ka sa dulo.
Yan 'yung mga maaari mong gawin kung gagawa ka ng prologue.
💥Conflict/Plot
Nang nabasa ko ang title mo, ang unang pumasok sa isip ko ay ang plot na:
Umalis is girl/ guy then nangako siya na babalik siya sa piling ng minamahal. Pero nang bumalik na siya may iba na siyang minamahal.
'Yan mismo 'yung nasa isip ko. Kaso ng binasa ko, maling-mali ang naisip ko. Mag-best friend pala sila na nasira ang samahan. Para sa akin unique ang ganitong storya kaya good job ka.
💥Settings
Nakakalimutan mo ang part na ito. May nasabi ka nga na nasa rooptop sila pero nagtaka ako paano siya napunta doon? Ang sabi naglakad pero hindi ba siya umakyat? Wala ka ring sinabi kung anong itsura ang rooptop na iyon. Pati ang school, nahihirapan akong i-project 'yung setting ng storya mo. Nagugulat na lang ako nasa baba na pala or nasa bahay na pala. Kailangan mo ring i-describe kung ano yung itsura ng lugar kahit one to two sentence lang.
💥Dialogue
Paulit-ulit ko itong sinasabi sa mga na-critique ko na. Kaya kahit tingnan mo pa yung iba kong mga costumer mero'n sila nito.
Isa ito sa major technicalities mo. Dapat mo itong pagtuunan ng pansin.
May part ng dialogues mo na nakakalimutan mo ang rules na ito.
Kung gagawa kayo ng dialogues always remember this rules
Always use comma (,) between the dialogues and the identifier like 'he said/she said'. Gagamit ka lamang ng period (.) Kung ang dialogues ay nasa hulihan. You also need to Capitalize the first Lettet on your Dialogues
Ex (disregard the parenthesis)
"Gagawin ko po yan(,)" sabi ni Anna.
Biglang nagsalita si Anna "Gagawin ko po yan."
If your going to use exclamation point and question mark the next letter will be capitalize.
"Akin na ito?" Tanong ni Anna.
"Akin na ito!" Sigaw ni Anna.
"Bakit mo ba ito ginagawa? Akin naman talaga ito ahh!" Iyak na sabi ni Anna.
At kung mayroong dalawang dialogues sa loob nang isang paragraph always use comma in between like
"Umalis na si Anna," sabi ni Erika, "Hindi! Hindi ito maaari!" Sigaw ni Bea.
About naman sa emotion maayos mo namang nailalagaysa loob ng dialogues kaya kahit papaano ay very good ka dito.
💥POV
Masyado kang naka-focus sa heroine mo. Actually siya lang at ang hero mo ang nabigyan ko nang projection ng mga personality nila. The rest wala na. Nga nga na. Kinakailangan mo nag fix personality or flaws para sa mga character mo para mabilis nilang matandaan ang mga iba pang karakter maliban sa main mo.
💥Show Vs. Tell
Medyo mahina ka sa pagde-describe ng scene. Dapat dalasan mo rin ang paggamit ng adjective para sa pagde-describe. Habang binabasa ko ang storya mo mas maraming tell ang nakita ko.
Ano nga ba ang show at tell? Maglalahad ako ng example.
📍Tell example
Siya ay isang mangingisda.
📍Show Example
Pumunta siya sa dagat upang itulak ang kanyang bangka papunta sa tubig. Nang nasa tubig na ito ay agad siyang sumakay at pinaandar ito. Nang nakarating na siya sa gitna ay inihagis niya ang lambat at naghintay ng huli.
💥Format of text.
Wala naman akong ibang masasabi tungkol dito. Maayos naman kasi 'yung pagkakasulat mo. May kaunti ka labg problema sa punctuations.
💥Grammar and Spelling/ Technichalities
⏩Hiram na salita
⏩Pagdodoble-doble ng salita
⏩Overloaded na punctuation
⏩Pina-ikling salita
⏩Basic Grammar
📍Kapag gagamit ka ng hiram na salita. Kailangan ming gamitin ang dash sa pagitan ng tagalog at english syllable. Kagaya nang
Ini-scan, nag-uniform, nag-swimming, na-realize
And so on...
📍Sa pagdodoble-doble nang salita. Kinakailangan din ng dash sa pagitan ng dalawang salita. Katulad ng araw-araw, maya-maya, linggo-linggo.
📍Overloaded na punctuation.
Kung gagamit ka ng punctuation laging isa lang. Hindi yung dodoblehin mo. Wala yan sa rules ng punctuation.
Capitalization.
⏩Sa unahang bahagi ng bawat paragraph ay kinakailangan na ang First Letter ay Capital.
⏩Sa bawat noun katulad ng pangalan ng tao ay dapat ang first Letter ay Capital.
⏩Sa bawat pronoun katulad ng paga-address sa tao ay dapat capital ang first letter.
Ex. Nanay, Tatay, Mister, Madam Kuya, Ate.
📍Kapag paiikliin mo ang mga salita kailangan mong gumamit ng apostrophe.
Ex. Don't, s'ya n'ya, sa'kin
Hindi ko ito madalas gawin pero nababahala talaga ako sa dami ng typo at wrong spelling mo. Hanapin mo na lang siya.
📍Din/rin, Doon/roon, Daw/raw
Din,doon,daw- ginagamit kung ang salita nasinusundan nito ay katinig (consonant)
Example:
Nais daw niya sumama sa'tin.
Bigyan mo din ang kapatid mo.
Paki lagay na lang doon.
Raw, roon, rin- ginagamit kung ang sinusundan nitong salita ay patinig o malapatinig (vowel&half vowel)
Example:
Gusto ko rin sana sumali.
Punta tayo roon!
Nakaka-aliw raw ang palabas.
Nagkakabali-ligtad kasi ito sa akda mo. Hindi na ako magko-content edit kasi tamad akong mag-screen shot kaya pasensya na.
💥Style
Wala na akong masasabi dito dahil akma naman ang genre mo sa plot so good job.
💥Conclusion
Inisa-isa ko lahat ng mga mali mo. I suggest na magbasa-basa ka ng mga writing tips na nalipana sa wattpad. I'm sure, madadagdagan ang mga kaalaman mo sa iba pang aspeto ng pagsusulat.
💥Rating
3 - average
Kailangang i-apply ang mga natutunan sa mga kwentp at writing tips na binasa
🔉comment inline you feedbacks about my critics to the following category.
👑Very Satisfied
👑Satisfied
👑Not Satisfied
⏩⏩⏩⏩⏩⏩⏩⏩⏩⏩⏩⏩⏩⏩
Message from Violet_Ybrehl07
Thank you for choosing me. Sana may natutunan ka sa mga ti-nype ko. Sorry rin kasi ngayon lang na-post ang critique ko. Merdyo busy kasi. Good luck
------
Posted by: Admin Midoriya
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro