B1: The Jerk Is In Love (joeneverth)
📕Author: joaneverth
📕Story Title: The Jerk Is In Love
📕Critic Member: Khalessi
📌Hi! Salamat sa pag-request sa shop ng AFO at sa'kin na maging critique mo.
📌Panatilihin pong bukas ang pag-unawa habang nagbabasa ng critique na ito.
📌Emeghed isisingit ko lang ito dito. KAISOO is real 😍
⏩⏩⏩⏩⏩⏩⏩
💥Book Cover:
Para sa 'kin super swak ng cover mo. Malinis siya at maganda ang overall impact ng lahat ng components. Syempre alam ko naman po na editor ka kaya good job 👍😊
💥Title: The Jerk Is In Love
📌Well nag search ako sa watty at tiningnan kung may kapareho ka ba and unique ang title mo kasi pag-search ko ay ikaw agad ang lumabas.
📌 Nabigyan hustisya naman ang title at doon naman talaga nag revolve ang buong story so good job din!
📌Ito naman I have to say this as a critique. Kasi objectively puro positive naman ang impact ng title. Pero subjectively, at ito ay isang pananaw lamang ng isang mambabasa, para sakin kasi medyo na over use na kasi ang Jerk at Love. Hindi ko naman po sinasabi na mali siya. Iyon lang kasi para sakin kapag medyo common na ang datingan I can't help but compare it to other stories na medyo ganon din ang concept.
💥Opening:
📌Para sakin napaka effective ng blurb na sinulat mo. Malinis at walang error tapos na establish mo rin ng maganda yung story without overselling it. So thumbs ako. 👍👍👍
📌Para naman sa opening mo sa story mismo ganon din. I like the sequence na bumungad sakin kasi straight to the point na at na set niya talaga ang motion para sa buong story.
💥Conflict:
📌Ok for me maganda naman ang pagkakasulat ng plot at conflict. Especially kasi boy to boy love siya kaya it was something that set your story apart from all the others.
📌Nagandahan ako sa resolution ng buong story kung paano mo siya tinapos. Tatapatin kita hindi na bago ang conflict na napili mo. Iyong bet bet tapos niloko tapos inlove din naman pala si boy. It was something na medyo talamak na din sa watty. Pero, mas na-hook ako sa resolution mo.
Hindi kasi ibig sabihin na katulad ng iba ang umpisa ay katulad na din nila ang pagtatapos. I loved it and I hated it at the same time. Why? I loved it kasi may lesson siya. 'Yung hindi ibig sabihin na niloko ka na minsan tapos kahit anong mahal mo magpapakatanga ka pa rin. I hated it kasi na feel ko kung gaano ka sakit sa both characters iyong ending. Tapos Kaisoo Fan pa naman ako. I think it's a good thing bilang isang writer. Nakaya mo na mag-invest ang readers mo ng oras at emotion kahit maikli lang ang story. Para sakin you mastered this skill kaya wow! 😍👏👏👏
💥Setting:
Madali lang naman ma-absorb ang setting sa kwento kasi nabigyan siya ng tamang exposure. Hindi OA hindi din bitin.
Madali din feel ang sense of time within the events.
💥Characterization:
For me nabigyan naman ng maayos na spotlight ang bawat character at madali din silang ma differentiate sa isa't-isa.
Kaso kung hindi ko kilala si Kai Taemin at DO hindi ko masyadong ma fefeel ang homosexuality nila. Kasi as I read your story, Kyungsoo's image for me is a girl. Like a leggit girl. Yun ang vibe na nabibigay niya sakin. Ganon din kay Kai at Taemin I see them as straight guys. Pero personal perception ko lang naman iyon.
💥Dialogue:
Maganda din ang dialogue. As in bakas yung emosyon at naayon naman sa mga karacter ang bawat linya na binabato. May mga ibang mga linya lang na narinig ko na dati. Pero ang overall naman, you made this story your own brand.
💥Point of View/Show versus tell:
Kagaya ng setting wala din akong maipipintas dito. Perfect na siya as is. So keep it up lang.
💥Format of the text/Grammar and spelling:
Para naman dito super minimal lang ang corrections ko dahil parang na cover mo naman mostly ng errors sa preliminary editing.
📌"Ahm... I h-have s-something to tell y-you," nauutal na sabi ni Kai.
Na-notice ko lang po na medyo inconsistent ang technical side sa pagsusulat ng dialogue. For more info and in depth tips pwede niyo pong basahin ang writing tips #1 ni admin Midoriya nasa mga unang chapters po ng shop na ito. 😊
📌 * made
* 'Di ba/ Hindi ba...
📌 I think the appropriate word is extending.
📌Revised: May mga magtatagumpay at may mga tatanggapin na lamang ang katotohanan. Mukhang nagawa na ni Kai na tanggapin ang totoong siya.
He's brave now but still he's doing things the wrong way.
💥Style:
I like your writing style. Isa ka sa mga kilala kong undiscovered writers na malinis magsulat and I think it comes naturally to you. Maganda din ang narration sa mga akda mo na nabasa ko at angkop talaga sila sa genreng napili mo.
💥Conclusion (strength and needs improvement):
Para sa sakin ang pinakastrength mo talaga ay yung writing style mo at very fluid storytelling. It's really hard to write an overall concept and character growth especially for short compositions. Pero forte mo na talaga siguro ang pagsusulat nga mga short stories dahil based sa mga gawa mo na nabasa ko na ay nakakaaliw talaga sila.
Siguro konting polishing na lang talaga pero you're story is good as it is.
💥Rating:
4.50
For me parang nagbabasa na talaga ako ng mga short stories written by an experience and professional writer. Sana po ay mas magpursige ka pa sa pagsusulat dahil hindi makipagkakaila na may talento ka. I'm also looking forward on reading your other works so good luck po and more power.
🔉Comment inline your feedback about my critic to the following category.
👑Very Satisfied
👑Satisfied
👑Not Satisfied
⏩⏩⏩⏩⏩⏩⏩⏩⏩⏩⏩⏩⏩⏩
Message from Critic Khalessi
Ayun sana po nakatulong ang critique ko. Sorry po ulit kasi ngayon lang na post. Medyo busy kasi hehe. Anyway nag-enjoy talaga ako sa story mo. Kaisoo is a ship that will never sink 😍
Keep it up
---
Posted by:
¤Founder Seb.¤
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro