B1-Stare Down (Madhanuelkim)
📕Author: MadHanuelkim
📕Story Title: Stare Down
📕Critic Member: Violet_Ybrehl07 (Violet)
📌Paalala
Ang iyong mababasa ay pawang opinyon lamang na may pinagbasehan. Panatilihing bukas ang iyong isipan sa iyong mga mababasa sa kabanatang ito.
📌Maaari lang magtanong o maghayag ng iyong saloobin ukol sa aking mga isinulat dito.
📌Pinagbasehan ko lamang ang laman ng iyong akda na chapter one hanggang chapter three.
⏩⏩⏩⏩⏩⏩⏩⏩⏩⏩⏩⏩⏩⏩
💥Book cover
Nu'ng nakita ko yung book cover mo, hindi ko pa alam ang Genre ng storya mo. Una kong impression? Akala ko belong siya sa General Fiction. Nu'ng nabasa ko yung prologue saka ko binalikan ang form mo at nalaman kong horror
Para sa akin lang, parang hindi akma yung model no sa genre na pinili mo.
Okay, sabihin na natin na 'yung nakikita nila na kaakit-akit na mukha yung nagsi-symbolize ng model mo sa book cover. Ang tanong? Kung isa kang horror lover ano ang unamong hahanapin sa book cover? Diba yung may nakakatakot na scenery kaysa sa plain. Much better kung hahanap ka ng model na katulad ng pagde-describe ni Zach sa babae.
💥Title
Sa totoo lang, nu'ng nabasa ko ang title mo napakunot ang noo ko. Nagtaka pa ako kung bakit stare down lalo na't Horror ang genre mo. Saka ko lang na nalaman kung bakit sa kalagitnaan.
For me, puno siya ng misteryo. Nakaka-akit basahin kasi may kakaiba sa kanya. Kaya wala na akong masyadong sasabihin.
💥Opening
Wala akong nakitang typo pero sana hindi mo nilahad ang lahat ng detalye na parang binigay mo na ang buong storya sa pamamagitan ng summary.
Mas maganda kung bigyan mo ng katanungan ang mambabasa mo. 'Yung tipong binigyan mo ng clue pero hindi mo ibibigay ng full detail. Dapat bitinin mo sila sa prologue pa lang para mas ma-akit sila na basahin.
💥Conflict
Maayos mong naipaliwanag ang conflict. Balanse ang pacing ng storya. Kumbaga hindi mabilis hindi rin mabagal. Nabitin lang ako sa last part.
💥Plot
Hindi na bago sa akin ang ganitong plot kaso nadala ako sa narration mo which is hindi ko naman madalas maramdan kapag nagbabasa ako ng horror. Honest speaking, magaling kang pumili ng mga words na akma sa scene.
💥Setting
Medyo nakulanga ako dito. Hindi ko kasi ma-portray 'yung museum which is ang main setting. Basta ang nakalagay lang, nasa museum sila na nakatingin sa isang portrait.
💥Dialogue
Ramdam ko ang emosyon na nakapaloob sa mga dialogue nila. Pati na abg structures tamang-tama. Hindi mo sila nilayo sa reality at madali mong napapaintindi sa readers mo ang gusto mong iparating.
💥Point of View
Maayos naman dito dahil napangatawanan mo ang speaker. Kaso, gumamit ka kasi ng First POV kaya dapat nilagyan mo ng identity 'yung nagsasalita. Nasa kalagitnaan ko na kasi na-gets na si Zach pala abg speaker.
💥Show versus tell
Gaya ng sabi ko, magaling kang pumili ng words na akma sa scene. Maayos mong nagagamit ang show at tell sa pagbabalanglas ng storya mo kaya good job ka dito.
💥Format of the text
Wala namang naging problema dito lalo na'r formal writing ang ginagamit mo.
💥Grammar and spelling
Wala akong masabi. Wala akong nakitang mali, both english abd tagalog, nag-excel ka kaya good job ka ulit.
💥Style
Gaya nang sabi ko sa taas, kinilabutan ako sa pagsusulat mo. Horror na horror ang dating kaya good job ka dito.
💥Conclusion (strenght and needs improvement): i think, kailangan mong dagdagan ang ending mo. Sa ending kasi nagkaroon na ako ng mga katanungan gaya ng:
Ano nang ginawa nila after nilang makalabas?
Ano na yung nangyari sa portrait?
Anong nangyari sa gumawa ng portrait?
Bakit niya ginuhit ang portrait gayong ginawan na niya ito ng masama?
Kailangan mong masagot din ito kasi magiging plothole siya.
💥Rating: 5
⏩5: Excellent Writers👑
Puwedeng matupad ang pangarap mo na maging published writer dahil alam mo na ang lahat ng dapat mong matutunan
⏩4: Above Average
May pagkakataon kang makamit ang nais mo basta magsikap at magtiwala sa talent mo
⏩2: Average
Kailangan i-apply ang mga natutunan sa mga kwento at writing tips na binasa
⏩2: Needs Improvement
Marami pang kailangang matutunan sa pagsusulat
➡Hindi kami magbibigay ng rating na "1" dahil as a writer or human being hindi namin kaya bigyan ng ganyang numero dahil lahat tayo, may kakayahang umunlad pa lalo na sa pagsusulat. Kaya huwag mawalan ng pag-asa.
🔉Comment inline your feedback about my critic to the following category.
👑Very Satisfied
👑Satisfied
👑Not Satisfied
⏩⏩⏩⏩⏩⏩⏩⏩⏩⏩⏩⏩⏩⏩
Message from: Violet_Ybrehl07 (Violet)
Ms kim, sana mai-revise mo ang dulo. Gulong-gulo ako eh hahaha. Good luck po sa inyo.
---
Posted by: Admin Midoriya
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro