Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

B1- Sensing Zilch (aliyahdorelle)

📕Author: aliyahdorelle
📕Story Title: Sensing Zilch
📕Critic Mentor: Khalessi (MessDan)

📌Palala ang iyong mababasa ay sariling opinyon at pananaw ng napiling kritiko sa iyong pinasang akda.

📌Panatilihing bukas anh pag-unawa habang nagbabasa ng kabanatang ito. Maari mong ipahayag ang iyong reaksyin sa pamamagitan ng pagkomento.

📌Prologue- Chapter 5 po ang pinagbasihan ko sa critique na ito.

⏩⏩⏩⏩⏩⏩⏩⏩⏩⏩⏩⏩⏩

💥Book Cover:

Wala na akong masasabi pa sa book cover. I think it was on point and very catchy and if I'm not mistaken ikaw din ang nag-edit ng sarili mong cover kaya naman WOW.

💥Title: Sensing Zilch

Your title was very eye-catching and very memorable. May napukaw din na curiosity sa'kin. Medyo nagtaka pa ako kung bakit ito ang napili mong pamagat pero ng mabasa ko na ang laman ng iyong akda ay doon na nagaing malinaw. I like the wordplay that you used about Zilch. Wala feeling ko kasi magandang detail lang siya.

💥Opening:

Para sa story description mo I would be honest. Nabigyan mo naman siya ng hustisya. It was average for me. It was enough to set-up the story and make your readers tap read but I think it was a bit too average for them to save it to their library instantly. Pero nang nabasa ko na rin naman ang laman ng story mo dun ko na napagtanto na, "Ah!  May something."

Para naman sa prologue mo,  nagustuhan ko siya! You started out strong and dramatic. Maganda din ang pakakasulat ng sequences mo at dama ko ang emosyon. Medyo naguluhan lang ako ng kaunti sa totong kalagayan ng lead girl mo sa prologue pero para sa'kin magandang bagay 'yon. Na-curious kasi talaga ako at kung ordinary reader mo ako talagang mahihikayat ako na basahin ang susunod na kabanata. Kaya naman nagustuhan ko ang prologue mo dahil nagawa niya ng mabuti ang layunin niya.

💥Conflict/Plot:

I liked your overall plot. Napaka-complex niya at detalyado. Maganda din dahil may hint talaga ng reyalidad ang conflict mo. Iyong tipo na alam mo na nangyayari sa totoong mundo at hindi pang wattpad lang.

Maganda ang concept na napili mo para sa'kin iilan lang kayo dito sa wattpad although hindi na rin naman bago sa'kin ang mga materials na medical drama. Naliwanagan na ako sa totoong karamdaman ni Euphy nang makita ko ang pangalang "Helen Keller". I've read about her at minsan na rin siyang naging topic ng discussion namin sa creative writing noong HS. Anyway bilib ako sayo dahil sa lawak ng scope mo as a reader at writer din. Mahirap magsulat ng ganitong kwento lalo na't bingi at bulag ang leading character mo. So far maganda ang pagkakakwento mo kaya naman hindi ako nagkaproblema na intindihin 'to.

Medyo may isa lang akong opinyon sa conflict na lumitaw sa mga latest chapter. Napabilib kasi ako sa pagka-realistic ng events sa story mo pero medyo napataas lang ang kilay ko dahil sa isang issue sa mga Sal at ang pagpapatalsik sa kanila sa pwesto.
In the corporate world kasi hindi na bago ang competition for power. Pero kung iisipin nating mabuti parang superficial lang sa'kin na ma overthrow ang mga Sal dahil lang sa kalagayan ni Euphy. Kasi in the first place sila ang may-ari ng hospital. Kahit sabihin natin na may mga investors sila at marami ding shareholders, being the people who built the whole organization,  hindi ba malamang na sila pa rin ang may pinakamalaking shares of stocks?

Hindi naman talaga ako maalam sa business pero base kasi sa sarili ko lamang pagunawa, most likely shareholders will flock to support the biggest contender to keep themselves in position. Iba din kasi ang appointment ng chief executive officer at ng president para sa mga private institution like hospitals and schools. Presidency can be attained through election of worthy candidates from the board of directors. Dahil pami-pamilya ang negosyo nila, halata naman kasi na halos lahat sa kanila doctor or businessman, malamang ang mga Sal pa rin ang may pinakamalaking populasyon sa board of directors at dahil din sa malaking shares nila malamang ay doon din sa kanila aanib ang ibang directors.

Sa CEO naman I think based on qualifications at shares ang appointment niya. Magaling sila sa negosyo kaya malamang hindi sila paapayag na may outside investors sila na mas makakahigit shares ng mga Sal. Bukod pa dito ang charity na sumusuporta sa ibang pondo ng ospital ay hina-handle ng nanay ni Euphy ibig sabihin may say siya sa board decisions. Hindi rin sila pwede mapatalsik dahil sa abuse of power. Dahil void ang kaso kung binabayaran naman ng pamilya ni Euphy ang pananatili niya sa ospital. Kahit makasuhan sila pagdating ng election ay mahirap pa rin tibagin dahil nga mga Sal ang biggest contender for presidency. Mostly kasi ng malalaging organization na pinamilya kahit ilang henerasyon yan mahirap tibagin ang leadership lalo na kapag naka-put up na sila ng roots.

💥Setting:

Maayos naman ang narration mo at ang showing technique mo sa buong story. Mapipicture out ko naman ang lugar at pangyayari ng mabuti. Minsan nga lang medyo nawawala ako hehe. Alam ko kasi na unconventional ang timeline mo dahil may panaka-nakang flashbacks or change setting. Minsan kasi nagugulat na lang ako kung sino na nagsasalita at nasaan na sila at kung flashback pa ba ito pero after reading a few paragraphs nagiging ayos na naman.

Maganda kasi napili mo formal writing style at wala akong makalat na nakikitang  *15 mins later* *this was before* *after one day* *a random character's POV*.

Kaso minsan kelangan mo na lang i-incorporate ang sense of time and place sa narration like written as paragraph talaga. May jumps kasi minsan na --/-- lang ang nakalagay. Understood na 'yon na change scene. Kaso --/-- lang talaga ang makikita ko tuwing magbabago ng POV, mabagago ng lugar, magbabago ng oras. It was a bit confusing to know which is which kasi sa writing style mo pa naman na mahilig ka muna sa action sequence bago mag narrate ng event. Kaya nagte-take time ang utak ko. (Pasensya na ambobo ko lang) 

So bale ayon nga. It would be a bit hard especially for your younger reads to pick up. Advice ko sayo just keep your writing style as it is pero siguro ibahin mo lang ang separators mo kapag mag cha-change POV ka or magfa-flash back. Lagyan mo ng mas distinguishable page separators.

💥Characterization/ Dialogue:

The character build-up and dialogue are on point. Memorable at consistent ang mga tauhan mo at kinikilig ako kay Fane super. Effective din ang dialogue mo not too much, not too little. Akala ko nga mahihirapan ka dito dahil alam mo na sa sitwasyon ni Euphy pero nagulat ako sa sobrang galing mo.

💥Point of View:

Para sa'kin effective ang third person POV mo. Maganda ang voice niya sa utak ko dahil parang smooth lang ang bawat narration. Sa POV naman ni Euphy maayos naman siya. Tulad nga sa sinabi ko kanina minsan magugulat na lang ako na si Euphy na pala ang magsasalita. Hindi din gaanong recognizable ang character voice niya on her own. Masyado kasing third person POV pa rin ang feeling ko kahit si Euphy na ang nagsasalita.

💥Show versus tell/Style/Format of text:

Wala kang palya dito. Maganda ang pagpapakita mo bawat kaganapan. Damang-dama ko rin ang emosyon. Hindi rin mahirap basahin ang format of text mo. Magaan lang sa mata at sakto lang. Para sa'kin wala ka ng dapat baguhin. Para sa style naman napanindigan mo ng mabuti ang genre mo. Nakakasabik din ang pagkakasulat ng bawat kabanata. Keep it up!

💥Grammar and spelling:

Tinanong ko nga sarili ko bakit mo pa na-isipan magpa-critique eh kung ako lang ang tatanungin spotless na rin naman ang story mo. Sa part na to wala akong nakitang errors bukod sa iilang typos. Sa technical side mo naman halatang gamay na gamay mo na ito kaya wala na kong masasabi pa. As for grammatical errors they were next to none. Kung mayroon man ay hindi na sila kapansin-pansin o madali lang maitama.

💥Conclusion (strenght and needs improvement):
Nice concept
Very fluid and clean writing style

Needs improvement on:
Clear set-up of the setting and first person POV voice.

💥Rating:  4.50

🔉Comment inline your feedback about my critic to the following category.

👑Very Satisfied

👑Satisfied

👑Not Satisfied

⏩⏩⏩⏩⏩⏩⏩⏩⏩⏩⏩⏩⏩⏩
Message:

Hi sorry po talaga author dahil ngayon lang ang request mo. Sinisingit ko lang talaga kassi siya sa sandamakmak na school work. Anyway overall po maganda ang story. I was just actually nitpicking on some things on your story dahil sa tingin ko ay pwede pa itong ma-improve. It is good as it is especially kasi plakado ang technical side. I know po na kayang-kaya niyo pang supresahin ang mga readers mo. I really hope po nakatulong ako. Good luck po sa updates more power.

Critic Mentor MessDan

✨✨✨✨
Posted by: Admin Midoriya

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro