Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

B1:Mondragon Untold Mystery (HRanzuki)

📕Critic Requester HRanzuki
📕Critic Member Grey TheIntrovertStories

PROLOGUE - CHAPTER 4

💥Cover:

Your cover was great. Nagmukha siyang parang komiks at nananatili pa din ang pagka-mystery nito. Simple man kung titingnan pero 'yung dark side ng buong istorya ay makikita mo mismo sa pabalat na ito. Fit na fit ang Title sa cover. Pero kung hindi mo pagmamasdang mabuti ay hindi mo makikita ang word na MYSTERY. Parang naging laser lang kasi iyon na nagpatalbog-talbog.

Pero, hindi naman iyon nakakabawas ng pagiging misteryoso ng iyong pabalat.

💥TITLE:
MONDRAGON UNTOLD MYSTERY
Sa pagbasa ko palang ng title mo ay madami na akong naisip. Para itong apelyido ng isang mayamang tao na puno ng sikreto. Parang isa din itong organisasyon na pangkasamaan, ng mga assasins, ng mga Mafia's. At dahil kakabit nito ang salitang mystery, hindi maiiwasan ng mambabasa na mapatanong. The title was very strange, ano pa kaya ang nasa loob nito? At lalo na nang mabasa ko ang description na nilikha mo.

💥DESCRIPTION:
Napaka unique ng concept mo. Habang binabasa ko ito, parang alam mo 'yung tipong matithrill ka kaagad. Kaunti lang ang ibinigay mong OPENING, pero pinaramdam mo naman sa mga mambabasa na 'sa oras na basahin niyo ito ay higit pa ang mararamdaman ninyo' kasi nga napaka catchy niya.

Less words but full of meaning kumbaga. Hindi man questionable iyong mga inihanda mo pero mapapatanong pa din kami. At katulad ng sa Title - cover - hanggang dito ay magkakakonekta talaga sila bilang isang mystery genre. So, it's a YES for me. Nakuha mo ang atensyon ko. At makukuha mo ang atensyon ng mambabasa na bibisita sa istorya mo.

💥CHARACTERIZATION: POINT OF VIEW : DIALOGUE: SHOWVERSUSTELL: FORMAT: GRAMMAR/ SPELLING

Nagtataka ka siguro kung bakit ko sila pinagsasama-sama. And I am giving you a hundred percent sure that your story is already a work of a professional. Yes, you read it right.

Simula sa characterizations, naibigay mo 'yung hinahanap naming mga mambabasa, tulad din ng mga profesionals. Si Sebastian noon at ngayon. Si Delvin na pasaway pero may itinatagong kulo sa loob. Iyong babaeng nagnanakaw ng mga brief. Their responsibility as a character in the story was great. Fit na fit ang pagkakaiba ng kanilang mga attitudes, which is iyon talaga ang hinahanap ng mga mambabasa. Iyong makikita mo mismo habang nagbabasa ka 'yung pagkakaiba-iba ng mga tauhan.

Para sa akin, pantay lang ang pagkakaconstruct ng kwento mo. Hindi nasu-sobrahan sa dialogue at hindi naman kulang. Hindi nasu-sobrahan sa narration at hindi naman din kulang. Kumbaga, banayad lang. At diyan na papasok ang conflict. Mamaya ko na sasabihin ang ilang mga napansin ko.

Para naman sa Format ng iyong pagkakasulat ay wala akong masasabi. Grammar, punctuations, spellings, that was so good. To think na TAGLISH ang ginamit mo at diyan papasok ang conflict.

💥IMPORTANTE:
Tamang paggamit ng gitling.

*pag-uulit ng salitang-ugat
Saan-saan
Dala-dala
Anu-ano

Nag-call
Sa akin
Dire-diretso
Papanhik

Iyan ang kalimitang napapansin kong mga maling salita na nakatala sa iyong istorya. May ilan akong nakitang typos, pero pwede namang huwag nang iedit pa dahil natural lamang iyon sa isang manunulat.

Para sa iyong point of view, ay wala naman akong masasabi tutal iisa pa lang naman ang iyong ginagamit at nagagawa din nitong balansehin ang bawat kabanata.

💥CONFLICT/ PLOT

Kakaiba ang balangkas ng istorya. Hindi cliche dahil original mong gawa ito. Ito din ang unang beses na nakapagbasa ako ng ganitong detective stories, kaya masasabi kong swak sa panlasa ko.

I am also 'really impressed dahil sa inilalagay mong twist sa istorya mo, na siguradong magugustuhan ng mga mambabasa at hindi mabu-bored dahil sa bawat kabanata ay may inihahain ka ng mga katanungan. Katanungan na lilipad sa aming mga isipan kung bakit, kung sino at kung ano ito.

Simula sa Prologo, nararamdaman namin iyong hinanaing ni Sebastian. The impact and emotions that trying to get out ay nadala namin hanggang sa mga sumunod pang pahina. Pero hindi din iyon nagtagal.

Magaling ka sa English, at talaga namang hinahangaan ko iyon ng sobra. Magaling ka sa tagalog na mas hinangaan ko pa. Pero iyong paggamit mo ng malalalim na English at the same time na tagalog, ay nakakawala bigla ng emotions. Iyong parang kunwari ngumiti sayo si Crush tapos nalaman mong sa likod mo pala siya nakatingin. Iyong sayang, 'yong pabitin effect.

Iyon ang kadalasang nangyayari habang binabasa ko ito.

Hindi ako tutol sa paggamit mo ng English lalo na't marunong ka naman talaga, pero masyado yatang malalim, na sinusundan mo pa ng malalalim na mga tagalog.

Kaya ang nangyayari, imbis na nadadala kami sa mga senaryong ipinipinta mo ay matitigilan nalang kami at mapapag-isip kong ano'ng ibig sabihin noon.

Hindi ko naman sinasabi na, kung anong forte mo, doon ka manatili. Sino ako, para pigilan ang willingness mo magsulat ng Taglish. Ang sa akin lang, gawin mong banayad. Kung malalim na English, gawin mong banayad ang tagalog. Kasi kung pagpapantayin mo sila, magsasapawan ang mga ito.

Para sa lahat, walang masyadong mali ang akdang ginawa mo. Ito lang talagang nangyayaring mga narrations na napaka- deep.

Ang balangkas ay magaling mong naipapakita at naipabatid sa isipan namin kung ano ang gusto mong iparating. Ang mga senaryo, ang mga conversation, ang mga tauhan at higit sa lahat ang excitement na gusto naming makuha.

Para sa akin, almost perfect na ito. Pero tulad nga ng sinabi ng karamihan. "Masama ang sobra." Napasobra ang akda kaya medyo naging over ang pagkaka-narrate.

💥SETTINGS:
Ang ikinaganda dito ay hindi ka nagkulong sa eskwelahan na pinasukan ni Sebastian. Lalo na't stay in pala ang mga estudyanteng pumapasok dito.

At doon palang, makikita mo na ang pagkakaiba ng ibang akda sa gawa mo. Karamihan at naglilipana kasi sa panahon ngayon ang mga Academy at University na hindi pwedeng lumabas o walang malabasan. (at masasabi kong isa ako doon. Lol.)

Nagkakaroon sila ng mas kaabang-abang na environment, sa isipin na labas-masok ang unknown na nang bibiktima sa kanila, na maaari ding konektado sa nangyaring insidente, ilang taon na ang nakakaraan.

💥STYLE:

As a mystery and thriller genre, wala naman akong masasabing negative comments, dahil sabi ko nga sa kauna-unahan palang, ay ipinakita at ipinadama mo na sa amin ang mga hinahanap namin. Mapa-pabalat, diskripsyon, prologo at mga kabanata ay makikitaan mo siya ng mga ini- expect mong gustong makita.

Hindi ka manghihinayang at hindi ka madi-disappoint kung bakit itong libro o istoryang ito ang binuksan mo at hindi ang iba, dahil ang mga hinahanap mo ay nandito na. Cases. Codes. Thrill. Detective. Mystery. Secrets. Lies. Exciting. Questions. Na maaaring hinahanap mo dahil napadpad ka sa genre na ito.

💥CONCLUSIONS:
You have a strength to write it in pure Tagalog and pure English. At doon ka lang sa mas kumportable ka, hindi ko sinabing pumili ka sa dalawang lenggwahe. Basta magdahan-dahan ka lang. Iwasan ang paggamit ng malalalalim na mga salita, lalo na kung ang kasunod nito ay English.

Iyon lamang. At masasabi kong nag-enjoy ako na basahin ang MONDRAGON UNTOLD MYSTERY.

💥Rating: 4.5

5: Excellent Writer
Puwedeng matupad ang pangarap mo na maging published writer dahil alam mo na ang lahat ng dapat mong matutunan.

4: Above Average
May pagkakataon kang makamit ang nais mo basta magsikap at magtiwala sa talent mo.

3: Average
Kailangang i-apply ang mga natutunan sa mga kuwento at writing tips na binasa.

2: Needs Improvement
Marami pang kailangang matutunan sa pagsusulat.

➡️Hindi kami magbibigay ng rating na "1" dahil as writer or human being hindi namin kayo dapat bigyan ng ganyang numero dahil lahat tayo may kakayahang umunlad pa lalo na sa pagsusulat. Kaya huwag mawalan ng pag-asa.

🔉Comment inline your feedback about my critic to the following category.

👑Very Satisfied

👑Satisfied

👑Not Satisfied

----

Posted by: Founder Seb

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro