Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

B1-Malayo: Espada at Mahika(Peterpalabuk)

📕Author: Peterpalabuk
📕Story Title: Malayo: Espada at Mahika
📕Critic Member: Violet Violet_Ybrehl07

📌Paalala

Ang iyong mababasa ay pawang opinyon lamang na may pinagbasehan. Panatilihing bukas ang iyong isipan sa iyong mga mababasa sa kabanatang ito.

📌Maaari lang magtanong o maghayag ng iyong saloobin ukol sa aking mga isinulat dito.

📌Pinagbasehan ko lamang ang laman ng iyong akda na chapter one hanggang chapter seven.

⏩⏩⏩⏩⏩⏩⏩⏩⏩⏩⏩⏩⏩⏩

💥Book cover

Hindi ko maintindihan kung ano yung connection ng book cover mo sa story. Yung main speaker mo naman ay lalaki pero yung nasa book cover mo ay babae. Dapat connected ang book cover mo sa story mo. Hindi yung basta na lang gagawa ng book cover.

📍Plug

Meron po kaming ino-offer na book cover shop. Punta na lang po kayo sa account na ito.

💥Title

Like your title. Madalas kasi sa mga title sa mga wattpad story puro English. (Which is i was one of the guiltiest) madalas na hindi na natatangkilik ang tagalog. Ang unique niya kahit medyo common ang mga ginamit mong word. Hindi rin naman kasi madalas gamitin ang tagalog bilang title.

💥Opening

Itatanong ko lang sana kung ano yung naroon, nariyan, narito at yung malayo. Medyo naguluhan ako. I was like 😓😓 napa-ha ako habang binabasa yung opening mo. Medyo hindi ko naintindihan.

💥 Conflict/ Plot/ Settings

Napaka ganda ng naisip mong concept ng buong story mo. Yung settings unique din same ay conflict. Mas lumilitaw sa story mo ang mga ito kaya good job ka diyan.

💥Dialogues

Isa ito sa major technicalities mo. Although may emosyon ang mga dialogue mo, mahalaga pa rin ang rules na ito.

Kung gagawa kayo ng dialogues always remember this rules

Always use comma (,) between the dialogues and the identifier like 'he said/she said'. Gagamit ka lamang ng period (.) Kung ang dialogues ay nasa hulihan. You also need to Capitalize the first Lettet on your Dialogues

Ex (disregard the parenthesis)

"Gagawin ko po yan(,)" sabi ni Anna.

Biglang nagsalita si Anna "Gagawin ko po yan."

If your going to use exclamation point and question mark the next letter will be capitalize.

"Akin na ito?" Tanong ni Anna.

"Akin na ito!" Sigaw ni Anna.

"Bakit mo ba ito ginagawa? Akin naman talaga ito ahh!" Iyak na sabi ni Anna.

At kung mayroong dalawang dialogues sa loob nang isang paragraph always use comma in between like

"Umalis na si Anna," sabi ni Erika, "Hindi! Hindi ito maaari!" Sigaw ni Bea.

💥POV

Good job ka sa part na ito. Since isang POV lang ang gamit mo every chapter mas damang-dama ko yung nagsasalita.

💥Show vs Tell

Mas marami kang tell kaysa sa show.

Ano nga ba ang show at tell?

📍Tell example

Siya ay isang mangingisda.

📍Show Example

Pumunta siya sa dagat upang itulak ang kanyang bangka papunta sa tubig. Nang nasa tubig na ito ay agad siyang sumakay at pinaandar ito. Nang nakarating na siya sa gitna ay inihagis niya ang lambat at naghintay ng huli.

Mas marami ang tell mo kesa aa show. This two must be balances hindi pwedeng puro show lang hindi rin pwedeng puro tell lang

Isa pa sa problema mo dito ay ang sound effect. Kailangan mong tanggalin yun at i-describe ang dapat na scene kunwari

Incorrect

*Hoink hoink*

Correct

Isang malakas na busina ang aming narinig.

Sound effects are only intended to movies. Stories are not movies.

💥Format of Text

Masasabi kong maayos ang format ng text mo. Medyo may sabit lang talaga sa sound effects

💥Grammar and spelling

I think alam mo ang mga rules na ito. Kasi minsan tama pero minsan naman mali. Hindi ko alam kung nakakaligtaan mo lang ba o nagmamadali ka

⏩Hiram na salita
⏩Pagdodoble-doble ng salita
⏩Overloaded na punctuation
⏩Pina-ikling salita

📍Kapag gagamit ka ng hiram na salita. Kailangan ming gamitin ang dash sa pagitan ng tagalog at english syllable. Kagaya nang

Ini-scan, nag-uniform, nag-swimming, na-realize

And so on...

📍Sa pagdodoble-doble nang salita. Kinakailangan din ng dash sa pagitan ng dalawang salita. Katulad ng araw-araw, maya-maya, linggo-linggo.

📍Overloaded na punctuation.

Kung gagamit ka ng punctuation laging isa lang. Hindi yung dodoblehin mo. Wala yan sa rules ng punctuation.

Capitalization.
⏩Sa unahang bahagi ng bawat paragraph ay kinakailangan na ang First Letter ay Capital.
⏩Sa bawat noun katulad ng pangalan ng tao ay dapat ang first Letter ay Capital.
⏩Sa bawat pronoun katulad ng paga-address sa tao ay dapat capital ang first letter.
Ex. Nanay, Tatay, Mister, Madam Kuya, Ate.

📍Kapag paiikliin mo ang mga salita kailangan mong gumamit ng apostrophe.

Ex. Don't, s'ya n'ya, sa'kin

Wag kang magmadali. I-revision mo muna bago ka mag-publish ng part.

💥Style

Maayos mo namang nailahad ang genre mo. Since lumitaw naman ang pinaka-concept na gusto mo

💥Conclusion

Kaunting edit lang ng story mo malaki na ang pontential mo bilang writer. Iwasan mo ang sound effect at maging aware ka sa dialogues mo. Yung lang naman

💥Rating

4. - above average

May pagkakataon kang makamit ang nais mo basta magsikap at magtiwala sa talento mo.

🔉comment inline you feedbacks about my critics to the following category.

👑Very Satisfied

👑Satisfied

👑Not Satisfied

---
Posted by: Founder Seb

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro