Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

B1: Finding: M (||JDR||)

Title: Finding: M
Requester: IIJDRII
Critic Mentor: MissReferee

M1 to M8

💥Book Cover:
-Not appropriate. Teenager lang siya sa kwento pero ang mukha niya diyan mukha na siyang 20's and above.

💥Title:
-Average for me. Pwede itong maging patok kung maayos mong mai-deliver ang kwento ni Ben. Tsaka marami rin kasing ganitong mga pamagat sa mga movies na kinuha sa pangalan ng bida.

💥Opening
-Nasa mambabasa na kung magpapatuloy pa sila sa pagpasok sa kwento mo. Pero kung ako, ay hindi na ako papasok. Walang impact. 'Yong parang niyayaya mo lang kami na wala namang ka-effort effort. Parang sinabi mo lang kasi na "Halika pasok kayo,"

-Nasabi ko 'yan kasi wala kang panimula. Okay lang kahit walang prologue pero sana naman bongga ang ibinigay mong blurb. 'Yong kaakit-akit talaga.

💥Conflict / Plot / Setting / Show versus tell

-Honestly, I don't like it. Halatang hindi ito pinag-isipan ng matagal bago i-publish. Mababaw ang mga senaryo, ang kwento, cliché ang takbo, at hindi kapani-paniwala. Iyong tipong hindi ka maa-attract kasi napakasimple.

-Kailangan mong mag-research ng mga impormasyon patungkol sa kwento mo bago mo sana pinablish. 'Yung mga investigator chuchu, pakiramdam ko walang kadating-dating kaya naging boring. I mean, yes, mga imbestigador sila, pero paano ba sila magpapakilala? Syempre, mga profession nila 'yon. Ano bang posisyon nila sa gobyerno? Mga detective ba? Kapulisan? Nbi agent?

-Pero 'yong simula naman ng chapter 1 mo ay okay sa'kin... 'Yon nga lang bigla kang nabali sa FLASHBACK thingy. Sana siguro kung hindi naman ganoon kalayo ang agwat ng ipa-flashback mo ay dapat 'yong isiningit mo na lang siya sa kahuli-hulihan ng kabanata.

-Kasi pagkatapos ng dalawang paragraph na inihanda mo ay inilagay mo na kaagad itong 3 HOURS AGO. Nawala bigla 'yong excitement ko. E'di sana po, doon ka na lang din nagsimula sa 3 hours ago na 'yon. Tutal naman noong inilagay mo na ang PRESENT TIME ay inulit mo lang din naman siya. Wala rin.

-Kulang ka sa showing kaya wala itong naging dating sa akin. Okay lang maging cliché pero sana binabawian mo sa pagiging makwento. 'Yong tipong hindi mo maiisip na cliché kasi maaaliw ka sa pagkakahulma nito. Kumbaga, magdadagdag ka pa ng madaming impormasyon.

-Sa settings mo naman ay hindi iyon naging patok sa akin. Nasubrahan sa pagiging unique. I don't find it funny nor cute, it's corny. Sorry, pero iyon ang napi-feel ko. Mag-stay ka sa genreng pinagsadlakan mo. Kung mystery, doon ka lang. Kung romance or young adult fiction, doon ka sa pang-reality. But kung humor, pwede po itong mga names na ibinigay mo, kasi ini-expect na namin 'to.

-Ang hilig mo po sa "HOURS LATER" o "HOURS AGO" "KINABUKASAN" Kaya nawawala 'yong settings mo. Kasi pagkatapos kumain, nasa school na kaagad, pagkatapos ng school nasa bahay na naman.

-May tatlong paraan ang pagbuo ng settings.
🌒First is our five senses. Simula sa mga nakikita mo, sa naaamoy mo, sa mga bagay na nahahawakan mo, sa nalalasahan mo at sa mga naririnig mo.

*Huwag lang iyong basta sinabi at isinulat mo lang. Paano mo kami madadala sa istorya kung wala kaming ma-absorb na impact? Para maibigay mo ang mga iyon ay kailangang mayroon ka nito. I-share mo kung ano 'yong nakikita nila, iyong nalalasahan, kasi rito ka nagkukulang ng sobra.

🌒Similes and metaphor. Para hindi makaramdam ng pagka-bore ang isang mambabasa ay hainan mo sila nang mga mabubulaklak na salita.

©When you're observing your surroundings, don't just note the sensory details around you, but think about comparisons. -©

*Paghahambing at paghahalintulad sa mga bagay-bagay. Ang sabi ko nga ay maglagay ka ng mga mabulaklak na mga salita, pero syempre iyong sakto lang at naaayon sa senaryo para hindi kami maumay.

🌒Last is Spying. Gamit ang five senses na paiiralin mo ay madali mo itong makukuha. Gamit ang mga mata, ang pandinig, ang pang-amoy, panlasa at ang pandama ay ma-aabot mo ang goal na ito.

©No matter what you're doing, pay attention to the people around you. What are they doing? How do they walk? Noting mannerisms can add layers to your characters. Are they talking to someone? What are they saying? Snippets of conversation can spawn an entire chapter idea, and introduce you to better dialogue. -©

💥Characterization / Dialogue / Point of View
-Sa dialogue, too simple. Walang kakaiba. Parang 'yong pang ordinaryo lang talaga.

-Sa point of views mo naman, medyo naloka ako sa SOMEONE'S POV. Wala naman akong problema kung isasali mo 'yong culprit pero ang issue ko rito ay masyado siyang naging friendly sa mga readers. Iwasan po sana na'tin iyon. Huwag po nating ipakausap sa readers iyong mga tauhan kasi ang pangit ng impact noon.

-Hindi ko sila makikilala kung ibabase sa personalidad. Pare-parehas eh. Paano ba namin maa-adopt 'yong personality ng bawat isa sa kanila na hindi sa konbersasyon binabase? Iyon ay sa pamamagitan ng iyong pagsasalaysay. Kaya nasa kamay ng isang manunulat kung papaano namin makikilala ang mga tauhang binubuo niya. Pero kung pareho-pareho sila sa way ng pagkakasulat mo, nawawala 'yong differences, nawawala 'yong personalities kasi natatapakan ng pagni-narrate mo.

-Sa character ni Hiro, medyo common na rin. Gusto ko kasi nang pang reyalidad na. Hindi na tumatalab sa akin 'yong walang ginagawa pagbinubully... Kasi mula sa mga nabubully at nambubully na mga tauhan ay ekspertong-eksperto na ako riyan, matanda na ako sa ganyan. Gusto ko naman ng kakaiba. Actually, nasa mambabasa pa rin ang desisyon, kasi may kanya-kanya naman tayong taste.

-Hindi ko pa nabasa ang iba pang mga kabanata kaya sana maipaalam mo rin doon ang karakter nitong si Mark. Kung anong purpose niya. Kung anong ginagawa niya sa bahay ni Ben, kung bakit kahina-hinala siya. Pero syempre, in a nice way. Huwag 'yong flashback na naman ng isa sa kanila. Pwede kasi siyang maisingit ng paunti-unti, tulad kung makaka-solve sila ng case, habang nagkukwentuhan silang magkakaibigan, 'yong mga extra na tauhan na pwedeng pumasok sa kwento mo, para mapanatili 'yong mystery kasi kung gagawin mo na namang flashback tulad ng iba, mawawala 'yong mystery. Kapag nagpa-flashback ka pa naman ay straight to the point ka.

-Sa mga imbestigador, dito rin talaga ako nalilito. Kay Yoo at Park. Ano ba sila babae o lalaki? May nabanggit kang babae sa isa sa kanila pero hindi masyadong clear.

-At kung maaari ay isang POV lang kada Chapter.

💥Format of the text / Grammar and spelling
-Malaki ang porsyento ng parteng ito sa akin, kaya napaka-sensitive ko rito. Hindi man ganoon kaagap sa wikang English pero sa Filipino ay nagiging istrikto ako.

-Katulad sa mga dialogue tags na ibinibigay mo. Huwag tayong mag stack up sa iisang dialogue tag lang. Mayroong iba't-ibang uri 'yon.

*usisa nito/ niya
*ani'ya/ Ani'to
*wika nito/ niya
*saad nito/ niya
*pahayag nito/ niya
*at iba pa...

Lagyan mo sila ng KUDLIT.
*iyon/ 'yon
*n'on/ noon
*iyan/ 'yan
*hindi/ 'di
*at iba pa na dapat nilalagyan ng kudlit.

-Sa rules ng D/R.

*Ang D, tulad ng DAW, DIN at DITO.
*Ito ay sinusundan ng mga consonants. BCDFGHJKLMNPQRSTVWXYZ at RA, RE, RI, RO, RU

*Habang ang R naman RIN, RAW at RITO ay ginagamit sa mga sinundang vowels like AEIOU at WY

-Ang paggamit mo ng NANG at NG.

*Ang nang ay pumapalit sa salitang NOONG, NA NG, NA ANG, NA NA, UPANG/PARA.
*Sumasagot sa tanong na PAANO at KAILAN.
*Sa mga salitang INUULIT.

-Wala po akong karapatang magbawal ng English sa'yo, pero sa ikagaganda lang din ng kwento ay limitahan mo iyon.

-Kailangan nating kontrolin ang bawat salita kung saan ay nagiging paulit-ulit na lang.

🍺Nagising ako bigla dahil sa munting pagkirot ng ulo. Paunti-unti kong iminumulat ang mga mata at puting mga kesame at dingding ang nabungaran ko. Nararamdaman ko rin ang may kabigatang bagay na nakapatong ngayon sa ibabaw ng aking tiyan kaya hindi ko iyon maiwasang hindi babaan ng tingin. Napakurap-kurap pa ako ng ilang beses hanggang sa mamukhaan ko ang mga ito, dahil siguro ito sa matagal kong pagkakatulog. Napabuntong-hininga na lang ako. Nasa clinic ako base na rin sa mga gamit na nakapaloob dito. Pero bakit nga ba ako nandito? Pinilit kong alalahanin ang mga pangyayari.

-Hinay-hinay lang po tayo. Explain it little by little para damang-dama. Maaalala mo ba kaagad 'yong nangyayari kung kagigising mo lang? Di'ba hindi.

🍸Isang linggo na ang lumipas mula nang mamatay si nanay. Kahapon lang siya inilibing at simula noon ay hindi pa rin ako natitigil sa pag-iyak. Para bang may isang malalim na balon at punong-puno ng tubig, kung kaya't hindi mawala-wala ang mga luhang umaagos ngayon sa pisngi ko. Nalulungkot pa rin ako. Si nanay, iniwan na niya ako. Paano na ako? Kaya ko bang mabuhay na wala siya? Kaya ko ba ang mag-isa?

-Kontrolin po na'tin 'yong mga words kasi minsan nakakaumay. Tulad ng pic #4. PALAGING SI NANAY.

-Maraming typos, grammatical errors. Edit please.

-Tapos 'yong mga sound effects. I-set aside mo itong mga ito o kaya ibasura mo na kasi isa lang naman silang sagabal. KRING KRING

-Pero kung hindi mo talaga sila magawang iwanan, then make it more appropriate sa paningin namin. Like, "There is a little 'plak sound that coming into me." Dagdagan mo ng mga pangungusap para mas maganda at pormal pakinggan. O kaya, "I woke up because of the lazy sound of 'Kring in my old clock."

💥Style
-Nasunod naman ang genre mo, siguro 'yong setting mo na lang ang dapat ayusin.

💥Conclusion (strenght and needs improvement):
-EDIT and RESEARCH. Magdagdag ka pa ng mga nangyayari. Pero okay na 'yong kada kabanata, sakto lang 'yong takbo, basta palitan mo lang 'yong mga FLASHBACK, 3 HOURS AGO, KINABUKASAN, AFTER 5 HOURS, nang mga pangungusap at gawain na maaaring ginagawa ng isang bidang Ben. Doon kasi papasok ang pagiging malikhain ng isang manunulat.

💥RATING: 3%
Needs Improvement
Marami pang kailangang matutunan sa pagsusulat.

🔉Comment inline your feedback about my critic to the following category.

👑Very Satisfied

👑Satisfied

👑Not Satisfied

⏩⏩⏩⏩⏩⏩⏩⏩⏩⏩⏩⏩⏩⏩

Ang lahat ng iyong nabasa ay pawang aking mga hinuha lamang. Magkomento na lamang po, kung may mga katanungan pa. Maraming salamat sa pagtitiwala.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro