Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

B1-Ezea High: The Seven Adventurers (JieJieAya)

📕Author: JieJieAya
📕Story Title: Ezea High: The Seven Adventurers
📕Critic Member: Khalessi (MessDan)

📌Paalala ang iyong mababasa ay sariling opinyon at pananaw ng iyong napiling kritiko. Maaari mong ipahayag ang pagsang-ayon, pasasalamat o pagsalungat sa mga kumento.

📌Panatilihing bukas ang isip at pagunawa habang nagbabasa nga mga nakasaad sa kabanatang ito.

📌Huwag kalimutan ang credits o dedication para sa iyong Critic Mentor.

📌Prologue - Chapter 5 ang pinagbasehan ko sa critique request mo.

⏩⏩⏩⏩⏩⏩⏩⏩⏩⏩⏩⏩

💥Book Cover:

Nagandahan ako sa pabalat mo at para sa'kin ay nakaka-intriga siya. Malinis din at madaling mabasa ang pamagat at may-akda. Siguro mas nagmukha lang siyang Mystery/Thriller ang vibe niya imbes na Fantasy/Adventure.

Pero nang nabasa ko na rin naman ang laman ng book mo d'on ko na na gets ba't iyon ang napili mong color scheme. For me it was a pretty good cover.

💥Title: Ezea High: The Seven Adventurers

I have to be honest with you. Hindi masyadong convincing para sa'kin ang napili mong title. Siguro personal preference ko lang pero kasi marami na ang mga ganitong datingan sa watty especially sa fantasy, sci-fi,  at vamp/werewolf.

Hindi naman siya mali or anything pero kapag medyo mapili ang mga readers mo, most likely hindi sila gaanong ma-eenganyo.

Isa pa medyo superficial ang title para sa'kin. Nakulangan lang ako sa konting wow factor.

May tanong sana ako. Sa pamagat kasi nalagay ang seven adventurers pero kung babalikan ko ang mga nabasa ko eh lima lang naman ang mga elementalist at kasama nila ang leading girl mo. So bale anim lang sila. Sino ang pang pito?

💥Opening:

Maganda ang pagkakasulat ng description at nakaka-akit naman siya ng readers so wala na akong mapupuna. Para naman sa prologue mo gan'on din. Na set-up ng maayos ang structure ng plot mo at ang mood. I also liked the part na napakilala at na-describe ang iba't sect at kingdoms sa fantasy world na giniwa mo. There were just random grammatical errors pero hindi niya naman na weigh down ang overall execution.

💥Conflict/Plot/Setting:

Sa ngayon ay may general idea na ako ng overall plot ng story at so far maganda naman ang execution niya. Hindi rin mahirap intindihin at ma-picture out ang setting. Iilan pa lang ang mga chapters na nabasa ko I think it's still too early to say anything about the resolution pero so far ay maganda naman ang sequence of events.

💥Characterization/ Dialogue/Point of View

I really think that you did great in this aspect kasi so far consistent naman ang characters mo. Madali rin sila ma-distinguish at hindi rin mabigat ang mga linya nila kaya kapanipaniwala ang mga dialogues. There was also no problem in distinguishing the POV dahil consistent ka naman na first person POV talaga ang ginamit mo. So for me you did a great job.

💥Show versus tell:

Again maganda ang pagkakasulat ng bawat sequence mo. Ramdam ko rin ang mga damdamin ng mga tauhan mo. Wala pa ako masyadong nabasang part na may strong emotional content except d'on sa nangyari kay Keya at sa kiss ni Astra at Azriel. Napahayag mo naman ng mabuti 'yon kaya wala na akong mapupuna.

💥Format of the text:

Maayos ang format at madali lang basahin at ma-absorb ang mga talata. Napanindigan mo naman ang formal na writing style pwera na lang sa mga iilang errors pero overall maganda at malinis siya for me.

💥Technicalities:

Hindi naman madami ang mga nakita kong technical at grammatical errors. Some of the most noticeable ones are:

📌(!?) As much as possible ay iisang pananda lang ang gamitin mo sa pagtatapos ng mga pangungusap. Naumpisahan mo na ang forml writing style kaya naman mas maganda kung paninindigan mo ito. Hindi kasi acceptable kapag multiple punctuations ang ginagamit. Kahit pa sabihin na pasigaw na tanong ang nais mo iparating p'wede mo naman 'yon ma lagay sa narration.

📌(Sir.)  Hindi mo na rin kailangan pa lagyan ng period pagkatapos ni Sir dahil hindi naman siya abbreviated title gaya ng (Ms.), (Mr.),  (Dr.)

📌The correct way of writing writing your dialogues should be something like this:

"Ha?" naguguluhang tanong ko.

"Sabihin mo sa'kin lahat," mahinahon na sabi niya.

📌Napansin ko rin na minsan ay mali ang gamit mo ng (ng)  at (nang).  Most times you tend to confuse one over the other.

Ng- ginagamit as noun or pronoun modifier.

Ex: humingi ng pera
Kumuha ng gamit

Nang- modifier ng verbs, adjective, adverbs. Ibig sabihin kasunod nito ang mga salitang nagpapahayag ng kilos o pang-uri

Ex: nag-aral nang maiigi
sinagot niya nang pabalang

📌Gan'on din sa pag gamit ng rin/din,  raw/daw,  rito/dito atbp.

R- ginagamit kapag ang sinusundang salita ay patinig o malapatinig. Sa English, vowels and diphthongs.

Ex: Sisiw raw kay Astra 'yon.
Halika rito.

D- ginagamit kung ang sinusundang salita ay katinig.

Ex: Nagmahal na daw ang bilihin.
Sumunod din siya sa utos.

📌Pansin ko rin na madalas ang pagpapalit mo ng wika mula Tagalog tapos English na. Alam ko naman na millennial writer ka at mas patok talaga sa mga mambabasa kung bilingual ang pagkakasulat ng kwento mo. Pero payo ko lang 'wag ka magpapalit mula tagalog tapos english sa iisang pangungusap. Ayos lang ito kung wala namang working plot ang akda mo kagaya ng mga nonfiction works o kapag nasa dialogue siya.

Kung hindi naman hiram na salita ang gagamitin mo o 'di kaya ay may katumbas siya sa wikang Filipino, hindi mo kailangan na bigla-bigla mag-shift sa English.

Kung hindi mo maiiwasan, always make sure to write it in a different sentence or an independent clause that could hold an idea and stand alone. Kapag kasi siningit mo lang siya bigla nagmumukhang conyo ang akda mo o minsan ay nagiging immature ang dating. Lalo na kasi may mga bahagi ka sa akda mo na medyo malalim ang tagalog o english tapos bigla-bigla nagkapalit. Nawawala ang momentum mo.

📌May ilan pa akong napansin na grammatical errors ang iba ay nag iwan lang ako ng inline comments. Some of them are minor things that are barely noticeable but some will truly weigh down the whole delivery. Payo ko lang, take time to revise and proofread your work. Sinasabi ko po ito para mas maging pulido at malinis ang buong dating ng kwento mo.

💥Style:

Para sa'kin ay napanindigan mo naman ang napili mong genre na Fantasy. Maganda din ang buong storyline progression at ang format of text.

💥Conclusion :

Overall I think it was a good book but it still needs minor refinements in the technical side.
Ipagpatuloy mo lang ang pagsusulat dahil alam ko naman na may talento ka!

🔥Rating: 4.00

🔉Comment inline your feedback about my critic to the following category.

👑Very Satisfied

👑Satisfied

👑Not Satisfied

⏩⏩⏩⏩⏩⏩⏩⏩⏩⏩⏩⏩⏩⏩

Message from critic mentor:

Hi!  Pasensya na talaga dahil natagalan ang request mo. Masyado lang talagang naging busy lately. Anyway, I like your story at sana ay nakatulong ako sayo. Konting push pa and keep on writing. Good luck!

-Critic Mentor Khalessi
(MessDan)


Posted by:
°Founder Seb°



Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro