B1: Dream High (daylightstalker)
📕Author: daylightstalker
📕Story Title: DREAM HIGH: My High School Story
📕Critic Member: Khaleesi
📌Paalala:
Panatlihing bukas ang pag-unawa habang binabasa mo ang kabanatang ito. Ang tanging layunin lamang ng aming shop ay ang matulungan ang mga kapwa namin manunulat at mas mapabuti ang mga aspeto ng inyong akda.
Wow lalim. Anyway, ang mga nakasulat po dito ay ang sariling interpretation at reaction ko sa story na pinasa. I always try to critique objectively pero hindi po maiiwasan na mahalo dito ang aking mga personal na opinyon.
📌You are encouraged to raise your thoughts. 'Wag ka mag alinlangan na mag-comment kung may mali ako sa pagkakaintindi. You have the right to defend your work basta po wala lang malalabag na rules go lang sa comment.
📌Chapter 1-6 plus story plot ang pinagbasihan ko sa critique.
💥Book Cover:
📌Maganda naman ang cover mo. It's appropriate for your plot at hindi naman siya makalat or magulo. Siguro medyo hindi lang readable ang "Dream high" kasi masyadong na incorporate sa background.
📌Nakita ko na animated yung style ng cover at angkop naman siya kasi light teen fic naman yung story. Yun nga lang wala akong nakitang EXTRA special sa cover. 'Yong tipo na unang tingin pa lang hindi mo na palalagpasin, iyon lang siguro ang medyo nakulangan ako.
💥Title:
DREAM HIGH: My High School Story
📌Ok, tatapatin kita. Sa personal ko lang na opinyon, hindi masyadong marketable ang ganitong pamagat. Bakit?
Una, masyado ng generic. Hindi ko sinabi na mali ito at hindi ko din sinasabi na unoriginal siya. Kung pamagat kasi ang pag-uusapan marami kang makikita sa Wattpad na mga ganito ang datingan at dahil marami kayo hindi madaling gawin na memorable ang story.
Pangalawa, masyadong malawak. Yes, I know na high school story talaga ang plot mo at dun na relate ang title. Pero masyadong wide. Your title is like pitching your whole book within just a few words so make it count. Make it punchy. Make it direct. Make it unique.
Kapag kasi ordinaryong mambabasa ako most likely susulyapan ko lang ang story. Kasi sinabi mo na agad sakin na high school story, iyon lang at walang depth.
💥Opening:
📌Para sakin ay swak ang blurb na ginawa mo. Na-introduce 'yong leads mo at nabigyan ng magandang silip ang plot.
📌Wala kang prologue kaya para sa opening ay pinagbasehan ko ang unang chapter.
Please take note na importanteng ma-establish agad ng author ang character at setting sa mga unang kabanata. It's very crucial to give your readers a solid grasp of who's talking, who's he talking about, who's the subject, where are they, why are they like that.
Sabi nga sa writing tips na kabanata sa shop na ito, "Always put your readers first." You can ramble about random things later but you need to give us something to hold on to.
Para kasi sakin, nag-take time muna ang brain ko bago ma-absorb kung sino ang nagsasalita at sino ba talaga ang subject.
Sa unang mga tatalata kasi hindi malinaw kung sino 'siya'. Hindi din siya nabigyan ng physical image or emotional content. Pagkatapos ay nag-shift ang focus mo sa mga hype beast. The point is that na picture out ko ang mga hype beast pero blurry parin ang main subject mo. Minsan kasi may tendency tayong magramble on and on about a certain thing pero biglang mawawala ang focus mo.
You dived right into the first chapter so it's very important that your main objective is to introduce us to your lead subject. So halfway through the first chapter ay nagka-riot pero bigla lang nangyari tapos may dumating ulit na bagong subject so wala na ang focus ng readers mo sa unang subject mo.
I hope you get what I'm trying to say. Kailangan ma-hook mo agad ang mambasasa. They need to at least absorb your main points before you start adding little bits and pieces. Kasi let's be honest, 'di ba kapag naghahanap ka ng kwentong gustong basahin pahapyaw mo munang titingnan ang opening at doon mo malalaman kung isasave mo ba sa library o kung pababayaan mo na lang.
💥Conflict/ Plot:
Tinanong kita kung ano ba talaga ang target na plot ng kwento mo. Base sa mga sinabi mo sakin ay napahanga mo ako sa concept.
Ginawa mo kasi na high school themed lang siya pero iyong main conflict mo talaga ay ang trials newly drafted basketball team at ang pangarap nila na maging successful.
Oo marami ng high school na kwento at parang nakaka-umay na minsan pero kasi 'yong plot mo binigyan mo ng depth. May clear progression kung bakit nila gusto marating ang goal at hindi 'yong basta-basta may conflict lang. May clear reason ka rin kung bakit mo napili na i-involve ang mga leading characters mo sa isa't-isa at paano iikot ang buhay nila sa main conflict.
Kaya nga medyo nasayangan ako kasi sa cover at title mo, you chose to make your story look VERY generic when in truth hindi naman pala. Your plotline has an actual working BME.
Ito ang concept na BEGINNING, MIDDLE, END. It was well written and well executed at kahit plot line lang at iilang chapters ang nabasa ko, it was enough to make me understand your whole concept. I was really glad nang mabasa ko na may laman at may sense na high school story siya. Hindi siya bastang copy-paste lang. Hindi siya bastang revival lang.
Hindi lang siya ma-appreciate ng mabuti sa umpisa dahil nga medyo ok lang ang title at cover. I just wished that the depth in your concept was reflected to the depth of the title.
💥Setting/ Show Vs Tell/ POV
Pinagsama-sama ko na lang kasi feeling ko ang mga gusto ko iparating ay parang interconnected naman.
📌Note, give your story a strong sense of place and time. Your readers should always know the where's and the when's. Maa-achieve mo ito through effective imagery and a consistent point of view.
📌I must say na may times na maganda ang pagkaka-describe mo may times din na parang kulang.
📌Para naman sa POV, third person ang ginamit mo. Para sakin ay nasulat mo naman siya ng mabuti. Kaso minsan nalilito lang ako kung sino ang tinukoy. You tend to keep talking about things or characters and put pronouns in their stead. Kaya minsan hindi ko alam kung sino ang nagsasalita at kung ano ang kinikwento ng POV.
📌Tip: Personal tip lang ah. Kapag sa conversations always make it clear kung sino ang nagsabi.
Bad example:
Inagaw niya ang bote ng softdrinks na kanina lang ay binili ng kasama niya.
"Akin na nga 'yan!" sabi nito sa kanya.
"Teka lang," sabi niya naman.
Good example:
Hinablot ni Jeanne ang softdrinks na nasa kamay ng kaibigan na si Lory.
"Akin na nga 'yan!" sabi ni Jeanne sa kasama.
"Teka lang," sagot naman nito.
📌You see even in third person POV the narrator can always choose a main subject. Someone that he chooses to put above everyone else. Sa example ko ay napili kong main subject si Jeanne at si Lory naman ay support character ko lang na kasama ni Jeanne sa eksena.
Sana may natutunan ka.
💥Characterization:
Para sakin, madali naman ma identify ang pinagka-iba ng bawat karakter sa kwento. Iilang chapters pa lang ang nabasa ko pero na intindihan ko kung bakit naiyak si Mari dahil section 1 siya. Naaliw mo din ako kau Randell at sa lolipop. Like seriously natawa ako.
May mga nakita lang akong konting-konting loopholes na siguro kapag natabunan ay magiging perfect na ang kwento mo.
📌You never really gave me a physical image of Mari, Randell, and Christian. Oo sinabi mo na pandak si Mari at 6'9" ang height ni Randell. These are their defining characteristics but other than that napaka-minimum ng binigay mo na info.
📌I learned this while I was in a screenwriting workshop, tungkol ito sa character study at magagamit mo din ito kapag nagsusulat ka ng mga tauhan sa isang nobela. May tatlong stages ito:
1)Physical- age, gender, facial attributes, body built, defining marks or characteristics etc.
2)Psychological- family background, social status, ethnicity, religion, skills, weakness, mannerisms etc.
3)Goals- kung ano ang gustong marating ng character mo towards the end of the story.
You see sa number 1 kailangan mo ito ma establish sa mga unang kabanata. Kasi sila ang balat ng characters mo. Habang ang 2-3 naman ay ini-introduce gradually habang mas lumalapit ka sa conflict at ending. Unang apat na kabanata kilala ko si Mari. Alam ko ang impact sa kanya ng naging section 1 siya. Kilala ko si Randell, matangkad siya. Kilala ko si Christian kasi sinabi mo na agad ang goal niya. Pero kilala ko lang sila kasi sinabi mo lang. You told me about them but you never actually showed them to me as real actual persons with flesh.
💥Dialogue:
Para naman dito I think it was great. Makatotohanan ang mga sinasabi ng mga characters. Hindi sila pilit at hindi OA kaya kapanipaniwala ang mga eksena. Sana lang ay mas clear kung sino ang nagbato ng ganitong linya o ng ganyan.
💥Format of the text:
Maganda ang formating. Wala na akong masasabi dahil madali basahin at magaan sa mata ang pagkakasulat. Hindi heavy ang bawat talata at malinis ang writing style.
💥Grammar and spelling:
📌In all honesty, nahirapan ako maghanap ng maling grammar or spelling sa kwento mo. Halata kasi na maganda ang pagkaka-content edit at pulido ang mga typos at wrong grammars. This is a really good thing kapag makita ng mga readers na malinis ka magsulat.
📌Nakita ko lang siguro na medyo inconsistent sa technical na pagsusulat ng dialogue. May times na tama siya. May times na mali. Pero sa mga later chapters nakita ko natama na naman mostly siguro hindi lang na kita sa unang edit.
📌Iwasan natin ang sobrang daming punctuations lalo na kapag galit. Na umpisahan mo kasi na formal ang pagsusulat kaya mas maganda kung lubos-lubosin natin.
"I OBJECT!" malakas na sigaw ng isa kong kaklase.
📌 Nanotice ko na isa din ito sa reoccurring errors mo. Super minor pero kayang maitama.
❎ ✅
Wag - Huwag/'wag
Di- Hindi /'di
💥Style:
I think napanindigan mo ng mabuti ang writing style na pinili mo at nagustuhan ko na nag-commit ka talaga sa third person POV all the way through. So good job 🙌
💥Conclusion (strength and needs improvement):
Una sa lahat hindi ko nga alam kung bakit mo pa naisipan magpa-critique kasi na pansin ko naman na halos malinis na rin ang akda mo. Siguro mas tinutukan ko ang components na hindi sakop ng technical writing. Remember na walang mali sa pagsusulat.
Ang mga sinabi ko sa taas ay mga aspeto sa kwento mo na maari pang mapagbuti. Sana lang ay may natutunan ka at sana ay hindi mo masamain. I really hope na kung ano man ang na pick-up mo sa critique na ito ay magamit mo para maging mas magaling na manunulat.
💥Rating:
4.00
For now lang. I know na may talento ka at kayang-kaya mong maging marating ang perfect rating. Sana ay 'wag ka magsasaywang magsulat.
🔉Comment inline your feedback about my critic to the following category.
👑Very Satisfied
👑Satisfied
👑Not Satisfied
⏩⏩⏩⏩⏩⏩⏩⏩⏩⏩⏩⏩⏩⏩
Hello sana talaga natulungan kita at sana hindi mo masamain ang mga sinulat ko. Pasensya na ulit dahil ngayon lang na post 'request mo. I want you to know na nagustuhan ko sang story mo at ang critique na ito ay ginawa ko talaga para mas matutukan ang konting points na sa tingin ko lang ay kaya mo pa ma-improve. Sana ay may natutunan ka kahit very light lang.
-Khaleesi (MessDan)
Posted by:
¤Founder Seb.¤
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro