B1- Destined with my Bestfriend (PrincessMaeSantos08)
📕Author: PrincessMaeSantos08
📕Story Title: Destined with my Bestfriend
📕Critic Mentor: Khalessi MessDan
📌Paalala ang mga mababasa mo po ay pawang opinyon at sariling interpretasyon ng napili ninyong kritik.
📌Nanatilihing bukas ang isipan at malawak ang pag-unawa dahil ang tanging layunin namin ay matulungan kayo.
📌Maari niyo din ipahayag ang mga reaksyon o mga nais itama sa comments.
⏩⏩⏩⏩⏩⏩⏩⏩⏩⏩⏩⏩⏩
🔥Book Cover:
Para sa 'kin hindi masyadong convincing ang cover. Mas nagmukha kasi siyang fantasy at may pagka-Cinderella ang dating. Hindi din gaanong mabasa ang title dahil masyadong blended sa background.
📌Plug: Kung gusto niyo pong bagong book cover bukas na po ang AFO Graphic Shop at marami tayonh editors do'n na may iba't-ibang forte. You can visit it if you have time. 😊
🔥Title: Destined with my Best Friend
Tatapatin kita at sana 'wag mo masamain. Para sa akin kasi medyo nakakawala na ng gana ang ganitong pamagat. Masyadong laspag na kasi kaya nawalan na siya ng appeal. Isa pa sa destined with my best friend medyo predictable na siya for me. Alangan naman makatuluyan niya si "not my best friend" eh ang title "destined with my best friend".
I suggest that kung hindi talaga maiwasan ang mga cliché or marketed concepts, you have to at least awaken your readers curiosity.
🔥Opening
📌Maayos naman ang pagkakasulat ng description ng story mo. Maganda ang pagkapahayag ng mga detalye at may nilagay ka medyo pampasabik na linya sa huli 'yong "Crush ba o kaibigan?" Ganon ata 'yon. That was nice though hindi niya na-serve ang purpose niya dahil well, she's destined to her best friend.
Parang sinabi mo na rin na:
Will she fall for Lucas, the cool bad boy or will she runaway with Joseph, the mister nice guy?
Title: Falling for Lucas
📌Para naman sa opening chapter mo, darling 'wag ka sana magalit kung magpapakatotoo ako.
It was bland. Walang siyang lasa kasi sa way na nasulat pa lang ang unang paragraph parang sinabi mo lang. Walang emosyon, walang figurative language, at masyadong generic na.
🔥Plot/Conflict/Setting
I read the story multiple times. Paulit-ulit kasi nahirapan talaga ako na mag register sa utak ko ang story. Nabasa ko na siya dati pero parang nahirapan talaga ako.
📌So far masyadong cliché na ang buong progression. I know na iyong-iyo din naman ang kwentong ito pero wala na ako masyadong nakitang bago.
📌Masyadong predictable na ang conflict at hindi nabigyan ng depth. Ang concept kasi ng isang best friend na in love sa best friend niya tapos saka lang niya mare-realize noong nakahanap na ng iba ang kaibigan niya. Pero hindi successful ang relsyon kaya sa huli ay babalik at babalik pa rin siya sa best friend niya.
Para kasi sa akin nawala na ang surprise factor tapos dagdagan pa na hindi nabigyan ng hustisya ang POV at narrations kaya nahirapan ako mag-invest ng feelings ko. Hindi ko siya naramdaman. Wala akong naramdaman except the frustration at panghihinayang sa mga scenes na hindi nabigyan ng hustisya.
Apat na beses ko siya inulit hanggang sa part ng "PARTY" and I was skimming most times. I'm really really sorry.
📌May mga nakita din akong contradicting plot holes na sobrang nagpagulo din ng isip ko.
Sa part na nag confess si Alex sa best friend niya basi sa kanya ni Josh ay, "Mahal na mahal kita na higit pa sa kaibigan."
Right at that same sequence din mismo sinabi niya na, "hanggang best friend lang ang tingin ko sayo."
Wut? I mean they have all these divine declarations of love tapos pagka-next sentence biglang nag-contradict sila.
Isa din sa exampl ang reaction ng nanay ni Alex nang nalaman niya na broken hearted ang high school na anak. Like common she's probably just 13 or 14 tapos sasabihin ng nanay niya na, "Ayus lang 'yan anak marami pang lalaki sa mundo."
Tapos bigla sinabi ng nanay niya na, "Huwag kang susuko balang araw magugustuhan ka ni Joshua."
Like akala ko ba 'wag na alalahanin kasi maraming lalaki? Eh bakit bigla na pinush ulit ang anak na landiin si Joshua?
At in reality these declarations of love won't cut so deep dahil nga puro pa sila nene at totoy.
Kung ako nanay ng batang 'yan sinabihan ko na, "Tumigil ka Alexandra hindi mo pa nga alam paano mag divide ng fraction at paano magsulat sa technical writing. Hindi mo pa nga gamay paano magdikit ng napkin mo sa panty tapos iiyak-iyak ka sa lalaki?"
Pero well story mo naman 'yan. Ang sentiment ko lang naman ay masyado nang unrealistic at shallow kapag ganyan ang linyahan mo. Hindi siya angkop sa tauhan at hindi nabigyan ng tamang emotional exposure ang bawat karakter.
📌Masyado din akong naguluhan sa pacing at sa timeline pf events dahil wala talagang na paint na clear picture sa utak ko.
Napuna ko kasi talamak ang time skip at POV jumps mo at halos bawat paragraph ay may ganoon.
Paki-usap po para mas clear ang progression ng events mo 'wag mo gawin 'to:
15 min later
1 hr later
After many years...........
Break Time
In class.........
*Chat
Nanggigil talaga ako kasi halos bawat page ay may ganyan. Mag time skip ka lang kung kelangan talaga. Kapag may bearing siya sa total plot progression mo. At hindi sapat na sabihin mo lang na:
-Graduate na kami,
After many yrs.
Eh elementary pa lang ang na graduate niyo. Tapos anong after many years? Ilang years ba talaga? After many years pero pag-umpisa ulit ng narration sasabihin na, " Highschool na kami."
Kailangan mo talaga ito ayusin like ASAP. Kung maglalagay ka ng set-up about sa time at place ng kwento mo make it clear. Make sure na naliwanagan ang readers mo at hindi nakadagdag lang sa gulo ng isip.
📌Suggestion: You can do your setting narration like this.
Umabot ng isang oras ang tagal ng klase namin sa isang subject. Hindi nga tumigil si Sir sa pagsasalita hanggang sa marinig niya na ang bell. Tumayo ako at naghintay kay Joshua sa cafeteria. Mukha akong tanga at loner dahil thirty minutes na ay hindi niya pa rin ako sinisipot. Mapanuya na rin ang tingin sa'kin ng ibang mga kaklase ko. Nasaan na ba kaso siya?
It's a lot better than just saying:
1 hr class
Break time
Hinintay ko si Joshua
After 30 min
🔥Dialogue and POV
Isa din ito sa mga aspect na sumablay ka. Kapag po nagsusulat ka ng dialogue para sa isang kwento ay i-narrate mo ito gamit ang isang tamang sentence. Hindi ito script sa play na maglalagay ka lang ng pangalan at colon.
❎ Alex: Go Marco!go Marco! *nadapa*
(Parang awa mo na huhuhu 'wag mo gawin 'to.)
✅"Go Marco! Go Marco!" sigaw ko pa habang nagtatalon-talon sa gilid ng court. Sa sobrang kulit ko ay bigla akong natisod sa bato at nadapa.
For more detailed tips and guidelines on how to write dialogues and proper punctuations, go read the TIPS chapter of this book. I'm serious go and read it. Malaking tulong po iyon.
📌Para naman sa POV gan'on din. Nalito din ako. May times kasi na First person POV ang gamit mo tapos bigla sa narration parang third person voice na siya. Hindi siya consistent. Sa mga pagpapalit naman ng POV between the main character hindi din noticeable.
Para sa'kin hindi nabigyan ng hustisya ang mga POV changes dahil parang pare-pareho sila. Hindi mo ma-differentiate kasi masyadong maikli at pahapyaw ang mga POV.
📌Note: DO NOT CHANGE POV'S IN BETWEEN CHAPTERS.
Hindi na nga advisable na sobrang daming POV sa kwento pero kung hindi talaga maiwasan please make it to a point that each POV gets it's own chapter. Kapag kasi masyadong frequent ang POV jumps it makes your story unreliable at nawala ang trust at momentum ng mga readers mo.
Also make sure that every POV should resemble an actual person. Dapat bakas sa way siya magsalita at mag-isip ang identity ng mga characters mo. May iba-iba silang speaking patterns at may iba-ibang mannerisms. This is what makes your characters memorable and compelling. Sa nabasa ko kasi wala man lang kabakas-bakas ng kahit na anong na-mention ko. They are too flat. Too cardboard-ish. Walang depth at walang texture ang personality kaya mahirap ma-hook sa mismong kwento.
🔥Show vs Tell/ Writing Style
Medyo sumablay talaga sa SHOWING part dahil hindi ko na feel kahit anong scene. Wala man lang maliwanag na imahe sa utak ko, walang bagong pakulo, wala ring kahit kaunting bulaklak.
It feels like I was reading a headline from a tabloid article. Masyadong mapakla at minadali. Hindi man lang na pukaw ang imagination ko kaya na wala siyang na-garner nakahit na anong emosyon kung lungkot. Nalungkot ako dahil sayang ang concept kung unang chapter pa lang ay hindi na mabibigyan ng tamang exposure dahil ititigil na ng readers mo ang pagbabasa.
Para naman sa writing style, alam ko na informal writer ka at nagsusulat ka para maipahayag lang ang sarili mo. I encourage you to write what's in your heart and in a way that makes you comfortable. Should time come that you want to grow or you want to people to start recognizing your work, I suggest that to do a massive revision session. Mas maipapahayag mo ang sarili mo ang sarili mo kung mas maiintindihan ng mambabasa ang iyong akda.
🔥Conclusion
So ayun nga. Para sa'kin marami ka pang pwede matutunan and I suggest that you go back to the very basics. Hindi naman agad-agad 'yan na paggising mo perfect na agad. Noboy is perfect but we can always try to improve ourselves.
Payo ko lang talaga read, read, read, and always keep your mind open.
🔥Rating: 2.00
Marami ka pang kailangan matutunan pero nasa sayo pa rin iyon kung handa ka ba matuto.
Huwag paghinaan ng loob dahil alam ko na mayroon ka talagang kagustuhan sa pagsusulat.
May mga tao talaga na pinanganak na may talento diyan pero mayroon din na napi-pick uo lang ang skill along the way.
Kung hindi mapalad ang una mong gawa ayos lang yan. Napag-aaralan naman ang pagsusulat pero kalakip na nito ang maraming-maraming ensayo.
🔉Comment inline your feedback about my critic to the following category.
👑Very Satisfied
👑Satisfied
👑Not Satisfied
⏩⏩⏩⏩⏩⏩⏩⏩⏩⏩⏩⏩⏩
Hi! Sorry po kung ngayon lang nagawa ang request. Masyado kasing busy sa Acads at inuna ko muna ang WSA. Sana po ay nakatulong ako sayo. Pasensya na talaga sa mga komento ko 'wag ka sana ma-offend. Sinubukan ko talaga na isulat ang critique in a way na hindi gaanong harsh. Please let me know your feedback in the comments.
Huwag magsawa mag sa pagsusulat!
-Critic Mentor Khalessi MessDan
-----
Posted by: Founder Seb
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro