Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

B1- Demon's Obsession (Miaking06)

📕Author: M_I_A_K_I_N_G_06
📕Story Title: Demon's Obsession
📕Critic Member: Violet Violet_Ybrehl07

💥Book cover:

📌Sinabi mo sa form mo na fantasy ang genre mo pero nang una kong nakita ang cover mo akala ko something like action or horror. Kahit pa sabihin natin na obssession nga siya ng isang demon hindi pa rin appropriate na gamitin mo ang bungo as your cover. Try to make it more magical. Ma-misinterpret kasi ng reader mo kung saan genre nabibilang ang story mo.

💥Title

Masyado nang mabenta ang title mo. Nag-search ako gamit ang title mo at sunod-sunod ang labas ng result. Kapag masyado nang marami ang kaparehas mo ng titles maraming magsasabi "ay cliche yan alam ko na ang mangyayari diyan" mas malaki ang chance na hindi nila basahin ang story mo. Use thesaurus for your titles. Marami kang makikitang unique words doon.

💥Opening

Maganda ang opening mo. Nagbigay ka ng hint na makakapagpa-curious sa mambabasa mo. But the good thing, hindi mo inilagay ng buong detalye. Kumbaga, pahapyaw ka lang na nagbigay clue. Kaya good job ka diyan.

Nakaka-inis lang ang part na katulad nito

Mas maganda kung i-describe mo siya. I revise it for you.

Nanginig bigla ako sa takot dahil nagkaroon nang malakas na tunog sa labas. Parang may nabasag o nahulog na bagay sa baba. Gusto kong lumabas para puntahan si daddy sa baba pero pinigilan ako ni Mommy.

After a while, we heard another noise which makes us gasp in nervous.

Marami pa akong nakita sa story mo na puro sound effects. Sound effects are only for movies. Nag-revise na ako ng isa para sa'yo.

💥Conflict.

Mas umangat ito sa unahang bahagi ng story hanggang sa tumaas na ng tumaas. Magaling kang umisip ng conflict dahil mismong sa sarili niya siya nag-struggle.

💥Plot

May nabasa na aking ganitong plot na ang demon ay na-obssess sa isang tao. But the thing is, you put some twist to your story that makes it more unique. Nalihis mo siya sa ine-expect kong manyari kaya good job ka rin dito.

Kung gagawa kayo ng dialogues always remember this rules.

Always use comma (,) between the dialogues and the identifier like 'he said/she said'. Gagamit ka lamang ng period (.) Kung ang dialogues ay nasa hulihan. You also need to Capitalize the first Lettet on your Dialogues

Ex (disregard the parenthesis)

"Gagawin ko po yan(,)" sabi ni Anna.

Biglang nagsalita si Anna "Gagawin ko po yan."

If your going to use exclamation point and question mark the next letter will be capitalize.

"Akin na ito?" Tanong ni Anna.

"Akin na ito!" Sigaw ni Anna.

"Bakit mo ba ito ginagawa? Akin naman talaga ito ahh!" Iyak na sabi ni Anna.

At kung mayroong dalawang dialogues sa loob nang isang paragraph always use comma in between like:

"Umalis na si Anna," sabi ni Erika, "Hindi! Hindi ito maaari!" Sigaw ni Bea.

Pero kahit ganoon ay bumawi naman sa emosyon. Naipalabas mo ang emosyon ng character using dialogues. Hindi mo nilimatahan ang sarili mo sa bagay na ito

💥POV

Maayos mong nailahad ang pov dahil isang tao lang naman ang gamit mo. Mas naipapalabas mo kaagad ang mga emosyon ng at iyon ang kinaganda nang story mo.

Hindi mo nilayo sa reality kahit na fantasy ang genre mo

💥Show vs tell

Mas nag-relay ka sa tell. At kapag part na ng intense scene like nu'ng sa prologue mas madalas na sinasabi mo lang ang mga nangyayari. Yes, you have the emotion. Pero kulang sa action.

Ano nga ba ang pagkakaiba ng dalawa?

💥Tell example

Siya ay isang mangingisda.

💥Show Example

Pumunta siya sa dagat upang itulak ang kanyang bangka papunta sa tubig. Nang nasa tubig na ito ay agad siyang sumakay at pinaandar ito. Nang nakarating na siya sa gitna ay inihagis niya ang lambat at naghintay ng huli.

Mas marami ang tell mo kesa aa show. This two must be balances hindi pwedeng puro show lang hindi rin pwedeng puro tell lang

💥Format of Text.

Tama lang siya. Hindi masyadong perfect pero hindi rin naman masakit sa mata. Sa dialogue structure ka lang nagkakaproblema at sa sound effects

💥Grammar and spelling

Ang madalas mong problema sa part na itp ay ang

⏩Hiram na salita
⏩Pagdodoble-doble ng salita
⏩Overloaded na punctuation

Kapag gagamit ka ng hiram na salita. Kailangan ming gamitin ang dash sa pagitan ng tagalog at english syllable. Kagaya nang

Ini-scan, nag-uniform, nag-swimming, na-realize

And so on...

Sa pagdodoble-doble nang salita.

Kinakailangan din ng dash sa pagitan ng dalawang salita. Katulad ng araw-araw, maya-maya, linggo-linggo.

💥Overloaded na punctuation.

Kung gagamit ka ng punctuation laging isa lang. Hindi yung dodoblehin mo. Wala yan sa rules ng punctuation.

💥Capitalization

⏩Sa unahang bahagi ng bawat paragraph ay kinakailangan na ang First Letter ay Capital.
⏩Sa bawat noun katulad ng pangalan ng tao ay dapat ang first Letter ay Capital.
⏩Sa bawat pronoun katulad ng paga-address sa tao ay dapat capital ang first letter.

Ex. Nanay, Tatay, Mister, Madam Kuya, Ate.

Minsan kasi nakakalimutan mo yan.
Style

Napaningdigan mo naman ang Fantasy lalo na sa tingin ko ay may pasabog ka pang gagawin. Keep it up.

💥Conclusion

Ang weakness mo ay ang show, structure of dialogues at slightly Capitalization. Samantalang bumawi ka sa emotion, plots, ideas at characterization kaya dapat i-improve mo ang mga ito. Gawin mo itong critique na itp bilang gabay.

💥Rating 4

💥Message

Thank you for choosing me. Kung may tanong ka don't hesitate to ask me po. Sana rin maging open ka dahil may part na harsh ako mag-critique. Ayoko po kasing mag-sugar coat ng mga sasabihin.

🔉Comment inline your feedback about my critic to the following category.

👑Very Satisfied

👑Satisfied

👑Not Satisfied

⏩⏩

¤Posted by: Founder Seb¤

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro