
B1:Clandestine Of The Stone (Violet_Ybrehl07) -II
📕Critique Requester: Violet_Ybrehl07
📕Critic Member: MadHanuelkim
💥Show versus tell
📌Masasabi kong mahusay ka na pagdating dito at talagang nai-describe mo ng maayos ang nararamdaman at gustong sabihin ng bawat karakter.
💥Format of the text
📌May time na sablay ka dito. May mga dialogues ka kasi at narration na sobrang haba na umaabot ng 10-15 sentences.
📌Kailangan kasi kapag gagawa tayo ng paragraph yung sakto lang sa panlasa ng mga readers. Yung hindi sobrang haba at hindi rin sobrang iksi.
📌Kung halimbawa ikaw yung reader at nagbabasa ka ng pagkahaba-habang paragraphs sa story anong mararamdaman mo?
📌Katulad niyan yung paragraph mo. Puwede mo siyang putulin sa dalawa o pa tatlo. Para hindi hihingalin ang readers mo na magbabasa ng kuwento mo.
💥Grammar, spelling, Punctuation
📌Dito tayo sa mga technicalities or error mo sa story. Ilan lamang ang mga ilalagay ko rito sa napansin ko.
📌Prologue- Chapter 4
📌Tingin ko weakness mo ang paggamit ng gitling. Kapag po inuulit ang buong salita dapat may gitling halimbawa araw-araw, gabi-gabi, oras-oras at kapag naman inuulit ang una't ikalawang pantig ay ginagamitan din ng gitling pana-panahon, minu-minuto.
📌Nalito ako rito...
⏩Old:
Ngunit isang araw ay biglang nagbago ang lahat nang ito ay nagbago.
Isang pangyayaring nagpabago ng buhay nila na para bang umikot ang kanilang mundo ng 180 degree. Silang pito ang itinakda ng Diyos para maging tagapagligtas. We are asking why the God chooses us to know...
(Medyo redundant kasi ang una't ikalawang statement mo)
⏩Revised:
Ngunit isang araw ay biglang nagbago ang lahat ng may pangyayaring hindi inaasahan ang dumating at nagpabago sa lahat.
Pangyayaring naging dahilan kung bakit nagbago ang takbo ng kanilang pamumuhay.
Silang pito ang itinakda ng Diyos upang maging tagapagligtas.
And now they are asking why God choose them to know...
The Clandestine of the Stone.
📌meron dapat ay mayroon
📌nagsasaya
📌Ramdam na ramdam ng lahat ang saya ng paligid...
📌kitang-kita
📌balkonahe
📌bumuntong-hininga o nagbuntong-hininga
📌...mapawi ang kanyang kalungkutan
📌palapit nang palapit
📌...hindi nagkita
📌Walang pagsidlan ang kasiyahang nararamdaman ng binata't dalaga. Sa wakas, sa ilang linggo nilang hindi pagkikita ay labis ang naramdaman nilang saya.
📌Tanggalin mo na yung huling parte dahil redundant na at nasabi na sa unang bahagi ng pangungusap.
📌Isang magandang umaga...
📌balkonahe
📌Natatamaan na ng sikat ng araw ang aking mata ngunit hindi ko ito ininda. Kahit mainit at mahapdi na rin ito sa balat ay hindi ako umaalis sa aking pagkakahiga.
📌Kapag ang salitang Ingles ay hiniram mo ng buo at ginamitan mo ng mga panlapi ay kailangang gamitan ng gitling.
Hal. Nakaka-stress, Nag-gym, mag-night swimming, mag-jogging
📌huwag o 'wag
📌pamimilosopo
📌...kontra kay Wynzelle
📌mag-ingat
📌nang hindi
📌desisyo'y
📌nag-pictorial
📌...ang (P) pagkuha ng litrato
📌nakasandal
📌...ganoon na ba kalakas
📌puwede
📌nakapag-concentrate
📌Naka-headset na yan pero...
📌pautal-utal niyang sabi dahil sa hinihingal ito.
📌Tama na 'yan! Ms. Ressureccion uminom ka muna ng tubig dahil mukhang kulang ang ininom mo kanina. Mr. Eterteveel tawagin mo sila Mr. and Mrs. Flores...
📌Kaya mo naman 'yang i-edit at mapaganda pa alam ko namang kaya mo 'yan at may potential kang maging writer.
💥Style
📌Napangatawanan mo naman ang writing style na napili mo. I think ang story mo action na parang may touch of fantasy, adventure and humor kasi nandiyan si conyo girl. Correct me if i'm wrong 'yan kasi ang nakikita ko sa story mo.
💥Rating: 4
5: Excellent Writer
Puwedeng matupad ang pangarap mo na maging published writer dahil alam mo na ang lahat ng dapat mong matutunan.
4: Above Average
May pagkakataon kang makamit ang nais mo basta magsikap at magtiwala sa talent mo.
3: Average
Kailangang i-apply ang mga natutunan sa mga kuwento at writing tips na binasa.
2: Needs Improvement
Marami pang kailangang matutunan sa pagsusulat.
➡️Hindi kami magbibigay ng rating na "1" dahil as writer or human being hindi namin kayo bigyan ng ganyang numero dahil lahat tayo may kakayahang umunlad pa lalo na sa pagsusulat. Kaya huwag mawalan ng pag-asa.
🔉Comment inline your feedback about my critic to the following category.
👑Very Satisfied
👑Satisfied
👑Not Satisfied
⏩⏩⏩⏩⏩⏩⏩⏩⏩⏩⏩⏩⏩⏩
Message from Critic Midoriya
Hi! Sana maging maayos ang pagtanggap mo sa ginawa kong critique. Medyo harsh pero alam kong makakatulong 'yan sa'yo para mag-grow ka pa as a writer. Tingin ko bagay kang magsulat ng mga fantasy at romanance na genre.
Sa bawat punang ibinigay ko alam kong may matutunan ka.
Keep it up!
Midoriya MadHanuelkim
---
Posted by:
¤Founder Seb.¤
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro