Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

B1- Can Hate Turn's to Love (FiaOmpadCabugason)

📕Author: FiaOmpadCabugason
📕Story Title: Can Hate Turn's to Love
📕Critic Member: Khalessi (MessDan)

📌Palala ang iyong mababasa ay sariling opinyon at pananaw ng napiling kritiko sa iyong pinasang akda.

📌Panatilihing bukas anh pag-unawa habang nagbabasa ng kabanatang ito. Maari mong ipahayag ang iyong reaksyin sa pamamagitan ng pagkomento.

📌Prologue- Chapter 5 po ang pinagbasihan ko sa critique na ito.
⏩⏩⏩⏩⏩⏩⏩⏩⏩⏩⏩⏩⏩

💥Book Cover:

It was an average cover for me. Hindi ako masyadong nakakita ng wow factor pati na rin relevance niya sa kwento mo mismo. Hindi rin nalagay riyan ang author's name mo.

I was just guessing na 'yong dalawang tao sa cover sila na ang leading characters mo. Malinis naman siya at madaling basahin kaso hindi siya enough talaga na maka-agaw ng attention mo. It is a fact that people judge books by their covers. Alam ko na hindi ito magandang batayan ng kakayahan ml bilang manunulat pero aminin na natin ang katotohanan na kung gusto mo talagang mapansin kelangan mo rin magpapansin.

💥Title: Can Hate Turn's to Love

Ok, I know na pinalitan mo na ang title ng kwento mo mula sa The More You Hate, The More You Love. It was a good decision dahil honestly laspag na aang unang title. May mga iilan lang akong saloobin tungkol sa bago mong pamagat.

📌Una mali ang grammar niya. Using an apostrophe  S ('s)  implies ownership for the proper noun it follows or used as a short cut for pronouns followed by is or was.

Example for ownership:
Maria's bag
José's dog
Diana's boyfriend

Example for short cut:
He is- He's
She was- She's
It is - It's

📌 In your title, Turn's to Love is grammatical suicide. Turn is a verb so it cannot hold ownership. Turn is not a pronoun.

The correct way of writing your title should be: Can Hate Turn to Love.

📌Ngayon naman impact wise medyo pumalya rin siya para sa'kin. Masyado na siyang generic at laganap. Medyo typical na rin ang pumapasok sa utak ko na plot. Your title should the whole book in only a few significant words. So far hindi siya significant para sa akin. Hindi rin ako masyadong na impress. Sorry.

💥Opening:

📌Para sa description mo, tatapatin kita. Wala siyang dating. Ang layunin ng description or blurb ay parang teaser sa isang pelikula. Ipapakita sayo kung anong klase kwento ang mababasa mo pero maikli lang at hindi ibibigay lahat ng impormasyon. Layunin nito na pasabikin ang mga mambabasa mo.

📌Sa nakita ko kasi masyadong generic ang blurb mo. Maikli, walang data, at wala akong makikitang working plot. Napapa-isip ako na baka ng naisulat mo ang kwentong ito ay wala ka talagang target na plot. Ang blurb mo kasi ang magiging dahilan kung bakit babasahin ng ibang tao ang akda mo. Example ah,  kapag ba ikaw ilagay mo ang sarili mo sa pwesto ng readers. Kung may makikita kang ganitong description sa aklat na may magandang cover, bibilhin mo ba?

📌Sa prologue mo naman, I don't think prologue ang tamang term sa chapter na iyon.

Prologues are introductory pieces in literary and musical works. For fiction, it is most often an account of events that will trigger the future course of events. Bale parang introduction siya kung ano ba talaga ang layunin ng kwento mo. It is used to set-up the mood and the framework of your story.

Ang iyo kasi parang teaser pang siya. Hindi ko nga sure kung teaser ba talaga kasi wala ka talagang kahit anong facts na na introduce sa amin. Wala akong makapa na working plot, wala din akong makapa na actually tangible characters. Using 'si babae', at 'si lalake', is not very convincing. Parang tinamad ka lang mag-isip ng paraan para maipakilala sila sa'min kaya kung normal na reader lang ako, agad akong mawawalan ng gana. Pasensya na kung medyo prangka. Pero kailangan ko magpakatotoo sayo para naman kahit papano ay may ma pick-up ka na facts at techniques.

💥Conflict/Plot:

Again, pasensya na talaga. For me there was nothing new to the story. It's like another one of then troupe in wattpad teen fiction. Hindi ko naman sinasabi na ginaya siya. Ang akin lang kasi halos lahat ng sequence sa kwento ay ilang beses na nagamit. Hindi ko makapa ang identity mo mismo bilang isang manunulat.

Hindi na bago ang overall plot na si babaeng masipag pero mahirap pa rin, may lalakeng mayaman at suplado at makikilala niya sa bar, magagalit si lalake at magiging hate nila ang isa't-isa tapos magkikita ulit sila sa eskwelahan. Sa totoo lang MARAMI ng ganito sa wattpad. Laspag na laspag na siya. Alam ko naman na mahirap talaga mag-isip ng isang entirely original story. Kelangan mo lang pagsamahin ang mga idea na cliché man pero may halong kakaiba or minsan relatable.

Pero kasi halos bawat detalye ng kwento ay parang template na. Iyong na cut-out na dati tapos papaslak na naman ulit. Wala ring depth ang conflict mo. Masyadong mababaw na ang may sakit na nanay, walang tatay, mahirap ako, may mayamang gwapo. It's very two-dimensional. Wala siyang edge, or bumps, or creases. Masyadong flat lahat.

Ayokong ma discourage ka sa pagsusulat at ayoko rin na iwanan mo ang plotline mo. Ang mapapayo ko lang, kung hindi mo maiwasan ang cliché things, at least gawin mong relatable at makatotohanan. Iyong kahit cliché siya maaliw ka kasi alam mo lahat tayo pinagdadaanan ang ganito. Iyong kahit cliché ay detalyado at malinis ang pagkakasulat.

💥Setting:

Always remember that establishing a strong setting is crucial if you want to be an effective writer.

So far wala kang magandang description ng setting mo. Hindi mo nabigyan ng mental image ang mundo na ginagawalan ng mga tauhan mo.

It's ALL telling. You have to show us. You have to make us believe na bahagi kami ng mundo nila. Hindi 'yong basta-basta ka lang magsasabi na:

So ayun gabi na pala

nandito ako sa blahblahblah

Ako nga pala si ganito hindi ko na matandaan ang pangalan ng tauhan, 17 yrs old.

Notice the difference:

✘Gumising ako kasi kailangan ko ipagluto si Mama. Mahirap kami at si Mama naman may sakit.

✔Hindi pa tumitilaok ang manok ng kapitbahay namin ay gising na ako. Kailangan kong magbanat ng buto kahit maaga pa dahil ako lang ang maasahan ni Mama dito sa bahay. Ayaw ko na siyang magtrabaho pa dahil sa mahina niyang katawan at madalas na pabalik-balik na ubo.

Gustuhin ko mang maging maayos ang kalagayan niya ay wala akong magagawa. Sakto lang ang kita ko sa pagkanta-kanta sa bar para sa pang araw-araw naming gastusin. Minsan ay kulang pa nga. Nasasaktan akong makitang nagdudusa si Mama kaya hanggat kaya ko ay pagsisilbihan ko siya.

Napansin ko kasi maiikli ang update mo dahil nga puro telling ka lang. Hindi mo maset-up ng mabuti ang bawat sequence. Wala ring emotional impact kung masyadong flat ang narrations mo.

💥Characterization:

Napansin ko na wala masyadong identity ang mga tauhan mo. What I mean about this, is they all sound the same. Wala kang physical image na na-establish. Pare-pareho rin ang speaking voice nila o 'yong manner of speaking. Pati sa pagpapalit ng POV ay hindi napangatawanan.

Kung ang tauhan mo ay lalake at astig pangatawanan mo na astig siya. Kung tauhan mo ay isang ina na mahal na mahal ang anak, iparamdam mo sa'min ang saloobin niya.

The keys to make a compelling character are complexity and consistency.

💥Dialogue:

Please take note of the punctuations and the capitalization.

The correct way to write dialogues should be like this:

Please disregard the parentheses

"Kung ano man ang nais kong iparating, nakapaloob ito sa quotation marks at sinusundan ng maliit na titik sa tag(,)"(s)abi ko.

"Comma ang ginagamit kung nagsasalaysay," sabi ko ulit.

"Puwede rin na kung galit isigaw mo lang(!)" (s)abat ng kontrabida.

Sinabi niya na(,) "Maari bang ganito ang pagkasulat?"

Sinagot ko siya ng marahan(,) "Oo naman."

For a more detailed guide on how to write your dialogue correctly please refer to the Tips #1 chapter of this shop.

💥Point of View:

Mahilig ka magpalit ng POV within the chapter. Minsan maiikli din sila. Payo ko lang iwasan ang papalit-palit ng POV o mag-stick ka na lang sa third person POV.

Kung hindi talaga maiiwasan, maglaan ka sana ng bagong chapter sa bawat palit mo ng POV at siguraduhin mo na mabibigyan ito ng hustisya. Sa bawat POV dapat maramdaman ng mambabasa mo ang individuality ng tauhan mo. May distinction ang pagsasalita at takbo ng isip niya. Hindi 'yong pare-pareho lang.

💥Show versus tell:

Number one rule in creative writing, show don't tell. Hindi mo na siguro mabilang kung ilang beses mo na nakita iyan sa mga writing tips, critique shop, at guides. Palagi itong paalala pero madalas din naman ipinagsasawalang bahala ng mga writers.

Always appeal to our senses. Take us to your world, show us. Tuwing nagsusulat ka isipin mo lagi na dahil nagbabasa kami, ipakita mo sa amin. Ipakita mo ang tunog, ang lasa, ang bango, ang pakiramdam. Ipakita mo ang sakit, ang inis, ang lungkot. Don't name an emotion. Don't name a place. SHOW US.

✘ "Mga walang hiya kayo!!!! Hindi niyo na inisip ang mararamdaman ko!" inis na sabi ko. Galit ako sa kanila. Binato ko si Jeo ng upuan.

✔Hindi na kinaya ng puso ko nang ako mismo ang makakita ng pagtataksil nila sa'kin.

"Mga walang hiya kayo!  Hindi niyo na inisip ang mararamdaman ko!" nahihirapan kong sambit. Napasinok na lang ako kaka-iyak dahil sa tindi ng bugso ng damdamin ko. Halos mag-mix na ang sipon, luha, at laway ko.

Hindi ko inakala na ito pala ang pighati na makita ang taong mahal mo na kahalikan ang best friend mo. Sana ay matagal ko na lan dinurog ang puso ko.

💥Format of the text:

May mga updates ka na ang iikli nila. Mayroon ding sobrang haba. Wala bang sakto lang?

As much as possible keep your chapters within 1.5-2k words.

Napansin ko rin na minsan nagmumukhang mahaba ang updates dahil sa daming space in between.

💥Grammar, spelling, punctuations:

Medyo marami akong na pansin na errors dito pero ang tututukan natin ang mga palaging lumilitaw talaga.

📌Use one punctuation to end a sentence. Isa lang sapat na. Kunin mo lahat ng patong-patong na period, exclamation point, at question mark. Isa lang dapat. Walang labis walang kulang.

📌Capitalization. 'I' is always capitalized. Capital letters are used to start a sentence. Capitalize proper nouns such as names of persons, establishments, brands, or endearments.

📌Spell words correctly. 'Wag mo gawing text ang kwento ko. Baklasin mo na lahat ng Tenkyuuu, Eiii, syeeet, hakhakhak. Pinagmumukha nitong immature ang kwento at unprofessional din siya tignan.

📌Baklasin mo na rin lahat ng emoji mo diyan. Seryoso ako baklasin mo na agad. Sa comics lang tinatanggap ang mga doodles at emojis. Gumamit ka ng mga salita para ipahayag ang damdamin ng tauhan mo. Kasi kapag lagi may emoji nasasad ako :'(.

📌Nalilito ka ba sa ng at nang?  Ayos lang 'yan lahat tayo pinagdaanan 'yan.

Ng- ginagamit kung ang kasunod na salita ay pangalan o panghalip. 
Ex:
Bumili ng ballpen
Kumain ng saging

Nang- ginagamit kung nagpapahayag ng kilos (verb), pang-uri(adjective), pang-ukol (adverb).

Ex:
Gumising nang maaga
Tumakbo nang mabilis

📌Nalilito ka rin sa din/rin, daw/raw, dito/rito, diyan/riyan.

R- ginagamit kung ang sinusundang salita ay nagtaatapos patinig (vowels-a,e,i,o,u)o malapating (diphthongs-aw,ew,iw,ow,uw,ay,ey,iy,oy,uy).

D-ginagamit kung ang sinusundang salita ay nagtatapos sa katinig (consonants).

May mga iilan din akong na content edit hanggang chapter 3 nga lang. Sana ay makatulong sayo.

*Bianca's POV:

*"Mama naman eh! Huwag naman po kayong ganyan," maluha-luha kong sabi at agad ko siyang nilapitan at niyakap.

*"Basta anak!  Ipangako mo," sabi ni Mama.

*Nakalimutan ko nga pala magpakilala. My name is Bianca Buenavista, 17 years old, grade 12 this coming school year.

*lumabas na rin

* "Oh!  Kain na tayo anak!" sabi ni Mama.

*na ba
*Ma, puwede po ba magtanong?" sabi ko.
*"Nagtatanong ka na nga," napatawa na lang siya. "Sige anak. Ano ba 'yon?"

*noong
*nilapitan ko na agad siya
*niyo po," sabi ko.
*nahawa na rin
*marinig," sabi ni Mama.
* pa rin
*Ikwento niyo na lang po Ma," sabi ko.
rin


*feelings
*kung
*puwede
*hindi eh.
*Bianca
*na rin
siya

*maayos ang pinagtatrabahuan mo!" sabi ni Mama.
*'kong
*Mama
*magagalit lang siya

*"Thank you Boss. Sige po babalik na po ako sa puwesto ko," mabilis kong sabi bago umalis. Ayoko na magtagal pa r'on dahil parang may masamang balak si Boss. Halata kasi sa tingin niya na para bang hinuhubaran ako.

*One round of Cervezas Beer,"
(Hindi po kasi siniserve by shots ang beer kasi hindi naman siya hard drink)

*Ay buwiset!  Manyak talaga!  Eh paano kasi...

*Shit!  Ano?"
(Paki-usap po baklasin na lahat ng eiiii sa kwento mo huhu wala pong ganyang word sa wika natin."

*paano

*"Sorry po," nakangiting sabi ko na at may kasama pang peace sign.

* ka ba

*'yong ginawa mo ha?" sigaw niya at halos mag-isang linya na ang mga kilay niya sa sobrang galit.

I suggest that you revise the whole sequence dahil masyado nang magulo.

💥Style:

I noticed that you are an informal writer. I have nothing against your writing style but friendly advice,if want to be taken seriously by your fellow writers and earn real readers, you can at least try to study on some technical rules in writing.

Minsan din ay nabe-break mo rin ang fourth wall between you and the reader. Example ang kinakausap ng mga tauhan mo ang author or ang reader habang nagna-narrate at 'yong mga banat mo na "back to reality". Bawasan sana natin iyon. Hindi advisable ang ganyan. Nagmumukha siyang unprofessional at napaka-childish ng mga ganyanyang banat.

Acceptable mag break ng fourth wall kung naka deep POV ang style mo at ang readers mismo ay parang tauhan din sa inner mechanism ng utak ng characters mo. This is for higher level of creative writing at kailangan consistent ito at mabigyan ng hustisya. Payo ko lang master the basics first.

💥Conclusion:

Your story is still a work in progress at alam ko na may sarili kang pasabog na hinanda. Kailangan mo muna siguro balikan ang basic techniques sa pagsussulat at practice pa ng practice. Makakatulong na mas palawakin mo ang scope mo bilang isang reader. Mag explore ka ng iba't-ibang genre hindi lang dito sa wattpad. A good writer is always an active reader.

Kung malawak ang background mo sa pagbabasa ma-aadapt mo rin ito kapag nagsulat ka na at mas makakahanap ka ng inspiration. Ipagpatiloy mo lang 'yan.  Fighting!

Rating: 2.00

🔉Comment inline your feedback about my critic to the following category.

👑Very Satisfied

👑Satisfied

👑Not Satisfied

⏩⏩⏩⏩⏩⏩⏩⏩⏩⏩⏩⏩⏩⏩
Message from Critic Mentor Khalessi:

Sorry po at ngayon lang natapos ang request mo. Sana po ay hindi mo masamain ang mga comments ko sa kwento mo. Gamitin mo ito bilang driving force para mas magpursige pa namapabuti ang gawa mo. Huwag magsasawa magsulat. Konting practice pa. Through experience will you gain greater knowledge. Good luck!

MessDan



◆Posted By: Admin Khalessi◆


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro