Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

B1-Beneath The Clouds (Ayen_Ree)

📕Author: ayen_ree
📕Story Title: Beneath The Clouds
📕Critic Member: Grey MissReferee

Pasensiya na po ng marami kung medyo- medyo natagalan! Pero ito na talaga siya. Ito ay galing lamang sa aking mga hinuha at nakuhang impormasyon. Maraming salamat sa pagtitiwala.

-Prologue to Chapter Fifteen

💥Book Cover:

-Napaka-simple nito. Siguro kung hindi bumagay at tumugma ang font mo ay hindi ito magiging maganda sa paningin naming mga mambabasa, pero dahil maganda ang font na napili mo at maayos mong naitala ang pamagat sa pabalat kaya naging effective ito sa aming panlasa. Nag-reflect ito kaagad sa amin, na kahit simple pero may dating.

-Ayokong i-judge ang characters na naka-display diyan sa pabalat mo dahil kung titingnang mabuti ay hindi iyon nagtugma sa pamagat mo. Kaya tinanong kita kasi nagtataka talaga ako, pero iba ang natanggap kong sagot mula sa iyo. With two lovers hugging each other, anong naging konek nito sa pamagat? Parang wala po. Kaya kaagad na akong pumunta sa description...

💥Title:
-BENEATH THE CLOUDS. One word, unique. Hindi dahil sa ito ang nasa unahan ng list na hinahanap ko, kundi dahil sa kakaiba nitong meaning. Sa title pa lang ay parang may hinuha na ako kung anong way ito patungo, and it is about showing than telling. I like it so much, kasi ito iyong tipong mapapaisip at mapapa-search ka kaagad kasi hindi mo alam kung paano ito tatakbo bilang isang kwento.

-Napaka-catchy niya para sa akin, lalo na nang mabasa ko ng buo ang diskripsyong ibinigay mo.

💥Opening:
-Ang galing ng pagkakagawa mo nito. Iyong presence ng isang ulap ay parang ginawan mo ng buhay sa katauhan ni Cloud. The all of him is really like a cloud, based in the descriptions at nai-excite akong malaman pa kung anong klaseng trouble ang mayroon ang taong ito. Kaya nga di'ba nasabi kong kakaiba, dahil ito rito. With the combination of your title, descriptions at panimula ay sobrang naging makinang ito kesa sa ibang may kapareha ng iyong pamagat. Kumbaga, this is the root. Ito ang pinaka-ugat. 'Kung panget ang ugat na tumubo, maganda ba ang magiging kalalabasan nito? Kahit na mawalan ka ng mga bulaklak, malagasan ka ng lahat na dahong mayroon ka, pero kung mananatiling buhay ang ugat na nagbibigay ng buhay sa iyo ay makakabangon ka pa rin.

-At masasabi ko na naging maayos at maganda ang pagkakahulma ng ugat nito kaya naging banayad ang unti-unti nitong pagtubo. Na-windang pa nga ako habang tumatagal dahil sa ganda ng naging resulta.

💥Plot/ Style/ Show Vs. Tell:
-Sobra akong namangha sa pagkabuo ng kakaiba mong balangkas. Ipinakita mo rito na kahit undiscovered ang istoryang ito ay may karapatan itong mas makilala pa ng mga nakararami. Ang ganda.

-Nakaka-thrill basahin dahil iyong expectations namin kada kabanata ay hindi nawawala. Actually nga ay mas naging interesante pa ito nang simulan ko itong basahin. Akala ko noong una, si Cloud ang main POV. But no, ginamit mo lang pala siya bilang isang pain para mahulog kami sa inihanda mong patibong. And I must say na nahulog nga ako sa trap na iyon. At kasabay noon, ay ang mga kaabang-abang na mga pangyayari, kung saan masu-solve mo ito just by reading the completed story.

-Ginawa mong instrumento rito si Freesia. Dahil sa pagkakaroon niya ng sakit kaya parang nag-umpisa ulit siyang makilala itong grupong ito. At mas nagustuhan ko ito dahil habang may nalalaman siyang ilang impormasyon, tumatatak din kaagad iyon bigla sa amin. Nagawa mong i-konekta ang isipan ni Freesia sa isipan naming mambabasa, kaya naging mas kaabang-abang ito.

-Hindi ko masasabi na cliche ito o hindi dahil hindi naman ako ganoon kaagap sa romance, pero masasabi ko na naging swak ito sa panlasa ko. I really love it. Na kung may kapareho man o wala basta nabuhayan ako ng dugo ay bibilhin at bibilhin ko pa rin, like this.

-At ang hinihintay ko talaga rito ay ang maungkat ang nakaraan niya. Hanggang chapter fifteen lang kasi ang nabasa ko. Kasi isang malaking katanungan ang gumugulo sa utak ko simula palang nang basahin ko ang istoryang ito. Bakit wala siyang maalala? Anong nangyari sa kanila noon 'specially sa ibinigay mong prologue na nangyari noon' ? -ilan lang iyan sa mga katanungan ko na gusto kong masagot.

-Pwera kasi sa ibinigay mong hint sa simula ay ibang-iba naman ang impormasyon na nakatala sa iyong diskripsyon. Para bang magkasalungat sila, at maraming-marami ang possibilities na maaaring mangyari sa takbo ng kwento.

-You showed us the good intent of the story. You showed us the emotions that appearing in your protagonist. And you did a very very great job for giving us the best asset of your hard work. Angkop na angkop ito sa panahon ng mga kabataan ngayon.

-May pagka-deep POV ito, but not pure kasi may nakita pa akong mga senyales na hindi talaga ito isang deep POV.

💥Dialogue/ Point of View/ Characterizations/ CONFLICT:
-Importante sa isang istorya ang pagkakaroon ng five senses kung saan dito natin mararamdaman at malalaman ang impact ng kwento. At nahanap ko iyon dito.

-Since isa lang naman ang ginamit mo ditong POV kaya naging banayad lang ang takbo ng kwento. Hindi naman ako nadadalian at hindi rin naman ako nabibilisan, except sa feelings nitong si Freesia pero siguro dala lamang ito nang kanyang mga nakalimutang alaala. Tulad nga ng sinasabi ng karamihan, 'makalimot man ang isipan pero ang puso hinding-hindi.' At iyong lebel nila kaagad ang naisip ko sa mga katagang iyan.

-Pero napansin ko lang na limited lang na characters ang binibigyan mo ng buhay, hindi namin na-feel ang iba dahil nakatutok ka lang sa love story nitong si Freesia at Cloud, at dahil limited lang 'minsan din nalilito ako kung sino ba ito, sino ba itong si Ethan, si Sebastian, kasi minsan mo lang sila ilabas. Pero nakuha ko naman na siya.

-Medyo na-windang lang din ako kay Cloud, sa previous chapters kasi nagmukha siyang strangers, at nag-shift iyon nang nasa cafeteria na. Pero hindi naman iyon naka-apekto bilang isang karakter niya. At tulad nang sabi mo sa diskripsyon ay dito lumabas ang hinahanap kong katangian na dapat ay sa kanya.

-Sobra pala talaga siyang joker at napaka-kulit, nagkakaroon tuloy ng panibagong katanungan sa utak ko. Bakit sila humantong sa ganoon? Siguro kasi nga di'ba karamihan sa friendly ay playboy LOL haha. At napapaisip din ako, ito bang si Freesia ay makulit din noong past years niya. May iilan akong hinuha pero hindi ko na sasabihin kasi tapos naman na siya, at siguro mas mabuting tapusin ko nalang din ang pagbabasa pag may time ako.

-Magaling din ang mga dialogue na ibinigay mo dahil fit na fit ito sa kanilang role as a character. At medyo na-attract din ako sa Kuya niya, Waaahhh share ko lang. I hope magkaroon siya ng sarili niyang kwento which is ako ang prinsesa niya. Ah, whatever.

💥Format of the text/ Grammar and spelling/ Setting:
-You are good at writing, pormal na pormal. At wala naman akong ibang napansin maliban sa hindi mo paggamit ng gitling, instead of using it ay mas pinili mong space ang ipalit sa kanya. Na medyo hindi naging appropriate, kasi iyong isang salita ay pinaghati mo nang tuluyan. Hindi naman iyon typo for sure kasi lahat siya.

-At may isa pa talaga akong napansin, pinag-isipan ko talaga ito nang mas mabuti, kasi mas mabuti na dibang malaman mo. May ilang part kasi na nagkakaroon ka ng lapses 'ilan lang naman', nakakalimutan mong maglagay ng paunang warning kumbaga.

-Maglagay ka ng sign kung pupunta na kaagad sa kabilang araw ang pagni-narrate mo. Like this, **** o kaya 'Kinabukasan chuchu'. Para sana ma-inform kami kung nasaan na siya at hindi kami magtataka kung bakit napunta siya roon ng ganoon kabilis.

-Sa settings naman ay dinala mo ako kung nasaan si Freesia. Tulad ng inaasahan ay naitawid mo ito ng napaka-husay. Medyo doon nga lang po talaga sa lapses ka sumablay, kasi magkaka-konekta sila. 

💥Conclusion (strenght and needs improvement):
-Wala naman po akong ibang masasabi pa dahil magandang-maganda na ito. Wala naman na akong ia-advice pa dahil maayos na ang pagkahubog mo dito. Siguro, wishing you a luck nalang talaga. Hindi na ako magtataka kung balang araw ay makikita 'kita as a professional author na.

💥Rating: 4.75

🔉Comment inline your feedback about my critic to the following category.

👑Very Satisfied

👑Satisfied

👑Not Satisfied

⏩⏩⏩⏩⏩⏩⏩⏩⏩⏩⏩⏩⏩⏩

Message from MissReferee

Hi. Kung may katanungan ka sa naging kritik ko ay huwag kang magdadalawang isip na i-komento ito. At kaagad ko naman ito sasagutin at lilinawin. Salamat at may God bless your work.

---
Posted by: Founder Seb

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro