Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

B1-Aliases & Sasa (Bbemotiface)

📕Title: Aliases & Sasa
📕Author: BBemotiface
📕Critic Member: Bam Moanamin

💥Book Cover
    Napakaganda ng ginamit mong font sa pamagat at sa username mo. Okay lang rin naman ang background dahil nanggaling nga naman sa kalangitan ang kanyang misyon, at nandito ang Diyos Ama kung saan sila magbabalik-loob. Ang nakita ko lang problema ay ang isa sa mga karakter, wala akong problema kay Sasa pero doon kay Aliases meron, tila 'di kasi tama iyong pagkalagay sa kanya, parang naligaw lang sa cover 'yong litrato niya. Parang mas malaki 'din siya at mali ang lapad nito. 'Di ko rin siya madyadong feel dahil may shadow pa sa isang side ng mukha niya. More effects din sana. Iyon lang naman.

💥Title
    Unique ang napili mong title, ang pangalan ng dalawang bida sa iyong kwento. Bagay na bagay rin iyong dalawang pangalan na napili mo. Pagkabasa pa lang ng pamagat ng iyong kwento ay naisip ko agad na love story ito, na tama naman. Hindi rin ito nakapag-spoil ng mga mambabasa dahil nga pangalan lang.

💥Opening
    Sinimulan mo ang unang kabanata sa pagkagising ni Sasa sa langit at pagkakita niya kay San Pedro (ba?). Ipinakita mo rin ang naging dahilan kung bakit siya may misyon, iyon ay dahil sa binigyan pa siya ng pagkakataon upang patunayang karapat-dapat siya sa langit. Nagustuhan ko ang mga pangaral na inilagay mo do'n. Kagaya ng, "sana ng nasa mundo ka pa ng mga tao inisip mo na mangyayari ito habang gumagawa ka ng mga maling bagay". Naging maayos naman ang simula nito, ang nakita ko lang sigurong problema ay iyong sa mga punctuations at  ilang typos (na babanggitin ko rin mamaya).

By the way, suggestion lang. Mas nagmumukha kasing prologue iyong nga naunang scenes (iyong bago siya magising sa bahay niya). 'Yong nilagay mo namang prologue ay parang mas bagay sa description. Kung ayaw mong palitan ang iyong description, maaari kang magsingit ng isang part kung saan ay dito mo ilalagay ang iyong prologue ngunit ang ilalagay mong pangalan ng part na 'yon ay " Blurb". Muli, isa lamang itong suhestiyon, desisyon mo pa rin kung susundin mo ito.
   
💥Conflict & Plot
   Malinaw naman ang paglalahad mo ng mensaheng nais mong ipabatid sa mga mambabasa, na kahit anong mangyari, dapat ay hindi pa rin mawawala ang ating pananampalataya. Nagustuhan ko sa iyong plot 'yong parang soon ay magbabalik-loob ang dalawang taong naligaw ang landas, but this time they're together, sabay na mananampalataya sa ating Diyos Ama.  Iyong parang si God ang naging way nila kaya sila nagkakilala, si God ang gumagabay (ginaguide din siya ni Guardian Angel pero siyempre si God pa rin ang pinakatumutulong sa kanya, 'di lang nabanggit) kay Sasa para magawa ang kanyang misyon, at si God din ang tutulong sa kanila sa kung ano mang pagsubok ang kanilang haharapin.

Maliban sa mission ni Sasa, isa rin sa mga nagpapacurious sa akin iyong mystery sa kung sino ang pinipigilan ni Guardian Angel.

By the way, 'yon nga, sa nabasa kong Prologue hanggang Kabanata 6 ng iyong akda ay parang alam ko na agad ang susunod na mga mangyayari, 'yong mahuhulog sila sa isa't isa tapos 'pag tapos na 'yong misyon ni Sasa, kukunin na siya sa langit, tapos ang magiging wish niya kay God ay sana makabalik siya sa mundo ng mga buhay, and Sasa and Aliases will live happily ever after. Sana patunayan mong mali ako, na hindi ganito kapredictable ang kahihinatnan ng story mo. 'Di ko sinasabi na kung ganito nga ang kahihinatnan no'n ay papalitan mo, ang sinasabi ko is maglagay ka ng twist na siyang manggugulat hindi lang sa 'kin kundi sa mga mambabasa. Kung ako ang magbabasa ng kwento mo, kagaya ngayon, ang manghahalina sa 'kin para magbasa ay 'yong kung paano gagawin ni Sasa ang kanyang misyon. Other than that, wala nang iba, kasi nga parang alam ko na ang mangyayari. Kagaya ng sinabi ko kanina, insert some twist, some mystery, and siguro bigyan mo rin sila ng problemang kahaharapin nila, 'wag lang sobrahan, para mapatunayan mo sa mga readers mo na ang iyong akda ay hindi lang basta-basta.

💥Setting
    Maayos mo namang nailahad ang setting ng kwento, navisualize ko naman. May napansin lang akong tila mali. Do'n sa part na kailangang ipasok ni Sasa si Aliases sa loob ng bahay nito, dahil wala naman siyang choice, paanong nakapasok na lang siya basta-basta? Well oo, sinabi nga ni Sasa na hindi nakalock ang gate at pinto, pero bakit? Normal ba sa isang tao na pabayaang hindi nakalock ang pinto at gate, knowing na gabi na siya makakauwi?   Sa pagkaintindi ko ay hindi pa naman gano'n kalungkot si Aliases na okay lang sa kanya ang manakawan. At imposible namang walang mga bagay na importante sa kanya doon. Iyon lang naman.

💥Dialogue
    Akma ang mga sinasabi nila sa kanilang mga karakter. Napangatawanan din nila ang mga ugali nila sa simula. May ilang kamalian lang akong napansin.

Kagaya sa sinabi ni Sasa na,

"Baliw?,"

Kahit 'di mo na lagyan ng kuwit dahil may panandang pananong naman na.

Maliban dyan at iyong ipapakita kong mga errors mamaya, wala naman na akong napansing mali sa mga dialogues.

💥Point of View
     Wala naman akong napansing mali sa pagsiswitch mo ng mga POVs. Nakikita ko naman ang pagkakaiba ng dalawang taong binigyan mo ng pagkakataon na magkaroon ng POV at kung anong ugali nila 'pag nagsasalita, iyon rin naman ang ugali nila sa POV nila.

💥Show vs Tell
    Madalas 'pag sounds 'di mo na iniexplain, parang sinasabi mo na lang 'yong tunog. Gano'n ang ginagawa mo sa ilang mga actions. Mas maganda kung ipahayag mo ito nang maayos.

Halimbawa, iyong kriiiinnngggggg, imbis na gano'n lang ang ilagay mo na lamang ay, "agad akong napabangon nang marinig ang maingay kong alarm clock".

Do'n naman sa mga bwahahaha at HAHAHAHA, bawasan mo lang. Okay lang naman kung may isa o dalawa na ganyan para 'di masyadong formal pero iyon nga, 'wag lang sobrahan.

Pati do'n sa *sigh*, mas maganda kung ang ilalagay mo'y, "napabuntong hininga na lamang ako".

" 'Yong nilagay mong

Walis dito.

Walis doon.

Punas dito.

Punas doon.

Tapon doon.

Tapon dito."

Mas maganda kung gagawin mo itong isang pangungusap o 'di kaya'y talata.

Hal.

Matapos akong iwanan ni Guardian Angel ay umuwi rin agad ako, hindi sa bahay ko kundi sa bahay ng lalaking misyon ko. Walis dito, walis doon, punas dito, punas doon, tapon dito, tapon doon. Grabe, grabe nakakapagod linisin ang bahay niya. Si Guardian Angel naman kasi eh. As if 'yong bahay ang mission ko. (Idinugtong ko na iyong isinunod mo roon. 'Di ba mas maayos?)

💥Format of the Text
    Wala naman akong problema sa haba ng bawat talata dahil 'di naman ako nakaramdam ng pagkaboring habang nagbabasa. May napansin lang akong medyo nagpadistract sa 'kin habang nagbabasa. 'Yong sa ilang talata sa unang kabanata. Hindi siya tuloy-tuloy, 'yong parang ibang talata sila pero nagkulang ng "enter" tab 'pag sa laptop or computer (sorry 'di ko alam ang tawag do'n).

«screenshot»

Kung magkakasama ang mga pangungusap na 'yon pagsamahin mo, 'pag hindi edi hindi. Nakakadistract lang kasi. 'Yon lang naman ang napansin ko rito.

💥Grammar and Spelling
Sisimulan ko muna sa mga maling pagpapaikli mo ng salita,

MALI = TAMA
saiyo = sa 'yo
diba = 'di ba
sakin = sa 'kin
to = 'to
yun = 'yon
yung = 'yong
sayo = sa 'yo
wag = 'wag
ganun = gano'n

Ang mga salitang "dagdag" at "dibdib" ay dapat na walang gitling sa gitna.

Kailangan mo ring pag-aralan ang paggamit ng mga salitang "nang" at "ng", "dito" at "rito", "doon" at "roon", at "din" at "rin" dahil napagbabaliktad mo ang mga ito.

Paggamit ng "ng" at "nang"

NG
1. Kapag sinasagot ang tanong na ANO at KAILAN ,kung ipinapahayag ang PAGMAMAY-ARI at kung tungkol sa ORAS O PETSA

NANG
1. Kapag sinasagot ang tanong na PAANO
2. Kapag UMUULIT ang KILOS
3. Ibang salita sa NOONG (When)
4. Ibang salita sa PARA at UPANG

Rito, Rin, at Roon kapag ang sinusundang salita ay nagtatapos sa patinig (a,e,i,o,u,y,w).

Dito, Din, at Doon naman kapag ang sinusundang salita ay nagtatapos sa katinig (b,c,d,f,g,h,j,k,l,m,n,p,q,r,s,t,v,x,z).

Itinama ko naman ang ilang errors na napansin ko. If sa tingin mo mali ako, sabihin mo lang, medyo mahina rin ako sa english eh.

PROLOGUE:

1.)
Unedited
—He pray and pray that someday his dream will become to reality that Mikaela Morgan will be Mrs. Baltazar. (Remove the word "to" and put a comma between "reality" and "that".)

Edited
—He pray and pray that someday his dream will become reality, that Mikaela Morgan will be Mrs. Baltazar.

2.)
Unedited
—Until such time, his faith was test by God. (It should be "tested".)

Edited
—Until such time, his faith was tested by God.

3.)
Unedited
—And his the only one who survive. (It should be "he's".)

Edited
—And he's the only one who survive

CHAPTER 1

1.)
Unedited
—I heard a beautiful voices singing without lyrics. (Remove "a")

Edited
—I heard beautiful voices singing without lyrics.

2.)
Unedited
—Humakbang ako para lapitan siya ngunit Parang may invisible wall na nakaharang sa harap dahil hindi ako makalapit sa kanya. (Dapat ay maliit na letra lamang ang "P" sa Parang.)

Edited
—Humakbang ako para lapitan siya ngunit parang may invisible wall na nakaharang sa harap dahil hindi ako makalapit sa kanya.

3.)
Unedited:
—And raw langit?

Edited:
—Ano raw, langit?

4.)
Unedited:
—Oh mg god

Edited:
—Oh my god

5.)
Unedited:
—In a split second I descended into dark hole. (Put an "a" between "into" and "dark" and a comma between "second" and "I".)

Edited:
—In a split second, descended into a dark hole.

6.)
Unedited:
—I even saw the all types of demons creating a demonic sound. (Remove the word "the".)

Edited:
—I even saw all types of demons creating a demonic sound.

7.)
Unedited:
—I started to cry and scream ng bigla akong nahulog buti na lang napakapit ako sa malaking bato. ("Ng" should be "nang". Put a comma between "nahulog" and "buti" and the word "at" between "lang" at "napakapit". Sa aking opinyon, mas maganda sana kung tagalugin mo na lamang iyong englsih dito.)

Edited:
—Nagsimula akong mapaluha't mapasigaw nang bigla akong nahulog, buti na lang at napakapit ako sa malaking bato.

8.)
Unedited:
—Pero unti-unti din itong nabibitak at nahulog sa malaking apoy ang mga fragments. ("Din" should be ""ring". Remove the word "itong". "Nahulog" should be "nahuhulog". Subukan mo ring maghanap ng tagalog ng fragmets, parabg panira kasi ito sa moment ni Sasa.)

Edited:
—Pero unti-unti ring nabibitak at nahuhulog sa malaking apoy ang mga "fragments" niya.

9.)
Unedited:
—Sana ng nasa mundo ka pa ng mga tao inisip mo na mangyayari ito habang gumagawa ka ng mga maling bagay.

Edited:
—Sana, nang nasa mundo ka pa ng mga tao at gumagawa ng mga maling bagay ay naisip mong mangyayari ito.

10.)
Unedited:
—Ibig na bang sabihin. I took my own life. (Use (...) instead of period (.), tila nambibitin ka kasi roon, at ginagamit ang tutuldok-tuldok (...) 'pag nambibitin. Nagtatanong ka kaya sa question mark mo dapat tinapos ang pangungusap.)

Edited:
—Ibig bang sabihin... I took my own life?

11.)
Unedited:
—Dahilan sa sinabi niya ay unti-unti kong maalala ang mga nagawa kong kasalanan.

Edited:
—Dahilan sa sinabi niya ay unti-unti kong naalala ang mga nagawa kong kasalanan.

12.)
Unedited:
—Para akong hihimatayin sa init ng bigla ko na lang naramdaman ang apoy na lumalamon sa katawan ko. pero bago pa man ako tuloyan malamon ng apoy bigla na lang ako nawalan ng pag-iisip. ("Ng" should be "nang" and "tuloyan" should be "tuluyang". Capitalize "P" sa salitang "pero" dahil simula ito ng pangungusap. At iyong salitang "pag-iisip", sa tingin ko'y "ulirat" dapat iyon.)

Edited:
—Para akong hihimatayin sa init nang bigla ko na lang naramdaman ang apoy na halos lamunin na ang katawan ko. Pero bago pa man ako tuluyang malamon ng apoy ay nawalan ako ng ulirat.

13.)
Unedited:
—Tumawa na naman siya ulit. (Remove the word "ulit". Sapat na ang salitang "naman" upang ipaalam sa mga mambabasa na inulit ng tinutukoy niya ang ikinilos nito.

Edited:
—Tumawa na naman siya.

14.)
Unedited:
—Wala ka naman pakpak bwahahahahahahah. ("Naman" should be "naman". At gaya ng sinabi ko kanina, bawasan mo lang iyong mga tawa-tawa na ganito, sapat na ang isa o dalawa sa isang kabanata. Maaari mong palitan ang bwahahahahahahah.)

Edited:
—"Wala ka namang pakpak," sabi ko saka tumawa ulit nang pagkalakas-lakas.

15.)
Unedited:
—As I was told you awhile ago I'm your Guardian Angel and at the same time I'll be your partner for your mission in your second life.

Edited:
—As I have told you a while ago, I'm your Guardian Angel and at the same time, your partner for your mission in your second life.

CHAPTER 2

1.)
Unedited:
—HAHAHAHA ALIASES! BILISAN MO NAMAN ANG TAKBO MO HIHIHIHI. (Iyan ang sinabi ni Mikaela habang nagpapahabol kay Aliases, 'di naman siya galit ano? Madalas ginagamit ang capital letters. Mas maganda kung 'yong tamang capitalization na lang ang ilagay mo. Suhestiyon ko lang rin, alisin mo na lamang iyong mga HAHAHAHA At HIHIHIHI parang 'di bagay sa nakikita kong personality ni Mikaela.)

Edited:
—Tumatawa si Mikaela habang nagpapahabol sa 'kin. "Aliases! Bilisan mo naman ang takbo mo!" Sigaw niya saka humagikhik.

2.)
Unedited:
—Nagbuntong hininga na lang ako.

Edited:
—Napabuntong hininga na lamang ako.

3.)
Unedited:
—Kailan ko ba siya mahahawakan muli?

Edited:
—Kailan ko ba siya mahahawakang muli?

4.)
Unedited:
—Pero bakit ang tagal kung natulog sa labas ng langit at ano ba ang ikinamatay ko?

Edited:
—Pero bakit ang tagal kong nakatulog sa labas ng langit? Ano ba ang ikinamatay ko?

5.)
Unedited:
—Hinintay niya ang tatlong taon bago ka magising at pinalasap muna niya siyo ang empyerno dahil sa mga kasalanan mo at may posibilidad pa rin na tuluyan ka ng mahulog sa impyerno kapag hindi maganda ang resulta ng mission mo.('Yong dalawang "niya" ay dapat na magsimula sa malaking letra dahil si God ang tinutukoy mo.)

Edited:
—Hinintay Niya ang tatlong taon bago ka magising. Pinalasap Niya muna sa 'yo ang impyerno dahil sa mga kasalanan mo at may posibilidad pa rin na tuluyan ka nang mahulog sa impyerno kapag hindi maganda ang magiging resulta ng mission mo.

6.)
Unedited:
—Bakit nawawala ba ang dating pagkatao niya?

Edited:
—Bakit? Nawawala ba ang dating pagkatao niya?

7.)
Unedited:
—I can't imagine myself being ihaw-ihaw in the hell. (I understand na happy go lucky si Sasa pero parang 'di ata akma sa personality niya ang pagiging conyo.)

Edited:
—I can't imagine myself being toasted in hell.

8.)
Unedited:
—Oh my gosh !!!! (Matutong makontento sa isa.)

Edited:
—Oh my gosh!

9.)
Unedited:
—Epekto ba ito sa pagkamatay ko kuno. (You're asking a question kaya use question mark)

Edited:
—Epekto ba ito ng pagkamatay ko kuno?

10.)
Unedited:
—If ever makita nila, isa ka nalang stranger sa paningin nila. (Subukan mong humanap ng tagalog word for stranger, nagmumukhang conyo si Guardian Angel.)

Edited:
—If ever makita na makita ka nila, isa ka na lang "stranger" sa paningin nila.

11.)
Unedited:
—Hindi kita iiwan and I will guide you as a promised at kasama natin siya.

Edited:
—Hindi kita iiwan. I will guide you as promised at 'wag kang mag-alala, kasama natin Siya.

CHAPTER 3

1.)
Unedited:
—Hindi pwede dahilan ngayon talaga ang first day ng mission mo at ng miision ko rin.

Edited:
—Hindi pwede dahil ngayon talaga ang first day ng mission mo at ng mission ko rin.

2.)
Unedited
—Ito ba bahay ni Aliases mukha naman walang tao dito.

Edited
—Ito ba ang bahay ni Aliases? Mukha namang walang tao rito.

3.)
Unedited
—What kind of a girlfriend is she?

Edited
—What kind of girlfriend is she?

4.)
Unedited
—Umakyat na ako sa taas at isang lang ang kwarto dito.

Edited
—Umakyat na ako sa taas at napansin kong isa lang ang kwarto rito.

5.)
Unedited
—Ano raw sinabi niya Mikaela? (Put a question mark after the word "niya". Hindi niya naman tinatanong si Mikaela 'di ba?)

Edited
—Ano raw sinabi niya? Mikaela?

CHAPTER 4

1.)
Unedited
—I was about to closed my eyes when I felt a hand.

Edited
—I was about to close my eyes when I felt a hand.

2.)
Unedited
—Napatulala ako sa kanya ng ilang segundo at siya naman parang wala lang dinaanan niya lang ako.

Edited
—Napatulala ako sa kanya ng ilang segundo at siya naman ay umaktong parang wala lang ako sa harap niya.

3.)
Unedited
—I need to talk with him.

Edited
—I need to talk to him.

4.)
Unedited
—I don't want to remember the past anymore but I won't stop searching for the persons behind my tragedy.

Edited
—I don't want to remember the past anymore but I won't stop searching for the people behind that tragedy.

CHAPTER 5

1.)
Unedited
—Wala, Tara na sa mission mo.

Edited
—Wala, tara na sa mission mo.

*Maraming nga pangungusap ang kulang sa comma. 'Di ko na inilagay lahat. Ireread mo na lamang at tignan mong mabuti kung saan ito kailangan.*

*Hindi ko inilagay lahat ng errors na napansin ko dahil halos magkapareho naman na sila ng mga inilagay ko.*

*Kung galit ang nagsasalita ay gamitan mo ito ng exclamation point (!), hindi capital letters or ganito (!!!!).

*By the way, napansin ko lang, 'pag gumagamit ka ng punctuation marks ay hinihiwalay mo ito sa mga salita, laging may space in between. Idikit mo lang, hal. Talaga ba? Crush ka ba? at hindi talaga ba ? Crush ka ba ?* Naiiintindihan ko namang mabuti ang buong kwento, 'di naapektuhan ng mga errors ang pagbabasa ko. Mukha lang maraming errors pero kung tuloy-tuloy na magbabasa ay parang kaunti lang

💥Conclusion (Strength and Needs Improvement)
    Ang strength ng story mo ay iyong mensahe na nais mong iparating sa mga mambabasa. Magaling ka ring gumawa ng scenes, nagustuhan ko iyong unang pag-kikita nina Sasa at Aliases, 'yong nagising si Aliases na may katabing baliw na babae (according to him), tapos pinalayas niya, si Sasa naman akala niya bahay niya, hindi naman pala, ang cute! Bagay na bagay rin 'yong binigay mong personality sa kanila, masungit at makulit.

Ang nakita ko namang weakness ay iyong predictable plot (prove me wrong please), typos, punctuations, grammatically incorrect words, and capitalizations.

💥Rating
    4, effective ang pagsusulat mo sa pagpapalabas ng emosyon ng mga mambabasa, kinilig ako kina Sasa at Aliases alam kong gano'n rin ang naramdaman ng iba, though mas ship ko si Sasa kay Guardian Angel. Si Sasa rin ang humor ng kwento, minsan natatawa na lang ako sa kanya. Iyon nga lang marami ka pang errors na kailangang ayusin, at ilang lessons na kailangang pag-aralan.

💥Message
    Pasensya na at natagalan, marami lang talaga akong inasikaso. Sana'y magustuhan mo ang critique ko sa iyong kwento. Salamat sa pagtitiwala!

🔉Comment inline your feedback about my critic to the following category.

👑Very Satisfied

👑Satisfied

👑Not Satisfied

-----
Posted by: Midoriya

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro