Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

B1-A Better Daughter (MadHanuelkim)

📕Title: A Better Daughter
📕Author: MadHanuelkim
📕Critic Mentor: Moanamin

💥Book Cover
—Maganda naman iyong book cover, naipakita mo nang malinaw ang nararamdaman ng bida, iyong malungkot siya dahil sa trato ng kanyang mga magulang sa kanya, ang nakita ko lang na problema ay iyong mismong font. Tila hindi kasi bagay iyong font na ginamit gayundin iyong kulay nito. Maliban do'n ay wala naman na akong napansing mali rito, okay na lahat.

💥Title
—Bagay na bagay ang pamagat sa mismong kwento. 'Yon din naman kasi ang nakikita kong pangarap ni Autumn sa kwento, ang maging better daughter sa kanyang mga magulang. (Uniqueness?)

💥Opening & Conflict
—Medyo hindi ko naramdaman ang excitement habang binabasa iyong nasa "Author's Note" mo, medyo naguluhan din kasi ako sa 2nd to the last paragraph.

—Sa naging simula naman ng kwento, ipinakilala mo si Autumn bilang isang masipag at masayahing anak, do'n ay medyo na-gets ko na ang sinabi mo sa "Author's Note". Hindi maayos ang pakikitungo sa kanya ng mga magulang niya, pero kahit na gano'n ay kabaliktaran pa rin ang turing niya sa mga ito. Hindi ko masasabing cliché ang simula dahil bihira na lang sa Wattpad maging sa totoong buhay ang mga kabataang katulad ni Autumn. Naipakilala mo rin ang mga karakter nang maayos, at nailahad ang problema ngang kailangang lampasan mo Autumn.

—Nailahad mo rin nang malinaw ang conflict sa kwento. 'Yong gustong makapagtapos ni Autumn pero dahil sa naranasan ng mga magulang niya sa kanyang ate ay tila tutol pa ang mga ito sa kanyang pangarap. Pero ginawa itong motivation ni Autumn upang tuparin ang kanyang pangarap na makapagtapos at maging "better daughter" kaya naman sa huli ay nagkaroon ng magandang ending ang kwento.

💥Plot
—Marami akong nakitang maganda sa plot mo. Hindi man siya 'yong matatawag na kwentong maraming plot twist o kahit na may pagka-predictable ito, hindi maitatangging sa loob nito ay mayroong mga mensahe na magmomotivate sa kahit na sino. Sa totoo niyan ay marami akong natutunan sa apat na kabanata ng kwento. Hindi siya naipahayag nang diretso pero tagos pa rin sa utak at puso.

—Paniguradong nakakarelate rin ang ilan sa mga readers sa sitwasyon ni Autumn. Iyong dahil napariwara an panganay, tingin ng mga magulang ay gano'n na rin ang mangyayari sa mas nakababata. Sa totoo niyang ay dalawa sa mga kabarkada ko ay nakararanas ng ganito, though hindi gano'n kalala ang treatment sa kanila ng parents nila.

—Gaya ng sinabi ko kanina, may pagkapredictable ang kwento. Expected ko na iyong magiging successful siya soon and magkakapatawaran sila ng mga magulang niya. Pero grabe, ginulat mo ako do'n sa parte na humihingi ng tawad 'yong mama niya, ginulat mo ako sa sinabi niya, I mean 'di ko inexpect na maiiyak talaga ako sa part na 'yon. Kahit na walang background song, ewan ko ba, bigla na lang akong naiyak, 'di rin naman ako nakakarelate do'n. Ibig sabihin lang no'n ay effective talaga ang pagsusulat mo. Pinatunayan mo rin dito na hindi lang break up ng magjowa sa Wattpad ang pwedeng magpaiyak sa mga mambabasa.

—Wala rin naman akong nakitang butas sa kwento. Lahat ng tanong ko ay nasagot. Busog rin sa detalye ang kwento dahil malinaw mong naipahayag ang dahilan ng hindi maayos na turing ng kanyang mga magulang, iyong dahil maagang nabuntis ang kanyang ate Alona nang maaga.

💥Setting
—Malinaw rin naman ang pagpapaliwanag mo kaya naman malinaw rin ang mga naiimagine ko.

💥Dialogue
—Wala rin akong nakitang problema rito. Tama ang mga ginamit na pananda sa mga dialogues at akma rin naman sa mga karakter nila ang kanilang mga sinasabi. At gaya ng sinabi ko kanina, effective ang mga salitang ginamit mo upang palabasin ang emosyon ng mga mambabasa.

💥Point of View
—Naipakilala mo nang maayos ang bida sa kanyang point of view. Wala rin naman akong nakitang problema sa shifting ng POVs dahil sinimulan mo naman sa simula ng huling kabanata iyong 3rd Person's POV at hindi sa gitna ng anumang kabanata.

💥Format of the Text
—May mga kabanatang mahahaba, normal lang naman na may gano'n, pero wala naman akong problema sa mga 'yon. Hindi siya boring basahin. Meron kasi 'yong sa ibang libro na mahahaba na ang mga kabanata nakakatamad pang basahin (bato-bato sa langit, tamaa'y 'wag magagalit), well depende naman sa mambabasa. Iyong sa 'yo ay sakto lang, hindi ito nakakaboring dahil halos lahat ng parte ng kwento ay may role.

💥Grammar & Spelling
—Kailangan mo pang pag-aralan ang paggamit ng "nang" at "ng". May ilang salita rin na napagdidikit mo kagaya ng sa'ming, sa'kin, at sa'yo (sa 'ming, sa 'kin, at sa 'yo). Kulang rin sa pananda at mali ang spelling ng ibang salita, yung, di, diba, yun, at dun ('yong, 'di, 'di ba, 'yon, at do'n).

—Halos wala rin akong nakitang typographical error, halatang na-edit muna ito bago naipublish.

—Ilan sa mga pangungusap sa iyong akda ay in-edit ko.

1.)
Unedited
—Ma, hihingi po sana ako ng pera pamasahe para sa isang linggo.

Edited
—Ma, hihingi po sana ako ng perang pamasahe para sa isang linggo.

2.)
Unedited
—Apat na taon ang lumipas mula ng umalis ako sa bahay ng magulang ko. At tumira kasama ang sina Lolo Iñigo at Lola Fausta na magulang ni Mama Ashlin. (Alisin na lamang ang huling limang salita dahil nabanggit mo na ito.)

Edited
—Apat na taon ang lumipas mula nang umalis ako sa bahay ng magulang ko at tumira kasama sina Lolo Iñigo at Lola Fausta.

3.)
Unedited
—Naisip ko na ito na ang pagkakataon para sabihin sa kanila ang mga gusto nais kong sabihin.

Edited
—Naisip ko na ito na ang pagkakataon para sabihin sa kanila ang mga gusto kong sabihin.

4.)
Unedited
—Grabe ang lakas ng ulan pagkalabas ko sa loob ng fastfood chain ng Jollibee. (Alisin mo na lamang iyong "sa loob ng fastfood  chain" parang pinagulo kasi nito iyong pangungusap.

Edited
—Grabe ang lakas ng ulan pagkalabas ko ng Jollibee.

—Maliban sa mga ito ay may ilan na lamang pagkakamali na kaya mo namang ayusin 'pag ikaw ay mage-edit.

💥Conclusion
—Ang strength mo ay iyong kagalingan mo sa pagpapalabas ng emosyon ng mga mambabasa. Iyong gaya ng sinabi ko kanina, hindi na kailangan ng background song dahil sapat na iyong mga salita. Alam mo rin ang tamang paraan ng pagsusulat.

Ang tanging nakikita kong weakness ng kwento ay iyon sigurong nasa grammar & spelling na panigurado namang madali ring maayos kung pag-aaralan mo ang mga ito. Maliban do'n ay wala na.

💥Rating
—4.8, maganda ang pagkakasulat ng kwento, wala rin akong nakitang plot hole, kaunti rin naman ang nakita kong error. Pwede na itong i-publish (though madalas 'pag short story may kasamang ibang libro). "4.8" dahil kailangan mo pang pag-aralan iyong mga sinabi ko sa taas, at iyong book cover din, sa tingin ko'y kailangang baguhin. Overall, maganda ang kwento, marami akong natutunan. And masasabi kong pwede itong teen version ng mga kwentong pambata.

🔉Comment inline your feedback about my critic to the following category.

👑Very Satisfied

👑Satisfied

👑Not Satisfied

⏩⏩⏩⏩⏩

💥Message
—Pasensya na at natagalan. At kung mapapansin mo, maikli lang ang comment ko sa ibang kategorya, iyon ay dahil wala rin akong masabi, wala akong mapoint out na mali roon kaya naman gano'n. Salamat sa pagtitiwala!

--
¤Posted by: Admin Midoriya¤

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro