Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Epilogue

Kindly check out my new story entitled 'Oh God!'. Click my username para makita ang profile ko hihi thanks.

***
LALA'S POINT OF VIEW

June, 10 months later...

"KAMUSTA ka na rito, Ma?" Hinawakan ko ang mga nanginginig na kamay ni Mama na nakalusot sa walang kasing lamig na rehas.

Grabe, nakulong ang nanay ko sa salang murder. Pinagpatuloy niya kasi ang pagba-vlog niya habang nasa mental hospital tapos binatikos siya kaya ayun, pinuntahan niya ang address ng hater niya at walang awang pinatay.

Echos lang.

"Ayos na ayos ako, anak. Lumulusog na." Ngumiti ako sa kaniya. Kita ang malaking pagbabago sa katawan niya, mukhang inaalagaan na niya ang sarili. Nagkalaman na siya at makikita na ang coca cola body na ipinagmamalaki niya. Noong kabataan niya raw, lahat napapatingin sa curves niya.

Dito pa rin ang setting, sa mental hospital na naging saksi sa pinakauna naming pagkikita. "Ano ba ang sabi ng bago mong Doctor na crush mo, Ma? Ayos ka na ba?"

Lumawak ang ngiti niya, "Kaunting check up nalang at tests tapos pwede na akong makauwi sa iyo... sa inyo, anak ko."

Inilagay ko ang kamay ko sa babasaging dingding na kaagad namang sinundan ng kamay niya. Nagulat pa kami nang may ikatlong kamay na pumatong sa braso ko. Sinundan pa ito ng malakas na tawa na parang aliw na aliw sa nakikita. "Pweh jugabobigaji!"

Napakyut na bulinggit. Kitang-kita na namana sa akin ang lahat mula mata hanggang ilong habang ang buhok, kilay at bibig ay sa ikalawang tatay niya. Nagulat pa nga ako noong lumabas siya sa tiyan ko dahil nakita ko ang kaparehas na ga-pisong birthmark na nasa leeg niya na parang sinisigawan ako na anak ko talaga siya.

January 5 ko niya nasilayan ang mundo sa labas kaya 5 months old na siya ngayon at napakakulit. Lampas times two na ngayon ang bigat niya mula pagkasilang kaya medyo malaman rin siya. At siyempre, madaldal na.

"Napakalusog pa rin ni Baby Pen ah. Bukas na bukas, pagkalabas ko rito sa ospital, kailangan na magbonding kami ng buteteng iyan ah."

Napangiwi ako at kalauna'y natatawang napatango. "Alam ko na iyan, Ma. Ilang milyong beses mo na iyang binanggit."

"Hindi mo naman kasi siniseryo-"

"Hindi ba pwedeng sa amin ka muna tumuloy, Lalaine?" Napahigpit ako ng hawak kay Baby Pen dahil sa biglaang pagsalita ng taong nasa likod ko. Napatigil rin sa pagngatngat ng kaniyang daliri si Baby Pen na parang nagulat.

Si Lola Ginger na kasama si Lolo Anthony lang pala. Naka-couple shirt pa sila. Mukha ni marian kay Lola Ginger at mukha ni Dingdong kay Lolo Anthony.

"Oo nga, hija. Death anniversary pa naman ng anak namin at asawa mong si Gaele bukas." Pagsingit ni Lolo Anthony. Kitang-kita sa mga mata nila ang pangungulila kay Mama. Mukhang gustong-gusto talaga nilang maka-bonding si Mama.

"Atsaka pupunta rin naman si Lala at si Baby Pen bukas sa sementeryo, makakasama mo pa rin ang bata. Magsasama-sama tayo bukas." Dagdag niya pa.

"Ay, Dad naman. Hindi ko na matandaan kung kailan ko huling nahawakan si Lala noong bata pa siya. Ang tagal kong hinintay ang araw ng paglabas ko rito para sa cute na batang iyan." Pilit na nakipagtalo si Mama kela Lolo at Lola.

"Pero, hija. Namiss ka rin namin. Matagal rin kaming naghintay na makalabas ka rito. Malungkot kaming mga matatanda; wala na nga ang anak naming lalake, ang babae pang anak namin ay hindi pa sa amin di-deretso." Ani ni Lola. Waw! Parang nang-aagaw pa si Baby Pen sa lagay na iyan ah.

"Hmp! Mabuti kayo, Mom, Dad nakikita at nahahawakan niyo palagi si Baby Pen. Ako rito lang sa loob dahil marami akong virus na dala. Masakit sa loob na hindi ko nahahawakan ang malalaki niyang pisngi."

Walang hanggang debate ang naganap bago pa nila... namin mapagpasiyahan na mags-stay nalang si Baby Pen sa bahay nila Lola nang buong araw bukas. Iha-handa ko ngayong gabi ang formulated milk. Hindi naman kasi kaya ng utong ko na magpalabas ng gatas kahit ilang ire ko.

Oo, inirehan ko.

Natanong ko na rin ang ibang mga nakasama kong lalaking buntis noong nag-t-training pa ako kung paano alagaan ang bata pagkatapos iluwal. Sabi nila, hindi naman daw kami biniyayaan na maggatas at baka maging baka raw kami. Echos lang. Hindi naman daw kasali sa miracle ng mga lalaking may kakayahang magdala ng bata ang pagpalabas ng gatas sa utong. Okay na rin iyon tutal uso naman ang formulated milk.

Mahal

I'm waiting on the ground
floor, Mahal. Keep safe!
9:00

Ang bilis mo naman
excited ka ba?
9:01

Nagpaalam na ako kela Lolo at Lola pati na rin kay Mama, naghihintay na si Mahal sa baba. Hindi nila ako pinansin dahil busy sila sa pagku-kwentuhan ng mga bagay na paulit-ulit kong naririnig. Naghagdan nalang ako para maka-execise na rin.

Sampung buwan na rin pala ang nakalipas noong sinabihan ako nila Mama, Tita Emilia at Tito Barry ng history nilang tatlo. Noong una, naguluhan ako. Malapit pa nga akong hindi maniwala sa mala-teleserye nilang buhay pero seryoso naman ang mga mukha nila habang nagku-kwento. Tinanggap ko ng buong puso ang Lola at Lolo kong bigla nalang sumulpot.

Kahit kailan ay hindi ko na inisip na sumbatan si Mama. Marami siyang pinagdaanang hirap at ngayon, nakabalik na siya sa kaniyang mahal sa buhay. Wala akong sama ng loob na nakapa sa puso ko dahil talagang mahirap ang buhay. Madaming twists, nakakaiyak, at talagang nasa huli ang pagsisi. Ngunit bukod sa pagiging nagnanakaw ko, wala akong pinagsisihan sa aking buhay ngayon.

Nabanggit rin ni Mahal na malapit silang maaksidente noong papunta palang sila sa lokasyon nitong tagong private hospital, may isang itim na pusa raw ang pumagitna sa harap ng sinasakyan nila. Mabuti nalang daw may mabilis na taong sumagip sa pusa mula sa kamatayan. Isa iyong matandang nakaputing bestida na naglaho nalang na parang bula kasama ang pusa. Himala rin daw dahil no'ng sinubukan ni Tito Barry na apakan ang brake sa ikatlong beses ay gumana ito.

Baka pinaglalaruan daw sila ng engkanto. Madilim pa naman daw noon.

Atsaka noong unang buwan pagkatapos magpropose ni Mahal ay kaagad kaming bumiyahe papuntang ibang bansa upang magpakasal. Si Tito Barry at Tita Emilia pa ang nagpareserve ng lahat-lahat. Oo, nakatali na kami sa isa't-isa.

Wala nang kawala.

Nagtagal kami ng dalawang linggo roon para maghoneymoon at pagkarating namin sa Pilipinas, nabalitaan naming sumuko ang tatay ni Paine sa pulisya. Sinentiyahan siya ng pagkakulong habang buhay dahil sa mabibigat na kasong kinasangkutan niya. Hindi na rin namin nakita si Paine matapos na ipinasa ni Blake sa account nito ang file na na-unlock niya.

Automatic daw kasing mabubuksan ang may password na file ni Ma'am Paine kapag nasolve na ang problema sa pagkatao ko. Napagpasiyahan ni Mahal na h'wag iyong pakialaman kaya ipinasa niya nalang sa account ni Paine.

Sinabihan ko pa nga siya na ipakita ang file na iyon kay Tito Barry para makakuha ng ebidensiya pero ang sabi niya si Paine nalang daw ang magde-desisyon kung gusto ba nitong maparusahan pa nang mas malalim ang ama.

Isang floor nalang. Kapagod maghagdan ah.

Atsaka nakausap ko narin si Gar este Tito Gabby, inamin niyang haka-haka niya raw iyong ibang sinabi niya. Humingi rin ng tawad si Kanor at pinatawad ko naman kaagad no'ng binigyan niya ako ng ice cream... este ayaw mo ba no'n? May libre kang bodyguard.

"Sorry talaga, Boss. Gipit sa pera." Paghinga ni Kanor sa ikaapat na beses. Ang magagawa ko lang ay tumango at mag-isip.

Hindi nakaiwas ng tingin si Gar sa akin nang sinundan ng mukha ko ang direksiyon kung saan tumitingin ang mukha niya. "Anong paliwanag mo, Gar? Totoo bang nagsinungaling ka sa akin?"

"H-Hindi naman sa ganoon, Lala."

Hinawakan ko ang mga kamay niya nang mahigpit. "Anong hindi? Ang tagal kong kinamuhian ang father-in-law ko dahil sa kasinungalingan mo."

"Hindi sa sinisisi kita dahil biktima ka rin sa pag-ibig ngunit hindi dapat akuin ng aking father-in-law ang lahat ng kasalanan. Iyon bang titimbangin nang tama ang problema at saka pa hihingi ng tawad. Kahit saan mo tingan, Gar este Tito Gabby, kasabwat ka." Echos, feeling lecturer.

Sa isang kisap-mata, biglang nagbago ang tono ng boses niya at ang ekspresyon sa mukha. "Father-in-law ka na riyan ah. Kailan ba ang kasal?"

"'Di mo ako nadadala sa pagiging artista mo, Gar. 'Wag kang umiwas sa tanong ko kung hindi ay tatayo lang tayo hanggang sa ang mga tuhod mo ang bumigay. Sige ka, bata pa ako, nanganganib ka." Dinaan ko na lang sa kahinaan niya.

Napayuko ako at pinalungkot ang boses ko. "Sa totoo niyan, Gar este Tito Gabby. Hindi ko man gaanong alam ang nararamdaman mo at wala akong karapatang manghimasok ay pinapakiusapan kitang umamin sa nagawa mong kasalanan at humingi ng tawad. Kung gusto mo ng closure, tatawagan ko si Tito Barry para mapag-usapan ninyo."

Mabilis niyang kinuha ang cellphone ko dahil ida-dial ko na sana si Blake, "H'wag na, Lala. Aamin na ako. Mali ako. Gawa-gawa ko lang ang ibang mga sinabi ko tungkol sa amin ni Barry-"

"That's right, Gab. Why don't we talk about it? Once after awhile. Hindi naman ako magtatagal." Mababakasan ng takot ang mukha ni Tito Gabby sa sandaling narinig niya ang dumadagundong na boses ni Tito Barry.

At doon nga, iniwan ko lang sila. Mukha namang naresolba na ang gulo dahil okay na sila ni Tito Gabby. Kilig na kilig pa nga si Tito Gabby nang ipinakita niya sa amin ang singsing niya sa daliri. May bago na pala siyang jowa; isa ring artista.

Pinuntahan ko rin si Boss Popi last week doon sa karenderya upang magpasalamat sa lahat ng mga naitulong niya sa akin. Sinabi man ni Tita Emilia na pinabayaan ako ni Boss Popi kaya ako naging magnanakaw kahit na binigyan na siya ng malaking halaga ay hindi ko magawang magalit. Gano'n naman talaga ang buhay, may mga kasamaan at may mga kabutihan. Practical things kumbaga.

Sa kaso ko, imbes na pabayaan nalang ako ni Boss Popi dahil hindi naman niya ako kaano-ano at nakuha na niya ang pera ay tumulong pa rin siya sa akin at parating nasa tabi ko kapag nangangailangan ako. Nang humingi siya ng tawad sa akin ay hiniling ko lang sa kaniya na bigyan ng trabaho si Kanor.

Masama ang magtanim ng galit sa loob, tiyak na magagaya tayo kay Tito Gabby na naging pursigido sa paghihiganti kahit wala sa lugar.

Napatigil ako sa pagbabalik-tanaw. Ngayon ko lang napansin na nasa bibig na pala ni Baby Pen ang isang daliri ko. Nahulog pala sa lupa ang pacifier niya. May dalawang ngipin na siya sa ibaba, central incisors daw ang tawag, pero hindi naman masakit ang pakagat-kagat niyang iyan.

Napangiti ako sa langit at magpasalamat sa diyos. Napakarami ko ng paghihirap na dinaanan sa buhay. Kung sakali mang hindi ako hinayaan ng panginoon na mahanap ako ni Mahal noon, siguro'y kay Baby Pen nalang ako kumukuha ng lakas ng loob para harapin ang buhay. Mabubuhay ng masaya pero maraming butas at kulang. Walang lasa at hindi kontento. At higit sa lahat, kung sa una palang ay hindi ko nakilala si Mahal ay baka nasa Baryo Sigasig pa rin ako at nagnanakaw pa rin habang nag-iisip kung papaano ko makikita ang mga magulang ko.

"Why are you smiling like that, Mahal? Kitang-kita ko ang maganda mong ngiti kahit sa malayo. May nangyari bang maganda sa pag-uusap niyo ni Tita Lalaine?" Kinuha niya sa akin si Baby Pen at binigyan ng bagong pacifier bago inilagay sa stroller.

Lumawak ang ngiti ko habang buong pusong nakatitig sa kaniya. Mahal na mahal ko ang lalaking 'to. Hindi ako magsasawang sabihin iyan.

"Hey, hey. Your smile is creepy. May pinaplano ka bang masama, Mahal? I'm really afraid, don't come near me." Nag-acting pa na parang natatakot talaga ang loko.

Kung hindi dahil sa lalaking nasa harapan ko, baka namatay na ako sa kamay ng ibang pulis kung sakaling dumating man ang panahon na mahuli nila ako. Kung hindi dumating ang lalaking 'to sa buhay ko, hindi ko mararanasan ang pagmamahal mula sa inang matagal kong inasam. Kung hindi dahil sa kaniya, hindi ako magiging ganito ka kuntento.

Kahit na ilang pagpuri pa ang gawin ko, hindi niyon matutumbasan kung gaano siya kahalaga sa akin na para bang hindi ako mabubuhay nang wala siya-na hindi nakadepende sa kaniya. At hanggang ngayon, hindi ko pa rin mahanap ang sagot kung bakit ako ang napili niyang paglaanan ng puso.

Ano bang meron sa akin at bakit binayayaan ako ng ganitong kabiyak sa buhay?

Sinunggaban niya nalang ako ng yakap bigla. "Ngayon naman ay umiiyak ka na, Mahal. Ilang beses na 'to at talagang pagkalabas na pagkalabas pa talaga ng ospital na iyan. It can't be that you're now one of them..."

"Ha? Isa sa kanila?"

Hinigpitan ni Mahal ang yakap niya sa akin, "Mahal, I'm afraid you're now mentally ill like them."

Napalayo ako sa kaniya nang ilang metro. "Ikaw ang nabaliw na!"

Mali na ba ang magpasalamat sa kaniya nang palihim araw-araw?

"Mahal, I was just joking." Dire-diretso na ako sa pinarkingan ng sasakyan namin at hinintay na makahabol siya. Tulak-tulak niya ang stroller kung saan nakalagay si Baby Pen.

Kinuha ko ang stroller at binuhat si Baby Pen. Hinintay kong mabuksan na ang lahat ng pinto ng sasakyan bago dumiretso sa backseat dala-dala si Baby Pen. Hindi nakaligtas sa tenga ko ang pagbuntong-hininga niya.

Dali-dali siyang pumasok sa harap at pilit na hinuhuli ang kamay ko. "Mahal, sorry na. Nagtataka lang naman ako sa pabago-bago mong ugali. I was just putting it into a joke to forget all these bad ideas. Natatakot ako, Mahal. Natatakot ako na baka may tinatago kang sakit at ayaw mong ipaalam sa akin."

"Mag-drive ka nalang sa pinakamalapit na pharmacy para malaman natin." Seryoso kong saad bago kinuha ang mga kamay ko mula sa hawak niya. Napabuntong-hininga ulit siya.

Hindi ko sinasadyang magsungit, may gusto lang akong kompirmahin.

"Hindi ba iyan malala at sa pharmacy ka lang bibili ng gamot, Mahal? Hindi ba pwedeng dumiretso nalang tayo sa hospital para macheck-up ka nang sigurado?" Hindi ako sumagot para malaman niya na hindi ko iibahin ang desisyon ko.

Mabilis na nakarating kami sa pinakamalapit na pharmacy. Malamang, malapit lang.

"Mahal? Okay ka lang ba diyan? LBM lang pala ang sakit mo. Akala ko pa naman sa utak." Hindi ko pinansin ang joke ni Mahal dahil nasisilaw ako.

Nasisilaw ako sa ikalawang pulang linya na nakikita ko sa bawat pregnancy test na binili ko nang palihim habang umiihi si Mahal. Pinalabas ko pang LBM ang sakit ko.

Tama nga ang hinala ko.

"Lumabas ka muna, Mahal! Bilhan mo ako ng ice cream sa 7 eleven sa gilid nitong pharmacy!" Mabilis namang pumayag si Mahal at nakahinga ako ng maluwag nang marinig ang pagsarado ng pinto. Napaiyak ako sa tuwa.

Salamat sa ikalawang biyaya, Lord!

Nanginginig kong inilagay sa plastic ang mga PT at inayos ang sarili ko sa salamin. Baka mahalata ni Mahal galing ako sa pag-iyak. Matalas pa namang ang mga mata no'n kahit na sa malayo. Parang agila kung mag-obserba sa mukha ko at kilos. Noon pa mang sila pa ni Ma'am Paine, nararamdaman ko na ang mga titig niya.

Hindi ako makapaghintay na sabihin 'to kay Mahal. Ngunit kailangan kong hintayin ang alas dose. Bukas ang kaarawan ni Mahal na siya ring death anniversary ni Papa.

Hindi ako matutulog ngayong gabi at hihintayin ang mag-alas dose. Sakto namang idadahilan ko sa kaniya na maghahanda ako ng mga gamit ni Baby Pen dahil doon muna siya kina Lola at Lolo bukas.

"Una na ako, Mahal. Sana gumaling na ang LBM mo at kibuin mo na ako." Hinalikan niya ako sa labi bago tahimik na umalis.

Nang marinig ko ang ugong ng sasakyan ay napangiti ako. Pasensiya na, masiyado akong propesyunal umarte kaya hindi ko maaatim na mabulyaso ang plano ko.

Sana matuwa ka sa surpresa mamaya, mahal kong asawa.

***
NAKITA ko sa cellphone ko ang oras. Alas kwarto na ng hapon. Mabilis lang na dumaan ang oras. Sinilip ko ang kwarto ni Baby Pen at nakitang himbing na himbing siyang natutulog. "Anak kong maganda, sweet dreams."

Ngunit hindi na ako nagulat nang marinig ang mahihinang hilik ni Carly, ang bagong yaya ni Baby Pen. Alam ko ang pagod na nararamdaman niya dahil ako lang din noon ang nag-iisang katulong nila Mahal noon kaya hindi ko siya pagagalitan.

Ewan ko rin kung anong sakit sa utak ni Mahal at isang katulong lang talaga ang trip niyang pagtrabahuin.

Isinarado ko nalang ang pinto at naisipang maligo dahil naiinitan ako. Itinago ko na rin kaagad sa ilalim ng kama namin ang apat na positibong pregnancy test para mamayang hating gabi. Binilisan ko ang galaw ko dahil mamayang alas-sais dadating na mula trabaho si Mahal at tiyak akong hahanapin nito ang bagong adobo recipe ko na niluto ko kahapon.

Nang matapos akong maligo ay nagluto na ako ng panghapunan. Habang pinapalambot ang karne ay napatalon ako sa gulat nang sumigaw si Carly sa itaas na sinundan ng malakas na pagkalabog. "AHHHHHH!"

Pinatay ko muna ang apoy sa electric stove at dali-daling umakyat sa second floor. Dumagdag pa sa kaba ko ang malakas na pag-iyak ni Baby Pen. Kaagad akong pumasok sa pinakaunang kwarto na nakita ko.

Kinuha ko si Baby Pen at inalo. Mukhang wala namang mangyaring masama sa kaniya at nagising lang sa sigaw ng yaya niya. Lumabas ako sa pinto at pinuntahan si Carly.

Nanlaki ang mga mata ko nang makitang nakaawang ang huling kwartong noong katulong panako rito ay pinagbawalan ni Mahal na linisan ko.

Nakita ba ni Carly ang mga inhaler ni Mahal diyan sa loob kaya nagsisigaw siya?

"Carly? Anong nangyari? Bakit mo binuksan ang kwartong iyan? Hindi ka ba pinagbawalan ng Sir Henry mo?" Nakaupo siya sa sahig at takot na takot na nakatitig sa kwarto.

"Ikaw nalang po ang tumingin, Sir Lala. Atsaka hindi naman po ako pinagbawalan ni Sir." Umiiyak na sabi niya.

"Sige, kunin mo si Baby Pen at patulugin mong muli." Sinunod niya ako at mabilis na umalis kasama si Baby Pen.

Dahan-dahan akong napahakbang papalapit sa doorknob. Sana naman hindi ito ahas o baboy ramo.

Malay ko ba naman, grabe ang sigaw ni Carly eh.

Nilakihan ko na ang pagbukas sa pinto. Bumungad sa akin ang napakaraming puting kumot na nagkalat. May puting kurtina rin sa bawat gilid ng kwarto kahit wala akong makitang dingding. Kinumotan rin ng puti ang malaking kama na nasa gitna.

Anong trip 'to?

Napatalon ako nang makakita ng pamilya ng daga na may pinipiyestahan sa may flower vase. Siguro'y sila ang dahilan kaya napasigaw si Carly.

Isinarado ko nang sigurado ang pinto at pinindot ang switch na nakita ko. Kuryoso na ako sa mga bagay na nasa likod ng puting kumot at mga kurtina. May sekreto bang tinatago si Mahal? Kagaya ng susi sa pagiging imortal? Kagaya ng Lolo niyang marunong mag-chat kahit patay na.

Ngumisi ako at ipinikit ang mga mata bago pinagtatanggal ang mga kurtina at mga puting tela na sagabal.

"Kulang nalang monumento." Iyan ang unang lumabas sa bibig ko. Namamangha kong pinalibot ang mata ko. Napakarami. Napakarami kong mukha na nagkalat sa buong kwarto.

Parang isang ika-dise otsong kaarawan ng isang dalaga ang pagkaka-ayos ng mga litrato.

Narinig ko na dati sa video ni Mama noon na si Pace ay gumawa ng collage na korteng puso na puno ng mukha niya at alam kong nakakadiri at nakakatakot ang obsesyong iyon pero wala akong maramdamang galit at takot ngayon. Pinasadahan ko ng kamay ang mga larawan ko. Maalikabok na ang mga iyon at dahil iyon sa walang naglilinis dito.

Ang tanong lang sa isip ko, kelan siya nagsimulang kuhanan ako ng larawan na lingid sa kaalaman ko?

Hindi niya talaga alam kung ano ang salitang privacy eh.

Hindi naman ako nagtataka kung bakit niya ako kinuhanan ng litrato, noon pa man, ramdam ko na ang mga titig niya. Noon pa man, nararamdaman ko at talagang sinasabi niya na perpekto raw ang mukha ko. Ang nakakagulat lang talaga ay kung bakit ganito karami.

Mukhang 'yung picture ko sa maid's quarter ay galing pa rito.

Sa pagkakaalam ko, marami na ang humahanga sa mukha ko pero hindi naman ganito ka-grabe.

Pero sa isang panig, habang nakatitig sa lahat ng mga larawang 'to parang hindi ko masisisi si Mahal kung bakit niya ito ginawa. Walang filter ang mga larawan pero parang hindi normal ang kakisigan ko.

Nagmana ako kay Mama kaya kaunting palit lang sa buhok at damit, magiging kambal na talaga kami. Matagal-tagal na noong huling tinignan ko nang matagal ang mukha ko sa salamin at talagang mai-inspeksiyon ko lang ang mukha ko sa mga litratong naririto. Ngayon na nakita ko ang mga ito, kinikwesiyon ko na ang sarili ko.

Sino ang mas may alam sa mukha ko, ako ba o si Mahal?

Deserve ko ba ang ganitong mukha?

Mukha ko lang ba ang dahilan kung bakit minahal niya ako?

Gaano ba kagrabe ang epekto nitong ipinagbabawal kong mukha sa kaniya?

Kung noong ninakawan ko siya ng kwintas at hindi niya nagustuhan ang mukha ko, bibigyan niya ba ako ng trabaho o itatapon sa kulungan?

Napahawak ako sa invisible kung bigote, kulang nalang ng magnifying glass at sumbrero, papasa na akong detective.

"Mahal, where are you?! Nakauwi na ako!" Kaagad akong kumuha ng pinakapaborito kong litrato rito at bumaba na. Ito ang larawan ko na nagdidilig ng mga bulakalak sa likod ng bahay na may napakagandang background atsaka maganda ang anggulo.

Ang ganda ng side view ko!

Hindi ko na rin marinig ang iyak ni Baby Pen, mukhang nakatulog na kaya mabilis lang akong nakababa.

Sinalubong ko ng yakap si Mahal na ikinabato niya, "Wala ka nang sumpong ngayon? Atsaka bumili na rin ako ng karagdagang mga prutas na maaaring makatulong sa LBM mo."

Hinalikan niya ako sa labi, "Nasaan ang anak natin?"

"Nasa taas, natutulog na. May surprise ka pala sa akin, hindi mo naman sinabi." Bulong ko sa tenga niya.

"Ha? Wala akong hinandang surpresa. Ikaw ang dapat maghahanda ng sopresa, kaarawan ko bukas." Naiilang na sabi niya.

Pagkuwa'y kinuha ko ang mga kamay niya at inilagay ang larawan. "Ano ito?"

Pinagmasdan ko ang pag-iba ng ekspresyon sa mukha niya, hindi maipinta. "Saan mo ito nakuha, Mahal?"

"Doon sa itaas. Bakit mo naman itinago ang mga larawan ko roon? Aanayin lang ang mga iyon at masasayang ang pera mo."

"Bakit hindi mo ako sinampal, Mahal? Nakikiusap ako, bugbugin mo ako." Nakatiim-bagang utos niya sa akin. Nagtaka ako, ba't ko naman gagawin iyan?

Sa isang iglap, nakaluhod na siya sa harap ko, "Mahal, patawarin mo ako. Matagal na ang mga iyan at inaamin kong ako ang kumuha ng mga litrato nang patago. Iyong iba galing kay Lolo, pero ang karamihan sa akin."

"Ano bang meron sa mukha ko, Mahal?" Pa-inosente kong tanong.

"Your face is very special to me, Mahal. Iyan ang dahilan kung bakit nagbago ang isip ko. Imbes na ilagay sa kulungan, dinala pa kita sa bahay ko. Kapag napapa-sulyap ako sa mukha mo, namamangha ako-naaakit. Iyan ang bumuhay ng isang nakatagong apoy sa loob ko." Napatango-tango ako.

Itinaas ko ang isang hintuturo ko sa kanang kamay. "'Face does matter' ba ang ibig sabihin ng ginawa mo..."

Itinaas ko rin ang isa ko pang hintuturo sa kaliwa kong kamay, "...o 'judge the book by its cover'?" Nagtataka niya akong tinitigan ngunit hindi naman nagsalita.

"Kung both, pareho tayo." Sinabayan ko pa ng malakas na tawa.

"Iba sa inaasahan ang reaksiyon mo, Lala. Akala ko kamumuhian mo ako at sasabihang may sakit sa utak." Seryoso niyang ani.

"Iba rin kasi ang taste mo sa babae-lalaki. Pinili mo ako na baliw rin katulad mo." Seryoso ko ring balik sa kaniya.

"HAHAHAHA." Nagtawanan kami.

Oo, mga baliw kaming dalawa. Walang lamang, parehong antas ng kabaliwan.

May naalala ako. "Pwede mo bang ibalik sa akin iyang larawan na nasa kamay mo, Mahal?" Umupo ako sa sofa na mabilisan niyang sinunod.

"Bakit naman, Mahal? Hihiramin mo ba? Maghanap ka ng iba, paborito ko 'tong larawang 'to." Ang arte ah.

"Bakit ba ang napakadamot mo? Mukha ko iyan at higit sa lahat, mukhang paglilihian ko pa ang sarili kong mukha nang dahil sa iyo." Napatakip kaagad ako ng bibig. Ang daldal ko.

"P-Pardon?"

Lumikot ang mga mata ko, "W-Wala. Ang tanong ko, ba't ka nagdadamot?"

"Hindi. Iyong pangalawa." Napapikit ako at napakagat sa dila ko. Lagot na.

Hindi. Hindi ako magsasalita.

"Kung hindi mo sasabihin sa akin, maghahanap ako ng ebidensiya. Narinig ko naman ng klaro pero gusto kong makasigurado." Mahina kong hinila ang manggas niya.

"Paano ba iyan? Mamayang gabi ko pa sana sasabihin. Also itinadhanang maaga ko sasabihin." Pagsuko ko. Mapapagod pa siya at alam ko namang talo na ako dahil parang paghahanap lang 'to ng nawawalang pusa na kulay rainbow.

Pagkuwa'y lumuhod ako at tumawag si Carly, "Carly! Kunin mo iyong binili ko kanina nasa ilalim ng kama ng master's bedroom."

Mabilis pa sa kidlat na dinala ni Carly ang "Eto na po, Sir Lala."

Alam ko namang nakikinig lang si Carly sa amin. Master na ako sa pangchi-chismis habang siya ay baguhan palang.

Kinuha ko ang isang pregnancy test at pinalapit si Carly. Pinaikot ko ang braso ko sa leeg ni Carly at umaktong gigilitan siya ng leeg gamit ang pregnancy test na para bang hostage. "Kapag umabot ang araw at pumangit na ang pinakamamahal mong mukha ko, ipangako mo na hindi mo ako iiwan." Pagtukoy ko kay Blake na mukhang natuod sa kinatatayuan.

Nang mahimasmasan ay kinuha ang dalawang pregnancy test at pinormang baril. Hirap na hirap niyang itinutok sa pulso kita ang gawa-gawang baril. "Kung sakaling lumaki ang tiyan ko at dumami ang bisyo, ipangako mo ring hindi mo ako iiwan."

Pinakawalan ko si Carly at tinakbo ang pagitan namin ni Mahal, "Salamat sa lahat, Mahal. Mahal na mahal kita."

"Mahal na mahal rin kita, Mahal. Mabuti't binigyan mo ako ng pagkakataon na bantayan ka mula sa una hanggang sa huling buwan ng pagbubuntis mo. Hindi ko alam ang gagawin ko kung umalis ka na naman sa tabi ko. Hindi ko kakayanin, Mahal." Napatigil kami nang makarinig nang maliit ngunit malalakas na paghalakhak mula sa itaas.

Sinenyasan ko si Carly na kunin ang tumatawang bata sa itaas. Nang nasa hagdan na sila ay kaagad kong kinuha si Baby Pen mula kay Carly, "Basta ba hindi ka magloloko, patuloy ka pa rin naming mamahalin at pagtatatiyagan ni Baby Pen at ng bagong baby natin kahit uugod-ugod ka na."

Hinalikan niya si Baby Pen sa pisngi bago pinuntirya ang mga labi ko. "Mahal na mahal ko kayong lahat."

ANG PAGTATAPOS...

AS1: AFFECTED GUN
ALL RIGHTS RESERVED
©2022

+
See you sa story ni Ream!

@FORTYUNEYT

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro