Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 8

Chapter 8: Mutual Attraction?

LALA'S POINT OF VIEW

TANGING tunog lang ng kubyertos ang maririnig sa buong dining table kasi ako lang ang mag-isa rito. Kinakain ko sina Ma'am at si Sir. Siyempre dahil ang gulo-gulo nila, kapag hindi na masaya ang drama kailangan nang palitan. Ang sarap nila-nilang pag-untugin.

Biro lang.

Sa kabutihang palad, hindi naman ako natanggal sa trabaho. Sa halip na palabasin ako sa bahay ay nandito pa rin ako, mas malapit na sa kanila kaya tiyak akong malinaw na malinaw kong maririnig ang mga pinagsasabi nila kaysa noong naglalaba ako.

Ano bang butas este gulo ang pinapapasukan ni Sir sa akin?

Walang kaingay-ingay nga dahil hindi naman nagsasalita ang dalawa kong amo. Takang-taka nga ako kung bakit pinaupo ako ni Sir tatlong upuan malayo sa kanila. Pakiramdam ko parang nasa paglilitis kami. Mahaba kasi ang dining table nila, mukhang kasya ang sampung lechon... wala lang gusto ko bigla kumain ng lechon.

Kaso sagabal ang lechon sa gusto kong body shape. Paano ako magiging macho kapareha ni Sir kung kakain ako ng puro taba?

Hindi ko rin alam kung anong saysay ng pagiging magkatabi nila, e wala namang kibuan. Sino ba ang hinihintay nilang magsalita, ako? Ang panget nilang ka-bonding, 'no? Super sarap kaya ng niluto kong sinigang.

Este okay lang naman ang lasa ng niluto kong sinigang.

Una silang umupo kaysa sa akin ngunit tila nahahawaan na rin ako ng kanilang awkward vibes. Nakatapos na ako sa pagsasampay ng mga damit at lahat bago ako pinaupo rito ngunit tahimik pa rin sila. Bakit kasi pinatagal pa ang away, pwede namang ayosin agad para walang gulo.

Ano na? Mga ate, mga kuya. Pakuparan ba ng pagkilos? Patagalan ba ng pagnguya?

Kung ako lang ang masusunod sa bahay na ito, uutusan ko kaagad sila na magbati. Pakiramdam kong magkakabati rin naman sila kapag nagkausap ng masinsinan. Mahal na mahal nila ang isa't-isa, tiyak na tiyak ako roon. Kung ano mang pinaggagawa ni Ma'am Paine ay tiyak naman akong may mabigat na dahilan siyang baon. Kailangan lang talaga ng masinsinang pag-uusap... na wala ako.

Binilisan ko ang pagnguya, abot ng tubig para sa sarili ko, at lunok na naging cycle na. Pinilit ko pa ngang kahit pagnguya ay walang ingay hanggang sa natapos na nga ako. Mahiya naman tayo sa Don at Donya na pinaglalaruan lang sa kanilang plato ang pinaglaanan ko ng dugo't pawis na sinigang.

Bahala kayo riyan, as if namang ganoon ko ka-gustong makisali sa gulo niyo.

Tumayo kaagad ako pagkatapos kong maubos ang aking almusal ngunit bago ko pa maibalik ang upuan sa dating pwesto nito ay nagulat ako sa biglaang pagtawag sa akin ni Sir Henry. Tumigil yata sa pagpintig ang puso ko ng isang segundo.

"Lala, sit." Parang nag-uutos lang ng aso, ano? Bago na pala ang trabaho ko rito? 'Di ako nainform na may part-time job pala ako. Ano na naman ba ang kailagan niya? Plano siguro akong gawing referee.

Pass muna ako, Sir. Baka sumama pa lalo ang image ko kay Ma'am Paine na pinaka-iniiwasan kong mangyari.

Ibinaling ni Sir Henry ang kaniyang tingin kay Ma'am Paine. "I also heard your strange actions from Lala, alam mo na kung ano ang ipinapahiwatig ko, Paine. Now, sabihin mo nga, what is the reason behind these unusual actions of yours? Nakakafrustrate, Paine. You've got no home, wala ka ring pinakilala sa aking kaibigan kaya bakit ka nakakaalis ng bahay nang matagal?" Hala, bakit nadawit ng pangalan ko? Napakabobo ko talaga, bakit ko pa kasi sinabihan si Sir Henry? Itotokhang na ako bukas niyan.

Ayan na, ramdam na ramdam ko na ang nakamamatay na mga titig ni Ma'am sa akin. Siguro'y iniisip na nito na chismoso at matabil ang dila ko na totoo naman.

Siguro'y ginusto ko lang din na makaganti kay Ma'am Paine no'ng araw na iyon dahil sa kaniyang ibang pagtrato sa akin. As in, deserve ko ang warm welcome. Pero nag-iba na ang isip ko, masamang gumanti, ano.

Nais ko ring marinig ang tugon ni Ma'am kaya umupo ulit ako at pinaglaruan ang yelo sa baso, pretending that I'm not going to give them any attention. Isipin niyo nalang na isa akong pitsel na nakikipag tea party sa baso.

Sige patuloy kayo sa away niyo.

"O baka may tinatago kang kaibigan, to the point na roon ka na sa bahay no'n tumitira. Magsabi ka nga ng totoo, Paine, nakikiusap ako." Nagmamakaawang sabi ni Sir kay Ma'am Paine na seryoso lang ang mukha.

Ngunit lumipas ang ilang segundo ay hindi naman kami nakarinig ng tugon ni Ma'am Paine. Na-speechless yata. Naririnig ko na ang mga kuliglig na kumakanta, ano na?

Sige tulugan ko nalang kayo.

Kaunti nalang ay mapapahikab na ako dahil sa antok at sa pagkabored. Andami ko nang nagawa ngayong araw. Pagod na rin ako kakaisip kung ano ba talaga ang sekreto kung bakit nagkakaganiyan si Ma'am.

Katulad ko, nagloloading din ang isip ng mga tao. Overfatigue na is me.

Huminga nang pagkalamim-lalim ang babae kaya rito napunta ang atensiyon namin ni Sir, "O-Okay! Hindi ko na kailangan pang magkunwari, right? Ngayon na wala pala akong makukuhang kahit na singkong duling sa yaman ng Lolo mo ay mabuti pang umalis na ako. I've grown tired of pretending to be a nice lady. Napakasimple ng pamumuhay mo, Blake. Hindi ito ang plinano kong magiging buhay sa mga kamay mo..." Parati talaga siyang nanggugulat, ano? Nagulat talaga ako pero hindi ko pinahalata.

Nangyayari rin pala ang ganitong eksena sa totoong buhay.

Huminga si nang malalim ulit dahil naubusan yata ng hangin sa speech niya. Nagrap god kasi siya kaya ayan.

May namumuong luha na sa mga mata ni Ma'am Paine ngunit nagpatuloy pa rin siya sa pagsasalita, "... pinilit kong makuntento dahil nabalitaan kong may ibibigay na mana ang Lolo mo sa inyo na mga apo niya, pero ano ang narinig ko mula sa bibig mo, Blake? Hindi mo gustong tanggapin." Mapait na napangiti si Ma'am na nagpangiwi sa akin. "Hindi ako katulad ng mga babaeng nababasa mo sa mga librong pambata. Grow up Blake, lahat ng tao ay gusto ng marangyang buhay, not this life that you plotted. Sinagot kita kasi akala ko magiging masagana ang buhay ko. Na kahit gumastos ako ng malaki araw-araw ay hindi ka mauubusan. Oo, hindi ka nga mauubusan ng pera kasi maliit lang naman ang ibinibigay mo sa akin." Intense na nanlaki ang mga mata ko.

Sure kang maliit pa iyon, Ma'am?

Nakikita ko kayang kada kapit ni Ma'am Paine kay Sir ay nanghihingi siya ng pera pangbili ng luho niya. Maraming sky blue na papel ang ibinibigay ni Sir sa kaniya bilang reward.

I-note mo pa na dalawang beses ka Ma'am kung manghingi araw-araw.

"You disappointed me, Paine." Padabog na inilagay ni Sir Henry sa mesa ang kaninang baso na hawak-hawak niya bago umakyat sa itaas. Ang bigat ng paa.

Hays. Ang gulo ng buhay nila.

***
"NAKAKATAWA ang paraan ng pag-ikot ng mundo." Pinahid ko ang aking mga luha na tumutulo mula sa aking ilong-ay este sa mata pala dapat tumulo ang luha. Sipon pala 'pag sa ilong.

Joke. Hindi pala ako ang iniwan.

This should be a fine day but, "Ahhh! For God's sake, bakit naging kasalanan ko pa?! Napakaput*ng*na naman o!"

Nagmadali akong umakyat sa second floor dahil sa biglaang pagsigaw ni Sir. Umakyat kasi siya roon, tila gusto ng privacy. Baka mamaya nito ay maging Hulk pa siya ta's SMASH!! Iyong mga ganoon. Basta iyong magtatapon ng mga babasaging mga bagay sa dingding.

Mababasag ang babasaging bagay, syempre. Ako ang maglilinis no'n. Masusugatan ako. Masasaktan sa alcohol. Tapos sa huli ay mamamatay sa infection kasi hindi ko nalinis nang maayos ang mga sugat sa kamay ko.

Napakawalang kwentang uri ng pagkamatay na iniiwasan kong mangyari.

"Akala ko perpekto na ang lahat! Akala ko kontento na siya sa simpleng buhay kasi iyon naman ang ugaling ipinapakita niya sa akin. Akala ko lang pala." May pabulong-bulong pa siya. Pasensiya na, iyan lang talaga ang narinig ko nang maayos.

"Sir, okay ka lang?" Hindi nakakatuwang maging baliw, Sir. Mabuti pang utusan niya ako kaysa nagsasalita siya mag-isa. Napaka-fine talaga ng day.

It's been 24 hours after pag-a-alsa-balutan ni Ma'am Paine. Hindi niya siguro kinaya 'yong 'you disappointed me' ni Sir. Masyadong mabilis ang pangyayari na kahit ako hindi nakahabol. Bigla nalang kasing padabog na umalis sa dining table at padabog na umakyat sa itaas si Ma'am Paine. Nagtaka nga ako dahil maliit na maleta lang ang dala niya pagbaba niya.

Ay oo, hindi pa pala natuyo iyong nilabhan kong gabundok na mga damit niya. Hindi ko naman kasalanan kung bakit matagal akong natapos maglaba. Kasalanan niya iyon.

Kinuha ni Ma'am ang singsing sa kaniyang daliri at may hinalukay sa maleta. Inilabas niya ang isang pamilyar na kwintas, ah ito pala iyong dahilan kung bakit ako naging katulong dito. Nilagay niya iyong singsing at kwintas sa sahig at umalis na kaagad siya, iniwan kami na hindi man lang nakakurap dahil sa bilis ng pangyayari. Hays, napakarami na nga ng nangyayari rito.

Ni hindi man lang siya nag-goodbye gaya ng eksenang nasa telebisyon.

Pagpahingahin niyo naman ako Ma'am, Sir. Nakakapagod ng subaybayan ang love story niyo, magcommercial muna tayo. Magpa-softdrink ka naman.

Iyon ang mga nangyari kahapon.

Napakurap ako bigla dahil naglanding ang malaking kamay ni Sir Henry sa buhok ko at ginulo niya ito. Maliban sa malakas na pagtibok ng puso ko dahil sa gulat ay tila ba may iba pang dahilan kung bakit nagkakaganito ang puso ko.

Baka naman may sakit ako sa puso? Sige, balang araw ay magpapa-check up ako.

"Lala, huwag mo na akong alalahanin pa. Be sure to eat ha. Bukod sa pag-aalaga mo sa kalinisan at sa safety nitong bahay, you should take care of yourself too. I won't be able to take it if you'll leave me too." Kasabay ng senseridad na makikita sa kaniyang mata at malambot na ngiti sa labi ay tila naglulupasay ang kaloob-looban ko. Napakacute tignan ng maliit niyang biloy sa kanang pisngi.

Dumoble na naman ang pagtibok ng puso ko!

***
NAGING sementeryo muli ang bahay na ito dahil sa kawalan ng ingay dahil umalis na si Sir. Okay lang naman, ganito naman palagi ang sitwasyon ko sa Baryo Sigasig. Parati naman akong mag-isa kahit pa may mga oras na ninanais ko ng kausap o 'di kaya ay tagpakinig. Wala namang dumating.

Ay teka dahil wala namang kasalan na naganap ay wala ring honeymoon trip na magaganap. Ano pala ang papel ko rito? Forever katulong nalang ba?

Busy pa naman si Sir dahil nawawala raw ang pinsan nilang si Ream, dalawang araw na. Pagkauwi nalang ni Sir ko tatanungin kung pwede ba na umalis na rito at humanap ng ibang trabaho dahil baka sagabal ako sa pagmo-move-on niya.

Siyempre hindi ako manhid, marunong akong makiramdam. Gusto niya ng time para sa sarili. Gusto niya ng oras na makapag-isip-isip nang siya lang mag-isa.

Ngayon ay naglilinis ako rito sa mga kwarto, bale may apat na kwarto sa second floor at kompleto lahat ng kakailanganing gamit, mapa-banyo o aircon man. Bale 'yong master's bedroom ay 'yong pangalawa dahil iyon ang pinakamalaking kwarto sa second floor kaya doon sila natutulog ni Ma'am Paine noon.

Pagkatapos kong malinis ang pang-tatlo ay natuon ang pansin ko sa pang-apat, palagi kasi iyong nakalock. Gusto ko ngang magpresinta noon na linisan iyan ngunit pinagbawalan ako ni Sir tapos iyon lang. Nakalock pa rin naman.

Ano kayang nandiyan?

Nagulat ako nang biglang may taong humigit sa braso ko. Isang nilalang na walang mukha, may dalang kutsilyo at isang bucket ng chickengroy. Echos! Si Sir Henry lang. Amoy alak siya at hindi na maayos ang paglalakad. Uminom siya sa labas?

Meaning niyan, hindi niya ma-enjoy ang presence ko. Ah, ang sakit sa ego ha.

"Sir, punta po tayo sa kwarto mo po para makapagbihis na po kayo. Baka 'di kayo aware, alam kong makakalimutan niyo bukas na hindi kayo nakapagbihis bago dumapa sa kama. Ako pa naman ang maglalaba ng bedsheet. Hindi mo ba alam na napakabigat niyan kung lalabhan?" Inalalayan ko siya patungo sa pangalawang kwarto ngunit hinila niya ako at dinala ako sa unang kwarto. Nagtaka ako dahil inilock niya ito mula sa loob.

"Ay, sir, tinatanong ko po kayo kung kelan ba ako makakaalis sa pagiging kasambahay niyo po. I-recommend niyo naman ako sa iba niyong kakilala. Magaling akong mag-serbisyo at alam kong alam niyo iyon." Humirit pa ako ng tanong, eh lasing naman 'tong kausap ko.

Kumuha yata siya ng lakas sa side table kasi todo kapit siya roon ngunit hindi niya pa rin nagawang ibalanse ang katawan niya kaya naitumba niya ang side table kasama ng sarili niyang katawan. Nagkalat sa sahig ang mga dokumento na hindi ko naman alam kung para saan. Hindi ko maisip na ganito kadaling madumihan ang kwartong kakatapos ko lang linisan kanina.

Papalampasin ko muna ngayon kasi heartbroken eh.

Umupo ako sa kama at handang makinig sa kung ano man ang sasabihin niya. Mapahinaing man iyan o pagpupugay sa kagalingan kong magpanatili ng ayos sa bahay niya.

At katulad ng naramdaman ko noong nakatitig ako sa umiiyak na mukha ni Sir ay muling nanumbalik ang mabigat na pakiramdam na iyon.

Ano kayang nangyayari sa kaniya? May problema na naman ba siya? Ready akong tumulong ano. I'm only one call away~

"Lala." Mas bumigat ang nararamdaman ko dahil sa napakalungkot niyang tono. Konting-konti na lang, yayapusin ko na talaga siya nang mahigpit.

Nagmukha pa akong nanay nito.

Gusto kong mabawasan ang sakit na nararamdaman niya. Gusto kong makitang muli ang napakaganda niyang ngiti. Gusto kong maibalik ang dating sigla na parati kong nakikita noon sa kaniya.

Gagawin ko ang lahat! Operation: Make Sir Henry Happy. Pwede i-apply ang kahit na anong pagpapatawa basta kahit anong bagay na makakadistract sa kaniya. Kahit pansamatala lang.

"Reporting for duty-"

Bago ko pa matapos ang pick-up line ko ay nagulat ako nang bigla niya akong dalhin sa mga bisig niya. Ni hindi ko nga napansin na nakatayo na pala siya sa pagkakatumba.

Ngunit bago pa ako makapagtanong ay halos mawalan ako ng ulirat nang bigla niya akong sinunggaban ng halik sa labi.

"Walang aalis. 'Di ka pwedeng umalis, Lala."

AS1: AFFECTED GUN
ALL RIGHTS RESERVED
©2021

@FORTYUNEYT

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro