Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 5

Happy 168 reads!🎉

***
Chapter 5: Paine's Strange Actions

LALA'S POINT OF VIEW

NANDITO na tayo sa puntong nasa sulok lang ako, nahihilo na dahil si Sir ay naglalakad ng pabalik at paabante sa iisang pwesto na para bang may napakalaking problema.

Natatakot nga akong lapitan siya e, baka masuntok ako.

April 9 na ngayon at tatlong araw na matapos na hindi natuloy ang kasal ng dalawa kong amo. Sa anim na araw na pananatili ko rito ay naobserbahan ko kaagad ang mga habits nila Ma'am Paine at Sir Henry. Kabisado ko na rin ang side view, front view, ang tindig at ang paraan ng paglalakad nila at malakas ang loob kong makikilala ko pa rin sila kahit nakaface mask o kaya'y nakatalikod. Dahil nga 'dating' magnanakaw ako ay likas na sa akin ang mag-obserba upang malaman kung ano ang tamang tiyempo na magnakaw.

Pero totoo namang nagbabagong-buhay na ako.

Eto pa. Maganda ang katawan ni Sir, maganda rin ang katawan ni Ma'am. Iyon ang alam na alam ko, malamang modelo si Ma'am at iyong si Sir pala gym iyon. Atsaka ako kaya ang naglalaba ng mga damit naming lahat kaya nga andami ko ng sugat sa kamay. Mas gusto ko kasing mano-mano kasi mas nakukuha nang maayos ang dumi. Iyon din ang payo ni Boss Popi sa akin.

Gaya nga ng nabanggit ko, paiba-iba ang ugali ni Ma'am Paine araw-araw na hindi ko naman alam kung alam ba ni Sir kasi hindi ko naman siya nakitang nagalit sa harapan ni Sir Henry. Si Sir Henry naman mapagmahal talaga. Sana lahat perpekto. Isa lang ang masasabi ko sa relasyon nila, matibay.

Pero ngayon nagkabitak-bitak na at tila nagkalumot na dahil sa mga ginagawa ngayon ni Ma'am Paine.

Cinremate ang lolo nito ngayong araw, siyempre mayaman eh. Pagkabalik na pagkabalik niya rito ay ganiyan na siya, tuliro. May nangyari siguro roon. Idagdag mo pa na hindi pa bumabalik si Ma'am Paine mula kahapon.

Sinungitan pa nga ako ni Ma'am nang tanungin ko kanina kung saan siya pupunta para may maisagot ako kay Sir Henry kasi expected naman na tatanungin ni Sir kung nasaan ang maganda niyang fiancee ngunit ang sagot lang ni Ma'am ay may gagawin daw siyang importante kaya ayun, no'ng nagtanong si Sir Henry kung nasaan si Ma'am ay isinalaysay ko na lang sa kaniya ang lahat ng nangyari kahapon. Hindi ko naman alam na hindi pala nagpaalam na may gagawin si Ma'am kay Sir.

Sana pala ay hindi ko na lang sinabi sa kaniya dahil tila mas lalo siyang natulala. Alam ko kasing kilalang-kilala niya si Ma'am kaya nga ikakasal na sila, malamang. Tapos bigla na lang gumawa ang fiancee niya ng mga bagay na hindi niya inaasahang magagawa nito.

Obvious namang ngayon pa ginawa ni Ma'am na hindi umuwi sa bahay nila ni Sir dahil sa ikinikilos ni Sir.

Wala akong maisip na gawing pangcomfort sa kaniya. Hindi naman pwedeng yakapin ko siya ta's bro fist at saka mag-iyakan. Hindi kaya kami close. Ewan ko ba Henry Blake 'yung pangalan niya tas nag-insist siyang first name pa, mas cool nga 'yung pangalawa eh.

Ayan, nawala na sa topic.

"Sir, okay lang po kayo? Baka po may maitutulong po ako? All ears on you po." Nag-aalala na rin ako at baka mag-collapse 'tong si Sir sa harapan ko. Baka magmental breakdown.

Hindi ko pa naman alam ang gagawin ko kung sakali mang mangyaring mag-collapse siya sa harapan ko dahil kung mangyari man ay first time ko rin mai-experience kasi wala pa namang nahihimatay sa harapan ko.

Hindi naman ako ganoon kagwapo upang may mahimatay na kung sino man sa harapan ko.

Inaamin ko, slight lang.

"Okay lang ako, Lala. Ikaw ang dapat na tanungin ko kung okay ka lang ba. Ikaw ang palaging naiiwan dito sa bahay plus the fact na ikaw lang ang kinuha kong katulong. Nagiging selfish na ba ako? Napakasama ko na ba na amo? Pagpasensiyahan mo na ako ah. I'm having a hard time kasi with my personal problema." 'Yun oh! Mapang-unawang amo.

Pero okay na ako sa sweldo kong ito, sobra-sobra pa nga ito kaysa sa sweldo ko sa karenderya na halos walang palya sa pagluluto. Doon hindi na nakakapahinga mula umaga hanggang gabi. Dito anytime, anywhere, pwede.

Bumulong ako sa hangin, "Ayos na ako dahil nakikita kong nag-aalala ka rin sa kapakananan ko, Sir."

Tinakpan ko agad ang bibig ko dahil nagtataka ako sa mga salitang lumabas kanina lang. Nagtunog pa akong bakla. Mabuti na lang at mukhang hindi naman niya iyon narinig. Paano na kung malisyoso si Sir?

Totoo naman kasing nakaramdam ako ng mainit na haplos sa dibdib ko nang sabihin niya iyon. Matagal-tagal na noong may nag-alala sa akin kaya ganito nalang ang reaksiyon ko.

Hindi naman siguro iyon ganoon ka-big deal.

Anyways, ang laki rin ng pinagbago ng ugali ni Sir, hindi na siya ganoon ka-arogante. Na-amaze yata sa housekeeping skills ko. Oo naman, proud ako sa sarili ko.

Dito, andami kong oras na tumitig sa mga larawan ni Sir Henry noong binata pa siya. Kay poging binata eh, daig na daig talaga ako. Parang may lahi yata samakatuwid, hindi ako nangangalahati sa taglay nitong kagwapuhan.

Alam ko kasing kinulang talaga ako sa aruga.

"'Di Sir, 'no. Ako nga ang maswerte sa inyo. Kung papipiliin ako kung babalik ba ako sa Baryo o rito na lang ay siyempre pipiliin ko rito 'no. Napakapogi na nga ng amo, malaki pa ang binibigay na sahod. Saan pa ba ako?" Pambobola ko pa.

Leave it to me, kasi binobola ko rin ang sarili ko parati.

Tumawa ng mahina si Sir na matagal-tagal ko nang hindi naririnig simula nang pumanaw ang Lolo niya six days ago.

"That's one hell of a compliment, Lala. Maniniwala na ba akong ipinanganak akong anghel para parating swelduhan ka? Papasa ba akong guardian angel mo?" Hindi ko na napigilang mapangiti na rin.

Nakakahawa e.

Nadala yata siya sa mga pambobola ko kaya bibigyan niya raw ako ng kaunting pataas sa sahod dahil masipag akong julalay, ayan nagamit ko 'yung salita no'ng mga beki naming kapit-bahay na dumadami ang bilang kapag may pustahan sa paglalaro basketball sa may bakanteng lote. Kahit humindi ako ay mapilit siya. Lalaki pa utang na loob ko nito.

Hays, nakakamiss din pala 'yong Baryo Sigasig, ano? Kumusta na kaya sila roon?

Medyo naho-home sick na naman ako. Namimiss ko rin 'yung mga jowa ko roon. Oo, MGA. Hindi ko namention sa inyo na ginagamit ko lamang ang mga jowa ko upang may lugar na pwede akong makaligo. Hindi naman ako gaano kasama, slight lang. Mas maganda naman talaga kasi ang mga city girls.

Pagpasensiyahan niyo na ako, pogi lang.

Dagdag pang hindi lang dahil sa mga magagandang babae, dito may aircon, nakakaligo ako, at magandang sahod ang natatamasa ko. Wala na akong hahanapin pa bukod sa paghahanap ng magiging bagong girlfriend dito sa siyudad.

Pwede namang manligaw ng babae kapag wala na ako sa bahay na ito.

Ang mga sweldo ko rito ay iniipon ko mapa-barya man o papel para magamit ko sa nalalapit na future. Iba talaga kapag may pera kang nakatago e, nakakampante kang may magagastos ka kapag walang-wala na talaga.

Experienced na ako diyan.

Nakakagawa ka ng masamang bagay na kahit ayaw mong gawin ay magagawa mo dahil sa kawalan ng pera at sa sobrang hirap ng buhay. Ang temtasyon ay napakahirap iwasan.

Balik sa pagbibigay niya ng dagdag sweldo, wala naman akong magagawa kung ganiyan siya kabuting amo. Ang ipinag-aalala ko lang ay kung ano na ang kondisyon niya ngayon, mentally. Mahal na mahal ni Sir si Ma'am, alam na alam ko iyon.

Kainggit nga eh.

Ang galante ni Sir, 'no? Kung wala lang siyang Ma'am Paine ay iisipin kong nagpapabango ito sa akin.

Ayan na naman. Nagtunog malambot na naman.

Baka nga kaibigan ko na siya eh, nakalimutang lang lagyan ng label. Andami na ngang benefits, kulang na lang friends with benefits.

Ano ba iyan?! Nababakla na ata ako.

Baka idagdag pa niya na siya ang gagastos sq pang-college ko-kung makakabalik pa ako sa college. Joke lang, pabigat na ako 'pag ganiyan.

Back to the topic, pati ako namomroblema sa dalawang ito. Nasaan na iyong lambing noong una ko silang nakitang magkasama? Isiniksik na ba sa lalagyan ng adobo sa ilalim ng washing machine?

Biro lang.

"Sir Henry, gusto niyo ba ng kasama o ano? Pwede akong umalis dito para bigyan ka ng privacy. Kung hindi niyo pa alam, marunong naman akong bumasa ng mood. Sadyang kumakapal lang ang mukha ko minsan." Hindi naman siya tumango, hindi rin humindi. Kawawa naman ang maganda niyang lahi at magandang pag-uugali kung mabubulok lang dahil sa kalungkutan.

Pero tiyak naman na magkakabalikan pa sila.

If I recall, may mga alak na inorder si Sir doon sa Baryo namin. Sadly, hindi na iyon pwedeng i-cancel kasi hassle na. Iyan ang motto namin doon sa Baryo. Nakastock ang mga iyon sa basement bar ni Sir.

Hinawakan ko ang magandang hugis ng baba ko.

May pumasok na ideya sa matabang utak ko!

***
SA kalagitnaan ng tanghali, nandirito kami ni Sir sa living room, nakaupo sa carpet na bago ko lang pinalitan kanina at kapwa may hawak na beer sa isang kamay habang isang kamay ay nagja-jack-en-poy. Ewan ko rin dahil pagsuggest ko sa kaniya, sumang-ayon kaagad. Lutang siguro.

Pumayag pa siya, hindi naman pala alam kung ano ang jack-en-poy. Ang hina naman nito. Now, learn from the professional.

Lala's Teaching 101.

Ehem! Mag-e-english ako. "When you pick stone, matatalo niya ang scissors. And it's weakness is paper..." Napatigil ako sa pagsasalita dahil sumingit siya.

"Oh! You mean rock, paper, scissors game? I know that." Pareho lang naman iyon. Hindi ba sila tinuruan ng mga magulang nila na gumamit ng sariling wika?

Nagtalo kami kung anong pahayag ang gagamitin namin sa laro: kung bato bato pick ba o rock paper scissors. In the end, ako ang nanalo kaya 'bato bato pick' ang gagamitin namin.

"Bato bato pick!" Tumawa ulit ako dahil nanalo na naman ako laban sa kaniya. Pulang-pula na ang kaniyang mukha dahil sa alak, dagdagan pa na kapag nanalo ako ay pinipitik ko siya sa noo at dapat uminom pa ng isang basong beer ang natalo.

Secret lang pero noong una mahina lang ang pitik ko dahil mararamdaman niya pa pero habang tumatagal ay palakas na nang palakas dahil lasing na siya. Gusto ko kayang gumanti sa pang-aalila niya sa akin.

Sa isang segundo ay naisip kong hindi nababayaran ng pera ang lahat ng pawis ko pero isang segundo lang naman iyon, nagbago agad ang isip ko.

Napatigil ako sa pag-iisip ng mga masasamang gagawin ko sa kaniya habang lasing siya dahil bigla na lamang siyang nagsalita, "Alam mo Lala hik, ikaw ay impakta..."

Aba g*go 'to ah. Pigilan niyo ko sasapakin ko 'to! Bahala na kung hindi siya makalaban!

"...because the first time I saw your face hik, you've made an impact here. It went boom!" Sabay turo niya sa kaniyang kaliwang dibdib.

Dug dug.

Ano raw? Hindi ko nga siya napadapuan ng kahit isang pitik noon ta's biglang impact agad.

"Edi wow, walang connect." Impact daw, eh hindi nga ako makagalaw ng maayos noon dahil nakaposas ako. Pinagloloko niya ba ako? Hindi ko nga siya nasuntok eh. Iniyuko ko ang aking ulo dahil parang hindi ko maatim na salubungin ang kaniyang nakakapasong titig.

Bakit biglang uminit ang paligid?

Lasing na talaga 'to si Sir, kung ano-ano na ang pinagsasabi e. Ang laki-laki ng katawan, kung ano-ano pa ang pumapasok sa utak. At dahil may problema siyang kinakaharap, papalusutin ko ito. Kahit magdaldal pa siya nang magdaldal buong araw.

"I hate to say this to hik everyone in this room, but next to my mom, you are the most hik beautiful person I have ever met, Lala." Dagdag niya pa na nagpalaki ng mga mata ko. Nilingon ko ang buong paligid. Wala namang tao. Ano ba naman itong si Sir?

Dug dug.

Pero ano itong nararamdaman ko? Bakit ang lakas ng tibok ng puso ko?

'Yung tipong napapagitnaan ka ng inis at kaunting pagkaproud sa sarili. Naiinis ako dahil sinabi niyang hate pero bakit ako nakaramdam ng mga tubi sa aking tiyan nang magbigay siya ng compliment?

Ewan, iba-iba naman ang kahulugan ng 'beautiful', pwedeng maganda ang mukha, maganda ang personalidad, at iba pa.

People are always complimenting me, I mean my looks pero bakit noong siya na ang nagpuri ay nakaramdam ako ng kakaibang saya? Ang lakas-lakas na rin ng kabog ng aking dibdib. Anong nangyayari?

Bahala na. Baka may nakain lang akong masama.

Iniwas ko ang tingin ko sa kaniya. "But hik your body odor that time, iyon ang pumatay sa akin." Nakahinga ako ng maluwag sa 'di malamang dahilan. Mabuti nalang at nailayo niya na ako sa topic na iyon, hindi ko feel ang mga dating sinabi niya.

Kinuha ko ang kanang kamay ni Sir at umaktong paiyak, para naman gumaan pa nang gumaan ang hanging pumapalibot sa amin. "Please, Sir, kalimutan na natin ang naamoy mo noon-" Natigilian ako.

Ano iyon?! Kuryente?

Sa oras na nagkalapat ang aming mga kamay ay bigla akong nakuryente. Baka mangisay ako rito bigla ah. O masyado lang akong paranoid? Isiniwalang-bahala ko na lang iyon at baka guni-guni ko lang.

We continued to exchange jokes hanggang sa napuno ng tawa naming dalawa ang buong silid. 'Yun oh, lasing na kami pareho. Mabuti nalang at nailock ko na ang gate, mga bintana at ang front door. Kahit napakastrikto na ng security sa buong subdivision ay hindi pa rin dapat ako-sila makampante.

Hindi lang naman galing sa Baryo Sigasig ang mga masasamang loob, ano.

Kapag ang tao ay nangangailangang buhayin ang kaniyang sarili o 'di kaya ang pamilya niya ay gagawin ang lahat kahit pa alam niyang masama ang gagawing pagkilos. Magagawa niya ang lahat kahit kumapit pa sa patalim.

Bahala na iyong si Ma'am Paine. Bukas ko na lang siya po-problemahin dahil inaantok na ako.

Nang mapansin kong nasa sahig na si Sir at knock out na sa sahig ay humiga ako katabi niya, yakap-yakap ang beer na hindi ko naubos. Pangisi-ngisi pa ako at napahalakhak pa na parang bata dahil sa kalasingan.

Bahala ka na sa buhay mo, Lamig. Inaantok na talaga ako. Hindi ako magpapadaig sa iyo, Lamig.

Ipinikit ko na lamang ang aking mga mata dahil ang bigat na ng aking mga talukap sa mata.

Naalimpungatan ako dahil masyadong maginaw ang beer. Natapon rin pala sa akin ang hindi ko naubos na beer. Nakapikit kong hinubad ang damit kong natupanan ng beer at tinapon nalang sa kung saan kaya topless lang ako sa malamig na gabi.

Ngunit kahit ginawa ko na iyon ay malamig pa rin kaya habang nakapikit pa rin ang mga mata ko ay awtomatikong naghanap ang mga kamay ko ng kahit na anong mainit na bagay na nasa malapit. At nang may maramdaman akong mainit na bagay ay lumapit ako at pilit akong nagsumiksik doon.

Ang bango ah, atsaka matigas rin yata. Sige tulog ulit ako.

Nakapagtatakang yumapos din sa akin ang mainit na bagay na iyon.

AS1: AFFECTED GUN
ALL RIGHTS RESERVED
©2021

@FORTYUNEYT

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro