Chapter 45
Finally, chapter 45 😭.
***
Chapter 45: Pagkikita Ni Lala At Ng Nanay Niyang Vlogger
LALA'S POINT OF VIEW
NAPANGIWI ako sa mga gasgas na natamo ko sa pagbaba roon sa maliit na pinto patungo sa kailaliman ng bahay. Wala namang kakaiba roon; madilim at wala kong makita.
Pasensiya na, hindi ako nakapasa bilang isang lamang-lupa.
Pagkapasok na pagkapasok ko sa loob ng malaking mansiyon ni Mrs. Patrick ay napatigil ako. Nawala sa isip ko na tatakas nga pala ako mula sa kapahamakang maaaring maranasan ko. Pumihit ako at lumabas sa malaking pinto. Ngunit hindi talaga ako pinapalad ngayong araw dahil nabangga ko si Mrs. Patrick at hindi na talaga maipinta ang mukha niya.
Patay ako neto.
Sa halip na barilin ako nang harap-harapan ay hinila lang ako ni Mrs. Patrick papunta sa nakabukas na pinto ng malaking sasakyan. "We have a lot to do today. Bakit kung saan-saan ka na nakarating? Paano kung naligaw ka?"
"Paano ba ako hindi tatakas, eh papatayin niyo ako." Last statement ko na ba 'to?
Kinabitan niya ako ng seatbelt na ikinataka ko. Bukod sa natatakot ako sa kung anong mangyayari sa akin, namamangha kong pinasadahan ng tingin ang loob ng sasakyan. Ang laki naman nitong van. "Anong papatayin? Where did you get that idea, Lala?"
"Eh kasi Señora, narinig ko kayo ni Nanay Pasing na nag-uusap kagabi. Balak niyo akong gawan ng masama. Sabi mo pa ayaw mong masira ang reputasyon niyo." Nakakunot kong pahayag. Nakiki-'Nanay Pasing' na rin ako. Wala na 'tong atrasan. Kakatayin na ako mamaya kaya 'di na ako magpapa-good points.
Narinig ko na ang pag-andar ng malaking de-aircon na van. Makalipas ang ilang minuto ay narating na namin ang kalsada. Tahimik lang si Mrs. Patrick na sa tingin ko ay naging guilty at nagtitimbang lang ng mga tamang salita para hindi ako ma-spoil.
"O." Binigyan ako ni Mrs. Patrick ng isang maliit na tupperware na may tatlong sandwich. Nagtaka ako, aanhin ko ang mga ito?
"Ano pong gagawin ko rito, Mrs. Patrick?" Paiba-iba pa ako ng tawag sa kaniya. Siya nalang ang mag-a-adjust kung alin sa mga roon ang gusto niyang itawag ko kaniya.
"Malamang kakainin, Lala. Don't you have any common sense?" Ay aba! Deja vu! Ganito rin ang sinabi ni Blake noon.
Magkadugo nga sila.
Hindi pa pala ako nakaligo at naka-almusal. Kasalanan nila 'tong lahat eh. Bakit may pausap-usap pa silang ganoon.
Habang nilalantakan ko ang masasarap na sandwich ay doon pa nagsalita si Mrs. Patrick. "Wala akong planong masama, Lala. I was just kidding that time. Hindi ako ganoon kasama para ipagpilitan ang gusto kong mangyari. Maybe, I was like that before."
"Ho? Ibig sabihin ba niyan, hindi ka tutol sa relasyon namin ng anak mo? Ganitong buntis na rin ako?" Umiling ang magandang nanay ni Blake. Unahin na natin ang pagko-compliment.
"Bakit mo ako tinanong kung sino ang ama ng bata? Wala ka bang tiwala sa akin o 'di kaya'y na-background check mo ako?" Pwedeng iyan ang dahilan kaya ganiyan siya kailap makitungo sa akin.
Sino ba naman kasi ang matutuwa kapag nalaman nila na ang lalaking dinala ng kanilang pulis na anak bilang nobyo ay isa palang dating magnanakaw? Maski ako kung dalhan ako ni Baby Pen— uy advanced mag-isip!
"No, Lala. Masiyadong magulo ang isip ko at hindi talaga ako makapaniwala na ikaw pala ang bago ni Blake."
"Oo nga, binack-ground check mo ako kaya ganiyan ang reaksiyon mo. Hindi ka makapaniwala." Uminom ako ng tubig na binigay niya at mahinahon na hinintay ang sagot niya.
Sorry kung magnanakaw ang mamanugangin mo.
"Basta. H'wag ka nalang magtanong, Lala. Matulog ka nalang pagkatapos mong kumain dahil malayo-layo pa ang pupuntahan natin. Forget that side of me, isipin mong wala akong tutol sa kung ano man ang desisyon ng anak ko. Nag-a-atribida lang talaga ako paminsan-minsan." Napasapo ako ng noo ko dahil sa sagot niya.
Noon, sinabi sa akin ni Mahal na hindi sila magkasundo ng nanay niya na ngayon at nahihinuha ko na kung bakit; pareho sila ng utak este hindi daw gusto ni Mrs. Patrick si Paine at may pinagpipilitan rin daw na babae na gusto ng nanay niya sa kaniya kaya nagtataka ako kung bakit payag lang ito sa relasyon namin ngayon ni Mahal.
Napakalaking hadlang ng pagiging lalaki ko.
Ipinikit ko nalang ang mga mata ko dahil pinandilitan ako ng mga mata ni Mrs. Patrick nang akmang magtatanong na naman ako.
Sige na nga, hihintayin ko 'yang sopresa na iyan. Malay mo, si Blake iyan ta's magpo-propose siya sa akin.
***
"GUMISING ka na, Lala. We're finally here." Pinahiran ko ang kung ano mang nasa mukha ko gamit ang aking sariling damit.
Ganda sana ng wish ko pero sa hospital pala kami pupunta.
Binuksan ni Mang Dondon ang malaking pinto ng van. Akmang palabas na sana si Mrs. Patrick nang pinigilan ko siya, "Señora, baka naman may iba pang pagkain kang ibibigay sa akin. Patawarin niyo ang pagiging makapal ko pero nagugutom ulit ako." Hindi ko naman kasalanan kung bakit hindi na naman ako nakakain ng almusal.
Inakala kong papatayin ako ta's nag-adventure ako nang wala namang nakitang treasure tas ang huli, pupuntahan pala namin ay isang hamak na hospital lang.
Okay sana kung isang surprise proposal, 'di ba?
Pumasok na kami pero hindi ako nahiya na naglakad na pumapapak ng tatlong sandwich ulit. Okay sana kung kanin at ulam, mabubusog pa ako.
Dumiretso kami sa elevator. Nakasunod sa amin ang mga malalaking mga bodyguard ni Mrs. Patrick na katulad no'ng kay Garry. Inaya ko silang kumain pero pass nalang daw muna. Buo ang atensiyon ko sa ikalawang sandwich na kinakain ko. Hindi ko na alam kung saan na kami napadpad pagkatapos ng pagsakay namin sa elevator.
"Saan na po tayo, Mrs. Patrick?" Tanong ko sa kaniya.
"Tita Emilia nalang, Lala. Kanina pa ako naririndi sa kaka-'Mrs. Patrick' at kaka-'Señora' mo. Atsaka nasa last floor tayo. Hintay ka lang ng kaunti, malapit na tayong makarating." Tumango nalang ako bago naglakad kasunod niya at itinuloy ang pagnguya.
Nang papalapit na kami sa isang malaking kwarto na sinadyang i-transparent ang dingding ay palakas nang palakas ang tibok nang puso ko. Napatigil ako sa pagnguya. Kinabahan ako bigla.
Isang babaeng nakatalikod ang laman ng malaking kwarto. Tanaw ko sa clear glass wall na pumapagitan sa amin na napakapayat nito at para bang hindi man lang humiga sa kaniyang higaan dahil hindi ito nagusot. Nakatayo lang ito malapit sa bintana na para bang nagpapalipas ng oras.
Napatalon na ako dahil sa biglaang paghikbi ng katabi ko. "Ay, T-Tita Emilia, o-okay lang po ba kayo?"
Dali-dali siyang umiling imbes na tumango. Hindi siya nag-deny. Hindi siya okay. Kinatok ko ang malamig na babasaging dingding. "Ate! Psst!"
"Ano bang ginagawa mo riyan, Lala? H'wag mong tawagin, ano ka ba?" Nagtatakang tanong ni Tita Emilia. Pinupunasan niya ang mga luha niyang patuloy na umaagos.
Sayang naman ang pinunta namin dito kung iiyak lang siya na hindi alam ng babaeng binisita niya. "Ate!!! Yohoooo!!!! Lingon ka naman dito, Ate."
Hinila ako ni Mrs. este ni Tita Emilia sa isang pinto. Sana naman pumasok siya kaagad dito, 'no kaysa hinayaan niya along magsisisigaw na hindi naman pala naririnig ng taong nasa loob.
"Eto na ang susi, Sir." Pagbigay sa akin ng isang guard ng mga ginintuang susi.
Nilingon ko si Tita. "Oo, Lala. Ikaw ang magbubukas." Sabi ko nga, ako ang magbubukas.
Kumpol-kumpol ang nga susi at iisa-iisahin ko pang hanapin ang kung anong tutugma sa butas ng pinto na iyan. Grabe naman sila kung mag-utos.
At sa sandaling nabuksan ko na ang pinto ay akmang ibibigay ko sana kela Tita Emilia ang susi pero kinabahan ako nang makitang wala na akong kasama. "T-Tita? K-Kuya body guard? H-Hindi magandang biro iyan?!"
Sa huli ay pumasok nalang ako sa binuksan kong pinto. Makikipagkwentuhan nalang ako sa babae at baka may sabihin siyang tungkol sa kahinaan ni Tita Emilia, gusto ko pa rin namang makuha ang loob niya. May duda pa rin kasi ako na tutol siya sa amin ng anak niya.
Dug dug.
Nang makapasok ay manghang-mangha ako. Parang hindi ito isang hospital room. Napakalawak ng kwarto, malaki ang higaan, may mga sofa, may TV, de-aircon at may mga pagkain na hindi pa nagagalaw na nasa malaking mesa.
Ganito ba ang hospital room ng mga mayayaman? Sosyal naman.
Dahan-dahan kong nilapitan ang babae. Napakahaba ng maganda niyang buhok at nakaputing bulaklaking bistida siya na may logo ng kung anong ospital.
Dug dug.
Love at first sight? 'Di iyan, loyal ako kay Blake.
Dumistansiya ako ng ilang pulgada, "Ate, magtatanong lang sana. Saan ang po CR niyo rito?" Pag-open ko ng topic. Natuwa ako nang nilingon niya kaagad ako.
Dug dug.
Wari'y isang salamin ang sabay na pagbakas ng gulat sa magkapareho naming mga mukha.
Dug dug.
Si Lalaine ito! Ang long lost twin sister ko! Joke lang, ang long lost twin mother ko pala!
Wow. Ganda namang surpresa nito, Tita Emilia.
Nang huminahon ang puso ko ay nagtanong na ako kaagad. "Nanay raw po kita, totoo ba iyon?"
Dug dug.
Binuksan nito ang bibig na para bang nagsasalita pero wala namang boses akong narinig. "Ho?"
Sinenyasan niya akong lumapit sa kaniya, "Ano po ba iyong sinabi niyo?"
"Ikaw na ba si Lala?" Mahinang tanong niya sa akin. Medyo paos ang boses niya na para bang matagal nang hindi nagsasalita.
"Ikaw na ho ba si Lalaine?" Pagbalik ko sa tanong niya.
Nagtanguan kaming dalawa at mabilis na nagyakapan. Pinakita niya sa akin ang kwintas niyang Aine at pinakita ko rin ang kwintas kong Lala bago namin ipinagsama hanggang sa naging isa na may makasulat na LalaAine. Wrong spelling pero okay lang. Kung totoo man ang sinabi niya sa vlog niya, siya nalang ang nag-iisang magulang ko.
Ang matagal ko nang hinahanap na magulang ko.
"Ba't naman ang tagal mong nagpakita sa akin, Ma? Andaming naganap sa buhay ko. Kung kayo nalang sana ang naghanap sa akin kasama ni Papa edi sana mabilis ang reunion." Humagulgol ako sa prustasiyon. Walang salitang makakapagpaliwanag sa sayang nararamdaman ko ngayon. Hindi na ako bata ngunit anong saya nang makita ko ang magulang ko nang ipinagdadasal na makita?
Mas humagulgol at ngumawa siya kaysa sa akin, "Sana sinabihan mo ako pagkalabas mo sa sinapupunan ko na lagyan ka ng tracking device, edi sana wala tayong problema." Napatawa kami kahit tumutulo ang mga luha namin. Ngunit napangiwi ako nang magsimula siyang manghampas gamit ang kamay niya habang patuloy na tumatawa.
Baliw talaga 'tong nanay ko!
Napasulyap ako sa mga pagkain na nasa gilid. "Hindi ka pa ba kumain, Ma? Ang payat-payat mo." Nilapitan ko ang malaking mesa at kinuha ang isang platong may laman nang pagkain.
"Pasensiya na, anak. Na-depress ako rito sa loob dahil wala na ang Papa mo at hindi ka pa nakikita. Hindi ko gustong kumausap ng ibang tao habang nasa loob pa ako ng madilim kong mundo. Nagdrama ako nang kay tagal. Na-mental hospital pa ako."
"Mabuti pang kainin mo na 'to, Ma. Mamaya na tayo mag-usap at kakain rin ako kasabay mo." Nagugutom pa rin ako. "Ay teka. Diretso ka naman magsalita ngayon, bakit hindi ka nagsasalita sa harap ng ibang tao."
Ngumiwi ang ginang. "Nabulok ang ngipin ko at bumaho, ayun, itinuloy ko nalang ang proseso ng paggawa ng panis na laway." Sinamaan ko siya ng tingin, "Joke lang naman. Ayaw ko lang na buksan ang bibig ko. Masakit kasi balikan ang masasakit na mga pangyayari para lang marinig ng ibang tao at isulat nila sa papel na maya-maya ay itatapon lang."
"Sige na. Maya na ang chika, Kain na tayo." Sabi niya matapos masulyapan ang may umbok kong tiyan. Mukhang isinawalang-bahala lang naman niya iyon at parang wala lang na kumilos.
Kinuha ko ang isang platong puno ng ulam. May pangatlo pa ngang plato na sa tingin ko ay panghapunan niya. Grabe naman 'tong hospital, mahirap bang isa-isahin ang pagbibigay?
"Halika rito, Ma. Sa sofa tayo kumain. Hindi ka ba napapagod kakatayo riyan?" Inalalayan ko siya sa paglalakad. Isa lang ang masasabi ko, napabayaan na ni Mama ang katawan niya. Hindi lang ako ang naghirap sa buhay, masakit ang maiwang nag-iisa na namatayan na nga ng asawa, nawawala pa ang anak at walang kasiguraduhan kung buhay pa ba.
"Salamat at dumating ka, anak. Salamat at hinayaan ako ng Diyos na makita ka. Akala ko mamamatay lang ako rito na malungkot at nag-iisa. Kaya nga ako nakatanaw sa bintana dahil naalala ko ang araw ng pagsilang mo. Mahal ang ospital kung saang kita isinilang, may view habang nanganaganak at sunrise iyon, 'Nak." Nginitian ko si Mama ng pilit.
Paano niya mapopokus ang atensiyon sa pag-ire kung ang mga mata niya ay nalilibang sa pagtingin sa sumisikat na araw?
Ibig sabihin ako pa ang nag-adjust?
Noon pa man ay sinabihan ko na ang sarili ko na hindi susumbatan ang mga magulang ko kung makita ko man sila. Totoo naman talagang may dahilan kung bakit hindi ko sila nakita. Ang hihintayin ko lang ay ang pagkwento ni Mama kahit anong oras pa iyan. Hindi ito ang oras para maging selfish.
"Alam mo ba, Ma—"
"Wala akong alam." Pagputol niya sa akin.
Tinawanan ko lang siya. "May apo ka na po."
"Hmm. Hindi naman iyan malaking balita, anak. Gwapo ka, anak, at mana ka sa akin. Kahit isang batalyon pa ang anak mo sa iba't-ibang babae, hindi ako magugulat." Patuloy lang siya sa pagnguya habang ako hindi nalang kumain, gutom na gutom si Mama eh.
"Grabe ka naman sa'kin, Ma." Kinuha ko ang libre niyang kamay at dinala sa tiyan ko. "Busog ka na pala, anak."
"'Di iyan dahil sa kabusugan, Ma. Apo mo iyan." Seryosong sabi ko na nakaani ng katahimikan mula sa kaniya.
Speechless siya, 'no?
"Pwede ko bang hingan kayo ng pahintulot, Madame? Pakakasalan ko ang anak niyo." Napatalon ako sa gulat nang biglang may nagsalita sa likod namin. Isang multo. Si Blake!
Teka lang, 'di ko pa naproseso ang sinabi niya.
"Inuulit ko, Madame, pwede ko bang pakasalan ang anak niyo." Nilingon ko ang naka-poker face na nanay ko.
Pwede ba akong magsalita?
"Mapapakain mo ba ang anak ko, hijo?"
"Yes po, Madame." Umalis sa likod namin si Blake at mabilis na lumuhod sa harap ng inuupuan naming sofa.
"Ikaw ba ang umano sa anak ko kaya lumaki ang tiyan na parang butete?" Sinamaan ko ng tingin si Blake nang tumawa siya nang malakas.
"Siyempre naman po, Madame. Ako lang ang nag-iisang mahal ng butete niyong anak at sa akin lang siya nagpapaano." Nangingiti niyang sagot.
"Basta ba aalagaan mo ang anak ko at ang mga darating pa na mga apo ko. H'wag mong papabayaan at baka maging balyena na ang butete." Napaikot ang nga mata ko. Mga baliw silang dalawa.
"Lany Shane Cordova, papayagan mo ang isang hamak na katulad ko na pakasalan ka? Papayagan mo ba akong maging masaya sa piling mo habang buhay?" Nagulat pa ako nang makita ang pamiyar na singsing. Ito 'yung kwintas na ninakaw ko sa kaniya noong una naming pagkikita.
Hindi ko naman ini-expect 'to. Echos, in-expect ko 'to kanina na ito ang surpresa ni T-Tita Emilia, 'yun pala magkikita rin pala kami ng Nanay kong vlogger.
At dahil hindi ako baliw na katulad nila, ako na ang kumuha sa singsing mula sa kamay niya at isinuot ko na iyon sa sariling kong daliri. "Siyempre naman, mahal kong pulis. Alam mo namang baliw na baliw ako sa iyo."
"Mas baliw ako, Mahal. Mas baliw na baliw ako sa kaysa sa iyo." Nakangiti niyang bulong sa tenga ko.
Akmang maghahalikan pa sana kami ni Blake sa harap ni Mama at mukhang walang tutol si Mama ngunit si Blake ang pumigil. "Teka, Mahal. I've got all the answers you've asked for. Hihintayin mo bang si Madam ang magku-kwento o ako nalang?"
"Ako nalang hijo—kaming tatlo." Ha? Anong tatlo, Mama? Baka nasobrahan siya sa pagkain.
"Pumasok na kayong dalawa Emilia at Barry. Ba't kayo nagtatago riyan? Natatakot ba kayong mabaliw ulit ako at magwala rito?" Tumawa pa ang Mama ko na parang nababaliw na nga.
Doon ko lang nalaman na nakikinuod lang pala ang mga magulang ni Mahal sa amin.
"Sa totoo niyan, mamaya na tayo magkwentuhan. Gutom na gutom pa rin ako at baka malapa ko kayong lahat. Kita niyo namang buto't-balat nalang ako." Nagtawanan kaming lahat sa pag-iba ng isip ni Mama.
Pwede kayang magtagal pa siya rito dahil mukhang maluwag pa rin ang turnilyo niya sa utak?
AS1: AFFECTED GUN
ALL RIGHTS RESERVED
©2022
@FORTYUNEYT
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro