Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 43

Chapter 43: Aine at Emi

LALA'S POINT OF VIEW

MATAGUMPAY akong nakababa mula sa ikatlong palapag ng napakalaking mansiyon nang tahimik, sumobra pa nga ang kurtina't kumot na pinagtagpi-tagpi ko.

Hindi kaya nagrereklamo ang mga kasambahay sa bigat nito kapag nilalabhan na? Lalo na ngayong kasalanan ko kung madumihan ito pagbaba ko? Tiyak akong nakakamasel kapag parating ganito ang nilalabhan. Mabuti sana kung ako ang pinatrabaho nito para magkamasel ako.

Kaagad akong pinasadahan ng tingin ang paligid at siniguradong walang nakasunod sa akin. Baka kasi may bantay rito sa ibaba. Baka may back-up plan sila at iyon pa ang ikakatumba ko.

Sana naman matagumpay akong makatakas rin ako nang bago pa nila ako makuha.

Nang mapagtantong payapa lang ang paligid at wala akong narinig na kahit anong kaluskos mula sa maraming tuyong dahon na nakapalibot ay sinimulan ko na ang paglalakad.

Doon ako dadaan sa harap at baka may naghihintay sa akin sa likod at lagariin ako bigla. Tiyak naman akong makakakita ako ng paraan para makakita ng blind spot tutal sanay na ako sa pagtatago na hindi ko talaga ipinagmamalaki.

Binilisan ko ang aking pagkilos at hindi inalintana ang gutom. Baka makahalata na si Nanay Pasing na wala ng tao sa loob ng kwartong iyon. Mukhang nagmamadali pa naman siya—na idispatya ako.

Ano naman kung may panis akong laway, gulo-gulo ang buhok ko at mabaho ang hininga ko eh, hindi ko naman narinig so Mahal nagreklamo. Mahal ako no'n.

Nagtago ako sa anino ng malaking bahay at tinignan kung may nagbabantay ba sa labas at nakitang may mas maraming bantay roon kaysa noon. Ibig sabihin ba nito pinaghandaan talaga nila ang pagpapatay sa akin kaya ganiyan?

"Where is Lala?!" Hala! Naririnig ko na ang boses ni Nanay Pasing. Ambilis naman niyang magresponde. Siguro'y nasira na iyong mga inilagay ko para hindi niya mabuksan ang pinto.

Ano ba namang buhay 'to? Ang gulo na.

Saan ako magtatago? Kung sa Baryo Sigasig lang sana 'to, matagal na sana akong nawala na parang bula sa paningin nila ngunit hindi ko 'to teritoryo, hindi ko ito kabisado.

Kaagad akong natuwa nang may mahagip na maliit na pinto sa bandang ibaba ng dingding ng bahay ang mga mata ko, kasya kapag nakaupo kang pumasok. Mukhang ito ang pinakabasement. Naka-camouflage ang kulay ng pinto kaya mahirap makita. Ang nagbigay ng malaking ambag ay ang berdeng mga lumot na pumapalibot sa buong paligid dahil sa palagiang pagdilig sa mga halaman. Mabuti nalang at sanay na ang mga mata ko sa mga ganito.

Nang makapasok ay malapit pa kong mahulog dahil ngayong ko palang napag-alamang may hagdanan pala na nakadikit sa gilid ng dingding ng basement. Kinakailangan ko pa palang bumababa.

Tutal kuryuso na ako, mag-a-adventure muna ako.

***
3RD PERSON'S POINT OF VIEW

"EMI!"

"Aine!"

Malalakas na paghalakhak at paghagikhik ang kasunod ng pagsigaw nila sa kaniya-kaniyang pangalan. Kitang-kita sa kanilang mga mata ang saya at malaki ang kanilang ngiti habang nagba-bahayan. Umaakto si Emilia ang padre de pamilya habang si Lalaine ang ilaw ng tahanan.

Kamakailan lang no'ng lumipat ang pamilyang Walpado sa kanilang lugar at nakakatuwang mabilis nilang nakasundo ang kanilang magiging kapit-bahay na mga Del Mundo. Kapwa kasi silang mga pamilya ng mga propesyunal kaya ganoon nalang ang pakikipagmabutihan ng dalawang pamilya.

Mabilis rin na naging magkalaro ang kanilang mga anak at tila nga ay hindi na mapaghihiwalay sa bawat pagdaan ng araw. Mas matanda si Emilia at talagang ito pa ang nag-a-adjust para kay Lalaine na siya namang ikinatuwa ng kapwa panig.

Napakabungisngis ng dalagitang si Emilia at tahimik at desiplinado si Lalaine. Hindi mawari ng mga magulang nila kung bakit sila nagkasundo.

Mukhang gusto talaga ng dalagita na maging kaibigan ang bata lalo na't nag-iisang anak lamang siya.

Ngunit isang gabi, umiiyak na dumating ang batang si Lalaine sa kanilang bahay-bahayan. Kung noon ay kapag dumating ang tahimik na bata ay kaagad nitong tinatawag si Emilia gamit ang masayang boses ngunit iba ang pangyayari ngayon...

Halos hindi niya mahabol ang hininga ni Lalaine at hindi magkanda-ugaga sa pagsinok. Puno na ang ilong ni Lalaine ng sipon, "Tulungan mo ako, Emi."

Kaagad namang hinawakan ni Emilia ang maliit na kamay ni Lalaine, "Bakit, Aine? Anong nangyari?" Madilim ang mukha ni Emilia, sa isip niya'y mukhang nangyari na nga ang kinatatakutan niya.

"Masakit ang dalawang braso ko hik. Natatakot na ako kay Dad!" Pumalahaw sa pag-iyak ang pobreng bata.

"Anong ginawa sa iyo ng Dad mo, Aine?" Nahahaluan na nga galit ang boses ni Emilia. Mukhang tama nga ang hinala niya.

"Ang karayom hik! Ang haba ng karayom! Marami siyang itinurok hik sa mga braso ko. Iba't-ibang klase ng makukulay na liquids. Tuturukan pa raw ako ni Dad tomorrow and tomorrow and tomorrow and a lot of tomorrows!" Napakuyom si Emilia. Tumpak, hindi talaga siya namali ng dinig noong napadaan siya sa likuran ng bagay nila Lalaine, two days ago.

Balak talagang pag-eksperimentuhan ng mga magulang ni Lalaine ang sarili nilang anak!

"Hayaan mo, tutulungan kita. Kailangan ko munang magplano." Pinahiran ng dalaga ang mga luha nitong tuloy-tuloy lang sa pag-agos. Awang-awa siya rito. Nagtataka siya kung bakit ganoon kasama ang mag-asawang doktor na taliwas sa pinapakita nitong ugali sa harap ng mga magulang niya.

Nagplano nga si Emilia ngunit hindi iyon naging madali. Gusto niyang kausapin at humingi ng tulong sa kaniyang mga magulang. Ngunit makipot ang schedule ng mga ito.

Lumipas ang tatlong araw at nagkatiyempo na si Emilia. Kaagad niyang kinausap ang mga magulang niya. Ngunit tila binagsakan siya ng lupa ng marinig ang mariin na pagtanggi ng kaniyang mga magulang nang sabihin niya ang tungkol sa mga ginagawa ng kapit-bahay nilang malapit na niyang tawaging may sakit sa tutok.

Sinabi ng mga magulang ni Emilia na sila ay aalis na sa lugar at baka sila pa ang pagbintangan kapag may mangyaring masama sa bata. Hindi naman daw nakapagtataka na gawin nila iyon sa sariling anak dahil gusto nilang napanatili ang titulong 'pangalawa sa pinakamagaling na pamilyang doktor sa buong Pilipinas'.

Nawalan man ng pag-asang makakatulong ang mga magulang niya ay hindi itinigil ni Emilia ang pag-iisip. Gusto niyang makaalis sa impiyernong bahay na iyon ang batang apat na araw nang hindi nagpapakita sa kanilang ginawang bahay-bahayan.

Sa araw ng kanilang pag-alis ay napaiyak siya. Wala siyang nagawa. Hindi na niya nakita pa si Lalaine na lumabas ng bahay. Wala siyang lakas ng loob na komprontahin ang mga Del Mundo dahil ayaw niyang mapahamak ang mga magulang niya. At isa pa, alam ni Emilia na maliit lang ang alam niya sa mundo ng mga matanda kaya baka walang patutunguhan ang lahat ng effort niya.

Ngunit hindi siya mapakali, wari'y magana ang madaldal na konsensiya. Hindi niya ginustong paasahin si Lalaine. Hindi niya ginustong hindi tuparin ang lumabas sa mismong bibig niya. Hindi niya ginustong limitado lang ang kaniyang kakayahang mailigtas ang batang itinuring na niyang kapatid. Bata lang siya at kaunti lang ang alam sa mundo.

"Mmy, pwede bang magbanyo muna ako?" Tanong niya sa ina.

"Ay, Emi, anak. Pwede ka namang magbanyo kapag may nadaanan tayo na gas station o 'di kaya shopping mart." Umiling-iling ang dalagita. Gusto niyang itakas kasama nila ang batang si Lalaine. Sa isip niya'y iyon lang ang pinakamabilis na paraan para matulungan ito.

Nang tumango ang Mommy ni Emilia ay dali-dali siyang nagtungo sa bahay ng kanilang kapit-bahay.

Hindi niya narinig ang sinabi ng kaniyang nag-aalalang ina, "Iligtas mo si Lalaine, anak."

Doon muli pumuslit ang dalagita sa likurang bahagi ng bahay. Mabuti at narinig niya sa mga magulang niya na wala nang dalawang araw ang mga halimaw na mga magulang ni Lalaine dahil sa isang biglaang out of town medical operation.

Mabilis ang kilos ni Emilia. Naririnig niya ang pagsigaw ng bata rito sa likuran noon at nagalit siya sa sarili dahil ngayong lang niya ito matutulungan. Maaaring nandito lang sa paligid ang lugar kung saan nila pinag-e-eksperimuntuhan ang kawawang bata.

Isang pintong maliit! Nakakita si Emilia ng pintong maliit sa pinakabasement ng bahay. Pantay ang kulay ng dingding at ang kulay no'n kaya hindi ganoon ka klaro kapag nasa kalayuan ngunit dahil dalagita pa lamang siya ay malinaw niyang nakikita iyon.

Walang pag-aalinlangang pumasok siya sa loob. Malapit pa siyang mahulog dahil nakadikit pala sa dingding no'n ang maginaw na bakal na hagdanan. Manipis lang ito kaya todo-kapit siya. Bumaba siya roon.

Madilim. Wala siyang madamang kahit na ano pagkalapat ng mga paa niya sa sahig ng basement. Mabuti nalang at naalala ni Emilia na nasa bulsa niya ang kaniyang cellphone. Inilawan niya kahit mumunti ang malaking pasilyo.

Underground na 'to at perpektong pagtaguan ng mga mahahalaga ngunit napakadelikadong bagay.

Napatalon siya sa gulat ng makitang basag-basag ang mga medical equipment sa ibabaw ng kahoy na mesa. Hindi nakawala sa paningin ni Emilia na pilay pala ang isang paa ng mesa. Nagkalat ang mga punit-punit na papeles; ang gulo ng buong paligid. Tila ba may nagwala.

Dinampot ni Emilia ang mga papeles at baka sakaling may nalaman siya ngunit ng basahon niya hindi niya iyon mauntindihan. Ang nakakuha lang sa pansin ng dalagita ay ang malaking 'FAILED' na tatak sa lahat ng papeles na iyon.

***
SA KABILANG dako'y may isang batang nakagapos at umiiyak. Nagising siya sa ganoong ayos sa loob ng malamig at madilim na apat na sulok na kwarto.

Ang naaalala lang ng bata ay noong nakaraang linggo lamang, iyon ay ang una, pangalawa, at hindi na mabilang na pagturok kada dalawang oras ng kaniyang sariling ama sa kaniya ng isang hindi pa naperpektong gamot. Walang kamuwang-muwang si Lalaine na siya ay nawala sa katinuan nang ilang araw bilang side effects ng imperpektong droga.

Pumalahaw ang bata sa pag-iyak. Pilit niyang tinatawag ang kaniyang Dad. Malabo ang memorya ni Lalaine at hindi siya naniniwala na ginawa nga iyon sa kaniya ng kaniyang mapagmahal na ama.

Mabuti nalang at alisto ang dalagitang si Emilia. Nandoon lang siya sa labas at nasa kwarto si Lalaine na pwede mong makita kapag napindot mo ang nakatagong pindutan.

Hindi magkandaugaga ang dalagita sa paglingon sa iba't-ibang direksiyon. Narinig talaga niya ang boses ni Lalaine sa isang bahagi ng dingding. Sa isip niya'y baka may secret passage na maaari niyang pasukan upang tuluyang mailigtas ang bata sa nangangambang patuloy na kapahamakan sa kamay ng sariling magulang.

Mabuti nalang at may ring holder ang cellphone na binila ng Mommy niya. Kinagat niya iyon ang holder upang hindi makasagabal ang dilim sa nalalapit na pagkikita nila ni Lalaine

Nagtagumpay si Emilia. Napindot niya na ang sinasabing hidden button at ganoon nalang ang pagkagulat niya ng gumalaw ang malaking dingding at natiklop na parang papel at nagbigay ng daan papasok sa kwarto kung saan nandoon si Lalaine.

Kaagad na dinaluhan ni Emilia ang umiiyak na bata. Kinalagan niya ang mga kamay nito. "Emi? Bakit ikaw ang dumating? I was looking for my Dad."

Nagtataka man ay pinatulan ni Emilia ang biglaang pag-amo ni Lalaine sa amang mismong nanakit sa kaniya noong nakaraang linggo. "Uh. S-Sinabihan ako ng Dad mo na kunin kita rito. Hali ka. Ipi-piggy back ride kita."

Ngumiti ang bata at sinunod ang dalagita. Bumalik ito sa pagiging tahimik at maya-maya pa'y nakatulog na sa likuran ni Emilia.

Magandang pangayayari iyon para kay Emilia dahil hindi na siya mahihirapan na iligtas ang bata kung hindi ito mag-iingay.

Hirap na hirap man sa pag-akyat ay tiniis ni Emilia. Ililigtas niya ang bata sa abot ng kaniyang makakaya. Pinangako niya sa sarili na walang makakasakit sa batang kasali na sa dahilan kung bakit may dahilan siyang mabuhay.

Po-protektahan ni Emilia si Lalaine.

***
MULA SA pagkikita ng batang Lalaine at batang Gaele hanggang sa pakikipagnobyo at pagpapakasal kay Barry na may planong masama para kay Lalaine ay nasa plano ni Emilia. Gagawin niya ang lahat upang hindi na muling masaktan si Lalaine.

Upang punan ang pagiging mabuting asawa ay hinayaan ni Emilia na hawakan siya ng asawa at gamitin hanggang siya ay nagdalawang tao na nga. Ang masakit isipin ay hindi niya magawang alagaan ang bunga ng 'pagmamahalan' kuno nila ni Barry. Wala siyang oras para roon kaya kay Pasing niya inaasa ang lahat.

Masakit isipin na andami nang naisakripisyo ni Emilia kapalit ang tahimik at mapayapang buhay ni Lalaine.

Nakatuon lang ang pansin niya patungkol kay Lalaine. Sinusubaybayan niya ang buhay ni Lalaine sa malayo. Alam niyang nasa mabuting kamay na si Lalaine pero hindi niya pa rin makuhang makampante. Nahihinuha ni Emilia na paglalaruan at pahihirapan siya ng tadhana upang malaman kung talaga bang mapo-protektahan niya si Lalaine sa napakasakim na mga tao.

Binili niya rin ang Hacienda Hiñera na siyang tinutuluyan noon ng mga masasamang budhing mga Del Mundo. Masaya si Emilia dahil pumanaw na ang dalawa at wala nang magagambala pang iba.

Pero dumating ang malaking kalbaryo sa plano ni Emilia. Lumaking malayo ang loob sa kaniya ang sariling anak. Hindi sa ayaw niya rin rito... anak niya si Henry Blake. Mahal niya ang sarili niyang dugo't laman. Ang akala niya makakapasok siya nang madali sa buhay ng tatlong taong gulang na anak na kahit ang pagtingin sa mukha ng sariling ina ay hindi magawa. Ibinaon niya na rin sa limot ang kasalanang ginawa ni Barry kay Lalaine at dahil inamin na niya sa sarili na mahal niya ang asawa.

Hindi lang ang pagiging ina ang problema niya kung hindi ang biglaang desisyon ni Barry na pupunta sila sa siyudad kung saan doon nakatira si Lalaine. Hindi niya alam ang gagawin. Matagal na noong nagkita sila at iyon ay noon pang naghahanap si Emilia ng pamilyang pag-iiwanan kay Lalaine katulong ang Mommy niya.

Nasa paligid lang siya kasama ang kaniyang Mommy noong araw na iyon at nakikinig. May isang batang lalaking lumapit kay Lalaine. "What are you doing here?"

Ngumiti ng mapait ang batang si Lalaine, "Iniwan na ako ng Mommy ko the day before yesterday. She said she already have a new family kaya wala na siyang maibibigay pa para sa akin."

Kumunot ang noo ng batang lalaki at sunod-sunod na nagtanong, "How did you survive? Where's your dad? Bakit niya hinayaang maging ganito ang ayos mo?"

Tumawag nang pagak si Lalaine na ikinagulat ni Emilia. "Meron na rin siyang bagong pamilya eh. Walang kumuha sa akin kaya kung saan-saang lugar na ako napadpad upang makahingi ng tulong. Iniwan na talaga nila ako. I always thought that I'm a bad girl kasi hanggang ngayon wala pa ring kumupkop sa akin kahit magmakaawa ako."

Hindi na gustong makinig ni Emilia. Hindi niya maintindihan kung bakit ganoon si Lalaine... kung bakit hindi ito nagsasasabi ng totoo. Kinunsulta niya ang kaniyang magulang at ayon sa kanila ay baka raw gumawa ng bagong memorya ang bata dahil sa trauma. Maaaring bumalik kay Lalaine ang katotohanang tinurukan siya ng kaniyang ama at natrauma siya dahil doon o kaya side effects pa rin ng itinurok na imperpektong gamot.

"Maghanda ka ng maaaring iregalo ko kela Gaele, Emilia. Nasabi ko na naman sa iyo noon kung sino sila." Paggising sa kaniya ng asawa. Emilia did not noticed that she had spaced out.

Mabilis ang pagdaan ng araw, nasa harap na ng bahay nila Gaele sina Emilia at Barry. Kinakabahan si Emilia kung makikilala ba siya ni Lalaine o ipagpapatuloy nito ang gawa-gawa nitong ala-ala.

Ngunit sa hindi inaasahan, nang magkaharap na ang dalawa, nagsisi-sigaw si Lalaine nang makita ang mukha ni Emilia. Parang isang parte ng utak niya ang kinalabit at kalauna'y nagbabala. Nakaalis na sina Emilia't Barry ngunit hindi pa rin humihinahon si Lalaine. Hindi siya mapatahan ng asawa niyang si Gaele.

Tuliro at hindi makatulog si Gaele. Hindi niya makausap nang maayos si ang asawa. Para itong naging baliw? Tatlong araw na noong huling bumisita sina Barry kasama ang asawa niya at dalawang araw nang ganito si Lalaine. Hindi niya nga makausap ang asawa, mas lalo nang makuha itong padedehin ang anak nilang si Lala na mag-iisang taong gulang palang sa nalalapit na Hunyo bente-kwatro.

"Aine, calm down. Hindi ka ba excited na magbakasiyon?" Gaele asks the woman who's crying her eyes out again na sinasabayan pa ng kanilang anak na nakahiga sa malambot nitong higaan sa loob ng kuna.

Tumigil sa pag-iyak si Lalaine na parang may narinig na kung anong nakakagulat at kaagad na humarap kay Gaele. "Bakasiyon?"

Pumunta sa likod ni Lalaine si Gaele at dahan-dahang minasahe ang noo nito, "Oo, bukas na iyon. Sa isla namin."

"Talaga ba? Naku! Gusto ko talaga ang maalat-alat na amoy ng dagat ngayon." Masiglang turan ni Lalaine na para bang hindi umiiyak kanina. "Tsaka gusto ko makain iyong king crab."

Pagkuwan ay habang nagsasalita si Lalaine, nakapunta na si Gaele sa anak niya at nakuha na niya ito mula sa kuna nito.

"As in 'yung mga higanteng lamang-dagat, gusto kong mukbangin. Tiyak akong maraming maiiingit kapag nagfb live ako." Natigil ito sa pagsasalita at napatingin sa braso nito nang ibigay ni Gaele ang anak nila.

Napangiti ito nang makita ang sariling kopya sa loob ng kaniyang mga braso. Itinaas ni Lalaine ang kaniyang damit at pinadede ang kaniyang anak, "Atsaka gusto ko rin mag-scuba diving!"

AS1: AFFECTED GUN
ALL RIGHTS RESERVED
©2021

@FORTYUNEYT

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro