Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 42

Chapter 42: On The Way To The Truth

BLAKE'S POINT OF VIEW

I WAS putting a pack of cigarette back to my multi-purpose wallet when Dad called out to me. Sinabihan niya akong pumasok nang muli sa sasakyan na kaagad kong sinunod.

Who would've thought that it will take days to reach that place? Nababahala na ako dahil wala man lang akong balita sa kalagayan ni Lala sa mga kamay ni Mom. There is no signal. Sana naman walang ginawang masama si Mom sa kaniya.

Wait for me, Mahal.

"Are you okay?" Napatigil ako sa pagtutok sa daan upang salubungin ang mga mata ni Dad na makikita ko sa rearview mirror.

"Do you have any food news regarding Ream?" I asked him. It's been 4 months and we still cannot reach him. And unsurprisingly, he shakes his head.

Napabuntong hininga ako dahil sa sagot niya at ibinaling ang tingin sa bintana. "How about you start to talk, Dad? Two days na ang biyaheng ito and yet you still did not mention anything about Lala's parents' past. You just acted on your own. Sana kinonsulta mo muna ako kung saan ko gustong ihabilin ang pamilya ko."

Sa totoo niyan, pinacostumize ko 'yung kwintas at ginawa kong singsing. Importante ang mahiwagang (?) kwintas na iyon para sa aming dalawa. I'm so much ready to propose to Lala kung hindi lang sana ganito ka-komplikado ang buhay niya.

"Stop talking like that, Blake. Pamilya? Your situation is not even accepted here in this country. Do you plan to go to a very far country just to get married? You're all talk, hindi mo iniisip kung anong sasabihin ng mga tao kapag nalaman nila ang eskandalong 'to. Nakakahiya. Atsaka Mom mo ang nag-aalaga kay Lala, I don't see anything wrong about that." The man's eyes are shooting daggers at me.

Napakuyom ako ng kamao at matigas na nagsalita, "Where is this conversation leading to? Can you just tell me everything you know about Lala's parents, Dad? Paulit-ulit na akong nagtatanong patungkol diyan at sinasagot mo lang ako ng walang kwentang reputasyon na iyan." Parang wala siyang alam sa ugali ni Mom. The two of them are both control freaks, mas lalo pa si Mom na hindi ko alam kung paano naging mas malala kaysa kay Dad.

After the official breakup of Paine and me that was all over the internet, she flooded my phone with her messages. She kept nagging about how right she was, na sana si Kim nalang ang kinursunada ko. I don't have an interest to date Kim simula pa noon, she was just a friend to me, pero parating arranged ang dates namin, kahit pa noong fiancee ko na si Paine. Mom was unstoppable.

Tahimik kong hinintay ang isasagot niya kahit alam kong hindi na naman niya ito sasagutin. I've already asked him to open up a countless times already. Ano bang motibo niya? Why is he delaying it?

Ano pala ang ginagawa ko rito kung wala akong mapapala na kahit ano?

And then miraculously, he broke the deafening silence, "The thing is Lalaine is not normal." My two eyebrows automatically met after hearing his words.

"What do you mean by that?"

"Lalaine is mentally il. She was experimented by her own parents. That time na missing siya, nakatakas pala siya sa mga magulang niya. Her parents ware injecting drugs into her body. They had treated her as a lab rat to achieve a certain medicine. Though hindi natupad ang gusto nilang medisina dahil wala na silang mae-eksperimentuhan. Sa totoo niyan, bestfriend pala siya ng Mom mo before she went missing."

Napamasahe ako ng ilong ko. "No. Sa sinabi sa amin ni Gabby Cordova, ang sinabi raw noon ng batang Lalaine ay iniwan raw siya ng Mommy niya."

Pinatunog ni Dad ang leeg niya. "As I have said, she was mentally ill. Maaaring gumawa ng bagong mga memorya ang utak niya para makalimutan ang masalamuot na pinanggalingan." At some point, it made sense.

"That's the time na nakita siya ni Gaele. She was loved by Gaele hanggang sa lumaki silang dalawa nang magkasama at naging malapit ang puso sa isa't-isa. That was my place before she came. She ruined me. I was so immature back then that I had thought my world was rotating because of Gaele and had thought that Lalaine was a big threat to our 'relationship'. Nabulag ako at nakagawa ng mga kasamaan. Nang matauhan, I decided to leave everything that reminds me of Gaele nang maramdaman kong wala na talaga akong puwang sa puso niya. I guess I wasn't that foolish. Nagpakalayo-layo ako at ipinagpatuloy ang pag-aaral upang maging ganap na pulis."

Nagtaka ako. He didn't mentioned anything about Garry... I mean Gabby Cordova. Nagfast-forward lang siya. I want a further explanation. Paano ko matagpi-tagpi ang lahat kung wala siyang sasabihin na maaaring tumugma sa ikuwenento ni Mr. Cordova?

I decided to ask, "Then how about Gabby Cordova? Can I know more about your relationship with him?" Hindi ko man lang nakitang kumurap ang kaniyang mata, as if he was expecting that Gabby had already told us.

"That guy was a mess. I flirted with him for a while and then, he's gone mad. I went out with him para maibsan ang kalungkutan ko, then he started to be clingy. For sure, in the story he told you, I was the bad guy. Don't take him seriously. He's just obsessing over me." His tone was flat, na para bang hindi iyon importanteng bagay kaya hindi na dapat binabalikan pa. As my eyes can see, he isn't lying. Or is he faking it?

"May tanong pa ako. Sa nakuha naming mga gamit ni Lalaine mula kay Paine, nabanggit doon na nagkausap raw kayo ni Pace. Ano ang kaugnayan mo sa kaniya? Sino ba talaga si Pace at ano ang ginagampanan niya?"

"Pace Lacsamana, isang taong baliw na baliw kay Lalaine." Napatango ako, we all know that.

I continued my interrogation, "Ano ang pinag-usapan niyo ni Pace noon sa likod ng gym? Lalaine told us that she saw the both of you there and concluded that the two of you were friends or were you dating that time?"

"No, 'di ko papatulan ang lalaking iyon, kahit patayin pa ako. We just joined forces. Immature ako at baliw siya, perpekto ang pagtutulungan namin. Though tumigil ako sa pagdikit sa kaniya nang makitang parang lumalala ang pagkabaliw niya kay Paine habang tumatagal. It did not play a major role in the story."

Inihinto niya ang sasakyan sa gilid ng isang road sign. "Back to what I was saying. In that far place where I continued my studies and became a policeman, I met your mom. Napag-alaman kong pwede rin pala akong magkagusto sa isang babae. Nagtataka ako kung bakla ba talaga ako o talagang si Gaele lang ang lalaking nagustuhan ko. I married your mom and had you after 2 years of marriage."

"Time passed by, bigla akong nakatanggap ng wedding invitation nila Gaele at Lalaine. I don't know how it reached me, so I concluded that they really want me to attend their wedding. Ginusto kong puntahan sila kaya iniisip kong dalhin ang Mom mo to prove to Gaele na hindi ako manggugulo at nagbago na ako." He heaved a deep sigh.

Hinarap niya ako nang tahimik. "Hindi ko naman alam na magkakaganoon pala."

Kinunotan ko siya ng noo. What is it now? "I changed my mind. After the day you became 3 years old, doon pa kami sumipot. I was busy because of my police duties and your mom is busy taking care of you. Pumunta lang ako sa dating bahay ko sa siyudad and asked people kung nasaan na sila Gaele ngayon. Luckily, they were just in another city. Nagplano akong ipagbukas nalang ang pagbisita. I had your mom pick a present for Gaele and Lalaine, an apology gift to be precise. I was excited to see how Gaele wass doing that time. Not until tommorow arrives." The tension rise once again due to his suspense. I immediately wiped my cheek once I noticed that I was sweating.

It's hard. Ang hirap timbangin ng mga salita ni Dad. It's just pure words; it's very easy to manipulate.

"Sa sandaling nakilala ni Lalaine ang mukha ni Emilia ay nagsi-sigaw siya na parang nasisiraan ng ulo. Sinigawan niya kami at pinaalis. We weren't able to give the gift we had prepared because we were too shocked. Pagkarating namin sa bahay ay kaagad kong kinompronta si Emilia. Doon ko lang nalaman na ganoon pala ang nangyari kay Lalaine noong bata pa siya." Minasahe niya ang sintido niya. If he is really telling the truth then, he is having a hard time. Ang hirap i-recall ng mga bagay-bagay na matagal nang nangyari.

"Kaagad akong nagrequest na paimbestigahan ang pamilyang Del Mundo pero hindi ako pinayagan ng Chief namin noon. Hindi raw dapat na paratangan ang ikalawa sa pinakamagaling na pamilya ng mga doktor sa Pilipinas. Muntik pa akong mawalan ng trabaho kakapilit na imbestigahan ang nangyari kung bakit nawawala ang batang Lalaine at kung tama ba talaga ang sinabi sa akin ni Emilia."

Dad massages his forehead for a while before continuing, "Balak ko nga sanang puntahan sina Gaele upang humingi ng tawad at imbestigahan na rin kung may mga senyales ba talaga siya ng pagkabaliw ngunit narinig ko na lang na nagbakasyon pala sila sa isang private island at ang mas nakakagulat pa, nawawala raw ang anak nilang si Lany Shane matapos naming bumisita and it was last three days ago."

"So, dahil proud kang sabihin na may sakit talaga sa utak si Lalaine, ibig sabihin ba niyan natuloy ang pag-iimbestiga mo?" I asked.

"Yes, last year pa binuksan ang kaso. At sa kasamaang palad, wala na ang mag-asawang Del Mundo. Sila raw ay nabaliw at nagpakamatay nang sabay. Hula namin ay dahil hindi nila naperpekto ang ginagawa nilang gamot na para sa isang uri ng cancer." Napagtango ako. Ganiyan din ang naisip kong dahilan.

Now for the last question, "Gabby Cordova said that it was you who told him to give Lala to someone so that Lala will be separated from his parents. At ibinigay niya raw iyon sa cook niyang si Policarpio. He also had Kanor to spy on Lala while Lala was on Baryo Sigasig."

"That is the truth. Napakalaking effort ang ginawa ni Gabby para lang sundin ang utos ko." Isinalaysay ko sa kaniya ang kung ano mang nabanggit ni Lala sa akin patungkol sa Kanor na iyon like he annoys, no—admires Lala the most and that he was the breadwinner of his family.

"But I promise to my late father, pinagsisihan ko na ang lahat ng mga mali ko. Ilang beses akong humingi ng tawad sa Panginoon. At ngayon gagawin ko ang lahat para mapatawad rin ako ng mga taong maapektuhan nito, more specifically to Lala." I clenched my fist. It would really be a problem if Lala and Dad will meet again. Hindi ko gustong mangyari muli iyon kay Lala. Hindi ko gustong mailagay ulit sa bingit ng kamatayan ang anak at ang Mahal kong lalaki.

Ang mahal ko, napakaraming pagsubok na dumating sa kaniya. Those scars and callouses are evidences that he did not have a great life. Ang Lala na pinakainiingatan ko ngayon, ay produkto ng kamalian ng Dad ko. My poor Mahal...

He raised his hand and stopped me from saying insults, "And yes, Blake. You also have the right to be angry at me. But first I have to do what I have to do."

***
LALA'S POINT OF VIEW

HINDI ako makatulog, kanina pa ako nakaupo rito sa isang upuang kahoy sa gilid ng kama. Hindi dahil birthday ko bukas kaya excited ako o kahit na anong pangyayaring pinupuyatan, nangangamba lang ako kung ano ang nabanggit nilang 'plano' para sa akin. Sa tono palang nila, mukhang delikado na.

Ano ang kahahantungan ng pagdala nila sa akin rito?

Siyempre hindi naman ako nagce-celebrate ng birthday ko kasi wala naman akong alam kung ano talagang birthday ko dahil mukhang gawa-gawa lang ang birthdate na alam ko.

Alas onse ng gabi na at dahil buntis ako ay unti-unti na akong inaantok. Napanatili ko man ang sarili ko nang gising ng dalawang oras ay wala pa ring saysay kung pagkatapos ng dalawang oras ay makakatulog pa rin ako.

Pinayapa ko ang sariling isipan. Alam ko sa sarili ko na magigising ako nang maaga kinabukasan. Ipagdarasal kong magising ako nang mas maaga kaysa sa mga nagpaplano ng masama sa akin.

Akala nila masasaktan ka nila, Baby Pen. Dadaan muna sila sa akin kung ganoon!

Dahan-dahan na akong nagparaya sa antok hanggang sa hindi ko na namalayan pa ang pagtakbo ng oras. Tila ba binugbog ang katawan at isipan ko dahil pagkahiga na pagkahiga ko sa malambot na kama ay makatulog agad ako nang 'di namamalayan.

Kinabukasan...

"Gumising ka na, hijo." Napaungot ako na parang isang spoiled na señorito ngunit hindi naman ako humingi ng mas matagal na palugit. Kinusot ko ang mga mata ko at napagtantong alas diyes na ng umaga nang mapalingon ako sa gilid ko.

Napabalikwas kaagad ako sa kama at kaagad na hinawakan ang iba't-ibang parte ng katawan ko. Binigo ako ng sarili kong katawan. Nakatulog ako nang hindi gaya noon kaya nagising ako na hindi na rin ganoon kaaga. Siguro'y ito ay epekto ng pagbubuntis.

Hindi pa naman ako patay 'di ba?

Ngayon ko palang nalaman na hindi pala ako nag-iisa sa kwartong ito nang makitang may nakatayo pala sa harapan ko. Malamang, may gumising sa akin. Kung walang gumising eh 'di sana mahimbing pa akong matutulog ngayon.

Traydor na katawan 'to!

Nanlaki ang mga mata ko nang makitang iyon ay ang head maid! Ang tinawag ni Mrs. Patrick na 'Pasing' at ang kasabwat niya mismo sa kung ano mang masamang planong gagawin nila ngayong araw sa akin.

Bakit siya nandito?

"Ikaw ay umalis na sa iyong higaan at maligo na nang mabilis. May pupuntahan tayo mamaya." Napalunok ako nang ilang beses bago tumango sa kaniya. Naglakad na siya palabas ng pinto at isinarado na ito. Akala ko papatayin ako habang natutulog, iba pala ang plano nila. Mukhang mas delikado pa yata.

Kailangan kong makatakas dito, ngayon na.

Inilagay ko sa sahig ang mga libro at ilaw bago ko maingat na binuhat ang 'di naman gaano kabigat na side table. Iniharang ko iyon sa pinto. Sinama ko na rin ang upuan sa itaas ng mesa.

Napa-halik ako sa suot-suot na kwintas na may 'Lala' na nakalagay. Oo, isinuot ko na ito dahil wala na naman ako sa Baryo Sigasig at para naman magamit ko iyon at hindi kalawangin.

Nang makapagpasiya ko nang umalis ay bumulong mina ako sa hangin na para bang maririnig niya iyon, "Bahala ka na sa buhay mo, Blake. Kaniya-kaniya na lang. Pangako, talagang minahal talaga kita ngunit ngayon napagtanto ko na ang lahat. Hindi tama ang namagitan sa ating dalawa. Maging masaya ka sana."

Kaagad kong binilisan ang kilos ko. Sa bintana ako dadaan dahil iyon lang ang pu-pwedeng paraan. Tutal napakahaba ng mamahaling kumot na nasa ibabaw ng kama at may marami pang kurtina, bibigyan ko sila ng tamang trabaho.

Mag-iingat ako, anak.

Tutal ayaw ng parents ni Blake na masira ang reputasyon nila, ako na ang mag-a-adjust. Sige na, ako na. Hindi ko hahayaang may mga kamay ang mababahiran ng dugo, maging sa akin o sa kanila man.

"Paalam na."

Bahala na si Papa Jesus!

AS1: AFFECTED GUN
ALL RIGHTS RESERVED
©2021

@FORTYUNEYT

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro