Chapter 41
Happy 61.4K reads tas 1.2K followers nga pala.
***
Chapter 41: Lala 'Chismosa' Cordova
LALA'S POINT OF VIEW
"MALIGAYANG pagbabalik, Señora." Kaagad kong iniyuko ang ulo ko nang bumungad sa amin ang isang babaeng napakatanda pero may bahid pa rin ng nakakatakot na awra. Ganito 'yung mga napanood ko sa TV.
Awtomatikong naglibot ang mga mata ko upang suriin ang buong paligid upang umiwas sa mapanuri nitong titig. Nakakailang naman kasi.
HACIENDA HIÑERA, iyan ang nakalagay sa isang sementadong parihabang kung anong nasa gilid mismo ng kinatatayuan ng napakalaki at napakatayog na hindi ko alam kung anong tawag...
Kung bahay ba, mansiyon o palasyo ng malacañang na provincial version.
Nagpatuloy ang mga mata ko sa paglilibot. Ngayon ay ramdam na ramdam ko ang mainit na titig na nagmula sa isang lalaking nagtatabas ng damo. Nasulyapan kong may regadera na nakatago sa isang halaman malapit sa kaniya kaya napagtanto kong hardinero siya rito. Napakalaking lupain, napakaraming mga halaman at mga puno.
Paano nila napanatili ang ganito kagandang paraiso?
Gusto ko sanang puntahan ang lalaking iyon upang magpakilala sa kaniya kaso baka maabala ko siya kaya nginitian ko na lamang siya. Para naman magmukha akong mabait.
Mula sa malawak na hardin, naglakbay ang mga mata ko at dumapo muli ito sa matandang babaeng nakayuko sa amin. Hindi pa rin nito itinataas ang ulo nito kahit lumipas na ilang minuto. Tiyak na naghihintay ng utos ni Mrs. Patrick.
Nakayuko ang matanda kay Mrs. Patrick sa bungad ng naglalakihang double door kasabay ng iba pang nakahilerang mga kasambahay. Iba ang kulay ng damit noong matanda kaysa sa ibang mga kasambahay na hula ko ay nasa trenta pataas ang mga edad. Siya siguro iyong mayordona? Mayordana? Mayordema?
Basta, head maid.
Napakamot ako ng ulo at nanatili lang na tahimik. Wala naman akong maisip na tamang gawin. Baka may tradisyon silang sinusunod dito at masuway ko nang hindi ko namamalayan.
Nauna na si Mrs. Patrick papasok sa napakalaking double door na kulay puti na may kaunting kulay ginto. Hindi nga nangangalahati ang bahay ni Mahal sa sobrang lawak nito. Napakaganda at napakamamahaling tignan. Idagdag mo pa ang napakaraming taong nagsisilbi rito. Mula sa limang nagbabantay roon sa malaking gate at hula ko marami ring nagkalat sa iba't-ibang parte ng malawak na mansion, may mga maids pa, 'yung hardinero ta's may personal cook pa siguro sila na hindi ko alam kung ilan.
Nakakatakot naman ang nakabukas na napakakinang na pinto ng mansiyon na ito, baka kapag hinawakan ko, bigla kong madumihan. Hanggang titig na lang siguro ako.
Itinuro ni Mrs. Patrick ang isang malaking vase. "Take him inside." Nanliit ang mga mata ko. May gender na pala ang vase?
Hindi na lang ako nag-abala pang lituhin ang isip ko at hinawakan na lang ang maumbok kong tiyan. Hindi ko rin gustong gumawa ng sobrang reaksiyon at baka makabuo pa ako ng pangit na impresyon sa kanila.
Pero nagugutom na ako.
Kita ko ang mama ni Blake na nakatalikod pa rin sa akin pero huminto na sa paglalakad dahil sa hindi ko mawaring dahilan.
"I said take him inside. Bakit hindi kayo nakikinig? Do I have to repeat myself again?!" Doon ko lang namalayan na may isang tao pala sa likod ng vase na iyon.
Pero nasa loob na iyong taong nasa likod ng vase. Saan niya papapasukin?
Pero tumaas na ang boses ni Mrs. Patrick. Sino ba naman kasi iyang kailangan papasukin? Tataas pa ang blood pressure ni Mrs. Patrick kung ganiyan siya mag-utos. Nahihinuha ko na kung saang nagmana si Mahal.
"Sir, samahan na po namin kayo papasok. Nagagalit na si Señora Emilia." Napatalon ako sa gulat nang makaramdam ako ng mga kamay na nagkalat sa dalawang braso ko. Doon ko napagtantong wala na sa dating pwesto nila ang mga maids, nasa gilid ko na sila.
Ah. Ako pala iyong dapat papasukin.
Dahan-dahan akong naglakad papasok. Iniyuko ko lang ang ulo ko habang nagpaubaya sa kung saan man ako dalhin ng mga babaeng nasa gilid ko.
Huminto kami sa may living room. Nakita ko si Mrs. Patrick na prenteng nakaupo sa mahaba nilang sofa. "Take a seat, Lala." Hindi na ako nag-alinlangan pa at umupo na kaagad. Mabuti naman at specific na siya kung tumawag ng tao.
"So..." Nilingon ko siya at hindi inalintana kung ano mang ekspresyon ang ipinapakita niya. "...how are you feeling?" Sa hindi inaasahan nauna pang sumagot ang aking tiyan kaysa sa bibig ko. Tumunog iyon na nakaani ng maraming pagsinghap sa mga kasambahay na nasa gilid lang pala.
Nakakahiya.
"Okay, let's talk about it tomorrow na lang." Bumuntong hininga siya na tila ba nagpapahiwatig na nadagdagan ang mga problema niya. Ang bilis niyang magpasiya, 'no?
Bakit kasi hindi man lang ako pinakain sa biyahe?
Hindi sa nag-iinarte ako, ginagamit ko lang ang survival sense ko. Isa akong tao at may buhay. Ano ba ang kailangan ng isang tao upang patuloy na mabuhay? Siyempre pagkain! Lalo na ngayong may dinadala pa akong supling sa sinapupunan ko.
Bakit pakiramdam ko masyado ko nang naaabala si Mrs. Patrick? Kitang-kita ko sa mukha niya eh. Hindi kaya iniisip niyang nag-iinarte ako para lang maputol parati ang pag-uusapan namin?
Malay ko ba naman. Ang pagkakataon iyon, hindi ako.
"Nanay Helen, can you guide Lala to the main kitchen? Make him help with your food." Sasabihin ko na sana na tutulong ako, naunahan lang ako ni Mrs. Patrick.
"Yes, Señora."
"There's nothing wrong with that, 'di ba, Lala? Kung hindi ka kikilos, wala akong lugar para sa iyo rito." Napalunok ako at napatango nang maraming beses. Mabuti't naitago ko ang pagkagulat ko sa tono ng kaniyang boses, pataas iyon na may kasama pang pagtaas ng kilay.
"Pang ilang tao po ba ang lulutuin? Ako na lang po ang magluluto." Para naman maka-good points ako kahit maliit lang. Papasa naman siguro itong medyo-medyo itong skills ko.
"If you insist. Magluto ka para sa lahat ng mga maids at iba pang mga tao ko rito. I'll just go for a nap kasi napagod ako sa biyahe. Don't worry about me, I'm already full. I'll leave my people in your care." Ah. Hindi siya kakain? Baka iniisip niya na baka panget ang lasa o hindi kaya ay baka lasunin ko siya.
Atsaka ba't sa pangangalaga ko? Dapat ako ang nasa pangangalaga nila dahil magiging palamunin ako rito.
"This way, Sir." Dinala ako ng tinawag ni Mrs. Patrick na Nanay Helen sa isang napakalaking kusina. Kompleto sa lahat ng kagamitan at siyempre hindi lang mukhang mamahalin ang lahat, literal na mamahalin talaga iyan.
Nagulat ako sa biglaang pagsulpot ng isang lalake at isang matabang babaeng nakaunipormeng puti sa gilid ko. Nagsalita ang babae, "Narinig po namin ang iniutos ni Señora, Sir."
"Ay, Lala nalang. Nakakahiyang pakinggan ang Sir, parang boss pa ako rito, eh hindi naman. Atsaka ako ang magpo-'po' dapat sa inyo." Nakangiti kong saad. Kailangan nilang malaman na isa akong mabuting nilalang. Atsaka tama naman ang sinabi ko. Grabe kung sila magrespeto, tumatayo ang balahibo ko. O hindi lang talaga ako sabay sa ganitong trato?
"Ay sige, Lala nalang. Lala, tiyak namang hindi mo kakayanin magluto para sa lahat ng mga kasamahan namin dito mag-isa, tutulongan ka namin siyempre. Atsaka dapat ikaw ang maunang kumain, buntis ka pa naman." Nabunotan ako ng tinig dahil sa narinig mula sa kaniya. Sa wakas, hindi pala ako gaanong mahihirapan.
Dahil diyan, ilang oras lang ang hihintayin ko para makakain na kami ni baby.
"Ay hindi. Malnourished po ako at may mga bulate ang tiyan ko kaya may umbok." Alinlangan akong tumawa. Buntis? Walang buntis dito oy!
Kinuha ng babae ang aking mga palad at hinawakan niya iyon nang may katatamtamang higpit. "H'wag mo nang itanggi, Lala. Buntis ka at iyan ang nakikita ko."
Nakaramdam ako ng init sa loob ng dibdib ko. "Ay teka? Hindi ba kayo nagtataka o naiilang habang nakikita ako sa harapan niyo? Lalaki ako tapos buntis." Nakapagtataka kasing hindi ko man lang makita ang gulat sa kanilang mga mukha. Normal ba iyang reaksiyon?
"Ay, Sir Lala. 'Yung kapit-bahay ko ganiyan din. Sa tingin ko po, wala naman pong masama..." Lumipat ang tingin ng babae sa lalaking kasama niya na makita kong tumango lang sa akin ngayon-ngayon lang.
Talaga bang normal na ang ganitong sitwasyon? Hindi ba kami tatawaging salot dahil sinira namin ang tamang pag-ikot ng daigdig? Na ginagawa naming komplikado ang mga bagay-bagay?
"... hindi mo naman kasalanan kung ipinanganak kang may kaunting abnormalidad sa katawan. Hindi mo naman pinagsisihan ang nabuo mong anak, 'di ba?" Dahan-dahan akong napatango. May tama naman siya. Bakit ko ba pinalalaki ang issue?
"O, 'di ba? Walang masama." Ay kay gandang mindset. Sana lahat. Hindi naman kaso maiwasang mag-ingat dahil napaka-toxic na ng mundo, lalo na ang mga tao.
"Sige po. Salamat po!" Masaya kong saad. Sa totoo niyan, magalang talaga akong tao, hindi lang talaga halata.
"Ako po si Lala. Ano po ang mga pangalan ninyo po?" Mabuti pang may pinag-uusapan kami habang inihahanda ko ang gaganaping fiesta este malakihang paghahanda para sa kanilang mga nagta-trabaho rito at siyempre para na rin sa akin at kay Baby Pen.
"Ako si Mima at itong kasama ko ay si Tidong, asawa ko. Pagpasensiyahan mo na kung hindi niya magagawang sagutin ang mga tanong mo o kung may tanong ka man dahil may problema sa lalamunan niya. Hindi na raw maayos ng mga doktor. Kami ang nakatalaga sa kusina ng mansion." Napa-ahh ako. "Wala naman pong problema sa akin."
"May anak po ba kayo?" Tanong ko habang hinihiwa ang mga sibuyas. Napag-usapan namin na magluto ng caldereta, sinigang, pork menudo, chicken at pork adobo ang naisip kong iluto, siyempre carenderia specials pa rin, iyon lang naman ang mga alam kong lutuin.
Dahil nagpapabango ako sa kanila, siyempre may mga twists ang mga ulam na iyon. Aking sariling recipe. Sa kanila ko lang sinabi at natuwa sila. Sila pa naman ang makakasalamuha ko parati habang nandirito ako kaya kailangan ko silang bigyan ng maayos na first impression.
"Meron. Unica ija. Mimi ang pangalan ng anak naming diyosa." Mimi? Teka. Parang narinig ko na iyan. Itinigil ko ang ginagawa ko para mag-isip. Mimi... Mimi?
Ah! Mimi! 'Yung babaeng dumating noong nilagnat si Paine. Siya 'yung babaeng pumunta noong may lagnat si Paine. Sa tingin ko ay botong-boto siya kay Paine para kay Blake. Ramdam ko kasing suportado niya si Paine para kay Blake.
Hindi ko mapigilang makaramdam ng kaunting kirot. Nanariwa kasi ang dating sugat na dahilan ng paglayas ko noon. Nagiging bitter ako. Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksiyon niya kung makikita niya ako sa ganitong ayos.
Ipinikit ko na lang ang mga mata ko at pinayapa ang isipan. Ang importante ay ang ngayon, hindi ang nakaraan. Kung sakali mang hindi siya maging boto, hindi ko na dapat problemahin pa iyon.
Nagpatuloy ang usapan namin hanggang sa maluto nga namin ang lahat ng para sa malakihang paghahanda. Dahil professional sila, marami akong natutunan sa kanila na mas magandang palamuti na ilalagay sa plato upang mas maging maganda tingnan kung ise-serve na. Plating yata ang tawag. Natutunan ko rin ang mga ingredients na kung hindi available sa kusina, maaari mong bigyan ng substitutes. Iyong mga ganoon.
Imbes na magpabango ako sa kanila, ako pa ang namangha sa napakaraming bagay na hindi ko pala napagtuonan ng pansin dahil nakatutok lang ako sa lasa.
Nakalimutan ko ngang nagugutom ako dahil binusog nila ako ng mga bagong kaalaman. Biro lang, kalahati lang ang totoo roon. Nagugutom pa rin kami ni Baby Pen.
Kung ganito araw-araw rito, ang pro-problemahin ko nalang ay kung paano ako makakahanap ng trabaho. Habang nakakakilos pa ako, hindi ko naman hahayaang maging pabigat at palamunin lang. Kahit may kaunting ipon, tiyak naman na mauubos pagdating ng panahon.
Kung ano mang ginagawa ni Mahal ngayon ay sana matapos niya na kaagad. Bakit ba kasi hindi man lang siya nagpaalam? Hindi ko tuloy alam kung kailan niya ako kukunin dito.
Sa totoo lang, hindi sa hindi ko gusto ang nanay ni Blake, medyo hindi ko lang feel ang ugali niya. Pwedeng paranoid ulit ako pero pwede ring may mga gusto siyang ipagawa sa akin na mali. O pwedeng gawan niya ako ng masama at abusuhin ang pagiging mabuting son-to-be ko.
O baka nasobrahan ako kakapanood ng mga soap operas?
Inihanda ko na ang mga kubyertos at mga plato upang ilagay sa dalawang mesa na para lamang sa mga nagta-trabaho rito. Dito sila kakain sa loob ng malawak na kusina. Sosyal ang mga mesang iyon dahil umiikot ang gitnang bahagi na paglalagyan ng mga ulam.
Paano pa kaya ang mesa para sa may-ari ng bahay? Gawa yata sa ginto.
***
NATAPOS ang gabi nang may ngiti ako sa labi. Ang sayang kasama ng mga tao rito. Napag-alaman kong Mang Frederick pala ang pangalan ng hardinero nakita ko kaninang hapon. Dito talaga siya original na nagmamaneho ngunit inutusan siya ni Mrs. Patrick na kay Blake na magsilbi. Kaso namatay ang Nanay niya at naubos na ang ipon niya. Bumagsak din kamakailan ang katawan niya kaya hindi na siya bumalik sa pagiging chauffeur.
Atsaka nalaman kong hindi naman daw masama ang ugali ng Señora Emilia nila, medyo strikta lang daw at perfectionist.
Take note na mukhang may alam na sila na si Blake ang ama este ako ang ama. Bale pangalawang ama... basta ang nakabuntis sa akin. At wala akong nakuhang pagtutol mula sa kanila kaya nakahinga ako nang maluwag. Siyempre, unica hijo si Blake.
Isipin niyo nagta-trabaho kayo rito, tapos may babaeng biglang dumating at buntis sa pamamahay ng amo niyo, kaagad kayong makapagsasabi na ang tatay ng dinadala ng babae ay anak ng amo niyo. Ganiyan ang kaso ko.
Pinakilala rin nila ako sa batang Blake. Napakaraming mga larawan niya, halos lahat kasama ang matandang bumungad sa amin kanina. Iyong head maid ba. Sabi nila Pasing daw ang pangalan ng matanda, at siyempre mas matagal na iyong naninilbihan sa mga Patrick. Dalaga pa raw iyon noong nanilbihan dito kaya ganoon nalang ang tiwala nila.
Hindi man pala-kwento si Lola Pasing pero alam na kaagad nila na ito ang nagpalaki kay Blake dahil ito raw palagi ang kasama ni Blake sa mga larawan. Siyempre hindi nila hinayaang may makaalam na nakialam sila sa mga gamit ng nag-iisang anak ng kanilang amo. Pumuslit lang sila sa kwarto ni Blake para maglinis at hindi talaga napigilang gumalaw ng mga kagamititan dahil siyempre, naglilinis sila.
Masyado naman kasing misteryoso ang pamilya. Tatlong beses o mas madalang pa sa isang buwan lang nila nakikita ang tatay ni Mahal dahil madalang ito kung umuwi. Wala ring mga kamag-anak ang napapadpad dito sa hacienda dahil si Mrs. Patrick pa mismo ang bumibisita sa late grandfather ni Blake noong buhay pa ito. Noong binata pa si Blake, hindi raw iyon lumalabas sa kwarto kaya madalang lang na magkita ang mag-ina kahit nasa iisang bahay lang.
Tinanong ko kung hindi ba naisipan ni Mrs. Patrick na lumipat sa ibang bahay na pinakamalapit sa pinagta-trabahuan ng asawa't anak niya pero ang sagot nila mukhang wala naman daw ito sa plano ng among babae nila.
Kasalukuyan akong nakaupo sa maliit na upuan sa balkonahe upang antukin, bahala na kung papakin ng lamok. Kurtina lang ang nasa likod ko.
Maliit na ilaw lang galing sa buwan ang nakarating sa pwesto ko kaya medyo madilim. Hindi naman daw nila alam kung saan ako patutulugin kaya roon nalang daw sa kwartong bakante sa gilid ng dating kwarto ni Blake dahil 'bisita' raw ako.
Welcome na welcome eh, 'no?
Gusto ko sana na roon nalang sa kwarto ni Blake pero wala kasi silang nakuhang utos mula kay Mrs. Patrick kaya hindi dapat unahan ang Señora at baka mapagalitan sila. Baka ako pa sisihin nila kapag nagpumilit pa ako, minus points pa sa nanay ni Blake.
Natigil ako sa pagmumuni nang may marinig akong mahihinang boses. Napadasal ako bigla sa pag-aakalang multo iyon ngunit nang luminaw ay napagtanto kong boses ni Mrs. Patrick na may kausap na matandang babae. Papalapit rin sa akin ang mahihinang tunog na gawa ng tsinelas. Sumilip ako ng kaunti sa kurtina at nakita si Mrs. Patrick kasama si Lola Pasing, ang head maid.
Masama 'tong ginagawa ko. Isang ipinagbabawal na technique.
Basta ba kapag hindi ako makarelate, titigil na ako sa pakikinig. Tatakpan ko 'tong mga tenga ko o 'di kaya'y tatalon pababa sa balkonahe.
Biro lang. Tatakpan ko lang ang mga tenga ko.
"Isagawa niyo bukas ang plano. Hindi ko hahayaang magkaroon ng eskandalo ang pamilyang Patrick." Narinig ko ba ang sinabi ni Mrs. Patrick nang tama?
"Hindi kaya magalit ang Señorito Blake, Señora?" May kaunting pangambang tanong ni Lola Pasing.
Palakas na palakas ang pagtambol sa dibdib ko. Kahit na napakalamig ng hangin na sumasampal sa balat ay hindi pa rin nito napigilan ang biglaang pag-init ng paligid. Unti-unti na akong pinagpapawisan, ramadan na ramdam ko ang pagtulo ng pawis mula sa leeg ko. Akala ko malamig kapag gabi, ba't biglang uminit ang temperatura?
May maririnig ba akong hindi ko dapat marinig? O may maririnig ba akong dapat kong marinig?
O may engkantong malapit sa akin?
"H'wag kang mag-alala. Wala namang ganoon malaking epekto ang gagawing natin. You just have to keep your mouth shut and do what I told you to do."
"Si Lala. Kamukha niya 'siya'. Is this about that, Señora?" Panandaliang katahimikan ang namayani at kaunting lamig ng hangin dito sa labas bago nagsalita si Mrs. Cordova.
"No. At kung meron man, wala ka na roon, Pasing."
AS1: AFFECTED GUN
ALL RIGHTS RESERVED
©2021
@FORTYUNEYT
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro