Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 40

Happy 854 followers at 43.7K reads.

***
Chapter 40: In Emilia's Care?

BLAKE'S POINT OF VIEW

"WHY are you here, Lalaine? Nakabalik ka na pala?" Nanlaki ang mga mata ko sa narinig mula kay Dad. It was clearly stated in that notebook that Lalaine will soon follow 'Lala' and Gaele na nasa langit na. The notebook was written 5 years ago kaya masasabi na talaga natin na she took her own life kaya bakit ganito kung umasta si Dad?

It is as if he claims that Lalaine is still alive.

Tatanungin ko na sana si Dad kaso mabilis na gumalaw ang mga braso ko nang makita sa gilid ng mga mata ko na matutumba si Lala. Mabuti nalang talaga at nasalo ko kaagad siya.

Nagtaka ako nang may maramdaman akong kung anong basa sa may ibabang bahagi ng katawan niya. Nabasa na kasi nito ang suot-suot kong pants. Kaagad ko itong tinignan at nagulat sa nakita.

Blood is running down Lala's thighs!

Kaagad ko siyang inihiga sa sofa at inutusan si Paine na tumawag ng ambulansiya. I'm sweating bullets right now. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko.

God, please save them. This is all my fault!

Kinuha ko ang 'di gaano kalambot na mga kamay ni Lala at dinala iyon sa mga labi ko. "I'm sorry, Lala."

"What is happening? May sakit ba ang batang iyan, Blake? Are you harming your friend?" Tanong ni Mom. I ignored her at kumuha ng kung anong pwedeng ipamaypay kay Lala. Wala akong panahon sa kahit na anong pag-uusap.

If the ambulance won't be here after 5 minutes, ako na ang magdadala kay Lala sa ospital.

"Papunta na sila, Blake."

***
ANG magagawa ko lang ay sundan ng tingin ang walang malay na si Lala na nakahiga sa stretcher at ipinapasok na sa emergency room. Napasapo ako ng noo ko habang nakaupo kasama ang mga magulang ko at si Paine sa isang bench.

Tears are now forming again in my eyes. Pangatlong beses na 'to. Nanginginig akong napasuntok sa pader. Sana hindi na lang namin tinuloy, sana pagkatapos na lang manganak ni Lala. Naiwala ko lang nang isang saglit ang atensiyon ko sa kaniya, nagkaganito na kaagad.

I should really be the one to blame for trusting his words. How could he tell me that he's having a hard time kung ang atensiyon ko ay nasa ibang tao?

Nagdasal ako nang taimtim, hoping God will make Lala and baby Pen safe. Dahan-dahan kong nilingon sila Mom and Dad na clueless pa rin sa mga nangyayari. Tahimik lang silang nakaupo at pinapakiramdaman ang mga pangyayari.

Kinuha ko ang mga kamay nila. Sa ganitong paraan, baka makatulong sila. "Mom, Dad, please pray for Lala and our baby. We need your help. Mom, just this." There's no point of hiding this. Sooner or later, malalaman talaga nila kapag pumasok na sila sa loob.

"What? Who's baby? May iba pa bang isinugod sa ospital?"

In a very baritone voice, Dad managed to shut Mom up. "Emilia, just do what your son told you to do. Wala tayong oras para mag-kwentuhan."

Lumipas ang isang minuto, dalawa, tatlo hanggang sa hindi ko na nabilang pa. Pinagpawisan na ako kakahintay kahit na naka-aircon ang buong hospital.

Kaagad na napatayo ako nang makitang may iniluwang tao ang emergency room. Narinig ko rin ang na nakahinga ng maluwag ang mga kasama ko. "Sinong partner ng pasyente? Or any relatives na present?"

"Ako, Doc. I'm his boyfriend." I raised my hand. Napasinghap si Mom. She really needs to read between the lines. Hindi ko tatanggapin kung magpadalos-dalos na naman siya.

"Anong mga pinagagawa niyo? For sure, you're aware na very delicate ngayon nitong partner mo dahil sa kalagayan niya—"

Pinahiran ko ang natitirang luha sa nga mata ko. "Cut the chase and get straight to the point, Doc. I want to know what happened to Lala, h'wag mong pinapatagal pa." Napasinghap ang lahat dahil sa narinig pero isinawalang-bahala ko lang iyon.

Can you blame me if I'm getting impatient? Maaaring delikado ang kalagayan nila ni Baby. I can't just sit straight and listen as the Doctor complains.

Maaaring nakuhana-no hindi mangyayari iyan. I will probably burn myself into ashes kapag nangyari iyan.

"Easy lang. I just wanted to say na walang miscarriage na nangyari. Kaunting pagdurugo lang due to stress, mabuti at makapit talaga ang anak mo."

"Thanks, God!" I got exhilarated.

I watched as his eyes went to look at the people at my back then went back to me. "Just to tell you seriously, kung mastre-stress at mapre-pressure ulit ang partner mo and magre-result ulit sa pagdurugo, you'll regret everything talaga. Hindi sa lahat ng oras se-swertehin kayo."

Huminga nang malalim ang Doktor bago itinuloy ang pagsasalita, "Please kung may mga importante mga bagay kayong tinatalakay or kahit simple pa iyan pero masyadong mabigat pagdating kay Mr. Cordova, kindly schedule opening that up again pagkatapos na niyang ipanganak ang anak niyo. We're talking about him being a man. We still don't have enough information about male pregnancy kahit dumarami na ang mga kaso nito kaya iyan lang ang maipapayo ko sa ngayon."

"Remember what I had said earlier kung ayaw mong mameligro ang buhay nilang dalawa ulit. Kahit pagdurugo lang, we can still consider it as danger. Paano kung hindi naaksiyonan kaagad? For now, bibigyan na lang kita ng mga bagong vitamins para mas kumapit pa ang bata. Bilhin mo muna ang mga iyon and then, may magpapaalam sa iyo kung nailipat na si Mr. Cordova sa private room. I'll excuse myself, may iba pang naghihintay sa akin." Mabuti nalang talaga at walang masamang nangyari sa kanilang dalawa. Ang nakakuyom kong kamao ay pinakawalan ko na.

Mabuti na lang talaga!

"I'm sorry for my lack of manners, Doc. Thank you for saving my family." Yumuko ako. Mabuti nalang at nakangiti lang siyang tumango bago umalis.

"Ah, Blake. Ako nalang ang bibili ng mga gamot na iyan. I think may pag-uusapan pa kayo ng parents mo." Nag-aalinlangang ani ni Paine. Kitang-kita ko ang matatalim na mga mata ni Mom na nagpalipat-lipat mula kay Paine patungo sa akin.

Nang makaalis si Paine ay kaagad na dumapo ang mabigat na palad ni Mom sa pisngi ko. "How dare you! Ganito na ba kami kasamang magulang para hindi mo ipaalam na magkaka-apo na kami?"

"I am planning on telling this to you kaso may iba kaming inaasikaso."

Tumaas ang kilay niya, "Na mas importante pa sa pagsasabi sa mga magulang mo na nakabuntis ka? Na sa isang lalaki pa?!"

Uminit ang ulo ko. Ayaw niya kay Paine noon, ngayon naman ay ayaw niya rin kapag lalaki ang magdadala ng apo niya? Sa ganitong mga pagkakataon lang ba talaga niya gagampanan ang pagiging ina niya?

Napatawa ako nang mapait. "Eh? Pinakikialaman mo ulit ang buhay ko? Can't you see? Malaki na 'tong batang pinaalagaan mo sa iba, kaya na niyang mag-isip para sa sarili."

Mom raised her fist in front of me, as if she wants to punch me, "Nagkaroon ka ng lakas na loob na suwayin ako dahil sa babaeng iyon. Anong napala mo? Iniwan ka lang para sa ibang lalaki. Now, I can see that your actions are much worse than before, epekto ba iyan ng bago mo na lalaki pa talaga—"

Thinking about his reputation, Dad interfered. "Let's not talk about that here! Why are you making a scene sa lugar na may napakaraming taong makakakita. For God's sake, we aren't just some commoners here. Maraming makakakilala sa akin... sa atin."

"Edi pag-uusapan natin sa bahay mo, Blake. Let's go. Hindi ko maatim na ipagbukas pa itong issue na ito. I can't wait to cut you into pieces!"

I put my chin up and fight her glares that are as sharp as daggers. "No mom, I'll wait here. Kinakailangan ako ni Lala at ni Baby Pen. You can't just order me around. May pamilya na ako."

***
NAILIPAT na si Lala sa private hospital room niya. Pinauwi ko muna si Paine dahil naabutan kami ng gabi rito.

"We'll just rest pero babalik kami. Tandaan mong hindi pa humuhupa ang galit ko, Blake. Hindi mo ako matatakasan." I sighed in defeat kahit wala namang away. I just don't want Mom to stay longer at baka kung ano pa ang maisumbat ko sa kaniya.

Unang lumabas si Mom sa pinto. Mabuti naman at umalis na siya. Hindi ko gustong sinasalungat siya dahil ina ko pa rin siya. Pangalawang beses palang akong sumuway sa utos niya at iyon ay noong kami pa ni Paine at ngayon. It felt so wrong, pero paminsan-minsan kinakailangan talagang ipahayag ang nararamdaman for a better mom-son relationship.

Hindi ko alam pero nanatili pala ang mabigat na presensiya ng isang tao. "So that is Lala, Lalaine and Gaele's only son. This happened because he chose to dig up the past, right? I'm willing to tell you my side para hindi na kayo maguluhan." Ito na ba? Matatapos na ba ang misteryo sa pagkatao ni Lala?

"Paano ang pagiging Director General mo? You have a very high role, 'di ba? Why are you wasting your time here?" Hindi siya sumagot sa halip ay hinawakan niya lang ang mga kamay ni Lala.

"Atsaka buhay si Lalaine." Nanlaki ang mga mata ko. Gusto ko pa sanang magtanong kaso nakasarado na ang pinto.

Mas lalong naging magulo.

"If you want, I still know Lalaine's location, so we can talk to her. Baka gusto mong ikaw muna ang umalam ng buong pangyayari habang hindi pa nakakapanganak si Lala." Kinakailangan ko pang mag-isip nang mabuti. Lumipas ang ilang minuto nang hindi ko pagsasalita ay tahimik nang bilisan ni Dad ang kwarto.

Ano ba talaga ang dapat kong gawin?

Napatulala nalang ako sa mga binalatan kong mansanas, they're now brownish in color. Inakala ko kasing magigising siya kaagad kagaya ng sinabi ng Doctor kaso gumabi na't lahat ay hindi ko nakitang gumalaw ang kahit isang daliri niya.

I softly brushes my finger against his soft cheek. "I'm willing to do everything, Lala. Kagustuhan mong malaman ang nakaraan ng mga magulang mo, so I'll have myself to represent you. Pero, hindi ko maaaring banggitin sa iyo ang mga sinabi ni Dad dahil baka ikapahamak mo ulit."

I planted a quick kiss on his forehead. "Just give me your silent support at ako na ang gagawa ng lahat. You'll just have to wait for me until I came back with the truth that you need. Please wait for me, Lala, Baby Pen. Matatapos din ang lahat ng ito. I promise."

If only Lala's life isn't this complicated.

"Sabi ko sa iyo, komplikado ang buhay niya, 'di ba?" Nanlaki ang mga mata ko nang marinig ang iisang napakapamilyar na boses.

It was the voice of the creepy old woman I had met when I was driving towards Barrio Sigasig! Boses ng matandang nag-iwan ng kaniyang kwintas na siyang dahilan ng pagkikita namin ni Lala!

I didn't bother to find her, for sure, nawala na naman iyon na parang bula at saka alam kong sinarado ko ang pinto. Malamang gumamit iyon ng kapangyarihan na hindi naman kapanipaniwala pero dapat na paniwalaan dahil totoo ang matanda at dahil sa kwintas na ibibigay niya, nagkita kami ni Lala, ang pinakamamahal ko.

Though I want to talk to her personally, all that is left to do is to thank her in my mind.

Thank you for making us meet, Manang. Sana gabayan niyo kami sa kung ano mang kalalabasan ng pagtiwala ko sa sinasabi ni Dad.

***
LALA'S POINT OF VIEW

NAPABALIKWAS ako sa kinahihigaan at kaagad na napahawak sa sariling tiyan. Nakahinga ako ng maluwag nang maramdamang may umbok pa.

Oo na, kakapanood ko ng mga palabas sa TV.

Kaagad akong napatingin sa paligid nang maramdamang parang gumagalaw kami. "Where is Lala, Mom? Bakit wala na siya rito sa ospital?"

Nakarinig ako ng matinis na tawa sa gilid ko. Halos mawalan ako ng hininga nang makitang ito ang babae kanina. Ito ang mama ni Blake. Nilingon ako nito bago sinagot ang tawag, "Utos ito ng Dad mo. He said may gagawin daw kayo kaya sa akin niya ibinilin ang asawa mo. Bakit may problema ba?" Ha? A-Asawa?

Ibinilin ako ng tatay ni Blake sa nanay ni Blake? Ano ba ang dapat kong i-akto? Kailangan bang maging mabait ako?

Ay, teka. Naalala ko ang nangyari kahapon. Nagkita kami ng sinasabing salarin daw kaya ako lumaki sa Baryo Sigasig ayon kay Gar. Sa ngayon, hindi na ako aakto ng padalos-dalos. Hindi naman nabanggit ni Lalaine ang mga kasamaan ng tatay ni Blake... o baka nakalimutan lang banggitin?

"But Mom, I need Lala here! Walang binanggit si Dad na ilalayo niya sa akin si Lala. And also, I can't tell kung magiging safe ba siya sa pangangalaga mo. Baka ikaw pa ang magbibigay sa kaniya ng stress-" Mas lalo akong kinabahan ng pinutol niya ang tawag at itinuon ang atensiyon sa akin.

"Anak ba talaga ni Blake iyan?" Nakaramdam ako ng sakit kahit normal lang na itanong iyan ng isang magulang. Paano ba naman, umabot na ng apat na buwan at wala pa ring kamuwang-muwang ang mga magulang ni Blake, siyempre ganiyan talaga ang tanong.

Ibubuka ko na sana ang bibig ko kaso pinigilan niya ito sa pamamagitan ng kaniyang palad. Hindi naman iyon lumapat sa bibig ko pero sakto na para mapigilan akong magsalita dahil sa gulat. "My name is Emilia, nanay ako ni Blake. And I do appreciate kung pagkarating nalang natin sa mansion ko tayo mag-uusap." Malay ko ba naman, hindi naman ako ang nagtanong.

Itinikom ko na lang ang bibig ko pero nagulat ako nang bigla siyang magsalita ulit. "Hindi mo ba sasabihin ang pangalan mo? Sinabi ko ang pangalan ko, isn't it too rude dahil pinaghintay mo ako sa sagot mo?"

Napahilot nalang ako ng ilong ko. Akala ko ba hindi muna kami mag-uusap? Ba't ang bilis naman ata ng mga pangyayari na pati ako ay hindi na makahabol?

Sino ang kasama ko? Si Emilia, nanay ni Blake.

Anong ginagawa ko dito? Ibinilin ako ng tatay ni Blake sa nanay ni Blake.

Saang kami papunta? Sa mansyon ng mga magulang niya.

Saan si Blake? May ginagawang kung anong bagay kasama ang Dad niya.

Anong ugali ng nanay ni Blake? Parang nangangain ng tao.

"My name is Lany Shane Cordova po." Blake! Samahan mo ako rito. Nakakatakot ang Mom mo.

Mabuti nalang at tinanguan lang ako nito. Itinikom ko lang ang bibig ko at sa hindi inaasahan naipikit ko ang mga mata ko hanggang sa makatulog ako sa sasakyan.

AS1: AFFECTED GUN
ALL RIGHTS RESERVED
©2021

@FORTYUNEYT

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro