Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 4

Chapter 4: Adobo

LALA'S POINT OF VIEW

NAPAKURAP ako nang may sumalubong ng yakap kay Pulis Patrick. Isang babaeng nakasuot ng mabulaklak na kulay puting mahabang bistida at hula ko isang magandang nilalang ang yumakap sa kaniya. Siyempre seksi rin.

Ramdam ko kasi kapag may kauri ako na nasa malapit.

Hinalikan ng babaeng maganda ang pisngi ni Pulis Patrick at nagpasakop na sila sa kanilang pinagsamang mundo—na hindi ako kasali. Malamang.

Ganiyan nila ka-miss ang isa't-isa, wow ha.

"I'm glad you're finally here." Opo, ang ganda ng boses ni Miss. Iyong parang boses ng mga ibon na kumakanta pagkagising sa umaga. Nakaka-relax.

Full package si Miss, 11 out of 10.

"Siyempre naman. Alangan namang paghintayin pa kita. You might throw me outside of the room to sleep on the couch." Kaagad na ipinakita ni Pulis Patrick sa magandang babae ang supot ng mga donuts na itinago nito kanina sa kaniyang likod.

Naku! Ang init-init na rito sa labas, mabuti sila at nasa may pinto na, ako naiwan dito sa harap ng bahay nila. Hindi ko na inabala pa ang sarili sa pakikinig sa kanila at itinuon ang atensiyon sa araw. Masyado pang matagal bago ito lumubog kaya mainit pa sa balat. Tantiya ko nasa alas dos hanggang alas tres ngayon.

Pinaypayan ko ang mukha ko. Bakit kasi hindi nalang niya ako pinaiwan sa kotse? Bakit pinalabas pa ako? May aircon sa loob e, mas gusto ko roon. Ilang oras pa ba ako tatayo rito?

Nauuhaw na rin ako at inaantok. Pawisan na rin at sumasakit ang likod ko. Sana talaga pinatulog nalang ulit ako sa loob ng kotse kaysa pinatayo rito sa labas kung hindi naman pala ako makakasilong.

Puro ako puna kahit wala naman akong karapatang magreklamo. Sino ba ang dapat mag-adjust, ang kriminal o ang pulis?

Pero babaliin ko na lang siguro ang pinag-usapan namin ng pulis na 'to kahit hindi naman ako binigyan ng choice. Nangangamoy hindi totoo e, ayon sa kutob ko. Hindi na ako matatakot pa sa mga banta niya. Kapag nagtagal pa at hindi talaga nila ako bibigyan ng pansin, tatakbo na ako paalis dito.

Aba, sinayang lang ang mahal kong oras. Nasa Hawaii na sana ako kasama ang mga dreamgirls ko kung hindi pa niya ako ginising at 'hinuli'. Letchugas na kwintas na iyan.

Bibilang na ako.

Isa...

Dalawa...

Natigilian ako sa pagpaypay sa mukha ko nang napalingon ang babaeng kausap niya sa aking gwapong mukha. Mabuti naman!

Hindi yata natiis ang malakas na sex appeal ko.

Napakaganda niya! Kahit medyo malayo siya sa akin ay hindi maipagkakailang napakalakas ng alindog ni Miss. This is what I expect sa mga city girls. Iyan ang katarungan! Ang kinis-kinis, maalon ang kulay brown na buhok, at maliit na hugis-pusong mukha ngunit bagay sa kaniya.

Teka? Mas uminit ang panahon, 'no?

Baka kapatid ito ni Pulis Patrick, pakikiusapan ko siya na popormahan ko itong si Miss Ganda. Nagbabakasakaling bigyan ako ng pahintulot ni Kuya Henry? O Kuya Blake?

Delusyon!

Kaagad na iniangat ko ang kaliwa kong paa at hinanda ang sarili. Tatawirin ko na ang pagitan namin ng future girlfriend ko. Proud naman ako sa looks ko kahit sira ang tsinelas ko at mahapdi ang sugat ko sa paa.

Okay lang naman mag-jowang muli dahil hindi na naman ako babalik pa sa Baryo.

"Babe? Who is he? Pulubi ba?" Tila natapunan ako ng isang mabantot na itlog sa mukha sa aking narinig mula kay Miss. Mas nagusot pa ang kanina pa nagusot kong mukha.

First time na nagkatipo ako ng isang babaeng taken na. Doon sa Baryo Sigasig, ako lang ang may itsurang binata kaya halos sila na ang lumalapit.

Iyong boses niya, heaven. Ang unfair naman ng buhay. Doon sa Baryo, mga normal lang ang mga pagmumukha ng mga tao roon, tamang nakaligo lang at mukha namang tao. Akala ko pa naman na mas maganda pa ang jowa ko sa jowa nitong pulis na ito.

Ngunit teka, TEKA. Pulubi?! How come? How can you tell? How dare you? How far I'll go...

Este kahit ganiyan siya kaganda e, wala siyang karapatang maging judgemental. Sa kapogian kong 'to, natawag lang na isang pulubi?! Nakita niya ba na nakalahad 'tong kamay ko? Masyado akong nasaktan, lungkot ang nararamdaman. Paano na ako, paano na ang pag-ibig ko?

Tan*ina, napapakanta ako dahil natapakan ang pride ko.

Nagpalusot si Pulis Patrick dahil ilang minuto akong naspeechless, "Ah, siya si Lala. Tinulungan kasi ako ng isang matanda noong na-flat ang gulong ko habang nandoon ako sa Baryo at bilang pagtanggap niya ng pasasalamat ko ay hiningi niyang kapalit na bigyan ko raw 'tong apo niya ng trabaho. That's why he's here, he'll be our manservant. Kapag nakalabas na tayo sa bansa for our honeymoon, siya ang magpapanatili ng kalinisan, ayos nitong ating bahay, and for security purposes..." Tinapunan pa ako nito ng nang-uutos na tingin kaya napatango ako nang wala sa oras.

Oo nga naman, alam ng isang magnanakaw kung ano ang mga kilos ng kapwa niya magnanakaw. Galing magplano ah.

Walang samaan ng loob.

Nilingon ako ni Pulis Patrick at ipinakilala ang future bride niya sa akin, "... Lala, this is Paine, my fiancee." Nang-iinggit pa. Oo na, kinain ko na ang sinabi ko kanina. H'wag mo nang ipamukha pa sa akin na nakabingwit ka ng anghel. Napakuyom ang mga kamao ko.

Napakaswerte mo. Pero turn-off pa rin 'yang jowa mo sa akin ng 5%.

Napatango na lang ako ng wala sa loob. "Hello, Ma'am," nginitian ko siya ng business smile ko para professional. Ipinahid ko na rin sa aking damit ang aking kamay at saka kumaway sa kaniya.

Nagpatuloy ako, "sana ingatan niyo po ako. Promise po wala akong gagawing makakaabala sa inyo. Gagawin ko ang lahat ng makakaya ko upang hindi mabalewala ang oportunidad na makapagtrabaho ako nang maayos." Mabuti na lang at ngumiti lang si Ma'am Paine nang tipid dahil kung nagsalita siya ay baka latigohin ako ng mala-anghel niyang boses, makasalanan pa naman ako.

Ang kaso, hindi siya kumaway bilang tugon kaya parang napahiyang itinago ko ang kamay ko sa aking bulsa na parang walang nangyari. Nagmamagandang-loob lang naman ako pero ayaw niya.

Iyon pala ang gusto niyang ipagawa sa akin. Ah, okay lang kaysa naman mabulok sa kulungan. Kahit walang kasiguraduhang hindi niya ako idederetso sa kulungan kinabukasan ay guminhawa ang pakiramdam ko.

May ibinigay siyang marangal na trabaho sa akin!

Balik ulit kay Ma'am. Ang ganda talaga niya. Parang hindi ko ma-reach. Magplano kaya akong ahasin siya tutal ikakasal pa lang naman sila?

Iyon nga lang ma-attitude siya.

Ibinaling ni Ma'am Paine ang atensiyon kay Pulis Patrick. "How about we order something for dessert? Can you select something na magandang kainin after ng adobong paborito mo?"

Makalipas ang ilang minuto, kumunot ang noo ko. Hindi pa rin nila ako sinisenyasang pumasok, nagpatuloy lang sila sa pag-uusap. Masusunog na ako rito!

"Ikaw na ang bahala. Anything is fine as long as gusto ng Babe ko. Just order anything you want for yourself. Basta sa akin, 'yung hindi masyadong matamis." Bakit o-order pa ng dessert 'tong mga 'to e, may donuts na? Wow ha, nagtatapon ng pera.

Napahilot ako ng ilong na pawisan na, hindi... ang buong katawan ko ay pawisan na.

Batuhin ko kayo riyan e!

***
PINAKITA sa akin ni Sir Henry sa akin ang maid's quarter na para sana sa mga maids, siyempre maid's quarter nga, 'di ba? Oo, tama kayo ng nabasa, S.I.R. H.E.N.R.Y. nga. Iyan kasi pinapatawag niya sa kaniya tas pemanent nang Ma'am Paine sa jowa niya. Feel na feel niya kaya ito, inalipin na talaga ako nang tuluyan.

Siyempre, dapat masanay akong tinatawag silang Sir at Ma'am kung gusto kong hindi na muling bumalik pa sa Baryo Sigasig. May atraso naman masi ako kay Sir. Napakaswerte ko na nga sa lagay na 'to. Kung sakali mang hindi magiging maayos ang pagtrato nila sa akin ay atleast marangal na ang trabahong pinasukan ko at may kinikita akong pinaghirapan ko talaga.

Kaya kong magtiis upang maalis sa sistema ko ang pagiging magnanakaw.

Hindi sa sinasabi kong ganoon nalang kadali na mawala ang mabigat na kasalanang parati kong ginagawa noon. Nagsisisi na talaga ako at araw-araw ay gusto kong ilatigo na ako, ipakulong o parusahan ng kamatayan ngunit hindi ko pa araw ngayon. Kung sakali mang karmahin ako, sana sa araw na nakita ko na ang mga magulang ko. Kapag ganiyan, mapapayapa ang kaluluwa ko.

Lalo na kapag marami na akong nagawang mga kabutihan.

Nasa ground floor ang maid's quarter at nasa second floor naman ang mga kwarto nila. At sa napakabuting palad, may kaniya-kaniyang mga comfort rooms ang mga kwarto pati na sa maid's quarter kaya ayun, nagkikislapan ang mga mata ko.

Sa wakas, makakaligo na rin ako araw-araw. Mabuti na lang at dito ako idineretso ni Pulis... Sir Henry.

Siyempre sa maid's quarter ako matutulog at maliligo. Ang kapal naman ng mukha ko kung matutulog ako sa bakanteng kwarto na nasa gilid ng maid's quarter. Hindi naman ako bisita.

Hindi ako bisita. Isa man akong palamunin, pagtatatrabahuan ko naman ang kakainin at renta ko rito. Mabuti nalang talaga at stay in ako dahil kung hindi ay maghahanap pa ako ng ibang puno ng mangga na tutulogan.

Ipinakita ni Sir Henry ang mga lugar, bagay o kahit ano mang sabihin niya na linisin ko dahil nga nang-aalipin siya. Mabuti na lang at sanay na ako sa mabibigat na trabaho dahil sa dati kong trabaho kay Boss Popi.

Kahit kasulok-sulokan pa iyan, lilinisin ko!

May mga hinabilin siyang mga kung ano-ano kaya napahingi ako ng papel at ballpen. Meron pa silang alagang isda at hindi ganoon karaming mga tanim sa likuran ng bahay, alagaan ko rin daw.

Akalain mo iyon, umabot pa ng gabi ang mga babala at paalala niya habang si Ma'am Paine ay tahimik lang na nakikinig o 'di kaya'y nasa kwarto nila sa itaas. Sana naman gayahin ni Sir Henry ang ganiyang ugali para hindi siya mapaos kakaputak.

Ang ganiyan kaayos na boses inaalagaan, Sir, hindi ginagawang manok ang bibig na putak nang putak. Sayang iyan. Pang-'the voice' ang ganiyan kalalim na boses.

Ganito pala kapag namasukan ka bilang kasambahay, maraming mga utos at mga ipinagbabawal. Stressed na ako at pagod na pagod na ang mga tenga't mga kamay ko kakatake-note. Grabe rin si Sir makabawal, winarningan pa ako na lagot daw ako 'pag malaman niyang may isang gamit man lang ang nawala rito. Kahit na-misplace lang daw na gamit, puputulin niya kaagad ang kalayaan ko.

Pagsapit ng alas otso ay ininit na lang ni Ma'am Paine ang adobong niluto niya raw kanina which is favorite raw ni Sir Henry. Sa kabutihang palad ay kasali ako sa makakakain noong adobo ni Ma'am. Gusto kong matikman ang adobo ni Ma'am!

For sure, masarap iyan!

Gusto kong malaman kung anong pakulo ang ginawa niya kaya ganito ka-excited ang mukha ng taong nakaupo na ngayon kaharap ang mahabang mesa. Favorite nga talaga ni Sir Henry ang adobo kaya ganiyan siya kung umasta.

Pati ako nae-excite na rin sa kung ano mang magiging lasa ng adobo ni Ma'am. 'Pag nasarapan ako, full package na talaga si Ma'am. Hahanap ako ng replica niya rito sa siyudad.

Naghintay lang ako sa likod nila at baka may iuutos e. Pwede akong taga-buhos ng tubig sa baso nila o 'di kaya'y tagapulot ng kutsara o tinidor na nahulog nila. Basta kahit anong iuutos nila sa akin, gagawin ko.

Siyempre kinareer ko ang pagiging manservant. Mabuti nga rito, nabubuhay ako dahil pinagtrabahuan ko at hindi ako nagnanakaw para makakain.

Hays. Ang sarap sa pakiramdam na nakalayo na ako sa pagiging makasalanan.

Napunta ang atensiyon ko sa mainit-init na mangkok na siyang lalagyan ng adobong init ni Ma'am. Dahil medyo malayo ang distansya ko sa kanila ay lumapit ako kaunti.

Titingin lang at mang-uusisa ng isang segundo.

Pero hininaan ko ang tunog ng mga yapak ko para hindi ko magambala ang pagkain nila. Siyempre, babalik kaagad ako sa dati kong pwesto kanina pagkatapos kong mang-usisa.

Pero nagulat kaming dalawa nang biglang magsalita si Ma'am Paine sa sandaling lumapit ako sa mga upuan nila upang sumikip saglit. "Can you stay away from me for a bit of time? Or atleast after Babe and I finished eating? Medyo mainit kasi ang panahon ngayon."

Mainit daw e, ang lakas ng aircon sa buong bahay. Nilalamig na nga ako.

Ganito ba ang mga mayayaman? Naiinitan kahit parang isinilid na kami sa ref? O ako lang iyon dahil hindi ako sanay?

"Pasensiya na Ma'am."

Nagtagpo ang mga mata namin ni Sir Henry at tila tinatanong kung bakit nagsalita ng ganoon si Ma'am. Sinabihan ko rin siya na wala akong alam sa pamamagitan ng paggalaw ko ng balikat ko.

Baka nga may nagawa akong nakapag-irita kay Ma'am nang hindi ko namamalayan.

Sinenyasan ako ni Sir na sumunod na lang. Nakakunot ang noo ni Sir at mukhang may gumugulo sa kaniyang isipan. Siyempre, sinunod ko na lang iyong utos niya dahil una sa lahat, iyon talaga ang plano ko.

Confirmed.

May kakaiba ngang kinikilos 'tong si Ma'am Paine. O baka naman bad mood at masyado ko lang siniseryoso. O baka nireregla? 'Di naman ako makasali dahil—echos labas ako sa issue nila.

Naghintay na lang ako na matapos sila sa malayo. Lumayo ako ng ilang metro. At dahil nandito ako sa kanan at dito ang direksyon papunta sa lababo ay tumayo silang dalawa patungo sa akin.

Tingnan mo ang 'di maipintang mukha ni Ma'am Paine.

Hindi na ako nag-abalang kuhanin ang mga plato pagkatapos nilang kumain kasi baka sabihan muli ako na nagpapainit ng dining area. At siyempre sinenyasan ako ni Sir na h'wag na lumapit.

Niyuko ko lang ang ulo ko bilang paghingi ng tawad. Dumistansiya rin ako ng kaunti para bigyan sila ng malaking daan.

Nang papunta na si Ma'am Paine sa direksiyon ko ay nagulat na naman ako nang banggain ako ni Ma'am sa balikat. Mahina lang naman iyon na kung titignan sa malayo ay normal lang na pangyayari. Malaki ang daan papunta roon sa lababo pero bakit nagpumilit pa siyang dumaan sa kung saan ako eksaktong nakatayo?

Kahit na alam kong sinadya iyon ni Ma'am ay hindi ako umangal at parang normal lang na naglakad patungo sa mesa.

Baka naman dahil mabaho ako kanina? O hindi niya gustong may iba sa bahay nila dahil limitado lang ang pagmamahalan nila? O baka naman napapangitan si Ma'am sa akin?

Ewan ko kay Ma'am. Ang gulo, wala akong alam sa mood swings ng mga babae.

Napag-alaman kong malapit na pala ang araw ng kanilang kasal. Sa nalalapit na linggo na pala, April 6, which is 3 days from now na.

Kaya siguro nandoon itong si Sir sa Baryo namin dahil bumili siya ng mga alak para sa gaganaping kasal niya na ipinapasalamat ko dahil mukhang magiging maginhawa ang buhay ko rito.

Hinugasan ko nalang iyong mga pinagkainan nila Ma'am at Sir dahil pumanhik na ang dalawa sa itaas. Baka kapag one year na ako rito, mabibigyan ako ng award na pinakamahusay na alila sa buong mundo.

Kakayanin ko! Gagawin ko ang lahat upang hindi na ako muling makabalik pa sa pagnanakaw.

Basta ba makuha ko ang loob ni Ma'am Paine. Mahirap din kasing magtiwala sa taong bigla nalang susulpot sa harapan mo at malalaman mo na magta-trabaho pala sa bahay mo. Masyado sigurong mabilis ang mga pangyayari para kay Ma'am kaya ganoong ang reaksiyon na ipinapakita nito.

Sinimulan kong obserbahan ang niluto ni Ma'am Paine. Baka may sebo e, joke lang. Ang ganda ng mangkok ah, spiderman, biro lang ulit. Bulaklak na naman.

"Ang hilig naman nila sa flowers," hindi ko napigilang punain.

Bigla akong napahinto sa pagmo-monologue nang makasagap ang matangos kong ilong ng isang napakapamilyar na amoy. Kinuha ko ang mangkok at inilapit sa ilong ko para makasigurado. Okay lang naman na maging aso dahil wala na namang tao rito sa ibaba. O baka naman may CCTV?

Dahan-dahan at parang bumagal ang pag-ikot ng oras habang papalapit nang papalapit ang mukha ko sa mangkok. Papalakas rin nang palakas ang pintig ng puso ko nang mapagtantong hindi nga nagkamali ang ilong ko kani-kanina lang.

Kailangan kong makasigurado kaya kumain pa ako ng isang piraso. Kailangan ko ng mas mabigat na ebidensiya.

Kaya ayun, dahan-dahan ko ring kinuha ang kutsara at pinuno ito ng sabaw. Nanlaki nang mas malaki pa sa normal, malamang, ang mga mata ko nang malasahan ang secret ingredient na sa adobo lamang ni Boss Popi malalasahan.

Kalasa at kaamoy ng adobong ito ang adobo ng kilala kong karenderya!

Pagkaraan ng sandali ay bumalik sa pagiging kalmado ang mukha ko. Napagtanto ko na ang kapal naman ng mukha kong kumain nang libre ta's may karapatan pa kong magreklamo.

'Di ko na lang siguro palalakihin pa itong issue na 'to kung gusto ko nang matiwasay na buhay sa loob ng bahay na ito. Baka kinabukasan ay ipa-hit and run pa ako ni Ma'am kapag nakialam ako sa plano niya.

Inuulit ko, gusto ko pa 'silang' makita kaya hindi pa ito ang oras kong mamatay.

Tahimik kong isinubong muli ang napakapamilyar na adobo. Pagkatapos ay tahimik ko ring hinugasan ang pinagkainan ko bago inantay silang bumaba dahil tatanungin ko Sir Henry kung saang banda ang sisimulan kong linisan ngayon.

Hindi kasi maaaring pangunahan sila at baka kapag may nawawalang bagay ay ako pa ang magiging suspek. Main suspect pa.

Alangan namang akusahin ang mga isda na nasa gilid ko kung may mawala mang bagay rito.

Kakatapos lang ng isang oras ko rito sa ibaba nang makarinig ako ng mga yapak na pababa sa hagdan. Huminga ako nang malalim at sinalubong sila gamit lang ang tingin. Siyempre, dumistansiya ako sa hagdan dahil itinatak ko sa sarili kong baka bad mood nga talaga si Ma'am ngayon.

"Babe, the agency called me a while ago. May gaganapin daw na photoshoot ngayon. Kailangan ng replacement model immediately." Nagta-trabaho pala si Ma'am Paine sa isang modeling agency? Ngayon ko lang nalaman.

Malamang! Alangan namang i-inform niya pa ako.

"Hmm, tapos? Bakit ka raw tinawagan?" Tanong ni Sir Henry na nakatuon ang atensiyon sa hagdanan. Pababa na silang dalawa.

"Urgent na urgent, Babe. Naaksidente kasi ang isa naming kasama, so need ng replacement. Kahit on leave ako ay ako lang daw ang pinakasuitable na replacement."

Ngumiti si Sir Henry, "Okay lang naman sa akin pero it depends on you pa rin, Babe. Do you want to go?" Gandang ngiti sir ah.

"I want to help, Babe. I can't afford na maging unsuccessful ang photoshoot. Masiyado nang marami ang panahon na nasayang, so I really want to help them. They need me, Babe."

Tumango si Sir Henry, "Go ahead. Basta ako, I'm super proud of you, babe. You'll become a supermodel with a big heart in the future."

Anghel nga.

"Don't you dare praise me too much, babe. Lalaki ang ulo ko. Baka hindi mo na ako mabuhat kapag napuno na ng hangin ang utak ko. Sige ka."

"That's my babe. Napakaselfless mo talaga. That's why I love you so much. Sorry dahil ako pa ang naging fiance mo. Baka mamaya niyan magkasakit ka dahil puro kapakanan ng iba ang inaalala mo. Atsaka kahit ilang milyong kilo ka pa, I'll always put you on your seat and will even lift the chair that you're sitting on, just to make sure you're comfortable. Ang oras lang na hindi kita kayang buhatin ay kapag uugod-ugod na ako, take note of that." Pina-ikot ko ang mga mata ko. Ang cheesy. Baduy! Laos! Old-fashioned!

Oo na, inggetero talaga ako.

Nakaupo ako ngayon sa sofa nila sa living room, hinihintay na maging available si Sir. Atsaka hindi ko kasi alam kung saan ako uupo. Dito nalang siguro sa sofa para malayo sa kanila.

Ngunit nagulat ang nakarelax kong katawanag dahil umupo sa tabi ko si Sir Henry. Tatayo sana ako kaso sinenyasan niya akong maupo lang. Gusto pang ipamukha sa akin na sweet talaga siyang tao.

Tinapik niya pa ang balikat ko at nag-thumbs up. Naiilang na ngumiti ako. Ang feeling close niya.

Kinuha niya ang kaniyang cellphone at may tinawagan habang ako ay pinapakiramdam lang ang gagawin niya. Medyo usisero talaga ako.

Habang nagriring pa ang cellphone niya ay tinanong niya pa ako, "Okay lang ba ang trabaho mo, Lala?"

Malaki ang ngiti ko siyang hinarap, "Aba, siyempre! Ang gaan lang ng trabaho, Sir Henry. Ni hindi nga ako pinagpawisan." Nakatitig lang siya sa mukha ko nang ilang saglit bago sumilip ang mapuputi niyang mga ngipin. Ibinaling na niya ang atensiyon niya sa cellphone niya.

Nagulat ako dahil biglang nagsalita si Sir sa tabi ko matapos may sumagot sa tawag niya, "W-What?! L-Lolo?!" Nanginginig ang boses ni Sir Henry habang kinakausap ang kaniyang cellphone. Hindi ko man lang siya malingon kahit gustong-gusto ko nang makibalita. Okay na 'tong nasa malapit at nakikinig.

Ilang beses ba dapat sa isang araw pwede magulat ang isang tao?

"Lolo passed away?! This can't be happening. Ang sigla-sigla niya pa kahapon ah. If you're kidding, drop it now, Mom. Hindi ka nakakatuwa." Ngayon ay dahil nakayuko lang ako ay kitang-kita ko ang pagkuyom ng mga kamao ni Sir at ang pagpatak ng mga luha patungo sa kulay asul nitong shorts.

Hindi ko alam kung bakit pero habang nakikita ko sa gilid ng mga mata ko ang kaniyang reaksiyon ay tila may bahagi ng utak ko na inuutusan akong daluhan ni Sir Henry at pagaanin ang loob niya.

Hindi ko mapigilang makaramdam ng simpatiya para sa kaniya. Mahirap mawalan ng mahal sa buhay.

Itinaas ko ang aking kamay at akmang lilingonin siya kaso dinaluhan agad siya ni Ma'am Paine. Nasa kusina pala siya kanina dahil may dala-dala siyang isang slice ng cake na nakita ko sa loob ng malaking ref doon.

Akala ko ba may urgent business siya? Ba't may panahon pang magcake?

Inilagay niya muna sa mesa ang sala niyang plato bago niya niyakap ang kaniyang nobyo at nagsalita, "You'll be okay, Babe. I'm here, I will never leave you, so hush." 'Di pa nakontento si Ma'am Paine at pinatakan pa ng halik ang labi ni Sir Henry.

Ayon, nagmukha akong sandwich dahil naiipit ako sa kanilang dalawa.

"Wala na si Lolo, Babe. Wala na si Lolo!"

Nagmumukhang isang batang namatayan ng alaga si Sir. Kung ang nobyo mo ba naman ay nagkaganiyan, siyempre bibigyan mo talaga ng effort na mapagaan ang kaniyang pakiramdam. Ang kaniyang nakaayos na buhok kanina ay nagkagulo-gulo na. Mapula rin ang kaniyang matangos na ilong at mga mata.

Tila may kung anong mabigat na bagay ang dumagan sa akin habang tinitignan si Sir.

Ibinalik ko ang atensiyon ko sa aking kamay na nakataas sa ere. Hindi ko alam kung bakit bigla itong gumalaw nang mag-isa. Naaawa lang siguro ako, pati na rin ang mga kamay ko.

Isinawalang-bahala ko nalang iyon at tumayo. Pupunta na lang siguro ako sa itaas at wawalisan ang sahig doon dahil hindi naman ako kasali sa mga nangyayari sa kanila pero siyempre wala akong planong magnakaw ng mga mamahaling vase isinearch ko kanina na tig-50k ang isa na nasa gilid ng mga pinto.

Iwanan ko muna sila riyan.

Humingi ako ng pahintulot na umalis mula sa kanilang dalawa. Kailangan nila ng privacy at nirerespeto ko iyon. Hindi ako isang useserong wala sa lugar.

***
PAGSAPIT ng linggo ay tila karamay na rin ako sa dalamhating nararamdaman nila Sir Henry. Nakakalungkot nga eh. Dahil sa hindi inaasahang pangyayari ay napostpone ang kasal sana nila Ma'am at Sir ngayon.

Nakakalungkot talaga, pramis.

Nagpunta rin iyong wedding planner ng kanilang kasal kahapon para raw sabihin na ready na ang venue para sa nalalapit na kasal kaso hindi pa nga ito nakakatapak sa loob ng bahay ay inutusan na ako ni Sir na sabihan ito na tatawagan niya nalang daw ito.

Pati ako hindi nakatulog habang iniisip ang posibilidad na baka wala na talaga akong mga magulang, na kagaya ng Lolo ni Sir Henry ay nasa heaven na. Napakalaki nang mundo at napakabilis lang ng pagtakbo ng oras. Walang may alam sa araw ng sarili at ng ibang kamatayan.

Umuwi si Sir kahapon. Minsan dito siya natutulog, pero kadalasan doon talaga sa bahay ng mga magulang niya. Kumukuha siya ng damit dito, nangungumusta siya kay Ma'am Paine, at tinatanong kung ano ang mga kailangan nitong bilhin na mga gamit.

Ang gastos kasi ni Ma'am. Napakarami niyang signature clothes at bags.

Nakakalungkot na marinig ang iyak ni Ma'am kahapon, pati ako ay napapaluha. Ang bigat pa nga atmosphere kahapon. Tiyak akong mas mabigat ngayong araw, lalo na't ngayon sana ang petsa ng kasal nila Sir at Ma'am.

First time ngayon na mag-almusal ni Sir Henry kasama si Ma'am Paine after two consecutive days na roon nag-aalmusal sa bahay ng Lolo niya. Tumawag kasi si Sir kanina na uuwi siya.

Parating nandoon si Sir sa bahay ng Lolo niya kaya ang umuuwi lang dito galing sa trabaho ay si Ma'am. Kasi nga nag-sub siya sa isa niya kapwa model. Sa mga nagdaang araw, parating mainit ang ulo ni Ma'am Paine na taliwas sa ugali niya kapag nandito si Sir. Hindi man siya nagsasalita ay nagdadabog naman siya sa itaas.

Parati nga akong nagugulat habang naglilinis eh.

Pero hindi pa rin naman nakaligtaan ni Sir Henry na magbigay ng sweldo. Nagsi-sweldo siya kung kelan niya gusto. Napakabuti niyang amo kaya dapat maging mabuting alila rin ako. Mas pagbubutihin ko ang pag-aalaga ng bahay nila pati na rin kay Ma'am kahit 'di niya feel ang effort ko.

"I'm home!" Ayun oh, pagkarinig na pagkarinig ni Ma'am sa boses ni Sir ay pinasadahan niya agad ng palad ang kaniyang damit at buhok at ang kaninang galit na mukha ay napalitan ng malambot na ekspresiyon at nakangiting mukha.

Baka may bipolar disorder itong si Ma'am. Katakot naman ni Ma'am, ah. Baka rito pa ako mamatay dahil parating wala si Sir Henry, h'wag naman.

So ayun, nag-aalmusal sila. 'Di naman ako makasali kasi puro cereal sila, 'di naman nakakabusog. Magluluto nga sana ako kaso hindi naman ako pinayagan ni Ma'am.

"Sige, Sir, maiwan ko muna kayo." Nag-angat ng tingin si Sir at sa inaasahan ay sumakit na naman ang isang parte ng dibdib ko dahil sa malungkot at miserable niyang mga mata. Nakakaawa kasi.

Iniwas ko kaagad ang tingin ko pagkatapos niyang itaas-baba nang sabay ang dalawang kilay niya. Nakakalungkot talaga ang pangyayaring 'to. Talagang nangyari pa 'to makalipas ng ilang araw kong paninilbihan dito.

Kumuha ako ng mop at sinimulan ang aking nakakalungkot na trabaho. Grabe, ang dumi ng sahig sa malapit sa basurahan. Hindi ko pa kasi nabibisita 'tong likuran. Doon sa makikita lang ni Ma'am at Sir ang nilinisan ko nang maayos. Ngayon ko palang naalala na may likuran pa pala.

Sa totoo niyan, wala talaga akong kwentang katulong.

Ipinagpatuloy ko lang ang marangal kong trabaho nang may nakakuha ng atensiyon ko. Nakakita ako ng isang malaking paper bag na katulad ng paper bag ng isang karenderyang paborito ko noong nag-aaral pa ako rito sa siyudad, nakakalat ito sa ilalim ng washing machine.

Baka naman coincidence lang.

Nagulat ako dahil pag-angat ko ng paper bag ay naroroon ang mga styrofoam boxes na may malaking itim na logo ng karenderyang paborito ko. Ang laman noon ay ang mga tira-tira ng... eksaktong adobong kinain namin last three days ago. Mukhang matagal na 'tong ibang mga styrofoam boxes, iba na ang amoy at kulay eh. Rolly's. Ang karenderya ni Boss Popi. Tama nga ang hula ko!

Ang gulo naman ng bahay na ito.

AS1: AFFECTED GUN
ALL RIGHTS RESERVED
©2021

@FORTYUNEYT

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro