Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 39 (2)

Happy 821 followers!

***
Chapter 39: PART 2

LALA'S POINT OF VIEW

"HELLO. Hello. Si Lalaine Del Mundo Cordova 'to..." Napakurap ako nang maramdaman kong tinutusok ng aking talukap ang aking kaliwang mata. Nagsisi ako sa ginawa kong pagkurap dahil dumiin lang ang duming 'yon sa mata ko. Itinaas ko ang kamay ko at kinusot ang aking mga mata.

"She really looks like you este you really look like her, Lala." Hindi na ako nagulat sa narinig ko mula kay Mahal. Iyon naman ang parating bukambibig ng mga taong kilala ako at kilala si Lalaine.

"Ah. Paano ba ito i-focus? Ayan! Ayan! Klaro na siguro." Kinusot ko pa nang kinusot ang kaliwang mata ko. Okay lang na wala ang mata ko sa TV, basta nakikinig pa rin ako.

"Lalaine must've bought that camera she had used in recording noong iniwan ko siyang mag-isa sa grocery para magcheck ng mga shops." Ani Paine.

Ipinikit ko na lang ang dalawang mga mata ko para damayan ng isa 'tong isa. Sumuko na ako, malaki ata ang dumi na nakapasok sa mata ko. Nagtaka ako dahil biglang tumigil si Lalaine... o kung ano man ang dapat kong itawag sa babaeng nagsasalita.

Napuwing lang ako saglit, tapos na kaagad?

Ididilat ko na sana ang kanang mata ko kaso naramdaman ko ang paglaglag ng napakahabang buhok ni Sadako, hidden clip niya pala ang pinanood namin.

Echos.

May kamay kasing pilit na ibinubuka ang kaliwang mata ko na napuwing. Hindi ko na napigilan pang idilat ang dalawang mata nang sabay.

Napasinghap ako at halos maduling nang makita ang napakalapit na mukha ni Blake sa akin. Itinaas niya ang isa niya pang kamay at pinahiran ang kaunting tubig sa gilid ng mata ko. Naluha na pala ako.

Dug dug.

Napangiti ako sa tila normal nang reaksiyon ng puso ko. Nasanay na siguro ako.

Nagulat ako nang mas inilapit niya ang mukha niya. Kaagad na lumikot ang mga mata ko upang tignan kung may magiging saksi ba sa halikan na magaganap. Nanlaki ang mga mata ko nang makitang titig na titig si Ma'am este Paine sa amin.

Balak ko sanang itulak si Blake kaso nakaramdam ako ng mainit na hangin sa mata ko. Hinipan lang pala, akala ko kung ano na.

Nakakahiya.

***
"AH, paano ko ba sisimulan? I woke up at a hospital with no memories at all. Then, all of a sudden, a man named Pace Haltado approached me. Hindi ko alam kung maniniwala ba ako na matalik ko talaga siyang kaibigan kagaya ng sabi niya. I don't know why pero I can't speak too na dumagdag sa kahulugan ng isip ko. Gusto ko mang sabihin na hindi ko gustong sumama sa kaniya ay pagtunganga lang ang naiambag ko. I decided to follow him, which leads us to a house. After few days of staying here, ngayon palang ako nakapagsalita. Itinago ko iyon kay Pace at sa anak niyang si Paine dahil hindi ko pa rin makuha ang sarili kong pagkatiwalaan sila." Umubo si Lalaine.

Bigla na lang ay may hawak na siyang suklay at bagong video na naman dahil hindi na gaano katabingi ang focus. "I forgot to say na itong ginamit kong camera ay binili ko gamit ang pera ni Pace. Medyo nakagaanan ko na rin siya ng loob dahil effort na effort siyang kausapin ako kahit hindi naman ako nagsasalita. Pero hindi ko pa rin pinaalam na nakapagsasalita na ako, nag-iingat pa rin ako. Then, this morning, I woke up because of a dream. I saw myself walking towards a crib. I heard myself calling someone using a very soft voice. Doon ko nakita sa panaginip sanggol pala ang tinawag nito. Lala is the name of the baby boy. Sa hindi mawaring dahilan ay bigla akong napaiyak nang kumilos ang mga kamay ko may kinuhang kung ano sa loob ng damit ko. Napagtanto kong nakasuot pala ako ng kwintas na may salitang 'aine' na ginawang pendant. I find it not strange kasi Lalaine naman daw 'yong pangalan ko ayon kay Pace."

Inilabas niya ang isang kwintas na kapareho ng kwintas na meron ako. Nag-zoom in na kasi. "Nang unang mahawakan ko ang kwintas, biglang pumasok sa isip ko ang hindi gaano kaklarong mga imahe. Nakikita ko sa memoryang iyon na ipina-adjust ko pala ang kwintas upang ibigay sa anak ko ang kalahati ng pangalan ko at nickname niya na rin which is 'Lala'. Napakasaya ko dahil isang alaala ang bumalik sa akin. I'm excited na malaman ang kabuohan ng pagkatao ko." Hindi ko mapigilang maging emosyonal. Pinaglaruan ko nalang ng sarili kong mga kamay habang nakatutok pa rin sa TV screen upang pigilan ang kagustuhang kumapit kay Blake. Hindi ko alam pero naiiyak ako!

Umiba na naman ang video. Bale compilation siguro 'to. Nakasuot na ngayon si Lalaine ng itim na itim na fitted t-shirt. Ang ganda ng hubog ng katawan. Inilapit niya ang camera sa bibig niya at bumulong, "Bumalik na ang mga ala-ala ko kahapon."

"Kinakailangan ko nang makaalis dito. My life's in danger. Nagsisisi akong sumunod pa ako kay Pace. Tatanggalin ko ang SD card nitong camera upang maging ebidensiya. Today, Paine will separate from his Dad, sa kaniya ko ibibigay ang lahat ng kinakailangan kong sabihin. Since papaubos na ang space nitong SD card ay ilalagay ko na sa notebook ko ang iba ko pang sasabihin. Stay tuned lang ha." Anong kabaliwan 'to? Stay tuned daw? Sira na yata sa ulo iyang nanay ko. Pabitin din siya masyado.

"May separate na video file pa rito, Lala. Are we going to play it?"

"Sige." Oo, naman. Sino namang tao ang gugustuhing ipagbukas ang ganito ka-exciting na plot. Bakit naman kasi hindi niya pa inilagay na lang ang lahat sa unang video? O 'di kaya nagsummarize siya. Grabe naman 'tong nanay ko.

Natahimik ang utak ko nang magsimula nang magplay ang video. Ano iyan? Bakit napakaraming tao sa paligid? Nakahilarang mga computers na lahat ay okupado na.

"She's in a fancy computer shop. I remembered, malapit lang iyan sa bahay namin. Clear glass ang isang dingding niyan, so it'll be easy to identify who are playing inside." Saad ni Paine na tinanguan ko.

Ha? Nagvi-video siya sa public? Ibang klase rin itong nanay ko.

Ngayon ay hindi nakatutok sa kaniya ang camera, naka-focus ito sa mga paa niya. "Joke lang 'yon kanina. Eto talaga ang last video ko. Ang gagawin ko ngayon ay bisitahin ang FB account ko. Naalala ko kasing marami akong napost doon. Gusto kong makita ang mukha ng asawa't anak ko. I really miss them."

Itinutok niya ang camera sa computer screen at nagtype ng password. Boses niya at ng mga taong nandoon ang maririnig namin. Number lang ang email niya. Ngunit bago pa niya mapindot ang salitang log-in ay may kung sinong tumawag sa kaniya mula sa likod.

"What are you doing here, Lalaine?"

"That's my dad's voice." Komento ni Paine.

Oo nga. Kaboses n'ong lalaking makausap namin kahapon.

"Hindi po ako si Lalaine. Lalaki po ako." Pinatigas ng nanay ko ang boses niya at mukhang epektibo naman.

"Oh. I'm sorry. I thought you were someone I know." Bigla nalang ay ipinokus ni Lalaine ang camera sa mukha niya. May bigote at naka-cap siyang itim and oo, hindi siya mukhang babae. Ang galing rin ng make-up skills.

"Kailangan ko nang bumalik sa bahay ng baliw na lalaking iyon. Kayo na lang ang mag-access nitong account ko. Ilalagay ko na rin sa notebook ang password ko. Kailangan kong unang makarating para hindi niya ako paghinalaan. Last video na talaga 'to."

Kaagad na ibinigay ni Paine ang maliit na notebook kay Blake. Binuklat iyon ni Blake. "Do I have to read it aloud? Or gusto mong ikaw muna ang bumasa, Lala."

"Basahin mo nalang nang malakas, Mahal." Ang tamad ko nang gumawa pa ng ibang kilos. Gusto ko na ngang humiga ngayon eh kaso napakadisrespectful lalo nang nandito si Paine.

"Sure thing."

"Bumalik ang mga ala-ala ko dahil sa isang nakakatakot na larawan. Habang naglilinis ako sa kwarto ni Pace ay doon ko nakita ang nakakadiring larawan ko na walang saplot. Pwedeng fanfiction lang iyon. Malay ko naman kung fan ko siya noon." Kadiri. Baliw nga talaga 'yang nanay ko.

"Ngunit nang ibahin ko ang pwesto ng maliit na cabinet upang linisan dahil maalikabok na ay nakita ko ang pinagsamang mga larawan ko. Collage iyon ng mga mukha ko na ginupit para magkorteng puso. Doon nagsimulang sumakit ang ulo ko. Hanggang sa may nakita akong pamilyar na baril. Bumalik sa akin ang isang eksenang tinutukan niya ng baril ang asawa kong si Gaele noong unang araw namin bilang mag-asawa. Baliw ang Pace na iyon. Hindi ko siya bestfriend, isa siyang baliw na stalker! Nagsimula ko siyang maramdaman noong unang pasok ko sa eskwelahan nila Gaele."

"Andaming kabaliwan ang ginawa niya sa akin. Pero natitigil iyon tuwing nagpapakita si Barry. Iyang si Barry, alam kong kinamumuhian niya ako. Ramdam na ramdam ko ang pagkadisgusto niya sa akin. Aware kasi akong may gusto siya kay Gaele. Balak ko naman na kapag nakatungtong ako sa tamang edad, magpapaalam na ako sa mga Cordova. Pasasalamatan ko sila sa tulong nila dahil iyon lang ang kaya kong gawin. Kaso isang araw, ipinagtapat ni Gaele na may gusto siya sa akin. At first, nagalit ako. I told him Barry has feelings for him pero ako raw talaga ang gusto niya. He's determined, kahit hindi ko pinayagan ang panliligaw niya sa akin ay ginawa niya pa rin." May mga parte na tumutugma sa sinabi noon ni Gar. Ibig sabihin ba noon, nagsasabi talaga siya ng totoo?

"Hindi naman mahirap magustuhan si Gaele. Napakaperpekto niya at oo, type ko na siya noon pa." Yak! Pahindi-hindi pa siya.

"Dahil sa biglaang pagsunod-sunod ni Gaele sa akin, himalang hindi ko na nakita ang stalker na iyon. Hindi ko na rin masyadong nakikita si Barry sa paligid-ligid. Kaya ganoon na lang ang gulat ko nang makita ko silang nag-uusap sa likod ng gym. Iniwan ko na lang sila. Mabuti naman at may iba nang paglalaanan ng interes ang stalker na iyon. Sana naman maging magkaibigan silang dalawa ni Barry at pagtuonan mila ang isa't-isa para wala nang gulo."

"Akala ko okay na pero noong araw pagkatapos ng kasal naming ni Gaele ay biglang sumulpot ang stalker na iyon na Pace pala ang pangalan. Tinakot niya kami at binalaang na gagawin niya raw na miserable ang buhay namin. Lumapit si Gaele kay Barry para mabigyan ng proteksiyon ang pamilya namin. Ayon, naging peaceful naman ang buhay namin pagkatapos ng ilang taon. I got pregnant and successfully delivered the baby. Lany Shane is the name of our first born." Napasinghap ako abang pinipigilang ipahalata kay Mahal na nahihirapan ako dahil sa mga narinig. Ito na ba ang history ng isang bata na ipinanganak na napakagwapo.

"Nang mag-dalawang buwan ang sanggol ay nagsuggest ang mga magulang ni Gaele na mag-enjoy raw muna kami at sila na lang daw ang bahala kay Lala. Ayaw sana namin ni Gaele kaso sumali na rin si Gabby, kapatid ni Gaele. Sabi niya tutulongan daw niya ang mga magulang niya na bantayan ang pamangkin niya."

Huminga nang malalim si Blake bago nagpatuloy sa pagbasa. Naawa na ako sa kaniya dahil mukhang haba ng mga binabasa niya. "Nang makasakay sa eroplano ay napaiyak kaming dalawa ni Gaele. First time naming mawalay sa pinakamamahal naming anak. Pero sinabihan ako ni Gaele na kalimutan muna daw natin ang ibang mga bagay. Enjoy-in muna daw namin ang trip namin, for sure pagkabalik namin, mawawalan na naman daw kami ng oras para matulog dahil kay Lala na sa madaling araw umiiyak." Hindi ko maintindihan pero natawa ako.

"Kinabukasan ay nasa eroplano pa rin kami. Hindi ko inakalang malayo pala ang pribadong islang iyon. Nagulat ako dahil biglang tumunog ang cellphone ko. Nakalimutan ko palang i-airplane mode. Kinuha iyon ni Gaele at binasa ang text. Nanigas siya sa kinauupuan bigla. Bigla niyang sinigawan ang dalawang piloto na bumalik daw kami sa bahay. Nagtaka ako kaya kinuha ko ang cellphone upang tingnan ang sanhi nang pagkataranta niya. Isang mensahe iyon na galing sa hindi rehistradong numero. Naalala ko ang nakagay doon ay:

My beloved Lalaine. Kamusta na. Akala mo ba tumigil na ako? Kahit ilang rosas pa na ibinigay ko sa iyo ang malanta, ang puso ko sa iyo pa rin nakatalaga.

Ang saya naman ng biyahe niyo, paano na iyong anak niyong naiwan? Wala nang saysay kung babalikan niyo pa siya sa bahay kung lahat kayo wala nang buhay. PAALAM. Kung hindi ka talaga para sa akin, edi hindi rin sila para sa 'yo.

-Pace

"Atsaka, 'Ma'am, sir! Hindi ko makontrol ang eroplano!' Iyon ang narinig ko sa pilot at ang huling ala-ala ko." Kung hindi ko pa nalasahan ang kaalatan ng luha ko ay hindi ko malalaman na umiiyak na pala ako.

"Itong notebook na ito ay naibigay ko kay Paine noong dumaan ako sa balkonahe ng apartment niya. Mabuti nalang at wala siya sa loob. Mabuti at nakataas ako sa tatay niya. Paine, hija. Hindi ko alam kung ano ang reaksiyon mo sa mga nababasa mo ngayon pero isa lang ang masasabi ko, nasa sa iyo na kung ibibigay mo itong lahat sa pulis o po-protektahan mo lang ang tatay mo. Ngayong nalaman kong patay na pala ang asawa't anak ko, maaari na akong sumunod sa kanila. Miss na miss ko na sila. Mag-iingat ka palagi, hija." Doon na ako napahagulgol. Ang tagal ko silang hinintay tapos malalaman kong wala na pala sila. Klaro namang nagpapaalam na si Lalaine. Napakatagal na nitong sulat, i-expect ko bang hindi niya itinuloy ang inilagay niya?

Tanging pag-iyak ko lang ang maririnig nila. Nakayuko ako habang ang kamay ni Blake ay nasa likod ko.

Ding dong!

Biglang tumunog ang doorbell. Pinahiran ko ang mga luha ko at sabay naming pinuntahan ang gate. Napasinghap si Paine at Blake bigla.

"Mom!" "Tita." Nanay 'to ni Blake. Patay! Mukhang may uhog pa siguro na nagkalat sa ilong ko.

"Hindi lang ako. Meron pa." Nakangiting saad ng ginang.

"How are you, my son? Matigas pa rin ba ang ulo mo? You have been a very bad son, nowadays. What are you up to?" Nanginig ang katawan ko, totoo ito. Totoong nasa harapan ko ang sinabi ni Gar na may sala. Hindi man pangalan niya ang nakalagay sa text na natanggap nila Lalaine ay maaaring kasali pa rin siya. Kasi kung hindi, bakit siya pagbibintangan ni Gar?

"Who do we have here?" Tinanguan ng tatay ni Blake si Paine bago ibinaling ang atensiyon sa akin.

"Why are you here, Lalaine? Bumalik ka na pala?" Ba't ganiyan ang tono ng tatay ni Blake? Sinasabi niya bang buhay pa ang nanay ko?

Ah. Hindi ko magawang ibuka ang bibig ko. Hindi ko na maramdaman ang mga binti ko. Sumasakit na ang ulo ko at pumipikit na ang nga mata ko hanggang sa tuluyan ko na ngang hindi na masabayan ang mga pangyayari.

Sige, mamaya na lang.

AS1: AFFECTED GUN
ALL RIGHTS RESERVED
©2021

@FORTYUNEYT

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro