Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 39 (1)

Chapter 39: PART 1

PAINE'S POINT OF VIEW

"BEFORE anything else, Lala, Blake, gusto kong dalhin niyo ako sa bahay niyo at ipagpatuloy ang pag-uusap natin. Dadagdag na rin ako ng mga importanteng detalye para sa mga kinakailangan niyong impormasiyon. Delikado kung dito natin pag-usapan. Atsaka gusto kong linawin ang nakaraan natin, Blake." Kahit na nakarating na kami sa safe zone na walang mga CCTV ni Dad ay may nararamdaman pa rin akong may nagmamatiyag sa kilos namin.

Kaagad nila akong pinapasok sa backseat. I couldn't even stop myself from being flustered by this sudden change. Parang kailan lang noong nasa harap pa ako umuupo. Parang kailan lang noong ako pa ang katawanan ni Blake. Parang kailan lang noong kaming dalawa pa ang magkahawak ang mga kamay.

"Kasunod nitong street ay bilihan ng mga prutas. May gusto ka bang kainin, Mahal?" Instead of laughing, ibang emosyon ang naramdaman ko nang marinig ang tawagan nila.

Mahal? Sweet? It felt like it was more bitter than the most bitter pill that I had swallowed few months ago.

Kinuyom ko ang mga kamay ko bago huminga ng malalim. I opened the windshield and decided to just check if I still have the important stuff for today.

Wala ka na talagang babalikan pa, Paine.

***
NANG makarating sa living room ay kaagad kong sinimulan ang istorya. Lala seems to be nervous. Do I have to do this ba talaga?

There's no turning back, Paine.

"DAD, who is that woman?" Mapanghusga kong tinignan ang pinakaunang babaeng dinala ni Dad sa bahay matapos na pumanaw si Mom. Gusot-gusot ang damit nito at tabingi ang suot na sombrero. Gulo-gulo rin ang buhok at blangko ang mga mata.

"This is Lalaine, matalik kong kaibigan noong nag-aaral pa ako sa highschool. I happened to find her somewhere near here. Narinig ko kasi sa balita na sila ni Gaele—asawa niya ang sakay-sakay ng eroplanong bumulusok bigla pababa, years ago. Inakala kong nadale talaga sila ni Gaele pero kaagad akong rumesponde kanina nang mabasa kong na-coma pala ng ilang taon sila ni Lalaine dahil sa plane crash. Nalaman kong malapit lang pala rito ang hospital. Mabuti nalang at may mga mabubuting loob ang nakaligtas sa kanila. They supported their finances kaso hindi na nila kayo ngayon. Mabuti nalang daw at nagkataong nagising si Lalaine before the hospital cut their life support." Napataas ang kilay ko sa narinig.

"Nasaan ang asawa niya?"

"I let them do what they want since hindi talaga nagising ang lalaki. Mahirap na." Kumunot ang noo ko dahil hindi ko yata narinig nang maayos. "Wala na siya."

"Wala na? Iyong babae lang ang nakaligtas?"

Tumango lang siya ngunit nandoon pa rin ang ngiti na talagang umabot na sa kaniyang mga mata. Ano ang nakakatuwa? Nakakatuwa bang maaksidente ang bestfriend mo at namatay ang asawa nito?

"Prepare clothes for her. Dadalhin ko siya sa ibang hospital at baka may naapektuhan sa utak niya since mula roon hanggang pagkarating ko rito sa bahay ay hindi ko siya narinig na nagsalita. It's better not to worry more. I can count on you to not go to parties para bantayan 'tong bahay habang nasa ospital kami, pwede ba?"

Kaagad akong kumuha ng damit ni Mama kahit na labag sa loob kong galawin ang mga gamit niya para ipagamit sa iba. Nakakaawa kasi tignan ang babae. "Just this time, Dad."

Nawalan na siya ng asawa.

***
DUMAAN ang mga araw pero hindi pa rin nakapagsasalita ang babae. Siguro'y hindi pa totally gumagaling ang ulo niya. Marunong naman siyang kumilos ng mga gawaing-bahay at masarap din siyang magluto kaya okay lang sa akin.

"Samahan mo nalang si Lalaine sa mall, Paine. May appointment ako ngayon kay Mr. Lim para sa bibilhin niyang mga armas. Maggrocery nalang kayo, ibinigay ko na kay Laine ang credit card ko." Tumango nalang ako. Dad's operating on the black market and has a high position there. Sabi niya I need to be aware about that and beware sa mga pulis.

"H'wag mong pigilan sa kung ano mang gusto niyang bilhin, ha? Ikaw rin, Paine, bumili ka nang kahit anong gusto mo." Kahit naguguluhan kung bakit niya ginagastosan si Lalaine ay napangisi na lang ako, napakadalang lang kung pumayag ni Dad na gumastos ako sa kung ano mang gusto kong paggastuhan. I wouldn't let this chance flew away.

Kaagad kaming pumunta sa mall gamit ang kotseng ini-regalo ni Dad sa akin noong ika-18th birthday ko. Pahuni-huni lang ako habang nagda-drive. This day is going to be fun.

Malapit na kami sa mall nang marinig ko siyang magsalita, "Lala."

Tinignan ko lang siya ng blangko, wala naman akong pakialam sa kung anong gawin niya pero tiyak akong matutuwa si Dad kung ipaalam ko ito sa kaniya.

Baka matuwa si Dad sa akin at mabigyan niya ako ng extra allowance.

Pagkarating namin ay iniwan ko na kaagad si Lalaine sa kung ano mang bibilhin niyang groceries o kung ano mang kailangan niyang bilhin. I decided to wander first para kapag natapos na si Lalaine ay diretso na kami sa store na nagustuhan ko.

And then, after a month, lumipat ako ng ibang apartment para bigyan ng privacy sina Lalaine at Dad. Dad's obviously into Lalaine. Sa dinami-rami pa ba ng mga babaeng matipuhan, iyon pang na-trauma at nawalan lang ng asawa kamailan.

I can't understand him.

"Pero sa unang araw ng September na siya ring ika-pangalawang buwan ni Lalaine sa bahay ni Dad ay nagulat ako nang tawagan ako bigla ni Dad. Dad and I didn't get a chance to communicate dahil nabusy ako sa pagmomodelo and I was sure busy siya kakaalaga kay Lalaine kaya nakakagulat ang biglaang pagtawag niya." Binasa ko ang mga labi ko ng aking laway dahil nanunuyo ang lalamunan ko habang pinagmamasdan ang dalawa na tahimik na nakikinig.

"Where is Lalaine?" Asks Dad. Kakaiba ang tono ng kaniyang boses. May kaunting pag-aalala pero nandoon din ang galit.

"I don't know, Dad. Malay ko ba naman, kayo ang nakatira riyan eh. What happened ba?"

"Laine is nowhere to be found!" Kaagad kong kinuha ang sling bag ko. "I'm on the way na, Dad. Wait for me there." Kaagad kong binabaan si Dad ng telepono.

Saan ba nagpunta si Lalaine? Ang hassle nang bumalik pa sa bahay ni Dad.

I was about to lock the door nang biglang tumunog ang cellphone ko. Isang unknown number ang biglang nagtext.

It says:

09823456***

Paine.
10:20

Nireplyan ko na lang, it's possible na isa ito sa mga exes ko na palaging nakakita ng paraan para makuha ang bago kong cellphone number.

Sino 'to? How did
you know my no?
10:21

Si Lalaine 'to, hija. Pwde
bang maksuyo?
10:21

Y did u left? Hinha-
nap ka na ni Dad.
10:22

it's a long story. first, i'd like
to ask you a favor
10:22

Spill it.
10:23

Wag mong sabhin to
sa Dad mo ah
10:23

I give them my old phone kasi wala na sa bagong cellphone ko ang sim na nandiyaan. "As you can see, nasa old cellphone ko pa rin ang conversation namin. You can check it if you want."

"After she managed to pursue me, your mom asked me to check my extra makeup palette na hindi ko pa talaga nagagalaw. There I found this SD card na nakalagay sa isang maliit na pekete while the mini notebook was on an outfit that I really hate. Hindi ko namalayang inilagay niya pala sa maleta ko noong lumipat ako sa apartment ko. Hindi ko kasi ginalaw ang maleta ko kasi I bought new clothes plus some were sponsored."

"Lalaine went missing for years dahilan ng pagiging mainitin ng ulo ni Dad. Wala akong alam sa kung anong issue nila. Then, biglang nawalan ng pwesto si Dad sa black market. Hindi kami tinantanan ng kamalasan. That's the time when he asked me to do things na makakapagsustento sa kaniya ng pera. Bale 10 years ago na noong nabalitaan ni Dad na nag-crash ang airplane nila ni Lalaine at Gaele and according to that date stated there, 5 years ago na noong naglaho na parang bula si Lalaine."

"P-Pardon? Your dad is that guy we met earlier? That Pace? And you're not actually poor, Paine?" Nahihiya akong tumango. Dumaan ang saglit na katahimikan.

"Ah." Pagbasag ko. "Dahil nag-aalinlangan akong mabura ang nasa loob ng SD card na iyan ay nilagyan ko rin ng copy ang cellphone at laptop ko. How do I say this? Gusto niyo bang malaman kung bakit ko nagawa iyon sa iyo, Blake? O gusto niyong malaman muna ang inilagay ni Lalaine sa SD card?"

I watched as they exchange glances. Blake seems to be asking for Lala's permission. "Unahin nalang natin ang nakaraan niyo, Ma'am Paine este a, e, ano bang itatawag ko sa iyo?" Nakakunot na tanong ni Lala.

This time, I find his question adorable. "Paine nalang, Lala."

"S-Sige, Paine."

Nakita ko pa sa gilid ng mga mata ko ang pagkuha ni Blake sa kamay ni Lala. "Are you sure, Mahal? I'm an assh*le because I forgot my promise not to pressure you. Hindi maaaring ma-stress ka habang hindi pa lumalabas si Baby Pen. I think makakapaghintay pa ito. I'm not risking the both of you. Nakuha na naman natin ang impormasyon, hindi naman siguro iyan mawawala." Nagpantig ang mga tenga ko. Did I just misheard them?

"Okay lang, sabi naman ni Doctora na malakas ang kapit ni Baby Pen. 'Pag ayaw ko nang makinig o manood o kapag naging emosyonal na ako masyado, sasabihin ko naman kaagad sa 'yo." Natatawang sambit ni Lala.

I couldn't stop myself from asking, "Baby Pen?"

"Lala is bearing my child, Paine. My Baby Pennya." Mas lalong bumigat ang pakiramdam ko. Kasali pala si Lala sa mga lalaking may kakayahang magbuntis, those guys that are having 'female organs' that are supposedly not there. No one knows if that was a part of evolution or whatsoever, making them capable of bearing a child.

I cleared my throat, as if I wala lang dahil itinatak ko na sa utak ko na ang main priority ko rito ay matulungan sila, "Last 4 years, my Dad told me that he found someone na perpekto na pwede ko raw huthutan ng pera. Natakot ako ng marinig ko ang plano ni Dad para mabingwit ko raw ang lalaking iyon. Mas lalo akong naguluhan ng dalhin niya ako sa isang bar and ordered me to dance there for a little while. 'Di naman ako nag-alinlangan when they told me wear a small piece of clothing dahil sanay na ako dahil sa pagmomodelo ko. It took 5 minutes bago ko nakitang muli si Dad, sinenyasan niya akong tingnan ang entrance. Sinunod ko naman. Ikinagulat ko noong biglang lumipad ang pintuan. Doon na nagsitakbuhan ang mga lalaking nasa loob ng bar. They said that the bar will be destroyed by the Police.

"Doon tayo nagkita, Paine. Ako 'yung sinasabi ng Dad mo na perfect target." Nakayuko akong tumango. That's the start of Dad's solid and 'perfect' plan.

"Lahat ng ibinibigay mong pera sa akin ay hindi ko talaga binibili ng signature bags. Those bags were already mine noon pa, pinalabas ko lang na bagong bili. Kay Dad talaga dumidiretso ang pera. And doon nasira ang plano ni Dad na nakawan ang bahay mo, Blake, noong dumating si Lala. Planong nakawan ni Dad ang bahay after nating mag-out of the country para mag-honeymoon sana. I acted arrogant that time, 'di ba, Lala? I predicted kasi na ako na naman ang pagbubuntungan ng galit ni Dad."

Hindi ko na magawa pang itaas ang ulo ko dahil sa kahihiyan, dagdag pang kahit paghinga ko ay mukhang bawal na. Ramdam na ramdam ko kasi ang matatalim na titig ni Blake at Lala.

Who would be happy?

"Then namatay ang Lolo mo, Blake. That time rin, dahil nawalan ka ng time sa akin ay medyo maliit nalang ang naibibigay ko kay Dad, which is the money I gained from my modeling career. Kaya muli ay nagplano na naman si Dad, si Rail na lang daw ang isunod ko because in Dad's circle of friends, few daughters of them were Rail's exes. Mamahalin daw kung magbigay si Rail ng regalo kapag nagustuhan nito ang company mo. Doon na ako nagdecide na iwan ka, noong hindi tinanggap ng kahit anong pawnshop ang binigay mong kwintas, Blake." I really thought that Blake is kinda cheap. Pero habang tinitignan ang mukhang komportable at napakagandang damit na suot-suot ni Lala ay napa-iling ako.

"Ay peke pala 'yung kwintas. Kaya pala nabili ko lang iyon ng two hundred." Ha?

"You didn't bought it, Lala. You stole it from me." I can't keep up with them. What are they talking about?

"Ah. Oo. Oo. Ninakaw ko pala. Ay, sorry Ma'am este Paine. May sasabihin ka pa po ba?"

Pinaglaruan ko ang mga kamay ko. "Didn't you hate me, Lala?"

"Ha? Bakit naman, P-Paine?"

Itinaas ko ang ulo ko at sinalubong ang tingin ni Lala. "I claimed that I cooked the adobo instead of saying na binili ko lang talaga. May nakapagsabi kasi sa akin na nabili nila ang recipe ng adobo from you. That's my late mom's favorite carenderia kaya binabalik-balikan ko. Sa simula pa lang, alam mo na dapat iyon, 'di ba?" Napasinghap silang dalawa at nagkatinginan. Nag-peace sign bigla si Lala kay Blake.

"Sorry for the trouble I caused to the both of you. Ginagawa ko ang lahat ng kaya ko ngayon upang makatulong. Tama pala na anak ka talaga ni Lalaine, Lala. Akala ko nagkataon lang na magkamukha kayo. I'll take my leave na, nahihiya na ako sa lahat ng mga nagawa ko. Tawagan niyo lang ako kung nagkataong hindi gumana iyang SD card." Pinagpagan ko ang damit ko at tinalikuran na sila.

Ngunit bago pa ako makarating sa may pintuan ay may biglang kumuha ng kamay ko.

Malaki ang ngiti na inanyayahan ako ni Lala, "Panoorin nating magkasama, Paine. Malay mo, baka namimiss mo na rin ang nanay ko. Nakasama mo pa naman siya ng matagal kaysa sa akin."

"No. Kayo nalang. Outsider lang ako. Ikaw lang ang anak ni Lalaine." I firmly declined.

"Dali na, umupo ka na." Hindi na ako nakapagsalita pa nang muli akong dinala ni Lala muli sa sofa. Pinanood namin kung paano isagawa ni Blake ang pagko-connect ng SD card sa laptop patungo sa flat screen.

Pinindot ni Blake ang remote at umupo sa tabi ni Lala na ngayong ay sa carpeted floor na nakaupo. Isang babaeng inaayos ang direksiyon ng camera ang unang bumungad sa video.

"Hello. Hello. Si Lalaine Del Mundo Cordova 'to..."

AS1: AFFECTED GUN
ALL RIGHTS RESERVED
©2021

@FORTYUNEYT

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro