Chapter 38
Happy 730 followers...
***
Chapter 38: Why Are You Helping Us, Paine?
BLAKE'S POINT OF VIEW
"HINTAYIN mo ako, Mahal!" Sigaw ko sa papalayong likod ni Lala. He got too excited that he left me inside the car all alone just to get inside the mall immediately. Kampante naman akong mahahanap ko kaagad siya.
But how can he choose ice cream over his handsome boyfriend and baby daddy?
Kaagad kong ini-lock ang kotse gamit ang susing hawak-hawak ko. After niyang kumain ng ice cream, pwede kaming maglibot pa ng mas matagal pa sa mall at bumili ng mga ternong damit para sa amin—para sa aking magiging pamilya.
That's right, magiging pamilya. I'm planning to get on one knee bago pa lumaki ang tiyan ni Lala. Naisip ko na kung ipinakilala ko si Lala sa pamilya ko, there's a chance na makausap niya si Dad.
It's better to tie him up with me bago pa or if in the near future, may bagong rason na naman upang iwanan niya ako na ipinagdarasal ko na sana wala na lang.
I trust him. We trust each other.
Napangiti ako habang pumapasok sa entrance nitong mall. Napakarami na pala ng nangyari sa buhay namin ni Lala. Ni hindi ko na nga ito kabilang gamit ang nga daliri ko.
I know I am not worth his love yet I still think that I am the only one who deserves it. I succeeded in owning him and now, we're having our first baby kaya sa amin lang ni baby si Lala. No one is allowed to get close to him without my permission.
I've had a taste of it, and it sure does sting.
Napatigil ako sa paglalakad patungo sa lokasyon ni Lala na makikita ko lang sa cellphone ko nang may mahagip ang mga mata ko. It's a red-headed woman with a shoulder-length hair!
Nagbago man ang kaniyang hairstyle ngayong ngunit saulong-saulo ko pa rin ang tindig at ang uri ng lakad na ginagawa niya since we were in a relationship for a long time.
I know that woman... she's Paine.
Ilang segundo akong hindi makagalaw sa kinatatayuan ko bago ko naisipang naghihintay pa pala si Lala sa akin. I'm not going to waste my time over trivial matters.
Ngunit nagulat ako dahil sa biglaang pagtunog ng cellphone na hawak-hawak ko. Doon ko nakita ang notification na galing sa Slybox app. Si Lolo na naman!
Nagscroll down muna ako upang malaman kung ano ang minensahe niya kahapon. Ngunit sa hindi inaasahan, napindot ko ang salitang archive ay doon na bumulaga ang isa pang mensahe para sa akin. It was sent weeks from now, much earlier than the congratulatory message.
The message says:
LOLO NIYONG MACHO
Congratulations, apo! Nakompleto mo ang ika-isang daang araw na kailangan kapalit ng impormasiyon tungkol kay Lala. Ang file ni Lala ba kamo? Hindi ako ang magbibigay no'n, patay na 'ko malamang! Makukuha mo ang kalahati ng katotohanan kapag nagkita na kayo ng isang taong malapit sa mga magulang ni Lala.
Nangunot ang noo ko habang pinoproseso ang mga nabasa ko. Masyado naman atang pa-suspense si Lolo? Kung nabasa ko lang siguro ito noon, tiyak akong matatapon ko itong cellphone na ito sa dingding dahil sa katusohan ng pagkakasulat.
Lolo really thought that this is a game, eh?
Bumalik na ako sa recent message niyang pinamagatang part one. Hindi ko na pinatagal pa at mabilisan ko na itong pinindot. Ngayon naman ang nakasulat ay:
LOLO NIYONG MACHO
You saw her, right? Sundan mo si Paine and she will take you to someone that I mentioned centuriessss agooo. But I will give you a warning, Blake, this specific person has the capability of manipulating words that he wants to tell you. Maaaring katotohanan, maaaring kasinungalingan. Siyempre you should ask that guy.
No worries, first part lang siya. Sa file na kayo didiretso pagkatapos sabihin ng lalaking iyon ang gusto niyang sabihin. Pakinggan niyo siya kung tugma ba ang mga salita niya sa mga salitang sinabi ni Garry Cordova sa inyo. Exciting isn't it?
Again, beware of him.
Bakit hindi na lang diretsohin ni Lolo patungo sa file, ba't pinatatagal niya pa? Is this some sort of detective story?
Totoo nga ba talagang patay na si Lolo? O pinaglalaruan na naman niya kami?
Kahit nag-aalinlangan ay sinundan ko nga si Paine sa kung saan man siya patungo. It's weird because she was heading towards Lala's location.
Kasabay ng pagtigil ni Paine ay napamaang ako nang mapagtanto ang direksiyon ng kaniyang paningin. There I saw Lala and he is currently talking to a man in front of my ice cream store. A man on his mid forties. Naningkit ang mga mata ko.
Why is that man's hand is on Lala's shoulder?
I walked towards them. Kahit hindi ko gusto ang pagkakahawak niya kay Lala ay baka makatulong talaga ang lalaking iyan para matulungan si Lala. Ise-set aside ko muna ang personal issues ko.
"Hindi ako makapaniwalang hindi ka talaga si Lalaine. Hawig na hawig kayo." I heard from Lala na Lalaine ang pangalan ng mama niya ayon kay Garry Cordova. In fact, it hasn't been a week since Lala opened that serious matter para maintindihan ko—para matulungan ko raw siya.
Which I gladly analyzed.
I took a step closer, kinalimutan ko nang nasa likod ko lang si Paine. I'm starting to wonder whether that man is Paine's new boyfriend or taong bagong pinaggagatasan niya ng pera.
I removed the hand of that man and straightforwardly asked him na hindi siya binigyan ng pagkakataong makapag-isip ng alibis, "Are you somewhat related to Lala's mom or that particular Lalaine you mentioned awhile ago is the same person as Lalaine Del Mundo Cordova? Please, we need you to cooperate." Wala na akong oras para mag-alinlangan pa.
Kaagad niyang kinuha ang mga kamay niya na nakalimutan kong hawak ko pa pala. "And who are you?"
"Ay teka lang naman, Manong. Sagutin mo muna iyong tanong para naman mabilis na matapos kaagad. Napakaraming kong tanong patungkol sa mga magulang ko. Nag-abala ka pang sagutin ang tanong gamit ang isa pang tanong, kailan tayo matatapos niyan?" Hindi ko mapigilang mapangiti. Mahal's really got a very funny personality.
"So, nakasurvive pala ang anak nila ni Gaele. Kaya pala. Ah, just to let you know, I was Lalaine's bestfriend and EX-BOYFRIEND back when we were in highschool. Saan na pala siya ngayon? Masyado naman yatang matagal ang pagtatago niya sa akin— I mean, gusto ko sana siyang kamustahin." Nanliit ang mga mata ko.
Did I just heard it wrong?
"How about dalhin ko kayo sa apartment ko? In that way, walang gagambala sa pag-uusap natin. Atsaka if you are really Lalaine's son, why did you sound like you haven't met her yet? I thought nagpakita siya sa iyo." He sounded so nice there but at the same time, he is also giving a mysterious and dangerous vibe dahil sa ginagawa niyang pabulong-bulong.
It doesn't seem that he was threatening Lala earlier.
Dahil naniniwala ako sa mga salita ni Lolo ay kinonsider ko ang proposal ng lalaking maski ang pangalan ay hindi ko alam. Masyado nang malayo para bumalik sa simula, you started it, you have to finish it. This is what Lolo said—to hear his words.
This is for Lala's sake.
I secured my two cellphones just in case something bad happens. I also have my gun with me. I never go out empty-handed.
I swear to God that if he'll do any harm to Lala, I'll make him pay with his life.
He gestures for us to wait before taking his phone out and types something on it then, he distances himself a few meters from the two of us. Maya-maya pa ay ngumiti siya ng malaki. "Tara na."
***
WE arrived at 3 pm on a pretty decent apartment that he said he owns. Hindi ko na alam kung nasaan na si Paine. This guy must be out of his mind, leaving his girlfriend behind.
"Take a seat." He reserved a sofa para sa aming dalawa while he sat at the opposite. Bago pa ako umupo ay pasimple kong inilagay ang recording device na nasa kamay ko sa isang kahoy na mesa sa harap namin.
"Let me introduce myself. I'm Pace, a simple man that happened to be Lalaine's ex-boyfriend. Mabuting mamamayan lang naman."
"Get straight to the point. May alam ka ba kay Gaele Cordova? Since you mentioned that you were Lalaine's bestfriend, how come wala kang nabalitaan patungkol sa kaniya?" Dito natin malamang kung totoo ba ang mga sinasabi ni Garry Cordova. If their words would match, lalaki ang porsyentong totoo ang mga lumabas sa bibig ni Garry Cordova.
"Gaele?! That guy's an assh*le! He stole my girlfriend and dumped her right after he found out that she was pregnant! Ako ang tinakbuhan ni Laine! Ako ang nasaktan sa mga iyak at paghihirap niya!" That's it! Napakagulo na. Hindi tumugma ang salaysay nila ni Garry Cordova. I'm starting to wonder if he is also an actor. He's acting very naturally. Napakatotohanan.
Nagtinginan kami ni Lala. Nagtataka rin siya at alam kong mas magulo ang utak niya kaysa sa akin ngayon. Hinawakan ko nang mahigpit ang mga kamay niya dahil wala akong nakuhang salita mula sa kaniya.
I continues to ask, "You said na ikaw ang tinakbuhan ni Lalaine pero bakit wala ka nang balita sa kaniya?"
"A-Ah. She escaped. Tumiwalag na siya sa akin. She said hindi na raw siya de-depende pa sa akin. She said she'll raise her baby alone. Doon na ako nawalan ng balita sa kaniya. Napakatagal na pala dahil napakalaki mo na, Lala. Ambata-bata mo pa noon ah." Andiyan na naman ang pabulong-bulong niya.
What kind of twist is that? Is it from a movie?
"Ay wait lang po, naiihi po ako. May CR po ba kayong available rito?" That's it! Lala's just on time. I will follow him to the comfort room, leaving the recording device behind.
Kaagad ko nang inilalayan si Lala patungo sa direksiyon na itinuro ng lalaking maamo ang mukha at nakangiti lang sa amin na para bang walang masamang balak.
***
"SO that settles everything. If may tanong ka pa, Lala, you can always give me a call. Naibigay ko naman na sa iyo ang number ko. I'm sorry kung naputol ang pag-uusap natin, a relative said there is an emergency." Pinilit kong ngumiti habang hawak ang kamay ni Lala. The guy managed to locate my recording device!
Wala kaming napala rito, mas lalo lang pinagulo ang mga isip namin.
Inihatid niya pa kami sa labas ng apartment niya. Nang makitang papasakay na siya sa elevator ay kinausap ko kaagad si Lala, "Lolo will help us. H'wag kang mag-alala, malalaman din natin ang katotohanan sa tamang panahon."
Hawak-hawak ang bewang ni Lala ay naglakad kami patungo sa sasakyan. Itinapon ko sa malapit na basurahan ang recording device ko na durog na durog.
Tinaasan ako ng kilay ni Lala, "Ayan na naman, paano naman makakatulong ang Lolo mo sa atin, eh patay na siya? Tinatakot mo naman ako." Umungot ako. "Wala rin akong alam."
Malaki ang ngiti niya bigla, "H'wag mong sabihing imortal kayo? Nagdududa na rin ako sa ka-pogian mo, sa kutis mo. Ngayon ko lang napansin pero parang bumata ka kaysa noong unang kita ko sa iyo. Kaya pala nakaramdam ako ng unfairness."
Ngumisi ako at kinindatan siya, "Siyempre inaalagaan mo ako nang mabuti—"
"Eto oh, baka sakaling makatulong." Nagulat kaming dalawa ni Lala nang may biglang kamay na nagpakita sa kaliwang gilid namin. It was Paine. On her left hand was a mini notebook and an SD card on top of it.
Kaagad na tumunog ang cellphone ko. Alam ko na kaagad na si Lolo ito.
LOLO NIYONG MACHO
Iyan ang second part. Kunin mo iyan mula kay Paine at nasisiguro kong malalaman niyo lahat ng sagot sa mga katanungan niyo.
Napakunot ang noo ni Lala. Binasa niya pa nang dalawang beses ang mensahe bago nakapagpasiya, "Buhay nga siguro 'yang Lolo mo, walang duda."
"Why are you helping us, Paine?"
AS1: AFFECTED GUN
ALL RIGHTS RESERVED
©2021
@FORTYUNEYT
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro