Chapter 37
Happy 690 followers huhu 😭✨.
***
Chapter 37: Is that you, Lalaine?
BLAKE'S POINT OF VIEW
HABANG kumakain ay bigla kong naibaba ang kutsara't tinidor ko. Parang may nakalimutan akong gawin. Parang may dapat akong gawin at sabihin na kung ano, pagkarating kaagad sa bahay.
I forgot!
"Bakit? Hindi ba masarap? Sabi na nga ba kulang iyan sa asin. Lutang talaga ako parati. Palitan ko nalang iyan." He was about to get my plate but I immediately shook my head. I can't afford to make him worry about something I can't even recall.
Siguro'y 'di naman iyon gaano ka-importante.
Kinindatan ko siya, "No, Mahal. Lahat ng niluluto mo are always close to perfection. You'll make a perfect wife."
My smile widens as I watch his face grew redder and redder. Maya-maya pa ay biglang sumeryoso ang mukha niya.
Baka tungkol sa kaniya ang nakalimutan ko!
"Makakaya ba natin ang pagpapalaki ng isang bata, Mahal?" He fired those words that made me speechless for a minute.
Hindi ko napaghandaan.
Isang minuto akong nablangko dahil pinakiramdaman ko pa ang sarili. Kinakailangan kong tantiyahin ang mga salitang lalabas sa aking bibig. If I fail to cheer him up—no, I'll let my heart speak.
Inhale.
Exhale.
Nilapitan ko siya at kinuha ang kaniyang malalamig na mga kamay. He is very nervous as of this moment. "Hindi ko alam, Mahal. Walang may alam pero ang nasa isip ko all this time ay dalawang salita lamang..." Muli ay huminga ako nang malalim at niyakap siya.
"...kakayanin natin. Kakayanin natin! Gagawin ko ang lahat ng makakaya to become a good parent to our unborn baby. Just by thinking of a scenario of you raising our baby alone makes me wanna cry my heart out. Mabuti nalang talaga at nahanap kita. Raising a child is harder in singles. We're two in this fight now, makakaya natin iyan." I assured him.
"Pero wala akong trabaho. Hindi na rin ako natutuwa dahil napakarami mong absents sa trabaho mo, nandito ka lang parati. Halos magkapalit na ang mga mukha natin kakadikit mo sa akin." He's not just thinking about a simple thing, he's thinking of a more broad thing that didn't even cross my mind.
It's just that I'm afraid something might happen to him or worse... iiwanan niya akong muli.
"Nakalimutan mo bang pulis ka, Blake? Maraming nangangailangan ng proteksiyon mo. Nangangasiwa ka ng kapayapaan at kaayusan sa paligid. Paano ka nakakaakto ng normal habang ang ibang kasama mo ay hirap na hirap sa pagbubuwis ng buhay? Ano ba talaga ang tingin mo sa pagpupulis? Isang laro?" Nanlaki ang mga mata ko.
Look how blunt my man is!
I admit mali ako. Masyado akong umasa sa natatanggap kong pera sa mga negosyong hindi ko rin naman nilaanan ng oras. Nawala na sa isip ko ang pagpupulis dahil sapat—no, enough ang pumupunta sa bank account ko.
"I'll quit." I blurted out of nowhere.
Kaagad na kumalas sa pagkakayakap ko si Lala. His eyes are now clouded with tears at makalipas lang ang isang minuto ay pumalahaw na siya ng iyak.
"Sabi ko na nga ba eh! Bawiin mo ang sinabi mo! Dinig na dinig ko kanina na gagawin mo ang lahat upang maging isang mabuting ama pero isang tanong lang, sumuko ka na. Wah. Sinungaling ka, Blake. Tatakasan mo na ang pagiging ama sa bata. Saan na kami niyan?" Lala grabbed a glass of water before he continues crying.
Mukhang mali ang intindi niya.
"Sana iniwan mo nalang kami kay Gar."
Kinulong ko siyang muli sa mga bisig ko at pinatahan. "Mahal, hush. I'm quitting pero hindi sa responsibilidad ko sa baby natin, kung hindi sa pagiging immature. Kung posible lang, gusto ko talagang umalis na sa pagpupulis but I need the average age of 60 to retire."
"Nababaliw ka na ba, Bl—Mahal! Kahit malayo pa iyan, kung titigil ka sa trabaho, saan tayo kukuha ng panggastos? Kung 'yung pamana ng Lolo mo ang gagamitin mo ay hindi ko naisip na gagawin mo. Hindi ba't ayaw mo nang perang hindi mo pinagpaguran? Huwag mong sabihing babalik tayo sa Baryo Sigasig at doon na mamumuhay? Isipin mo nga lalaki 'yung anak natin, paano 'yung pangtustos sa paaralan niya? Magagaya ba siya sa akin?" Napatawa ako na ikinasimangot ni Lala.
How come na napakalayo na ng narating ng imahinasyon niya? Wala akong sinabing ganiyan.
"No, Lala, I have these businesses of mine na tinago ko kela Dad. Doon ako kumukuha ng pera aside sa sahod ko sa pagpupulis." Paglilinaw ko pero mukha pa rin siyang naguguluhan. Napabuntong-hininga ako.
"I'm going to manage my businesses personally kahit malaman pa nila Dad." Kasunod ng mga salitang iyan ay ang pagkukwento ko kay Lala sa pakikialam ni Dad sa mga nauna ko pang mga negosyo na sinuportahan naman ni Mom pero sa huli ay si Mom pa ang nagsabi kay Dad.
They were sick in the head.
"Napakatagal palang paninerbisyo iyan, 'no? Siguro'y mahirap iyan. Atsaka alanganin ang buhay mo niyan. Hindi sa nang-ooffend ako o ano pero napakarami pa namang ibang kurso, ba't iyan pa? 'Di ka ba natatakot na mapahamak? 'Di ka ba natatakot mamatay?" My lips formed into a thin line.
I swallowed the bitter taste on my tongue and started talking, "It was dad who forced me to take criminology. At isa pa, delikado man ang larangang iyan to the extent that it will risk my life, at least maraming buhay naman ang naprotektahan ko. Pero noon pa man ay gusto ko nang umalis sa pagpupulis ngunit wala pa akong mabigat na dahilan. And everything went different when you entered the picture, Lala. If possible, gusto ko sanang safe ang magiging environment ni Baby paglabas niya at saka isn't it cool to have a father who's a policeman? Okay na rin ito, I can guarantee you that I will be the one to protect you and our baby Pen." Pangangatwiran ko.
Like in a school setting, he answered like a student who just understood the topic when the teacher explained it thoroughly, "May point ka. Wala na akong angal pa. Father knows best eh."
"Mother 'yon." Napatawa kami nang sabay. Mabuti naman at nakaalis na kami sa mabigat na diskusyon na iyon.
"Teka nga, hindi mo pa nababanggit kung anong mga negosyo ang hawak mo. Sure ka bang matutustusan ng mga iyon ang paglaki ng bata? Wala akong mga magulang para may mahingan ng pambili ng gatas at diaper." Is this a scene from a movie he had watched too?
"No—hindi tayo magiging ganiyan kakapos. Where did you get that idea? Noon pa man ay may naipon na ako para sa magiging anak namin... ni Paine." I'm just stating a fact.
Wala akong intensiyong itago ang katotohanang iyan.
Mabuti na lang at ngumiti lang nang tipid si Lala. Hindi man masyadong kita sa reaksiyon niya ay I'm sure he didn't like the fact that I brought Paine into our conversation. "Oo nga naman."
"Anong masasabi mo sa binanggit ko, Lala? Tell me kung gusto mo nang iibahin ang topic. Please tell me na hindi ka galit." Nagtataka kong tanong.
"Anong galit ka riyan? Ang perang sinasabi mo ay pinag-ipunan mo para sa magiging anak mo. Walang ina o ama na kasali. Masyado mo namang minamaliit ang paggalaw ng utak ko, masyadong mababaw ang magalit sa past mo." Dahil sa saya ko sa aking narinig ay kaagad kong hinigpitan ang pagkakayakap sa kaniya.
Then, I decided to act so surprised, "Ang mature mo na mag-isip ah. Are you sure you're Lala? The Lala I know used to talk about nonsense. Give me back my Lala!"
Let's what his reaction will be.
"Si Lala ako uy! Hindi ako isa sa mga impostor sa tw*tter! Hindi ako si Labrador Landro!"
My forehead wrinkled. "Who's Labrador Landro?" Sino ba iyan? Wala akong kilalang Labrador Landro. I've never heard of that name in my entire life.
Is it a new rival?
"Wala, wala. 'Di ba ice cream ang business mo, pwede bang dalhin mo ako roon? Pwede ba? Sana naman pwede, feeling ko gusto ni Baby kumain ng ice cream." Napakurap ako saglit. Pilit na pinapapasok sa utak ko ang sinabi niya.
Why is this? Bakit hindi ko matanggihan ang nagkikislapan niyang mga mata?
"S-Sure, my pleasure. Pero bukas na lang, gabi na ngayon. Promise ko iyan. For now, kinakailangan mo nang matulog. It's late."
"And another thing, kailangan pa nating makuha ang approval ni Doc. I don't want the two of you to be in danger just because of a mere carelessness."
"Sige, boss. Sabi mo iyan eh." Pagsuko nito habang nakatitig sa akin ng puno nang pagmamahal.
Nang makasigurong nainom na niya ang mga vitamins niya ay hinalikan ko na ang pisngi niya at dinala na siya sa itaas upang patulugin.
Tulog lang, bawal magpuyat.
***
Kinabukasan...
LALA'S POINT OF VIEW
HINDI na ako mapalagay sa upuan ko rito sa sasakyan ni Blake. Hinimas ko ang may umbok kong tiyan. Natanong na pala ni Mahal sa Doctor kung pwede bang kumain ng ice cream at sabi ng Doctor, soft serve lang ang pwede.
Suot-suot ko ngayon ang isang itim na malaking t-shirt ni Blake. Terno kaming dalawa. Papunta na kami sa isang branch ng ice cream parlor niya rito.
Teka? Bakit parang pamilyar ang daang pinupuntahan namin?
"Saan?"
"Pupunta tayo sa main branch ko rito na nasa mall." Ah, kaya pala. 'Di ba sa mall ako nagpalipas ng day off ko noon? At nagkataon ring may ice cream parlor akong pinasukan doon na pinuri ko dahil may pa-action movie silang ipinalabas sa TV nila.
Ala-una na ngayong ng hapon at malamang sa malamang ay nakakain na kami ng tanghalian. Hindi kasi ako pinayagan ni Blake na kumain ng ice cream kung walang laman ang tiyan ko kahit nagdabog pa ako.
Pagkain ang tinutukoy kong laman ng tiyan ah, hindi si Baby Pen.
Naisip kong pwedeng kumain muna ako ng ice cream na binibenta ni Blake pagkatapos ay dadalhin ko siya roon sa ice cream parlor na pinasukan ko noon para naman magkumpara. Kapag mas masarap 'yung sa kabila, tatanungin ko na lang ang may-ari kung bakit ganoon kasarap ang mga ice cream nila. Papasa naman akong spy.
Ang talino ko talaga!
I-sekreto ko muna ang plano ko para naman masurprise siya. Ang problema nga lang ay kung tanggihan niya ang pagpasok sa ibang shop. Paano ko magagawa ang plano ko kapag naging ganiyan?
Ay bahala na. Basta ang alam ko, tumutulong lang ako.
"Isuot mo iyan." Sabay abot niya sa akin ng isang sobrerong kulay pula. Saan niya ba ito nakuha? Oo nga pala, bawal kaming makita ng publiko na magkasama.
Baka kasi bad influence ako sa mga tao rito at tawagin pa akong kabit. Judgemental pa naman sila at hindi tanggap ang LGBTQ+. Isinuot na rin niya ang sombrero niyang kulay itim na kapareho ng disenyo sa ibinigay niya sa akin. Papasa na kaming kambal.
Mabilis akong naglaway habang binabalikan ang lasa ng ice cream na nakain ko noon.
Nang matanaw ko na sa harapan ng kotse ang napakalaking mall ay kaagad kong binuksan ang pinto ng sa gilid ko at lumabas na. Hindi ko na nahintay pa si Blake dahil gustong-gusto ko ng pumasok sa loob.
"Hintayin mo ako, Mahal!" Ngunit hindi ako nag-abalang lingonin siya. Dire-diretso lang ako patungo sa second floor.
Kahit masulyapan man lang ang shop. O 'di kaya'y makabili ng kahit isang ice cream?
Hindi ko na namalayan pa na nasa harap na pala ako sa ice cream parlor na pinalipasan ko ng oras noon dahil wala akong nakuhang babae. SHUSH, iyan ang pangalan ng shop ayon sa napakalaking sign sa itaas.
Bahala na iyong plano ko. Mamaya ko na lang iyon isasagawa.
Hindi alam na hindi na pala nakasunod si Blake sa likod ko. Bakit naman natagalan siya, eh mas mahaba pa ang mga binti niya sa akin. Malalaki rin ang mga hakbang niya.
Hindi kaya naligaw siya?
Pero kinalimutan ko kaagad ang pumasok sa isip ko. Malaki naman na si Blake, pwede namang ipa-announce ko nalang ang pangalan niya sa lost and found part ng mall.
Bubuksan ko na sana ang pinto ng SHUSH ngunit may humawak sa aking balikat. Malaki ang ngiti kong nilingon si Blake. "Mabuti naman at nandito ka na..."
"Is that you, Lalaine?" Isang lalaking nakangiti nang malaki ang nakita ko imbes na si Blake.
Sino na naman ba ito?
AS1: AFFECTED GUN
ALL RIGHTS RESERVED
©2021
@FORTYUNEYT
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro