Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 32

HAPPY 288 followers 👀.

***
Chapter 32: Mood Swings

LALA'S POINT OF VIEW

"WHAT?!!!" Oo na, rinig na rinig ko.

Sigaw-sigaw ka pa riyan, 'di naman ako ang may kasalanan kung bakit napakatigas ng ulo ng tenga mo at hindi nakikinig sa sermon ng Nanay mo.

Nagpakawala ako ng malalim na hininga at inulit nga, "Inuulit ko, may supling tayong nabuo sa loob ko."

"Ha?" Tinagalog niya na.

"Binuo natin anak natin, loob ko." Ano iyan, Lala? Parang lenggwahe ni Tarzan.

"Ha?" Ano ba naman iyan?! Mapuputukan pa yata ako ng ugat sa utak dahil sa kaniya. Daig niya pa ang dalawang taong nag-uusap sa malayo gamit ang lata na naka-konekta gamit ang lubid o yarn dahil sa kabingihan niya.

Ulitin ko nga, last na 'to. Hinga ng malalim at salita, "Nanloob. ang. anak. natin. sa. bangko.-ayan nalito na ako." Pinalo ko ang ulo ni Blake nang mahina dahil sa inis.

Hinding-hindi ko hahayaang magaya sa akin na isang magnanakaw noon ang anak namin.

Kumukulo na ang dugo ko dahil sa inis. Ewan ko ba kung bakit naging ganito bigla ang mood ko. Basta ang nasa utak ko, naiinis ako sa kabingihan niya.

Papasaan pa at binigyan siya ng tenga kung 'di niya naman nililinis?

"Oh! Bakit ikaw na iyong galit? Bakit ikaw na iyong tumatalikod sa akin? Ano ba naman iyan, Lala? May karapatan akong malaman kaagad na may baby na tayo. May karapatan akong malaman ang balita right after you discovered it. May karapatan ako bilang pangalawang ama ng dinadala mo." Unti-unti kong naririnig ang panginginig ng boses niya.

"Alam ko, Blake. May karapatan ka." Pahina na nang pahina ang boses ko. Nakayuko lang ako dahil totoo naman talaga ang mga sinasabi niya.

"Alam na alam ko na kung hindi kita nakita ay hindi mo rin ipapaalam ang napakagandang balita na iyan sa akin. Ang selfish mo naman, Lala. Ama ako ng anak namin ng mahal ko tapos kung hindi pa siya nakita ni Kendara, tatanda akong walang alam. Lala, isipin mo naman ang nararamdaman ko. All those nights seemed like a torture for me." Ang nanginginig niyang boses ay sinamahan na ng mahihinang paghikbi.

Sa likod ng matigas na ekspresyon na ipinapakita niya sa lahat ay isang kawawang lalaki na malungkot at nangangailangan ng pagmamahal at pag-alaga. Normal na tao pa rin siya kahit pagbali-baliktarin ang mundo.

Napahawak ako sa dibdib ko dahil parang ang biglang bumigat. Ang bigat sa damdaming umiiyak na naman siya at napakalungkot. Napakasakit sa damdamin na ako na ngayon ang may kasalanan kaya lumuluha siya. Ako na ngayon ang dahilan kaya malungkot siya.

Tama ang lahat ng sinabi ni Mahal, makasarili akong tao at iniisip ko lang ang sarili kong kasiyahan. Ni hindi man lang pumasok sa akin na ibalita na buntis pala ako sa kaniya sa kadahilanang takot ako. Takot akong makasira ng pamilya at takot rin akong masira rin ang pamilyang bubuoin ko.

Itinaas ko ang aking mga kamay at sa pagkakataong ito, walang nauna sa akin at hindi naiwan sa ere ang mga kamay ko. Sa pinakaunang pagkakataon ko naramdaman na akin ang lalaking nasa harap ko, na walang Ma'am Paine na sisingit. Ngumisi ako, ibang emosyon na kaagad ang namayani sa loob ko.

Baliw sa akin ang poging iyan.

Lumapit kaagad ako at nilakihan ang pagbuka ng aking mga braso ngunit bago ko pa siya mayakap ay umiwas siya. "Hindi mo naman ako siniseryoso, Lala eh."

"Anong hindi siniseryoso? Hindi mo ba alam na nakahanda akong yakapin ka tapos magsosorry ako ng marami."

Alam ko namang papatawarin niya ako agad dahil baliw talaga siya sa akin.

"Tingnan mo iyang mukha mo, napakalaki ng ngisi. Parang nababaliw na." Siya ang baliw, paano ko naman titingnan ang mukha ko? Paaalisin ko ba ang kaluluwa ko sa katawan ko upang tingnan kung anong nangyayari sa mukha ko.

Paiba-iba talaga ang mga nararamdaman ko ngayong araw. Kanina malungkot, ngayon pangisi-ngisi na ako.

"Anong gusto mo? Gusto mo bang galit akong lumapit sa iyo? Ang gulo-gulo mo naman." Nagtataka kong tanong sa kaniya habang kinakamot ang makati kong kilay.

Mabilis ko siyang dinambahan ng yakap kaso tumakbo siya kaya hinabol ko. Marunong naman akong huminto kung sakali mang maramdaman kong unti-unti na akong napapagod, importante ang kalusugan ni baby.

"Halika na, Mahal! Isang malaking yakap ang gusto kong ibigay sa iyo!"

Naghabulan lang kami hanggang sa huminto na ako dahil hinihingal na ako. Napakahaba ng mga biyas niya, napakaimposibleng mahabol ko.

Humarurot si Blake papunta sa kung saan siya dalhin ng mga paa niya na parang hindi alam na hindi na ako sumusunod sa kaniya.

Ako nga iyong ngumingisi na parang baliw, siya naman iyong tumatakbo na parang baliw kahit wala ng taong humahabol sa kaniya.

Nagkislapan ang mga mata ko dahil sakto palang sa kusina ang hinintuan ko. Gutom na gutom na ako. Gutom na gutom na si baby.

'Yan kasi, ibang masarap na pagkain ang unang pinakain sa akin.

Agad kong tinignan kung anong nasa ref nitong kusina at naghanap ng pwedeng lutuin. Sa huli ay napag-isipan kong magluto ng pansit na may maraming-maraming hipon. Pampahaba raw kasi ng buhay ang pansit tapos ang hipon parang gusto ni baby.

Kahit iniisip ko pa lang ay naglalaway na ako.

Pero bago pa ako makahiwa ng rekados ay may yumakap mula sa likod ko. "Kapagod ng trabaho ko, Mahal. Medyo mahirap talaga 'pag pulis, 'no. Maybe a kiss or two from you could make the fatigue go away."

Ano ito? Bahay-bahayan? Sige nga, para naman makapractice ako.

Hinarap ko siya at hinalikan sa labi. "Ayan, isang halik para sa ating haligi ng tahanan. Umupo ka muna sa mesa, Mahal. Pasensiya na kung hindi pa ako nakaluto ha, gusto kasing matulog ni baby kanina."

"Okay lang, Mahal. Take your time." Napangiti ako ng malaki sa sagot niya. Hinalikan pa ang leeg ko bago naglakad patungo sa mesa. Impit akong napasigaw sa loob-loob ko at parang kiti-kiting kinikilig sa kung ano mang niro-roleplay namin.

Ayan tuloy, ang saya saya ko habang niluluto ang pansit. Tiyak akong nilagyan ko ito ng 'sugar, spice, and everything nice, echos lang, nilagyan ko ito ng pagmamahal.

Ilang minuto ay kinuha ko na mula sa kawali ang nakakapagtulo-laway na pansit at inilagay sa malaking plato. Hindi sa ipinagmamayabang pero alam kong mas masarap ito kaysa sa mga niluluto kong pansit dati dahil itong pansit nilagyan ng pagmamahal.

Medyo baduy at laos pakinggan pero iyan ang totoo eh.

Habang nakatalikod pa ako ay hindi ko napigilang kumuha ng isang hipon at mabilis na nginuya. Napapikit ako dahil matagal-tagal na noong nakakain ako ng ibang seafood maliban sa isda.

"Ang bango naman niyan, Mahal." Ngumiti lang ako bago inilagay ang malaking plato sa gitna ng mesa.

Sumobra yata ang sayang nararamdaman ko dahil hindi ko namalayan na ginagawa ko na pala ang mga ginagawa ko noong nagtatrabaho pa ako sa kaniya. Kumuha ako ng isang plato para sa kaniya, kutsara't tinidor at isang pitsel ng tubig at baso.

Nakatayo lang ako sa gilid at naghihintay ng kung ano mang iuutos niya na parang nagtatrabaho pa ako sa kanila bilang manservant.

Habits die hard eh.

"Ba't nakatayo ka lang diyan sa gilid, Lala? Do you still think na nagtatrabaho ka pa sa akin? Hindi na kita si-swelduhan kasi nilayasan mo ako." Kumunot ang noo ko, bakit naging ganito bigla ang pagtrato niya sa akin. Nagkibit-balikat lang ako.

Ewan ko sa kaniya.

"Kasi hindi naman kita trabahante, asawa kita. Bakit ko naman pagtatatrabahuin ang asawa ko? Ang asawang mahal na mahal ko."

"Baliw ka na, Blake." Hindi ko na maitago pa ang ngiti ko. Bigla akong nahiya dahil sa matagal na pagtitig niya sa mukha ko.

Kinakailangan ko na ba talagang tingnan ang mukha ko dahil baka may dumi sa mukha ko na kanina niya pa nakikita?

"Kidding aside. You know what, Lala, noong naghabulan tayo, alam kong hindi ka na nakasunod. Napag-isip ko kasing maybe I should give myself some time to think. And alam mo ba kung ano ang napagtanto ko, Lala?" Napaikot bigla ang mga mata ko nang ikatlong beses.

Bakit ba kasi parati niya akong tinatanong ng mga tanong na siya lang ang may alam ng sagot?

"Napagtanto kong dapat naman talaga akong magalit pero not to the extent na sasaktan ko pa ang damdamin mo. I can't afford to let you suffer the same thing Paine did to me. Hindi ko hahayaang humantong ang pag-aaway na 'tin sa paghahanap ng pwedeng ipanakip-butas. Tayong dalawa lang ang masasaktan." Tagos hanggang lamang-loob na wika niya. Ipinamukha pa talaga akong panakip-butas lang ang role ko noon sa buhay niya. Pero atleast alam niya ang mali niya.

"Napag-isip-isip kong ituon ang atensiyon ko sa magandang balita. My Lala and me are back together plus a baby, ano pa bang ikakagalit ko? I mean, shouldn't I be thankful to you dahil dinadala mo ang anak natin, especially to God dahil ibinalik ka niya-kayo sa akin?" Unti-unting namuo ang mga luha ko. Gusto kong tumawa nang malakas upang maipalabas itong tuwang nararamdaman ko ngayon.

Hindi ko na napigilan pa at itinapon ko na ang sarili ko sa kaniya. Pinugpog ko ng maraming halik ang buong mukha niya.

"Totoo ba iyan? Baka may sama ka pa ng loob sa akin, pwede ka pang maglabas. Prangkahin mo ako sa mga pagkukulang ko, Blake." Nakataas ang noo kong sabi na parang naghahamon ng away. Umiling-iling siya at nginitian lang ako. Nagkibit-balikat nalang ako.

KJ!

"Thanks for bearing my-our child. Pero 'di ba dapat mahal ang tawag mo sa akin instead of Blake, MAHAL?" Napatawa ako ng malakas.

Imbes na ulitin ko ang pasasalamat ay iba ang sinabi ko. "Salamat at sorry ulit, Mahal. Mahal na mahal kita." Napatawa ulit ako dahil tila nanigas siya sa kinatatayuan niya. Nakakatawa talaga ang reaksiyon niya kapag sinasabihan ko siya ng hindi niya inaasahan.

Sinabi ko naman sa inyo na baliw iyan sa akin.

At dahil nakaupo ako sa kandungan niya ay madalis niya akong naikulong sa kaniyang mga bisig. Hindi na ako nagulat nang mapusok niya akong hinalikan. At gaya ng dati, tumigil kami nang maubusan kami ng hininga. "I love you too, Mahal."

Nagulat ako dahil binuhat niya ako kaya mabilis akong kumapit sa leeg niya habang ang mga braso niya ay nasa pwetan ko. "Saan mo ako dadalhin?"

"Let's make love, Mahal."

Kumunot ang noo ko dahil sa inis. Umalis ako sa pagkakabuhat niya at umupo sa upuan na para sa mesa. "Kakain pa ako, gutom na gutom na ako kanina pa. Ikaw ang selfish, Mahal. Gugutumin mo ba ang anak mo? Kung oo, umalis ka na sa harapan ko at 'wag ka nang babalik!"

"Mahal! Pag-usapan natin 'to. Nagpakumbaba ako kanina, hindi ko dinaan sa sa init ng ulo. Why did you snap at me just because of a petty thing?" Pagtutol niya sa sinabi ko.

Kumunot ang noo ko at kaagad ko siyang tinalikuran, "'Yan, lumalabas ang totoo. Hindi mo talaga ako lubusang pinapatawad-"

Napalingon kaming dalawa nang sabay sa bintana nang marinig ang pagtunog ng doorbell. Mabilis akong tumayo dahil naiinis na ako ngayon kay Blake. Bahala siya sa buhay niya!

Pagkabukas na pagbukas ko ng pinto ay tatlong malalaking lalaki na naka-itim na tuxedo at puro naka-shades ang bumungad.

Tinanggal ng pinakauna sa pila ang shades niya. "Mr. Cordova, we would like it if you'd come with us. We're currently having an emergency and we need you."

"To where?" Pagsingit ng tukmol sa gilid ko. Galit pa rin ako sa kaniya. Bakit hindi niya magawang maging totoo sa sarili niya? Puro libog nalang ba ang nasa isip ng mga tao ngayon?

"Our boss is currently at the hospital. Malala na ang ubo niya at hindi na klaro ang pagsasalita. Lumala rin ang biddy aches na matagal niya nang iniinda." Ha? Ano namang malay ko sa boss nila? Kaano-ano ko ba ang boss nilang madatung?

"Sino ba ang boss niyo? Napaka-VIP niya naman at ganito ka-enggrande kung magpatawag ng isang tao. Sure ka bang hindi ka galing sa sindikato?" Malay mo, loan shark 'to at inutangan ng mga magulang ko.

Umubo bigla ang nasa gitna, "It's Mr. Garry Cordova, tatlo kami sa anim na bodyguards niya. He said, 'Dalhin niyo si Lala dito dahil mamamatay na ako. Naku! Mamatay na ako!' That's why we need to pick you up as soon as possible." Grabe, kuhang-kuha niya ang kaartehan ng boses ni Gar.

Napakamot ako ng kilay bago nahihiyang nagtanong, "Pwede bang paghintayin muna si Gar? Gutom na gutom na kasi ako, malayo naman sa bituka ang ubo. Kung gusto niyo, sumabay na rin kayo."

"Sige, Sir. Maiintindihan naman siguro ni Mr. Cordova." Hindi sa wala akong pake kay Gar pero mas importante pagkain sa tamang oras, lalo na ngayong dalawa kaming nakikihati sa nutrina sa loob ng iisang katawan.

"'Di kayo papasok? Marami akong niluto atsaka hindi ko kasi papakainin ang isa riyan. Bahala siya sa buhay niya." Mariin kong saad na kaagad inaksyonan ni Mahal.

Hinawakan niya ang braso ko upang pigilan, "No, hear me out, Mahal!" Ngunit hindi ko na siya pinansin at nilakihan ng bukas ang pinto para nakapasok sila Kuya Bodyguard.

Sana makain mo iyang libido't mga kasinungalingan mo!

AS1: AFFECTED GUN
ALL RIGHTS RESERVED
©2021

@FORTYUNEYT

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro