Chapter 29
Happy 10.5K reads. ❣️
***
Chapter 29: 3 Weeks Pregnant
LALA'S POINT OF VIEW
NAMAMAGA ang mga mata ko kinabukasan. Mabuti nalang at hindi ako sinuspetyahan ni Gar nang idinahilan kong nakakaiyak ang teleseryeng napanood ko kahapon.
Sa dinami-rami ba naman kasi ng mga ex ni Blake, siyempre pogi eh, ay namali pa siya sa pagsulat. Sa halip na Lala ay Lana, Lara, Lapa, Lava, basta hindi dapat Lala iyon.
Pinaggugulohan na ang pangalan ko sa Twitter!
Stop. Huminga nang malalim at blangkohin ang isip. Umagang-umaga naiiyak ulit ako baka mawalan pa ako ng ganang kinain neto. Tinignan ko ang mukha ko sa salamin at nakikita pa rin naman ang pogi kong mukha kaya ebidensiya iyan na nabubuhay pa ako.
Pasalamatan natin si Lord, first thing in the morning.
Eh, sa hindi maitatangging namimiss ko pa rin SIYA kahit na sinabi kong kakalimutan ko na siya. Ang hirap naman kasi mag-move on. Kahit wala siya sa harap ko sumusulpot naman sa utak ko.
Siguro naman na-attach lang si Blake sa presensiya ko at sa kagalingan kong mag-housekeeping kaya ganiyan na siya ka-desperado. Tatlong linggo na ang nakalipas no'ng lumayas ako mula sa bahay nila kaya tiyak akong kapag dumaan pa ang ilang panahon, makakalimutan niya rin ako.
Matapos kong maghilamos ng mukha at magsepilyo ay dumiretso na ako sa kusina para naman maka-almusal na kami kaagad ni Gar. Magluluto ako ng agahan, 'yung hearty meal nga lang. Schedule kasi ngayon ng monthly check up niya. Alam na, singkwenta na siya at unti-unti nang nawawalan ng lakas.
Napromote na kasi ako. Noon ay stylist slash taga-luto lang ako, ngayon ay taga-alaga na ng matandang isip bata na may fresh at batang-batang mukha.
Sasamahan ko nalang din kasi baka marinig ni Lord ang ipinagdarasal ko na sana makapagpa-check up ako for the first time. Nakamamangha kasing tignan 'yung mga taong naka-white coats. Atsaka gusto ko maexperience iyong bagay na ginagamit ng mga doktor upang marinig ang heartbeat ng tao. 'Yun bang nakasabit sa leeg nila.
Basta iyon.
At kung su-swertehin, nangangamoy libre pa ngayon kung pakikinggan ni Lord ang hiling ko at bubulongan niya si Gar ako kapag nagpacheck-up ako kasama niya. Atsaka para naman malaman ko kung ano ang mga sakit ko ngayon dahil bigla na lang akong nahihilo, expect ko nga na ngayong oras ng umaga ay baka maduwal ako.
Hindi ko rin alam, nakasanayan ko na rin. Araw-araw ba naman akong nagkakaganiyan.
At ngayon na may tiyansang makapagpa-check up ay bakit hindi nalang gawin talaga? Mapa-libre o hindi. Dapat talagang malaman kung anong sakit ang meron ako ngayon.
Ayaw ko namang pumanaw nang walang iiyak sa akin.
Pero mamaya pa naman iyong schedule, 'di ba? Marami pa akong oras parang magpawis para wala namang gaanong problema kapag i-che-check up na ako.
Pagkatapos kong magluto ay hinintay ko na lamang na makababa si Gar. Hindi naman ako ganoon kasama upang gisingin siya dahil alam kong mahirap magmemorize ng mga dialogues. Mahirap nga i-memorize ang multiplication table up to 15, ganiyan pang pag-aarte na may emosyon pang kasali.
Binuksan ko nalang ang TV para naman may pagkaabalahan ako. Mabuti nalang at ganitong oras ipinapakita ang cooking show na inaabangan ko parati sa umaga.
May mga oras nga na naglalaway ako dahil sa mga pagkaing niluluto nila, iyong literal na naglalaway. Hindi ko rin alam kung bakit nangyayari iyan. 'Di ko pa nararanasan ang maglaway noon kahit gaano pa katindi ang kagustuhan kong bumili ng isang nakakatakam na pagkain. Kaya ayun, parati akong may tissue sa tabi, hindi para sa luha kung hindi para sa laway.
Andami ng mga kakaibang nangyayari sa katawan ko.
"Lala, hali ka na. Sabay na tayo kumain." Tumawa ako, may mga pagkakataon kasing hindi ko natitiis ang sarili ko habang nakatingin sa niluluto ko at nauunahan ko siyang kumain.
Nagtataka na rin ako kung bakit parang ganadong-ganado akong kumain, araw-araw hindi ako nawawalan ng ganang kumain. Kahit na wala namang akong gaanong ginagawa rito, pagkagat ng dilim, pagod na pagod ang katawan ko at mabilis na nakakatulog sa 'di malamang dahilan. Ayan tuloy ang mamasel na katawan na inaasahan ko ay mas lalong hindi ko makukuha.
Pagkatapos naming kumain ay sakto namang natapos rin ang cooking show. Kaya naman umupo akong muli sa sofa at nanood ng pang-umagang balita.
Ang babaeng reporter ay abot-tenga ang ngiti habang nagbabalita, "Isang lalaki ang isinugod kagabi sa ospital ng Horrispon. Sinasabing ang lalaki ay nagdadalang-tao at manganganak na sa oras na iyon. Oo, hindi kayo namali nang rinig, buntis ang lalaking iyon. Isa itong napakagandang balita para sa mga gay couples, malay niyo kayo rin pwedeng magkaanak o ang partner in life niyong lalaki ay may kakayahang magdalang-tao. Hindi niya isinawalat ang kaniyang totoong pangalan kaya 'Tana' nalang daw ang itawag natin sa kaniya."
"Pahayag pa nga ni Tana noong kinausap namin siya ngayong umaga sabi niya, "Hindi lang ako ang may kakayahang magdalang-tao, marami akong kilala na hindi naman naisapubliko dahil sa takot na mahusgahan ng iba. Sana po matanggap ng lahat na hindi man namin inaasahan na magkaroon ng bahay-bata dahil lalaki kami ay hindi naman po namin pinagsisihang may nabuo at/o lumabas na isang blessing mula sa aming sinapupunan." Napakagandang impormasyon 'di ba?" Mas lumaki ang ngiti ng babaeng reporter.
Isang saglit pa ay pinakita ng taga-balita ang picture ng taong sinasabi nilang nanganak kahapon. Ang kuha ay pagkatapos na pagkatapos lumabas ang bata dahil may dugo pa ang buong katawan ng bata. Siyempre nakablack and white ang picture.
Hindi man pinakita ang mukha ni Tana pero totoo ngang lalaki ang nakahinga sa hospital bed.
Sa halip na matuwa ay bigla akong kinabahan. Samot-saring mga ideya ang pumapasok sa kukote ko at wala na among alam kung paano ito patigilin.
Paano kung kasali ako sa mga lalaking may kakayahang magdalang-tao? Hindi kaya'y dahil diyan kaya nag-iba ang katawan ko ngayon? Kung may posibilidad na kasali ako sa mga taong iyon ay dapat nagdadalang-tao na ako ngayon kung sakali mang magaling si Blake.
Parang biglang gusto kong magsign of the cross.
"Anong masasabi mo sa balitang iyon, Lala?" Biglang nagsalita si Gar sa tabi ko. Hindi ko namalayan na nasa tabi ko pa rin pala siya dahil sa malalim kong pag-iisip.
Hindi ako sumagot dahil hindi ko rin naman alam ang isasagot. "Alam kong naguguluhan ka, Lala. Alam kong maraming tumatakbo sa isip mo na ayaw mong sabihin. Isipin mo nalang na pwede akong makatulong. You can always talk to me, handa akong makinig kahit anong oras pa iyan." Ang buti mo, Gar.
Bigla akong pinagpawisan ng malamig. Hindi na maitago ang kaba ko dahil sa sinabi niya. Palakas nang palakas ang pagtibok ng puso ko.
May isang parte ng utak ko na ipinagdarasal na sana ay kasali ako sa maliit na porsyento ng mga lalaking may kakayahang magdalang-tao at iniisip na totoo ngang may laman na ang tiyan ko ngayon. Nasa isip ko palang ang mga iyan ay parang maiiyak ako.
Sana nga. Sana nga.
Eksaktong alas diyes ng umaga ay dumiretso kami sa ospital na mas lalong nagpakaba sa akin. Nagkataong sa ospital pa na pinanganakan ng lalaking nasa balita. Dito nanganak si Tana ayon sa balita.
Kabadong-kabado na talaga ako.
Naka-disguise muli si Gar. Gaya n'ong una ay napasobra ulit ang mga damit na pinagpatong-patong niya habang ako ay iyong normal ko lang na damit.
Naghintay lang ako sa labas ng hospital room ni Gar dahil inantok ako bigla. Mabuti nalang at mukhang komportable lang naman tulugan ang upuan na nasa labas ng kwarto. Pwede naman sigurong matulog nang nakaupo.
Naalimpungatan ako dahil sa mahinang pagtapik ng kung sino man sa pisngi ko. Si Gar pala iyon. "Tara sa Ob gyne clinic. Magpapa-check up."
Nanlaki ang mata ko at excited na nagtanong. "May buntis kang kakilala, Gar?"
"Huwag kang magmaang-maangan, Lala. Alangan namang hindi ko makikita ang pagduduwal at parati mong pagtulog nang halos labinlimang oras araw-araw eh nasa iisang bubong lang tayo. Alam kong iyan ang gumugulo sa isip mo kaya bakit hindi tayo gumawa ng aksiyon habang maaga pa?" Hindi ako makapagsalita dahil sa kaseryosohan ng kaniyang tono. Bukod sa kaseryosohan, alam kong nag-aalala para sa akin ang matanda.
"Halika na, Lala. Baka magbago pa ang isip ko. Pumasok na tayo." Inilahad ni Garry ang kamay niya sa harap ko.
"S-Sige, Gar."
***
NAKANGITI kaming sinalubong ni Doktora Hilda, siya raw ang ob gyne na naka-assign para lang sa akin. "Aalamin mo ba kung buntis ka?" Ha? Hindi man lang ba magugulat?
Ang ganda naman ni Doktora!
"Base sa mukha mo, tinatanong mo kung bakit ko alam? Ganito kasi iyan, 'yung nabalita kasi kanina na si Tana, ako ang nagpaanak sa kaniya kahapon. Atsaka before him, may mga pasyente na talaga akong mga preggy na mga lalaki. Sa lahat ng mga pasyente ko si Tana lang ang may pinakamakapal ang mukha..."
Kumunot noo ko at kaagad siyang tinanong, "Bakit naman, Doctora?"
Nagpatuloy siya, "...sinabi niyang gusto niyang maisapubliko na nanganak na siya ng napakagwapong bata upang malaman ng ama ng bata atsaka gusto niya raw na maging famous." Napatawa ako nang malakas.
Ang lakas pala ng topak no'ng Tana na iyon.
"Sige, simulan na natin tutal mukhang excited ka na rin. Mabilis lang 'to."
(I won't say anything about the procedure kasi iniwasan kong makamisinform. Achuchu natutulog ako tuwing science time.)
Napatalon ako bigla dahil sa biglaang pagsalita ni Doktora. "Congratulations, three weeks na ang baby sa sinapupunan mo, Misis o Mister o Ate o Kuya? Ito bang kasama mo ang nakabuntis sayo? Bumalik kayo rito every month ah para masubaybayan natin ang pagbabago ni baby."
"Tatay niya ako. Narito ako para samahan siya." Sagot ni Gar. Oo nga naman, ama na rin naman ang turing ko sa kaniya kaya hindi ako kukontra.
Bigla na lang padabog na inilagay ni Doctora ang kamay niya sa mesa niya. "Kilalang-kilala ko ang boses mo! Kahit pa nakapikit ang mata ko, makikilala ko..."
Ano ba ang ginagamit upang makinig, Doctora? Ang mata ba?
Nagtatalon ang Doktora kaya napasunod lang ang ma"I'm certain that you're Garry Cordova. I'm a big fan of yours! I love your latest movie."
Tumawa ako dahil sa nakakatuwang eksena, "Maiwan ko muna kayo, magpapahangin lang ako sa labas."
Agad akong lumabas at iniwan si Gar sa fan niya. Parang sirang plaka ang boses ni Doktora sa isip ko. Paulit-ulit.
"Congratulations, three weeks na ang baby sa sinapupunan mo."
"Congratulations, three weeks na ang baby sa sinapupunan mo."
"Congratulations, three weeks na ang baby sa sinapupunan mo."
Three weeks? Ibig sabihin no'n may nabuong anghel noong kasagsagan ng bagyo?
Tumigil yata sa pag-ikot ng mundo habang kusang bumaba ang kanang kamay ko sa aking tiyan. 'Di ako makapaniwalang may bata na pala ang sinapupunan ko. 'Di ako makapaniwalang ang solido kong dahilan upang lumayo kay Blake ay mangyayari sa akin.
Hindi ko inaakalang pwede pala akong makapagbigay ng anak sa kaniya.
Hindi ako magkandaugaga sa pagpahid ng mga luha kong patuloy lang sa pag-agos. May nabuo palang supling sa 'saglit', 'huwad', at 'puro laman' na pagmamahalan namin ni Blake. Nawala man ako sa tabi niya, may binigay naman si Lord na may koneksiyon sa kaniya.
"Baby, sana magmana ka sa akin para iwas issue. 'Yang gwapo at famous mong ibang tatay, marami iyang issues sa buhay kaya h'wag mong tularan." Mahinang sabi ko rito kahit hindi pa naman ito marunong makinig dahil siyempre, dugo pa ito.
Ngayon ay isasantabi ko muna ang paghahanap sa mga magulang ko, bibigyan ko muna ng atensiyon itong napakagandang biyaya ng panginoon sa akin. Naging sawi man sa pag-ibig, may magmamahal naman sa akin pagdating ng araw kapag uugod-ugod na ako at nahihirapan na sa pagtayo.
Nakakita ako ng isang matandang lalaki na napakalungkot ng mukha. Nilapitan ko siya para naman mabahiran ko siya ng kasiyahan ko ngayon.
Huminga ako nang malalim bago nagsalita, "Lolo, okay lang po iyan. Kung wala kang anak sa iyong asawa, ikaw na lang po ang magbuntis."
Agad kong binawi ang sinabi ko dahil imbes na masayang mukha ang makita ko sa mukha niya ay galit pa na mukha. "Biro lang po iyon, Lolo. Hayaan niyo po ipagdadasal ko ang taong nasa loob ng kwartong iyan." Umalis nalang ako at baka masapak pa ako kapag nagtagal ako, ayaw kong masaktan ang anak ko.
Anak ko. Ang minamahal kong anak.
"Lala!!!" Para akong binagsakan ng langit at lupa nang marinig ang pamilyar ang boses na iyon, mahina lang iyon kaya tiyak akong nasa malayo pa siya.
Kay Kendara ang boses na iyon.
Patay ako nito! Alangan namang hindi niya sabihin kay Blake, eh magkababata sila. Hindi ko rin siya mababayaran kung sakali mang magpapabayad siya dahil alam kong ipinanganak siyang may gintong kutsara sa bibig.
"What are you doing here, Lala? Ako kasi na-cut ko ang sarili ko sa knife noong nagputol ako ng mga apples para sa sarili ko kaya nagpahospital kaagad ako kasi takot ako sa infection." Patay! Nasa likod ko na siya! Hindi ko siya nilingon.
Nagpatuloy lang ako sa pagpapanggap na hindi ko siya naririnig. "Lala naman, akala ko ba friends na tayo? Why are you so cold towards me? I want you pa naman para kay Blake."
"Lala, look at me-" Akmang hihilahin niya sana ako para paharapin, mabuti na lang at may humigit sa akin sa kabiwang direksiyon.
"Layuan mo ang anak ko, Miss. Ipapapulis kita kung ipagpapatuloy mo pa iyang pangha-harass mo sa kaniya." Si Gar! Parati talagang to the rescue, 'no?
AS1: AFFECTED GUN
ALL RIGHTS RESERVED
©2021
@FORTYUNEYT
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro