Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 28

Happy 205 followers!!! Thanks for the all time support!

***
Chapter 28: Trending si Lala

LALA'S POINT OF VIEW

"DITO ka nakatira?!" Manghang-mangha kong tanong dahil nasa pinakamataas kaming palapag ng malaking gusaling ito. Gabi na kasi kami nakapunta rito kasi may dinaanan pa kaming sementeryo.

Nasa loob nga lang ako ng kotse niya. Hindi ko na rin tinanong kung kaano-ano niya iyong binisita niya roon dahil baka masabihan pa akong usesero.

Ayun, balik sa nakikita kong napakagandang view ngayon. Mabuti nalang at wala akong takot sa matataas dahil kung meron man ay malulungkot talaga ako dahil hindi ko mae-enjoy ang ganito kagandang tanawin.

"Anong ibibigay mong trabaho sa akin, Gar?" Pagbasag ko sa katahimikan dahil hindi naman siya nagsalita mula kanina pa sa elevator patungo rito. Excited na excited ako kahit hindi dapat ako mag-expect.

Ngunit hindi naman siya sumagot kaya iwinasiwas ko ang aking mga kamay sa mukha niya.

Ayan, tulala nga.

"A-Ah, ano. Kahit anong gusto mong trabaho. Kung saan ka magaling." Ha? Ngayon pa lang ako nakariinig ng ganitong pagbibigay ng trabaho.

'Yung pakiramdam mo na kahit anong trabahong gusto niyang ibigay ay kakayanin mo dahil desperado ka na tapos ngayon maririnig mo na kahit ano lang? Napakunot ang noo ko, lukot na lukot.

Nangangamoy scam, eh. Pinagloloko ba ako nitong artistang 'to?

"Biro lang. Gagawin kitang stylist ko tutal bagets ka naman, may movie kasi akong on process which is age gap themed. Para naman magmukha akong mas bata kaysa sa edad ko ngayon." Tumango ako nang may pag-aalinlangan. 'Di pa ba siya mukhang bata sa lagay na iyan?

"Weh? Sa mukha pa lang 'di na masasabing singkwenta ka na. Pero kung pagiging stylist lang naman ay hindi naman ako hihindi. Pero kung gusto mo, marunong akong magluto para naman mabigyan ako ng mas mabigat na gawain. H'wag kang mag-alala, 'di kita lalasunin." Suhestiyon ko dahil pakiramdam ko napakagaan lang ng stylist at maliit pang ang makukuha kong sweldo. Imbes na makarinig ako ng halakhak niya ay malalim na buntong-hininga ang nakuha ko.

Sabi na nga ba may maraming mga problemang kinahaharap ang mga artista.

Tinanong ko siya, "May problema, Gar?" Ngumiti siya ng tipid bago nagsalita, "'Yung sinabi kong tao na nakikita ko sa iyo ay marunong din kasing magluto. Asawa niya 'yung—." Tita? Tito? Pamangkin? Kapatid?

"Ah, basta. H'wag mo nalang akong pansinin. Paminsan-minsan nagsi-space ako. Isipin mo lang na normal lang ang pangyayaring 'to dahil sa katandaan ko."

Bahala siya. Handa pa naman sana ang tenga kong makinig. Sa mga VIP lang dapat ang treatment na ibibigay ko, hinindian niya pa.

Ayaw niyang i-take for granted ako?

"Why don't you start cooking? Tutal nagpresinta ka naman na gawin kitang tagaluto. Para naman malasahan ko ang ipinagmamalaki mo. Sana 'di ako madisappoint, Lala ah." Ayan masigla na ulit ang hangin sa loob nitong magandang condong ito.

"Pakialaman ko ang kusina mo po ah?" Tumawa ang MATANDA. "Alangan namang hindi mo pakialaman eh magluluto ka nga 'di ba? You're funny, Lala."

Uuwi na lang ako sa amin, ang toxic ng bagong kong amo. Pilosopo eh katulad ni Bla—

Wala.

Binilisan ko ang kilos ko dahil baka mapunta na naman itong utak ko sa ibang galaxy. Nagmumukha akong alikabok na maaaring makairita sa kanilang mga mata kaya lumayo ako upang maging normal ulit ang lahat.

Sabing h'wag nang isiping muli eh.

Matapos naming kumain ay itinuro niya ang magiging tulugan ko na 'di ko inaasahang sa totoong kama pa. Okay lang naman ako sa sofa bed na nasa sala.

Hindi ko na lang siya kinulit at baka magka-uban pa ang kaniyang buhok na pinakulayan niya ng itim.

***
LUMIPAS ang tatlong linggo nang hindi ko namamalayan. Nagkakatimbang na rin ako na nagpapasaya sa akin, kaunting exercise lang, makikita na ang mga muscles ko. Eh, ano ba naman kasi itong si Gar kung ano-ano na lang ang binibigay sa akin na mga imported na bagay at mga pagkain.

Tapatin niyo nga ako. Trabaho ba ang nakuha ko o sugar daddy?

Hindi rin kasi niya ako binigyan ng trabahong mabibigat bukod sa pagluluto at pagpili ng mga damit na susuotin niya para sa shooting na siyempre, sponsored at lahat branded. Meron din daw housekeeping kada dalawang araw kaya wala akong masiyadong gingagawa.

Kaya ayun, higa at tayo lang ginagawa kong exercise. Mas nagiging pabigat yata ako rito.

Nitong mga nagdaang araw ay hindi ko alam kung ano itong mga nararamdaman ko. May mga pagkakataon na bigla akong nahihilo atsaka sa kasamaang palad, nagsusuka rin ako minsan.

Hindi kaya highblood ako? O ano?

"Lala, may dala akong chocolates. Pinabibigay ni Manager sa iyo." Napabangon ako agad sa kinahihigaan kong sofa bed at pinatay muna ang TV bago pumunta upang sabulungin si Gar.

Dahil sa kagwapuhan ko ay pati manager ni Gar nakuha ko ang loob. In fact, kami na.

Biro lang, naging successful daw ang movie tapos ngayong week na ilalabas. Laking pasasalamat niya sa akin dahil mas naging angkop ang itsura ni Gar para sa bidang lalaki.

Sus, ako pa ba?

Umupo ako. Tumabi siya at umakbay siya sa akin. Siya pa mismo ang nagbukas ng TV dahil busy ako sa nilalantakan kong napakasarap ng chocolate na lasang imported talaga. Nakaka-adik.

"BREAKING NEWS. DIRECTOR GENERAL BARRY PATRICK'S POLICEMAN SON HENRY BLAKE PATRICK IS HERE TO CLARIFY THE MISUNDERSTANDINGS ABOUT THE ISSUE, 'AFTER SUSPENDING THE WEDDING DUE TO THE DEATH OF THEIR MIGHTY GRAND FATHER, BARTHOLOMEW PATRICK, WE HAVE GATHERED A LOT OF INFORMATION WHICH STATE THAT THE WEDDING OF HIM AND THE ROOKIE MODEL, PAINE LACSAMANA DID NOT HAPPEN AFTER MORE OR LESS A MONTH OF SUSPENSION.' PAKINGGAN NATIN ANG PAHAYAG NI MR. PATRICK." Napaubo ako nang malakas sa aking narinig. Bakit hindi itinuloy ang kasal? Anong naging problema?

Umalis na naman ako, 'di ba? Hindi na ako sagabal, 'di ba?

"Dahan-dahan lang Lala, kapag nabulunan ka at namatay, ako pa ang may kasalanan. Masisira ang image ko bilang isang magaling na aktor. Magiging kargo pa ng konsensiya ko at higit sa lahat, ako pa ang gagastos ng pagpapalibing sa iyo." May tatalo na pala sa pagiging overthinker ko.

Mukha ba akong mabuting damo para mamatay nang ganoon kadali?

Bago ko pangunahang kwestyonin ang mga desisyon ni Blake ay papakinggan ko muna ang sasabihin niya ukol dito. Makikibalita lang nang palihim.

Pinilit kong hindi ituon ang aking mga mata sa screen at nagpanggap na abala pa rin sa kinakain ko ngayon pero alert na alert ang aking tenga sa pakikinig.

Huminga ako nang malalim na parang naghahanda sa mga sasabihin niyang mga salita. Kinabahan ako bigla. Pero hindi ko talaga natiis, napatingin talaga ako sa screen at nakitang bumuka ang bibig ni Blake ngunit walang salita ang maririnig.

Nasira ba ang microphone niya?

Pinagtuunan ko ng pansin ang itsura niya. Ang gwapo pa rin kahit parang nangayayat ng kaunti. Medyo umitim din ang ilalim ng kaniyang mga mata at 'di na maayos ang pagkakasuot ng police uniform niya.

Hindi ba siya inaalagaan nang maayos ni Ma'am Paine?

Bigla na lang naging puti ang screen at biglang may nakasulat na, "It seems like we're having a technical problem. A commercial will follow after this message. We'll fix it sooner or later. The Ma-Issue Breaking News will be right back. ASAP!"

"Ampanget naman ng balita. Ililipat ko Lala ha. Mas maganda pa kung manood ulit tayo ng Barney." Doon na kumilos ang mga kamay ko upang pigilan si Gar at isa pa ayaw ko na manood ng Barney ng paulit-ulit. Hindi ko maintindihan kung bakit baliw na baliw siya sa isang dinosaur na kulay lila. Hindi naman ako natutuwa sa matinis nitong boses.

"A-Ano, 'di ba sinabi mo kahapon na nagpa-schedule ka sa spa ngayon dahil masakit ang likod mo?" Mabuti nalang at may pumasok kaagad sa utak ko na palusot. Hindi man inaamin ng utak ko, gusto pa rin nitong maki-chismis.

"Ha? Ngayon pala iyon?" Tumango-tango ako. "Ngayong alas diyes at 9:40 na ngayon. Hindi ka ba pupunta? Baka malayo ang spa na pupuntahan mo."

Tumayo na siya kaya sa pagkakaupo nakahinga ako nang matiwasay.  "I'll be back as soon as possible." Matanda na kasi kaya parating may masakit ang kasu-kasuan.

For sure, matagal pa siya makakauwi dahil baka marami na siyang iniindang mga muscle pain.

Tatlong commercial ang ipinakita bago bumalik ang Ma-Issue Breaking News. Umalis na rin si Gar patungo sa spa. "AYAN! NAKABALIK NA ANG MA-ISSUE BREAKING NEWS. H'WAG NA NATING PATAGALIN PA DAHIL NAAABALA NA TALAGA SI MR. PATRICK."

Nagsalita si Blake, ngayon may naririnig ng boses sa kaniyang hawak-hawak na mikropono. "I WOULD LIKE TO THANK YOU FOR LETTING ME CLARIFY THE ISSUE. GUSTO KONG IPAALAM NA ISANG BUWAN NA ANG NAKALIPAS MATAPOS ANG BREAK-UP NAMIN NI PAINE DUE TO OUR PERSONAL ISSUES KAYA HINDI NATULOY ANG KASAL. I'M SORRY FOR NOT LETTING THE PUBLIC KNOW EARLIER. 'YUN LANG PO." Nag-focus ang camera sa reporter na nakanganga. Napatawa ako ng ubod ng lakas.

"'YUN LANG, SURE KA? YOUR BAKA MAY GUSTO KA PANG IDAGDAG DIYAN, 'YUNG MAS ELABORATED?" Tanong niya kay Blake na parang nakikipag-usap lang sa ISANG kaibigan.

Ang isinagot niya sa lalaking reporter ay pagkuha ng isang papel mula sa kaniyang bulsa. Gusot-gusot na iyon at 'di maayos ang pagkaka-tiklop.

Pinazoom niya ang camera upang mafocus nang maayos sa papel. Abang na abang pa ako na parang update ng isang Mexican telenovela na tagalog dub.

Nanlaki ang mga mata ko nang mabasa ang nakasulat. 'Lala, bumalik ka na sa akin. Miss na miss na kita, Mahal. H'wag mo naman akong pabayaan na mag-isa oh. Mahal na mahal kita, sinabi ko na naman iyan sa iyo 'di ba, pero bakit nagawa mo pa ring umalis?'

May pa-crying emoticon pa sa huli, baliw.

Tinignan ko ang cellphone ko kung sakali mang matag ako ng mga friends ko sa F*cebook about sa Lala issue. Agad kong in-unfriend ang lahat ng mga friends ko at ini-lock ang profile ko. Mukhang delikado ang buhay ko.

Agad akong pumunta sa tw*tter ko at doon sumagap ng ilang impormasyon patungkol sa pagbunyag niya sa napakaganda kong pangalan. Mabuti nalang at may dummy account ako.

Relax, ako lang 'to. Si Lala lang 'to.

Tinignan ko ang trending at #Lala ang nagunguna sa Pilipinas. Masiyado naman yatang mabilis ang balita. Pinindot ko iyon at halos mahimatay sa kakatawa dahil sa mga post nila na puro memes.

May mga babaeng umaangkin na sila si Lala tas may edit pa na mukha ni Blake na nasa tabi nila. May nagvi-video call raw sila ni Blake. May mga chismis na mali lahat. Puro mga linked accounts ng mga kilalang artista na nagsisimula ang pangalan sa letrang L.

Ang nakakuha ng pansin ko ay isang Labrador Landro na nasa ikaapat na top posts. Lalaki siya malamang at may edit na nakaupo sa harapan niya si Blake at nakangiti silang dalawa sa isa't-isa.

Sabi niya siya si Lala na iisipin kong totoo dahil sa napakagandang resulta ng pag-eedit pero alam ko sa sarili ko na ako pa rin ang Lalang tinutukoy ni Blake kaya kahit magpanggap kayo ay okay lang basta ba matago ang pagkakakilanlan ko.

Ngunit noong nagbabasa ako ng comments ay napasinghap ako dahil sa napakaraming batikos. Kesyo hindi raw bading si Blake. Ang Lala na pangalan ay pambabae raw. Kesyo kadiri raw siya dahil bakla siya. Kesyo ambisyosa. Kesyo hindi niya raw bagay. Halos kababaihan pa ang mga nangba-bash.

Mga ex-girlfriends yata ni Blake.

Napakasakit ng mga sinasabi nila. Sabi na nga bang walang makakatanggap nito. Isang napakalaking kasalanan at kamalian  ang ginawa namin. Pinahid ko ang sipon ko sa bagong labang sofa at patuloy na binabasa ang comments, umaasa na may magtanggol kay Labrador Landro pero wala.

Ito na nga ba ang kinatatakutan ko. Bakit pa kasi isinapubliko pa ni Blake? Proud ba siyang nagkaroon kaagad ng relasyon sa isang lalake pagkatapos ng isang matinong relasyon kasama ang isang matinong babae.

Bakit hindi niya sinusunod ang puso niya na si Ma'am Paine ang tinitibok?

Nagpakalayo-layo na nga ako upang hindi na siya maguluhan tapos magiging ganito pa rin? Bakit niya ba kasi pinapahirapan ang sarili niya? Kahit saan tignan, perpekto ang isang babae para sa isang lalaki.

Kapag nalaman ng lahat na lalaki nga si Lala ay tiyak akong ganiyan rin ang kanilang magiging reaksiyon o hindi kaya'y mas malala. Kaming dalawa ay iisiping salot sa lipunan at maapektuhan nang malaki ang pamilya Patrick.

Kahit malayo ako ay nasasaktan pa rin ako sa mga kilos niya, napakalaki na nga ng isinakripisyo ko. Nagpakalayo-layo na ako kahit masakit sa loob ko upang mabigyan sila ng masayang buhay na walang sumasagabal.

Tiniis ko ang sakit na nararamdaman ko ta's gaganiyanin niya pa ako.

Pinilit kong tumayo at naglakad patungo sa kwarto ko kahit nandito na naman ang pagkahilo ko. Nagtalukbong ako ng kumot at umiyak nang umiyak hanggang makatulog.

Sana tigilan mo ang kahibangan mo, Blake.

AS1: AFFECTED GUN
ALL RIGHTS RESERVED
©2021

@FORTYUNEYT

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro