Chapter 27
Happy 193 followers!🎉😭
***
Chapter 27: Garry Cordova
LALA'S POINT OF VIEW
DAHIL nakatulala lang ako ay hindi ko na alam kung saan ako dinala nitong jeep ni pinara ko dahil sa pagmamadali. Hindi ko na binigyan ng oras pa ang puso ko na mag-alinlangan kanina.
Baka magback-fire sa akin at hindi lang ang puso ko ang mamatay.
Iwinaksi ko na lang sa isip ko ang mga nangyari kanina at baka bumigat lang ang pakiramdam ko at maiyak pa ako rito sa jeep.
Nakakahiya pa naman kung sa public ka mag-inarte, Lala. Nagdesisyon ka na, 'di kita napigilan.
Oo na. Huwag mo nang ipaalala pa at baka hindi ko mapigilan ang sarili ko, makabalik pa ako sa lugar na iyon.
Pinayapa ko ang aking isip at nilibang ang sarili sa mga nakikita ko sa bintana-bintana ng dyip.
Nang may nadaanan kaming fast food chain ay bumaba kaagad ako, mas mabuting bumaba ako sa lugar na maraming tao upang may mapagtanungan kung saan may malapit na paupahan.
Hindi ako pumasok sa fast food chain dahil nagtitipid ako. Umupo lang ako sa waiting shed sa gilid nitong fast food chain na ito.
Sakto namang biglang bumuhos ang malakas na ulan.
Tumabi ako sa nag-iisang tao na nakaupo sa waiting shed. Matandang babae iyon at nakatalikod sa akin. May hawak siyang dyaryo kaya naisip kong hihiramin ko ang dyaryo niya. May parte kasi sa dyaryo na nakalagay ang mga room for rent at lalo na ang mga naghahanap ng trabahante.
Siya nalang ang pag-asa ko.
Balak ko sanang tanungin si Lola kaso inunahan niya ako. "Umupo ka lang dito at may darating na lalaki na tiyak na makakasagot sa mga katanungan mo."
Nagtaka ako. "Ha? Hindi ko maintindihan ang sinabi mo, Lola. Sinong lalaki? Pwede pong pakiulit?"
Humarap siya sa akin na sanhi ng kamuntikan kong pagkabuwal. Bumalik sa isip ko ang mukha noong matanda na binilhan ko ng kwintas noon na pag-aari pala ni Blake! Itong matandang nasa harapan ko, siya iyon!
Ibig sabihin ba noon na siya ang totoong nagnakaw kay Blake at hindi ako?
"Hijo, nakikita ko sa ayos mo na naglayas ka. Alam mo ba na masama ang paglalayas? Masasaktan mo ang mga magulang mo niyan." Napatalon ako sa gulat dahil may biglang nagsalita sa likod ko. Kamuntikan ko pang masapak eh.
Paglingon ko halos matawa ako sa get-up niya. Napakabaduy niya eh. Naka-sweater siya na iba-iba ang kulay, naka-shades na kulay blue, may wig rin siya na kulay dilaw tas itim na medyas at ang panghuli ay nakatsinelas na dinosaur ang design. Ang pantalon lang yata ang normal eh.
Medyo madilim na rin dahil sa maiitim na mga ulap kaya 'di ko sure kong naaaninag ko ng maayos ang mukha niya.
Sasabihin ko sana na hindi ako naglayas pero naunahan ako ng tiyan kong magsalita. Tumunog ang tiyan ko nang malakas na napaikot ng 360 degrees ang ulo ko, ibig sabihin no'n mabilis kong inilibot ang mata ko sa buong paligid at hiniling ko na lang sanang kinain na ako ng lupa dahil sa kahihiyan.
Ang daming nakakatitig sa akin, kahit umuulan ay hindi nila inalintana iyon! Hindi dahil pogi ako kung hindi ay malakas na kumalam ang sikmura ko!
Tumawa nang ubod ng lakas ang lalaking nasa tabi ko at hinawakan ang aking kamay, "Hali ka na, pasok nalang tayo sa fast food chain tutal nasa harapan na naman natin. My treat. Nakakahiya naman sa iyo."
"Don't talk to strangers po. Mas lalo na po kung pinapakain ka po, na-experience ko na po iyan. Masakit po sa heart." Tumawa lamang siya. Hindi ako siniseryoso!
Inilapit ang bibig niya sa tenga ko. "Artista ako." Lumaki ang mga mata ko. Kung sakali mang hindi siya nagsisinungaling ay pwede na akong mahimatay dahil first time kong maka-meet ng artista, wala akong pake kung 'di ko kilala.
Tamang-tama kasi ang suot niya para sa isang artistang gustong maglalakad-lakad ng tahimik at walang mga paparazzis.
Pangarap kong makakita ng artista sa malapitan dahil hinahangaan ko sila! Kapagod magbasa ng script, kapagod magmemorize at sa huli, Nakakapagod my take 1, take 2 tuwing nag-aacting na.
Kinamot ko ang gilid ng mata ko, "Ano namang pangalan mo?" Takang tanong ko. Baka nakita ko na siya sa mga pinapanood kong teleserye sa telebisyon.
"Garry Valenciano 'to." Napaubo ako nang malakas na tila nabulunan ng sariling laway dahil sa sagot niya. Gary Valenciano? Iyong idol ko na napakagaling kumanta?! Gusto ko ng autograph!!!
"Joke lang, Garry Cordova at your service! Doble 'yung r nitong pangalan ko. Tsk!" Ay teka parang narinig ko ito sa bibig ni Boss Popi. Teka muna, huhukayin ko muna ang mga alala-ala ko.
Itong lalaking 'to ang best friend niya raw na artista na kinuhanan niya ng pwedeng ipang-apelyido sa akin!
Napanatag ang loob ko dahil kakilala lang pala siya ni Boss Popi, wala namang masama kung ilibre niya ako ng tanghalian.
Nilingon ko muna ang waiting shed upang ayain si Lola at nang matanong ko rin kung paano niya nakuha ang kwintas ni Blake at ibinagay sa akin. Ang galing ah, ako pa ang may ganang mag-imbita, nagpapalibre lang ako. Ngunit wala naman ng taong nakaupo sa waiting shed. Nagkibit-balikat lang ako at ako pa ang humila kay Garry Cordova papunta sa loob ng fastfood chain. Mabuti nga lang at tumawa lamang siya.
Habang hinihintay na maiserve ang mga inorder niya para sa amin ay nagsimula akong tanungin siya. "May kakilala ka bang taong nagngangalang Popi?"
Ibinaba niya ang kaniyang shades at tila nabato sa kaniyang pwesto nang makita ang mukha ko. Nagtagal siya sa ganitong sitwasyon bago bumalik sa dati. "Ah, Popi. Siya ang kababata't matalik kong kaibigan noon. Matagal-tagal na rin kaming hindi nagkakamustahan eh, hindi ko na alam kung nasaan na siya ngayon." May patango-patango pa siyang nalalaman. Totoo nga ang sinabi ni Boss Popi!
"Bakit kilala mo si Popi?" Balik na tanong niya sa akin. "Ay, oo. Boss ko siya noon sa trabaho."
"Teka, ano po bang nangyari kanina. Bakit po kayo biglang naging bato habang nakatingin sa mukha ko?" Nagtataka kong tanong. Ano ba talagang meron sa mukhang 'to at ba't pinaglalaanan talaga nila ng pansin?
Huminga siya ng malalim, "May naaalala kasi ako sa iyo eh. May kamukha ka." Akala ko pa naman kung gaano na iyon kaseryoso kasi parang maiiyak siya eh. Iyan lang pala.
Hindi man lang ako nainform na common lang pala itong mukha ko.
"Ilang taon ka na po ba?" Tanong ko. Kasi naman iyong ibang mga artista, ang layo ng mukha sa totoong edad. Iyong parang hindi tumatanda na mukha at katawan.
Ang gaan ng loob ko sa kaniya dahil sa isang 'di ko mawaring dahilan.
"Limampung taong gulang na ako at fresh pa rin." Sabi niya atsaka nag-pogi sign. Kinuha ko ang wig na kulay dilaw na nasa ulo niya at imbes na maputing buhok ay maski isa, wala akong makita.
In fairness, may itsura ah. Walang kawinkles-wrinkles. Kapoging 50 years old ah. Sana kapag tumanda ako, ganito pa rin kakisig.
May kung anong pwersa ang nagpwersa sa kamay ko na tumaas.
Namangha ako at hindi namalayan na pinapasadahan ko na pala ng aking palad ang kaniyang mukha. "Napakagaspang ng mga palad mo, hijo. Tiyak akong dumaan ka na sa napakaraming paghihirap. It must be hard for you doing things on your own at a very young age."
Ngumiti lang ako ng tipid sa kaniya. Totoo naman. Gusto ko sanang ibahagi sa kaniya ang mga hirap na pinagdaanan ko kaso papalapit na ang crew nitong fast food chain. Agad kong ibinalik ang wig niya sa ulo niya. Lagot kapag may makakilala sa kaniya.
Agad kong nilantakan ang mga pagkain na napili ko. Ang kapal talaga ng mukha ko pero sino namang hindi gaganahan kung ang taong nanlilibre sa iyo ay imbes na manliit dahil ako lang ang kumakain ay nakangiti lang habang nakatitig sa akin.
Napahawak ako sa tiyan ko. Busog na ako!
"Hello mga Sir, may palibre po kami ngayon sa mag-amang costumer. Limang piraso po ng cupcakes. Mag-ama naman kayo, 'di ba?" Halos tumulo ang aking laway dahil sa napakagandang dekorasyon ng cupcakes.
Ngunit paano ko naman iyon makakain, eh para sa mga mag-ama lamang itong surprise promo.
Pwede kayang sabihin na wala akong ama?Maaawa sila sa akin at sa akin na ang limang cupcakes.
"Ah oo. Mag-ama nga kami." Nagulat ako sa tugon nitong 'artistang' nasa harapan ko. Bakit naman niya aakuhing mag-ama kami? Nilingon ko siya ngunit nag OK sign lang siya.
Bahala na.
Isusubo ko na sana ang cupcake ngunit may nagsalita sa tabi naming mesa. "Payo lang, Kuya. Pagsabihan mo iyang tatay mo na malapit na ang birthday ng pamangkin ko, pwede siyang maging clown." Kunot-noo kong ibinaling ang atensiyon sa kanila.
Tumawa ako nang matabang. "H'wag naman sana kayong makialam sa pananamit ng isang tao." Mababang tonong usal ko, "'Di naman kayo ang bumibili ng damit niya para mag-alala sa kung anong suuotin niya. At least afford bumili ng damit."
Nagkibit-balikat lang siya. Paggrabe na nang paggrabe ang mga ugali ng mga tao ngayon. Hindi na nila inilalagay sa tamang lugar ang pagjo-joke nila.
Habang papalabas ng fast food chain ay tinanong ko muna siya kung ano ang itatawag ko sa kaniya. Sabi niya Gar nalang daw. Hindi naman ako nagprotesta. Sinabi ko na rin sa kaniya na Lala ang pangalan ko.
Mas mabuting kahit alyas ko lang ang malalam niya. Ang sagwa ng alyas, parang salita ng mga kriminal. Palayaw pala ang mas mainam na salita.
"Salamat sa pagkain, Gar." Sinserong pasasalamat ko. Mabuti nalang at dahil may connection ako kay Boss Popi kaya niya ako nilibre.
Salamat, Boss!
"I can really see her in you, Lala." Tumango nalang ako bago tumalikod na sa kaniya kasi maghahanap pa ako ng matutuluyan at trabaho.
Oo na, common na 'tong mukha ko. H'wag mo nang isampal pa sa akin.
Ngunit humarap ulit ako. Chance ko na ito para sumikat! "Gar, may alam ka po bang trabaho na pwede kong pasukan? At kung meron man, i-recommend mo naman ako. Pagpasensiyahan mo na ang kakapalan ng mukha ko." Kinamot ko nang mahina ang ulo ko upang mas maging effective ang acting ko.
Aasa nalang talaga ako sa pang-Hollywood kong acting.
"Magtrabaho ka sa akin, Lala." Seryoso niyang sambit. Magtrabaho ka sa akin, Lala. Hindi iyon pakiusap kun'di isang utos.
Bakit ba paiba-iba ang mood niya?
Agad akong tumango. "Ah. Eh. O-Okay?" Kahit nag-aalinlangan ay humahawak ako sa maliit na porsyento na baka gawin niya akong artista. Malaki pa naman ang magiging papel ko sa showbiz dahil napakatalentado kong tao.
Available ako sa mga tragic at mga sad ending dahil heart broken ako ngayon.
Salamat, Lord, dahil kahit hinayaan niyong mabiyak ang puso ko ay mabilis niyo naman akong binigyan ng trabaho. Salamat kay Lola dahil naging instrumento mo siya upang magkita kami ni Blake na hindi ko naman pinagsisihan. Hindi ko pinagsisihan ang una't huli kong experience ng pag-e-experiment kahit pareho kaming lalaki.
Masaya akong nakita siya, masaya akong mahulog sa kaniya pero dito ko nalang ibabaon ang saglit naming pagmamahalan. Dito sa mismong fast food chain na ito kasama ng mga nakain kong kasulukuyan nang tinutunaw ng aking tiyan.
Maging masaya sana ulit sila ni Ma'am Paine. Iyon lang ang hiling ko.
Wala namang saysay kung tumunganga lang ako at magdamdam. Itong sweldo ko mauubos at mauubos 'to pagdaan ng mga araw. Kung hindi ako kikilos maaaring bumalik ako sa dati kong sitwasyon na pinakainiiwasan kong mangyari.
Ayaw ko nang magnakaw muli!
Ngayon ay ang iisipin ko na ang ay kung ano ang magiging buhay ko kinabukasan nang walang inaalalang Blake at walang inaalalang sakit.
"Halika na, Lala." Sumunod na ako kay Gar. Huling sulyap sa likuran ko dahil may katiting na porsyentong umaasa ako na nakasunod pa siya sa akin. Na pipigilan niya ako.
Bahala na.
AS1: AFFECTED GUN
ALL RIGHTS RESERVED
2021
@FORTYUNEYT
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro