Chapter 25
Chapter 25: Paine
LALA'S POINT OF VIEW
KASALUKUYAN ako ngayong nagsisisi. Hindi ko alam kung ano ang nakain ko at bigla kong isinarado ang pinto. Tutuyuin ko pa sana ang buhok ko tas hindi pa ko nakakadamit. Ba't naman kasi hindi nagpaalam na papasok?
Alangan namang hayaan ko siyang makita ang kabuuan ko. Nakakahiya kaya. Nakaka-insecure.
Parang hindi na iyan nakita ng mahal mong Blake.
Oo na, nakita na. Pero nakakahiya pa rin. Malaki ang katawan niya, sa akin, ang payat. Magmumukha akong dance pole sa harap nitong taong 'to na papasa atang macho dancer.
Agad ko siyang dinaluhan matapos siyang mapasigaw dahil napalakas ko yata ang pagsara ng pinto.
Hindi ko naman kasalanan, ginulat niya ako.
Kahit kakagaling ko lamang sa CR dahil naligo ako at nakatapis lamang ako ngayon at basang-basa pa rin ay pinuntahan ko pa rin siya. Ni hindi pa nga ako natuyo. Kasi hindi naman uso ang hair dryer sa akin dahil hindi ako marunong gumamit no'n.
Aaminin ko na, may kasalanan rin ako.
Inalalayan ko siya patungo sa kama ko. Wala na akong pake kung mabasa siya nang dahil sa akin. Tumabi ako sa kaniya ang upo at sinuri ng mabuti ang na-injury niyang paa. Anong katulong ba ang nanakit ng amo?
"Masakit ba?" Napakawalang kwenta ko talaga kung magtanong. Nakatitig ako sa paa niyang namumula na ngayon.
Masyado ko yatang napalakas.
Ngunit makalipas ng ilang sandali ay wala akong nakuhang sagot mula sa kaniya. Iniangat ko ang mata ko at nagulat dahil nakangiti siya.
Kumunot ang noo ko, "Ano? Bakit ka biglang ngumingiti riyan, hindi ba masakit ang pagkakaipit ko sa iyo?" Nakakabaliw ba ang maipit sa pinto?
"Sa wakas, tinawag mo na talaga akong 'Mahal'." Napasapo ako ng ulo at nag-aalalang napatingin sa kaniya, "Bakit ba gusto mo talagang tawagin kitang 'Mahal'? Bakit napakabig deal para sa iyo?"
Kumunot ang noo niya, "Kinakailangan naman talaga ng tawagan kapag nasa isang relasyon. Is it possible na nakalimutan mong sinagot mo ako kahapon? Wala kang pananagutan. I'm really disappointed, Lala."
"H-Hindi. Alam ko ang mga nangyari kahapon at..."
"You were aware but why aren't you proceeding on calling me 'Mahal'?! Iniisip mo bang hindi totoo ang feelings ko para sa iyo, Lala? Kung hindi mo alam, I'm planning to put some effort in this relationship, I want this to work! Napakarami na ng sinabi ko, nagkulang ba ako sa salita at gawa?" Tumaas na ang tono ng boses niya na ikinagulat ko. Masiyado niya namang dinidibdib. Sincere ba talaga ito?
Hinawakan ko ang mukha niya at natatarantang napasalita, "H-Hindi, alam kong totoo ang nararamdaman mo sa akin. Hindi kita tinatawag na 'mahal' dahil nahihiya ako. Nag-a-adjust pa ako, ano ka ba? Unang tawag ko sa iyo, Pulis Patrick ta's naging Sir Henry, ta's naging Blake. Pagkatapos ngayon Mahal. Ikaw kaya sa posisyon ko..." Pahina nang pahina ang aking boses. Hindi ko alam kung pwede ba iyang gawing excuse.
"Pero ita-try ko... Mahal." Inalis ko ang pagkakahawak ko sa mukha niya at tinakpan ko ang mukha ko gamit ang kamay ko dahil sa labis na kahihiyan.
Inalis niya ang ang kamay kong nakatakip sa aking mukha at inalalayan akong maupo sa kaniyang kandungan. Kinuha niyang muli ang isang kamay ko at inilagay niya sa kaniyang dibdib habang ang kanang kamay niya ay inilagay niya sa aking dibdib.
"Totoo nga talaga ang lahat ng ito, Lala. This isn't a mere dream or a fantasy. Ramdam na ramdam nating dalawa ang malalakas na pagtibok ng ating mga puso." Pinatakan niya ng halik ang ilong ko.
"I forgive you. Ngayon, balik sa paa ko, isang halik mo lang dito, mawawala na itong sakit na nararamdaman ko." Sabay turo niya sa kaniyang nakangusong mga labi.
"Sure kang mawawala ang sakit kapag ginawa ko iyan?" Napakadaming tango ang itinugon niya sa tanong ko. Nagkibit-balikat lang ako dahil wala namang mawawala sa aking kapag hinalikan ko siya sa labi at isa pa hindi ba dapat ginagawa ito ng mabuting boyfriend sa kaniyang nobyo?
Pintakan ko siya ng isang mabilis na halik sa labi ngunit nakita kong hindi naman bumabalik ang porma ng mga labi niya sa dati, nakanguso pa rin. Inulit ko pa kaya pangalawa na pero 'di pa rin.
Last na talaga 'tong pang-tatlo kapag hindi niya itinigil ang pagnguso niya, magiging bibe na talaga siya habang buhay!
Itong pangatlong halik ay patatagalin ko, mga 2 seconds kasi last na eh. Ayan, ginawa ko na kaso bago pa makaalis ang labi ko sa mga labi niya ay bigla niyang hinawakan ang dalawang pisngi ko at nilaliman ang halik.
Nandito na naman ang nakakalunod na halik niyang hinding-hindi matatanggihan ng pusot-isipan ko. Kaya ayun, todo tugon.
"That's our first proper kiss after nating ma-in a relationship, Mahal." Ani niya pagkatapos naming tumigil sa pagtutukaan dahil kinakailangan na naming humingi upang hindi mamatay. Malamang.
"M-Mahal. A-Ah ano, pwedeng umalis na ako sa kandungan mo upang makapagbihis na ako at magamutan na iyang injury mo sa paa." Nauutal kong saad dahil natutuyo na sa katawan ko ang tubig mula sa shower, nilalamig na ako.
At maliban sa dahilan na iyan ay nararamdaman kong nabubuhay ang alaga niyang malaki sa pwetan ko. Nangangamoy delikado kapag nagtagal pa ako.
Mabuti na lamang at tinanggal na niya ang pagkakapulupot ng mga braso niya sa bewang ko ngunit hindi pa rin nakaligtas ang leeg ko ng pinatakan niya ito ng tatlong matutunog na halik tapos binigkas ang mga salitang, "I-love-you."
"I love you too." Tugon niya ngunit hindi ko pa rin makuha ang sarili kong paniwalaang sinsero siya.
Naglakad na ako nang hindi lumilingon pagkatapos ng sagot ko patungo sa cabinet ng mga damit ko ngunit nadi-distract ako dahil sa mabigat na titig ng taong nasa likod ko.
"M-Mahal, tumalikod ka muna." Mabuti na lang at mabilis niyang sinunod ang utos ko. Habang ako ay kumukuha ng damit ay napangiti ako ng palihim. Ito ba iyong sinasabi nilang kilig?
Hindi ko alam kung paano i-describe pero kung wala lang siya rito sa kwarto, magsasayaw at ako na parang kiti-kiti dito tas matutunaw na parang ice cream. O, 'di ba? Ganiyan ka-intense!
Ramdam na ramdam ko ang pag-iinit ng mukha ko ngunit sa halip na tumunganga rito ay binilisan ko na ang kilos ko dahil kailangan pang magamot si M-Mahal.
Sana naman hindi siya magsawa sa akin. Na hindi mawala ang uhaw na nararamdaman nito para sa akin.
Pumapasok pa lang sa isip ko na may marami pa siyang makikitang mga tao... mga babae na maaari niyang matipuhan ay parang gusto ko na lang mawala nang parang bula.
Ah. Nilalamon ako na naman ako ng pagdududa at kawalan ng tiwala.
***
DUMAAN ang tatlong araw at nasa loob lang kami ng bahay. Signal number 3 kasi rito kaya hindi advisable na lumabas. Dahil marami-rami pa naman ang supply ng pagkain dito ay safe kaming dalawa. Marami ang nag-grocery namin last week.
Pinalipas namin ang dalawang araw nang nagba-bonding-iyon ang tawag niya. Naglalaro lang kami rito ng game console niya, nanonood ng TV na minsan ay nauuwi sa paghahalikan. Kapag gabi naman ay tabi kami natutulog at siyempre hindi naman mapigilan ang kaunting censored na gawain.
Ngayon ay ikaapat na araw na ito ng relasyon namin kasabay ng bagyo. Mabuti nalang at humina na ang ulan ngayong hapon.
Kasalukuyan akong nagluluto ng sopas ngayong hapon para naman may mainit na makakain. Sabi niya pa sa akin kahapon na kukuha raw siya ng bagong katulong para hindi raw ako mapagod.
"Mahal, plano kong kumuha ng katulong dahil hindi ko maatim na nakikita kang naglalaba't naglilinis ng bahay."
Mabilis ko iyong hinindian at hinawakan ang mga malalaki niyang mga palad. "Ano ka ba naman, Mahal? Hindi naman dahil tayo na ay kakalimutan ko na ang mga gawain ko rito sa bahay mo."
"Okay lang sana kung pagluluto kasi luto mo lang ang plano kong kainin habangbuhay kasi wala nang mas sasarap pa sa luto mo, Mahal." Malamang! Ako kaya ang may gawa ng recipe ng adobo mong favorite noon. Este, sakto lang.
"Habangbuhay? Kung tayo pa rin." Pagsalaysay ko ng katotohanan.
"Huwag na huwag mong sasabihing hindi tayo sa huli, Lala. Mahal kita at mahal mo ko. Iyon, tapos." May diin niyang sambit ngunit wala itong lasa no'ng pumasok na ito sa mga tenga ko.
Tumiim ang bagang niya. "Don't give me that look, Lala. This ain't infatuation. Ilang beses ko na itong napatunayan sa sarili ko. And guess what? Patuloy lang itong lumalalim sa pagdaan ng mga araw. Ilang beses ko ba iyang sasabihin sa iyo?" 'Di iyan infatuation, libog mo iyan.
Inabot niya ang aking mukha at hinalikan ang aking labi, "Hindi lang ikaw ang obsessed sa gwapo kong mukha at katawan. Obsessed rin ako sa perpektong kabuuhan mo, Mahal. You're the only perfect man for me and I'm the only perfect man for you too."
Napaikot ang bilugan kong mga mata dahil sa naalala ko. Nauwi kasi iyon sa mainit na pagtatalik. Napakatagal natapos.
"Ano itong naamoy kong mabango, Mahal? Mukhang masarap yata." Ayan na naman siya sa linya niyang iyan. Imbes na ang inaamoy ang niluluto ko, ang leeg ko ba naman ang pinagdidiskitahan eh pareho lang naman kami ng body wash na ginagamit.
Siyempre, sabay rin kaming naliligo. Lahat ng dumi namin sa katawan ay wala na dahil may kaniya-kaniya nang tagasabon ng likod at siyempre, 'di mawawala ang kabaliwan niya. Imposibleng normal na ligo lang ang nangyayari araw-araw.
Pinatigil ko na siya sa paghahalik sa leeg ko mula sa likod dahil maluluto ang sopas at saka nakikiliti ako. Ang clingy niya kasi, kahit nasaan ako nakasunod siya o 'di kaya'y nakasunod ang mga mata niya. Cute naman sana kaso may mga oras na nasosobrahan ang pagsunod niya na pati sa pag-ihi ay gusto niyang sumama.
Nasanay na ako.
Tinanong ko na siya kung bakit naging pandikit siya at ito lang ang sagot niya, "Baka naman kasi bigla kang mawala nang parang bula at magigising nalang ako bigla na hindi pala totoo itong nangyayari ngayon sa atin. Natatakot ako, Mahal."
Ako rin naman, napaparanoid din na baka mangyari iyan dahil una sa lahat, hindi kapani-paniwala ang isang salita kung wala itong gawa.
Pinaupo ko na siya sa mesa. Inihanda ko ang kutsara at mangkok namin. Sabi niya ang ganda ko raw tignan kapag inaasikaso ko siya parang misis niya raw ako.
Sanaol, misis.
Barako pa ako sa tatay niyo!
Kinuha ko na ang aming mangkok at nilagyan ng sopas. Malamang kakain eh. Ayun pagkatapos ay umupo na ako sa right side ng table habang siya sa left side pero no'ng kumunot ang noo niya ay lumipat kagad ako sa tabi niya. "Why are you distancing yourself? You're handsome boyfriend is here."
Ang clingy, 'di ba?
"Binibiro lang kita, alam kong hindi ka mabubuhay nang wala ako sa tabi mo." Tumawa ako. Nanay yata ako imbes na parausan niya.
Hindi na ako nagulat nang kuhanin niya Ang kaliwang kamay at ipinagsaklop niya iyon sa kaniyang kalawang kamay.
"Siyempre. Patay na patay na nga ako sa iyo tapos tatanggalin mo pa sa akin ang nagsisislbing ilaw sa madilim kong buhay."
Ganito siya parati, malambing. Walang oras na hindi niya ipinaparamdam na totoo ang nararamdaman niya kaya nawawala nang paunti-unti ang takot ko na baka pinaglalaruan niya lang ako. Ngunit paunti-unti lang naman.
"Ilong mong matangos! Paano ka kakain niyan?" Tanong ko.
"Subuan mo ako, Mahal..." Napatayo ako bigla dahil sa nakagulat na pagtunog ng doorbell.
Hinila niya ako. "H'wag mong pansinin iyan, Mahal. Nanti-trip lang."
Ibinuka niyang muli ang bibig niya. "Dali na, nagugutom na ang mahal mo." Akmang isusubo ko sa kaniya ulit ang kutsarang puno ng sopas ngunit tumunog nang sunod-sunod ang doorbell.
"Baka nandito ang nabuntis mo, Mahal." Sinamaan niya ako ng tingin na ikinahalahak ko.
Nauna akong naglakad patungo sa gate, alam ko namang nasa likod ko lang si Mahal. May kaunting ulan pa pala.
Bumungad sa amin si Kuyang Chinito na guard, 'yung ex ni Kurtney na nakapayong. "Sir, maaari ko ba kayong magambala?" Tanong niya na kaagad ko namang tinanguan.
"Kakilala niyo si Ma'am, 'di ba? Nakita ko kasi siyang nauulanan sa harap ng entrance nitong subdivision." Kumunot ang noo ko, Ma'am? Sinong Ma'am...
Nangyari na nga ang kinatatakutan kong mangyari. Nagpakita si Ma'am Paine sa harap namin na nasa hindi kaaya-ayang ayos. Napakarumi ng kaniyang magandang damit at gulo-gulo ang kaniyang buhok. Kulay papel na rin ang buong mukha niya dahil sa lamig.
"Paine." Kaagad na dinaluhan ni Bla-Mahal si Ma'am Paine nang walang pag-aalinlangan. Nagimbal kami dahil biglang nabuwal si Ma'am Paine sa kinatatayuan niya, mabuti nalang at mabilis siyang nasalo ni Mahal. Nawalan ng malay-tao si Ma'am.
Hindi ko namalayan na nakahawak na pala ako sa kaliwang dibdib ko. Ambigat sa pakiramdam ang eksenang ito.
Kitang-kita ko ang pag-aalala sa mukha ni Mahal. Habang tinutulungan siya ni Kuya Guard na buhatin papasok sa loob ay naiwan ako sa labas. Kailangan ko ng oras para mag-isip.
Kahit hindi ako naulanan, nanginginig ako nang sobra.
Lumabas ako sa silong at umupo sa tabi ng gate namin. Nagpaulan ako hindi para maligo kun'di para matabunan ang mga luha ko.
Ano kaya ang mangyayari sa akin ngayong nandito na si Ma'am?
Binabawi na yata ni Ma'am ang sa dati pang sa kaniya. Pinahiram niya lang yata si Blake sa akin ng ilang sandali at ngayon, kailangan nang maibalik sa tamang may-ari.
Bakit ang bilis mo naman maningil, Ma'am?
AS1: AFFECTED GUN
ALL RIGHTS RESERVED
©2021
@FORTYUNEYT
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro