Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 24

Chapter 24: Bla-Mahal!

LALA'S POINT OF VIEW

NAPAMULAT ako dahil may kung anong tumutusok sa pwet ko. Hindi ko iyon pinansin at binalikan ang mga nangyari kahapon hanggang ngayong madaling araw.

Totoo ba iyon o panaginip ko lang? Napakaimposible eh!

Tinakpan ko ang nag-iinit kong mukha. Kinurot ko ang aking pisngi dahil baka hindi pa ako nagigising. Malay ko ba kung produkto lang iyon ng imahinasyon ko.

Ayan na, hindi ko na napigilan ang ngiti ko. Kung panaginip man lang iyon, edi iyon na ang pinakamagandang panaginip ko sa tanang buhay ko. Kahit ilusyon, ang saya.

Ngunit hindi pa rin maipagkakailang mag-iiwan ito ng mapait na lasa sa dila ko. Kung totoo man ang pangyayaring iyon, produkto iyon ng kawalan ni Blake ng malalabasan. Produkto iyon ng hindi niya mapigilang libido at ako si tanga na pinapayaan lang siya sa gusto niya dahil nga mahal ko ang tao.

"Mahallll~" Teka, bakit may nagsalita bigla? Mahal? 'Di ba ito iyong tinawag ni Blake sa akin sa panaginip ko?

Muli kong naramdaman ang pag-init ng mukha ko. Tinakpan ko ang buong mukha ko ng aking mga palad at impit akong napatili.

Wait lang, puso. Hindi kita binayaran para magtambol sa loob ng katawan ko!

Ngunit naputol ang pag-iisip ko nang may sumundot muli sa aking pwet. Hindi ko ito nilingon pero binalak kong kamutin kasi baka kati lang. Pero put*ngina hindi pala iyon makati, may bagay talagang malaki at mahaba na nasa likod!

Nakarinig ako ng tawa mula sa isang demonyong may-ari ng bagay na iyon.

Nakatayo ang flag pole! Kaso kinulang ng watawat.

Nilingon ko siya at napagtantong nakahubad pa pala siya at pati na rin pala ako. Sabi na nga ba, kung hindi ako kikilos, mamatay kaming dalawa sa lamig. Nakikita ng mga mata ko buong kabuuan niya at hindi pa siya nag-abalang magkumot kaya kitang-kita ko ang matayog na puno ng saging.

Proud na proud, eh 'no?

"Totoo ka?" Tanong ko sa kaniya. Ano ba ito? Pagkatapos kong managinip, nanaginip ako ulit?

Ngumisi siya bigla at inilapit ang kaniyang mukha sa akin. Agad-agad niyang sinakop ang aking mga labi. Nagsimula akong tumugon para kumpirmahin hanggang sa maubusan nga kami ng hininga.

Kung panaginip ito, ba't hindi na ako makahinga?

"Kadiri!" Hinihingal kong bulyaw sa kaniya. Ano ba naman 'tong katawan ko? Parang nailalim sa isang sumpa. Kusa lang ang lahat na para bang natural na bagay lang ang pagtugon ko sa halik niya.

Mabilis akong umalis sa kama at binato ko siya ng papel na pinulot ko sa basurahan na malapit sa kama at walang pag-aalinlangang nagmura. "G*go. Bakit 'di mo ako dinamitan? Ang tagal mo pa akong tinantanan. Wala kang paawat!"

Hays, napakasarap sa feeling kapag naipalabas mo ang sama ng loob mo. Nakakamura ka nang payapa.

Ano ba itong nararamdaman ko? Nagkalabel lang, feeling superior na agad ako? Ano bang pinanghahawakan ko at kumapal ata ang mukha ko? Baka maging battered boyfriend ko pa siya.

Yiee, kilig na naman si Lala. Boyfriend na nga, may ko pa.

Tumahimik ka!

Nawala ang ngiti sa mukha niya, "G*go na pala ako ngayon? Asan na ba iyong 'mahal' mo kahapon?" Ngayon ay nakakunot na ang kaniyang noo sa kadahilanang hindi ko siya tinawag na 'Mahal'. Hindi rin ako natuwa nang masalo niya ang papel na ibinato ko.

"Mahal ka riyan, pinatulan ko lang 'yung joke mo kahapo-" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil bigla siyang nagkumot at tumalikod sa akin at may pabulong-bulong na siya lang talaga ang nakakarinig.

Anyare? Nagsasalita pa ako ta's tinalikuran bigla. Napakawalang modo talaga niya.

Joke lang naman talaga kasi iyong nangyari kahapon. Pinatulan ko lang ang joke niya dahil iniisip ko na baka katulad lang ito ni Kanor na hindi naman nagsi-seryoso.

Nilapitan ko siya upang tingnan kung bakit siya kumilos ng ganoon. "Hoy! 'Wag mo akong tinatalikuran. Napuyat ako nang dahil sa iyo. Pagod na pagod ako. Paano na ako makakaluto ng umagahan niyan? Humarap ka!" Inuulit ko, hindi ko alam kung saan ko nakukuhang magsalita ng ganiyan sa amo ko... sa boyfriend ko kuno.

"Ayaw ko, tawagin mo akong 'Mahal' kagaya no'ng kahapon. Ganoon na ba ako ka-pipitsugi at ganoon nalang kadali akong maloko ng mga salita mo? Klarong-klaro pa sa isip ko ang mga salitang sinabi mo sa akin. Ang unfair mo naman, Lala." Pilit ko siyang pinapaharap sa akin ngunit ang tigas niya. Ilang ulit ko talaga siyang pinaharap kaso ang tigas ng ulo. Mukha siyang batang nagtatampo.

Nagtatampo? Kung nagtatampo ba ang isang tao, kung binigyan ng kendi, magiging okay na ba?

"Ngayon lang ako naging ganito. Ngayon na nagpakatotoo na ako sa sarili ko ay saka mo ako lolokohin? Nahihiya naman ako sa iyo, Lala. Daig mo pa ang heartbreaker sa lagay na iyan." Ang arte ng gag*, kung ano-ano ang pinagsasabi. Akala niya maaawa ako sa kaniya.

Kahit magtagal pa siya sa ganiyang posisyon at magtampo maghapon ay hindi niya pa rin ako mapipilit na tawagin siyang 'Mahal'. Nakakahiyang pakinggan at talagang nakaka-'cringe'.

Ngumisi ako at sumuko na. "Bahala ka na nga riyan. Mga pauso mo! May balak pa naman sana akong ayain kang maligo tayo nang sabay kaso 'wag na lang pala..." Kapagod niyang kausap. Kinuha ko ang mga nagkalat kong damit sa sahig at mabilis na kumaripas patakbo sa pinto.

Nababaliw na ba ako at iyon pa ang naisip kong pangtukso sa kaniya, eh para namang magugustuhan niya iyon, wala namang nangyari.

Gumagaya lang naman ako sa mga napapanood kong mga american movies, 'yong eksenang nagtatampo ang lalaki tas sasabihin lang ng 'balak pa naman kitang ayain na sabay maligo... blahblahblah' ng babae ay agad na ngingiti ang nagtatampong lalaki. Ewan ko kung applicable ba kapag sa kaniya ko sinabi.

Mukhang hindi, dahil naubos na ang libog nito sa akin at tiyak na babalik na iyon kay Ma'am Paine.

Isinuot ko na ang mga damit ko kahapon at bumaba na upang makapagluto na. Hala! Habang pababa ako sa hagdan ay para akong pilay kung maglakad.

Huwag naman sana akong himatayin!

Napakasakit ng pwetan ko at masakit rin ang balakang ko. Triple yata ang nakuha kong pagdurusa ngayon sa pisikal na paraan kaysa noon na nasaktan ang puso ko noong nalaman kong ginamit niya lang ako.

Kung hindi lang siya ang nagpapasweldo sa akin ay tiyak akong makakatikim siya ng sapak sa akin.

Magiging battered boyfriend nga siguro si Blake kung hindi siya ang nagpapasweldo sa akin.

Echos! Madungisan ko pa ang gwapo niyang mukha.

Para akong maiiyak tuwing aangat ang paa ko. Todo kapit ako sa dingding kasi baka matapilok ako, magiging sanhi pa ng maaga kong pagkamatay. Kumuyom ang kamao ko.

Hindi ko pa 'to naranasan sa tanang buhay ko at wala akong balak na ulitin 'to!

Magiging kawawa ang mga future anak ko dahil hindi sila nabigyan ng pagkakataong makita ang napakagandang mundo. Manghihinayang sila na hindi nila nakita ang pogi kong mukha.

Isa, dalawa, tatlo, apat, lima... ayan isang hakbang nalang kaso sa kasamaang palad, biglang nanghina ang tuhod ko sanhi ng pagkawala ng kapit ko sa dingding.

Okay na rin mahulog dito, isang baitang nalang naman. Napakalayo sa bituka.

Tinanggap ko na ang magiging kapalaran ko habang unti-unting bumubulusok pababa sa sahig. Alangan namang 'di tanggapin, ilang ulit na nga ako naaksidente nang mas malala pa rito roon sa Baryo.

I'm not chickening!

Pero kung hindi man mangyari ang inaasahan ko at mamatay ako rito sa hagdanan sa dahilang kukunin na raw ako ni kamatayan dahil tapos na ang misyon ko rito sa mundo ay prepared naman na ako.

Nalove back na ako kahit napakatabang, hindi na ako nagnanakaw, nakakain na ako ng maraming ice cream, at higit sa lahat nakatry ako ng long lasting steamy s*x. Okay na iyan.

Sapat na iyan upang mapangiti ako kahit ilang segundo na lang, dead on the spot na ako. Malay mo, mabali ang buto ko ta's matagal pa dadating ang tulong kasi feel na feel niyang magtampo.

Ngunit bago pa ako madapa ay may humila sa akin papunta sa isang mabangong bagay. "Careful, Mahal." Tumaas ang mga balahibo ko dahil sa muling pagbanggit niya ng salitang iyan.

Parang bumabalik sa akin kung paano niya ibinigkas ang mahal na salita habang ako ay nasa ilalim niya, tumatahol. Echos. Umuungol pala iyan.

Sarap na sarap, e?

Nahihiya rin ako dahil hindi ko makita ang sarili kong tawagin din siyang mahal. Bakit ngayon pa ako nahiya? Ang lakas ng loob ko kahapon ah.

Tinakpan ko ang tenga ko at mabilis na umalis sa mga bisig niya. Nahihiya ako sa sarili ko. Hindi ko alam kung saan ako nakakuha ng lakas na loob na ipakita pa ang mukha ko sa kaniya.

Ang ingay ko siguro kahapon.

Kahit paika-ika ay naglakad ako patungo sa sa pinto ng maid's quarter, hindi na ako nag-abalang lingunin siya. Siya 'yong 'di namamansin, 'di ba? Bahala siya sa buhay niya. Bumalik na siya kay Ma'am Paine para tumahimik na ang buhay ko.

Ngayon ko lang napagtantong nanlalagkit ang buong katawan ko, lalong-lalo na sa ibaba. Mamaya na lang pala ako magluluto kasi kailangan na kailangan ko na talagang maligo.

Noon, nanlalagkit ako dahil sa matagal na pagtago sa basurahan ngunit hindi pa rin nakakaligo. Ngayon, nanlalagkit rin ako pero may banyo nang maliliguan kaya bakit ko pa aaksayahin ang oras ko?

Ngunit kumunot ang noo ko dahil may nakasunod na mga yabag sa likuran ko. Rinig na rinig ko ang mabibigat niyang mga yapak na para bang mabilis lang akong mahahabol kung sakali mang tatakbo ako.

"Anong kailangan mo? Bakit mo ako sinusundan?!" Nakakatawang may gana pa akong pagtaasan siya ng boses.

Eh, paano ba naman, sinabihan ko siyang tama na sa unang beses na pagtatalik, umisa pa hanggang dumami na. Isa siyang demonyong nagbibi-bingihan. Libog lang talaga ang nararamdaman niyan para sa akin, kagaya noong binata stage ko sa Baryo Sigasig na kaliwa't kanan ang mga girlfriend.

Pero ngayon, sinong maapektuhan nang marami? Ako. Sino ang nasarapan? Kami. Este sino ang mahina ngayon ang tuhod? Ako.

"Lala! Hear me out!" Hindi ko siya pinakinggan at pumasok sa maid's quarter.

Ngunit makalipas ang ilang minuto ay inilabas ko ang aking ulo sa pinto at nagsalita. "Hear me out, hear me out. Hear yourself! May tenga ka, 'di ba?" Tsaka ko padabog na isinarado ang pinto.

Ang sakit ng katawan ko. Sana hindi ako makatulog o 'di kaya'y matumba rito sa CR at baka tuluyan na talaga akong pumanaw.

***
BLAKE'S POINT OF VIEW

I AM standing in front of the maid's quarter for a while now. Iniisip ko kung ano ang ginawa kong mali. Mali bang magdamdam dahil hindi niya ako tinatawag na 'Mahal' kagaya ng pagtawag niya sa akin kahapon.

I badly want to hear him say that word again kasi special iyon. Iyon ang biglang lumabas sa bibig ko. Hindi ko iyon pinagplanuhan; hindi ko iyon pinaghandaan.

Kagaya ng pagdating niya; hindi ko napaghandaan.

Naiinis rin ako sa sarili ko dahil parang gusto kong ako ang may kontrol sa relasyon namin. Baka kapag tumagal, masakal na siya sa ganitong ugali ko.

I've never been this lame. Noon pa man ay mas prefer ko ang babe kaysa sa nakakatawang tawagan ng mga mag-jowang nakikita ko sa mga paligid at mga posts like: mahal, laham, bebe, bibi, bibiq. I find them really awkward until now pero hindi ko inaasahang lalabas iyon mula sa bibig ko that time.

Surprisingly, it wasn't that bad.

Sa isang relasyon, normal naman talaga ang pagtatampo, pagseselos at kung ano-ano pa, 'di ba? Bakit naman kasi ayaw niya akong tawaging 'Mahal'? Is it that hard to say?

Maliit na bagay lang naman iyan.

Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala na mga nangyayari ngayon. I can't believe that after Paine, si Lala ang papalit sa pwesto niya sa puso ko. It's just that para akong nananaginip. I can't believe that Lala returned my feelings kasama na ang kaniyang puso. I can't believe that we're officially dating! This is too fast, and I can't cope up.

Deja vu?

Pero why is it na imbes ako dapat ang magtampo dahil hindi niya ako tinatawag na 'Mahal' ay siya pa ang may ganang magdabog. He teased me about us going to shower together pero bago pa ako makasagot ay umalis na kaagad siya sa kwarto.

I can't believe him! Sa lahat ng mga naging girlfriends ko ay siya lang ang nakagawa sa akin nito.

I can't believe kung gaano nagreact ang alaga ko dahil sa proposal niya.

Kinuha ko ang spare key ng maid's quarter. Kahit magalit siya ay... mamaya ko na iisipin. Ang gusto kong mangyari muna ngayon ay paamuhin siya; gawin siyang mahinahon. Nakakagulat kasi ang biglaan niyang pagsarado ng pinto sa harapan ko.

We still need to celebrate this day as our first day of being a couple kaya hindi dapat masayang ang araw na ito. April 28.

Dahan-dahan kong binuksan ang pinto na parang may nakatagong isang halimaw sa likod ng pinto. Matapos ang ilang segundo ay ipinasok ko ang kaliwang paa ko ngunit sa hindi inaasahan ay bigla niyang isinarado ang pinto kaya napasigaw ako sa sakit. "Ouch! That hurts!"

Hindi naman gaano ka-sakit. Nilakasan ko lang ang boses ko para malaman ang reaksiyon niya. May papikit-pikit pa akong nalalaman.

"BLA—MAHAL!!!"

AS1: AFFECTED GUN
ALL RIGHTS RESERVED
©2021

@FORTYUNEYT

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro