Chapter 22
Happy 6.6K reads tas 153 followers.
***
Chapter 22: Self Time
LALA'S POINT OF VIEW
NA-ENGKANTO yata si Sir doon sa karenderya. Tinanong ko pa nga ang kaibigan kong kapre kung siya bang may gawa noon. Sabi niya oo, umihi raw kasi si Si—Blake sa puno niya.
Echos.
Hindi ko alam kung ano ang dahilan ng kaniyang biglaang pagiging... sweet? Sinaniban yata ng kabutihang loob.
Tiyak na napastanding ovation lahat... ng balahibo ko dahil sa nakakapanibagong kilos niya.
Halos lumabas pa ang kaluluwa mula sa bibig ko dahil sa ginawa niyang pagpulupot ng matitigas niyang mga braso sa bewang ko kagabi. Dagdag pa na inalay niya rin ang kaniyang mabangong katawan para sa isang alipin na katulad ko kahit na ayaw ng kaniyang ama na siyang aming mahal na hari.
Echos. Nasobraan ata ako kakapanood ng mga k-dramas sa flat screen TV ni Sir.
Pero totoo talagang inialay niya ang katawan niya upang gawin kong double-purpose blanket. Unang purpose, malamang gagawing kumot. Pangalawang purpose, gusto niyang ipaamoy ang mahalimuyak niyang kili-kili sa akin.
Dahil sa bango, nakatulog agad ako.
Pero balik ako sa nangyayari ngayon, nagising akong buhat-buhat ni Sir. Nakasampa ako sa likod niya at tumutulo ang laway. Naisipan kong magpanggap na tulog pa rin habang kami ay pumapasok na sa bahay niya.
Sana naman hindi niya maramdaman ang malakas na pagpintig ng puso ko.
Inilagay niya ako sa kwarto ko roon sa maid's quarter at kinumotan. Dahil nakapikit ako ay hindi ko alam kung ano ang susunod niyang gagawin, dumidepende lang ako sa ingay na ginagawa niya.
Kapag umaacting ka kasi dapat realistic na realistic.
Nagimbal ako dahil naramdaman kong umupo siya sa kama na katabi ng kama ko. Mabuti nalang at marunong akong umarte, dala na rin noong inaaktingan ko ang mga biktima ko.
Maya-maya pa ay nararamdaman ko na ang kaniyang mainit na hininga sa noo ko. Parang nararamdaman ko ang pagtayo ng kung anong bagay na nasa ibabang bahagi ng katawan ko. Ang aking mga balahibo!
Anong gagawin niya? Rape ba? Saklolo! May gustong irape ako!
Ngunit wala namang akong naramdamang dila o kung ano mang basang bagay na magiging unang step sa panggagahasa sa akin sapagkat narinig ko ang pagbuntong-hininga niya na tila napakalalim.
Iniisip niya na naman ba si Ma'am Paine?
"I really like your face, Lala." Ha? Ang hina naman ng boses. " And I like you."
"Oh no, nevermind. Ano ka ba naman, Blake? Natutulog iyong tao eh. Ngayon pa talaga na natutulog mo naisipang umamin?" Muli siyang napabuntong-hininga at doon ko na narinig ang papaalis na tunog ng kaniyang mga yapak. Ibinuka ko ang isa kong mata at nakitang isinarado na niya ang pinto kaya nakahinga na ako nang maluwag.
Ano iyong nangyari? Umamin? Na ibabalik na niya ako sa kulungan?
Tutal gising na rin naman ang diwa ko, mas mabuti pang gumayak na dahil excited ako sa magaganap ngayon. Day off ko!
Sana naman wala na si Si—Blake sa labas para naman maenjoy ko ang self time ko. Gusto kong blangkohin ang isip ko at ituon ang atensiyon sa sarili ko.
Mambababae ako upang makamove-on kay Si—Blake!
Dahil may nahalukay akong pwedeng ipangporma na damit ay nagmamadali kong isinuot iyon. Ewan ko, medyo nabawasan yata ang confidence ko noong straight pa ako kaysa ngayon.
Feeling ko kinakalawang na ang flirting skills ko.
Nagpabango ako. Nakita ko na kasi rito sa loob ng kwarto ang pabangong binili ni Sir para sa akin.
Wala namang pinagbago, pogi pa rin.
Excited akong lumabas sa maid's quarter. Tiyak akong hindi lang mga aso ang lilingon sa angkin kong kakisigan, lahat siguro ng tao mapagkakamalan akong Hollywood actor.
Mabuti at umalis na si Blake.
Nakapikit akong lumabas sa gate. Feel na feel kong ngumiti ng malaki ngayon sabay sabi ng, "The weather's fine, isn't it?"
Ngunit wala namang sumagot sa tanong ko kaya pinatigas ko ang loob ko at nilakad ang daan patungo sa kalayaan. Pareho man ang sitwasyon na ito noon ay hindi naman ako nag-iisip na tumakas ngayon.
Pagkarating ko sa malaking gate ng entrance ay bumungad sa akin si Kuyang Chinito na guard, iyong iniwan ni Kurtney at ipinagpalit sa isang hamak na Juswa. Ngumiti ako ng napakalaki sa kaniya, malaking-malaki na parang ginagaya ang kaniyang singkit na mga mata.
Nasa akin ang huling halakhak, Kuya Guard!
***
NAKAKA-DISAPPOINT ang nangyari sa akin ngayon. Una, napakarami ngang chicks na dumadaan pero wala naman akong matipuhan kahit ang gaganda nila. Hindi ko makuhang mahumaling sa kanilang makinis na balat, maliit na bewang at makurbang mga labi na dati ay kinababaliwan ko.
Mas gusto ko na yata ng maskulado.
Pangalawa, ngayon ko lang napagtanto na may malaking butas pala sa kili-kili itong polo ko. Ginawa ko pang katawa-tawa ang sarili ko dahil napakalayo na nang nalakad ko. Mula sa subdivision hanggang sa malapit na mall, napakahabang kahihiyan.
Ini-expect ko pa naman na papalibutan ako ng maraming mga babae. Ini-expect ko iyan pagkatapak na pagkatapak ko sa sahig ng mall na 'to kaso kahihiyan lang ang ibinigay ko sa sarili ko.
Hindi ko nalang inalintana ang malaking butas sa kili-kili ko at nilibot ang buong mall upang maghanap ng pwedeng mapaglilibangan.
Wala namang amoy ang kili-kili ko at hindi rin naman maitim sa likod ng manipis na balahibo kaya walang problema.
May nadaanan akong isang claw machine kaya nagkislapan ang mga mata ko. Magaling yata akong tumantiya ng lokasyon kaya 'a piece of cake' lang ito sa akin. Mabuti nalang talaga at mae-enjoy ko kahit kaunti itong walang lasang day off na ito.
Medyo nadeterminado ako dahil may maliit na magjowang bears akong nakita. Puro nakablue ang dalawa at naka-finger heart. As in hindi talaga sila magjowa, iniisip ko lang na magjowa sila. Magkapareho lang naman sila ng design. At kagaya ng sinabi ko, dalawang try lang at nakuha ko kaagad ang dalawa.
Kaya kahit na nakakawalang gana ang pagpapasyal ko sa sarili ko ay napasaya ako ng magjowang stuff toy na ito. Ini-magine ko kasing kaming dalawa ito ni Blake. Kasi obvious naman na puro lalaki itong bears na nakuha ko.
Lala heart Blake. #LaKers love team for the win! Kahit sa panaginip lang.
Parang NBA lang.
Gagawin ko nalang itong souvenir kapag tuluyan na akong palayasin ni Blake kapag nagkabalikan na sila ni Ma'am Paine at magkakapamilya na.
Akala ko ba iba-blangko ang isip? Bakit bumabalik ulit sa issue nilang dalawa. Lubayan niyo na ako!
Sige, breathe in, breathe out.
"Hoy!!!" Napatingin ako sa unahan nang makarinig ng sigawan. Nagkukumpulan na ang mga tao sa entrance ng mall kaya mabilisan akong lumapit.
"Ano pong nangyari?" Tanong ko sa ginang na nasa tabi ko.
"Iyong matanda ninakawan ng bag ng isang binata. Nakakalungkot lang at pati matanda dinadamay nila sa kanilang kabulastugan." Ni hindi ko nga nagawang magnakaw sa isang matanda noon. Alam kong wala ako sa posisyon na magtanong pero ano nga ang nangyayari sa kabataan ngayon?
"Saan po ba dumiretso ang binatang sinasabi mo? May humabol na ba sa kawatang iyon?" At nang ituro ng ginang ang direksiyon ay kaagad akong kumaripas ng takbo.
***
NAKUHA ko ang bag mula sa magnanakaw at halos gulpihin ko ng mga salita ang binatang magnanakaw. Natuwa rin ang matanda sa ginawa ko at binigyan ako ng bente. Ang laman lang kasi ng bag nito, isang daan lang at ang pinakainiingatan nitong larawan ng kaniyang anak na pumanaw na.
Siyempre, hindi ko tinanggap ang ibinigay niyang bente, bagkus ay binigyan ko pa siya ng dalawang daan para mag-jeep at gastusin niya sa kung anong gusto niya. "Paalam, Nanay. Ingat ka!"
"Salamat sa tulong, hijo!" Kumaway pa ito habang umaandar na ang jeep na sinasakyan nito.
Nang makitang makaalis na ang jeep, pumasok muli ako sa mall nang nakangiti. Ganoon pala kasarap sa pakiramdam ang tumulong at mapigilan ang kauri kong nagnanakaw sa paggawa ng krimen.
Senyales na ito na unti-unti nang nagbabago ang budhi ko.
Mabuti nalang at may nahagip ng mata ko na isang makulay na ice cream parlor sa second floor ng mall. Tinignan ko ang relo ko at nakitang alas tres pa ng hapon. Hindi ko namalayan na natagalan pala ako sa pakikipaghabulan. Mabuti nalang at nabusog ako kanina dahil kumain ako sa isang cheap na fastfood chain.
Mabuti pang ubusin ko ang bonus kong pera sa kalangitan ng mga ice cream.
***
BLAKE'S POINT OF VIEW
I AM overthinking now. Pasado alas cuatro, pinauwi ng chief namin dahil wala naman masiyadong krimen na naganap ngayong hapon. I'm patiently waiting for him since rito pa rin siya uuwi kasi stay-in siya.
Umabot ng alas sinco, alas sais, alas siete at hanggang naging alas otso na ngunit hindi pa rin bumabalik mula si Lala sa kung anong nilakad niya. Nag-aalala na ako kung anong nangyari sa kaniya.
May nangyari bang masama sa kaniya? I hope there is none.
I've also called him a lot of times just to find out that he left his phone here. I heard it rang somewhere in the house.
Ilang ulit na akong nag-isip ng posibleng bagay na ginawa at ginagawa niya like naglalaro lang siya sa arcade, nagsimba, namamangha sa view ng mga bahay na makukulay ngayong gabi. Mga ganoon pero I can't help it, napaparanoid ako.
Don't tell me may iba siyang kasama kaya natagalan siya? Don't tell me Lala wasted his day off upang makipagdate?
I tried watching TV upang madistract ako pero naiisip ko pa rin kung anong ginagawa ni Lala ngayon. I'll wait for another 30 minutes at kapag hindi pa siya nakabalik ay magpre-presinta akong hanapin siya.
Bago pa ako mabaliw habang iniisip na baka doon siya matulog sa bahay ng ka-date niya, kailangan kong kumalma.
Biglang may nagdoorbell kaya mabilis pa sa lunes ng kalendaryo akong kumaripas ng takbo patungo roon. Baka si Lala na! This should be Lala.
And to my surprise isang mukha ng isang lalaking tila hindi yata ako iniwan sa panaginip ko ang unang bumungad sa gate. Ito 'yung lalaking nasa grocery store. Iyong lalaking manlilibre sana kaya Lala!
Hindi ako nagpakita sa kaniya sa halip ay nakakita ako ng pagtataguan kung saan makikita ko ang lalaking iyon nang walang pakikipagharapan.
Sumunod si Lala na napakalakas ang tawa. "Kanor! Nakakainggit ka ha! Una pa ako nakarating dito sa siyudad pero ikaw, asensado kaagad! Tingnan mo iyang muscles mo, lumaki na. Ampayat mo pa noon! Hindi pa rin ako makapaniwala." May pahimas-himas pa ng braso si Lala sa Kanor na iyon. Tuwang-tuwa.
Para namang wala ako niyan. Mas matigas pa nga itong sa akin kaysa sa kaniya.
Kumuyom ang mga kamao ko noong hinawakan ni Lala ang dulo ng damit nang Kanor na iyon at balak itaas. "Baka mas marami na 'yong abs mo ngayon kaysa sa akin!"
Gusto kong lumabas mula sa pinagtataguan ko. Gusto kong paghiwalayin ang dalawa. Gusto kong kuhanin si Lala mula sa lalaking iyon at itali na lang sa akin para walang ibang magtatangkang kumuha.
Akin ang lalaking iyan!
Tila ba gusto kong bawiin ang mga sinabi kong may susunod pa na day off. Gusto kong mag-stay na lang siya sa bahay at ang kapakanan KO lang ang isipin.
Pinagmasdan ko lang sila. Mukha nga silang magkaibigan. Baka kaibigan niya ito sa Baryo Sigasig. They're really close, eh? Maypa-taas taas pa ng damit.
Halos pumutok na ang ugat sa utak ko nang bigla na lang hinalikan ni Kanor si Lala sa pisngi sabay sabing, "Pag-isipan mo ang feelings ko para sa iyo, Lala. Sorry kung minadali kita." Tumawa muli nang pagkalakas-lakas si Lala na akala niya wala siyang nabubulabog.
Bakit naman gugustuhin ni Lala sa isang katulad mo? Sa pagkakaalam ko, ako ang standards ni Lala. Tiyak akong makakakuha siya ng isang malutong na 'sorry' mula kay Lala.
Ngunit taliwas ng inaasahan ko, biglang pinatakan ni Lala ng halik ang pisngi ng Kanor na iyon at tumatawang nagsalita, "'Yan ang sagot ko—"
At iyon na ang nagpadilim ng paningin ko. Bakit niya hinalikan si Lala sa pisngi? Bakit hinalikan din ni Lala sa pisngi ang lalaking iyon? Totoo nga bang si Kanor ang gusto ni Lala at hindi totoo iyong mga salitang sinabi niya noong natutulog siya? Ibig sabihin ba nito, pinaglalaruan lang niya ako? Pinaglalaruan lang niya ang damdamin ko?
Hindi ko nagugustuhan ang mga tumatakbo sa isip ko ngayon. Ngunit makalapas ng ilang beses na pag-iisip ay napagtanto ako.
Gusto ko si Lala. Gusto kong akin lang siya. Gusto kong ako lang ang gustuhin niya.
This is my first time na may nagustuhang lalaki. This is my first time experiencing 'like' in a romantic way towards a guy kaya hindi ko gustong mawala ang nararamdaman kong pagkagusto kay Lala.
Kung ang lalaking iyon ang gusto niya, gagawin kong ako. Gagawin ko ang lahat upang ako ang nagustuhan mo, Lala.
Even if that means I will again, manipulate his life.
I've never been this pissed and serious over something petty. Hindi pa ako nagalit ng ganito para sa isang taong una palang, ay hindi naman sa akin.
Hindi ko na napigilan pa ang aking sarili at pinuntahan kaagad sila no'ng makitang kong balak na kunin ng lalaking iyon ang mga kamay ni Lala. Mabibigat ang aking mga paa papunta sa kanila. Mabilis kong binuksan ang gate at kinuha si Lala mula sa lalaking iyon. Binuhat ko ang buong bigat ni Lala at isinabit siya sa balikat ko. Isinarado ko muli ang main door at hindi na pinansin pa ang naestatwang bulto ng lalaki sa labas.
"Sir! Ibaba niyo ako! Mapupunta sa ulo ko ang dugo ko. Mamamatay ako! Mamamatay ako!" Hindi ko pinansin ang mga salita ni Lala at isinarado ang pinto. Wala na akong pake kung manatili lang iyong Kanor na iyon room at tumunganga lang.
Dinala ko siya sa second floor at pumasok kami sa kwarto ko, sa master's bedroom. Ibinaba ko siya sa kama at pinatungan. "Hindi ba't sinabi kong Blake na ang itawag mo sa akin, Lala? Sumusuway ka na sa amo mo. Lala..." Inilapit ko ang ilong ko sa kaniyang leeg at inamoy iyon na just like how a predator do to his prey.
Tiim-bagang akong nagpatuloy, "...dagdag pa ang ginawa mo sa akin ngayon, pinag-alala mo pa ako tas makikita ko lamang na nakikipaglandian ka sa lalaking iyon. At itong damit mo, bakit iba ito sa naalala kong suot-suot mo kaninang umaga? Andami mo nang atraso sa akin, Lala. Galit na ako ngayon, Lala. Galit na galit."
Akmang magsasalita sana siya kaso hindi ko binigyan ng tiyansa. Sinelyohan ko ang kaniyang mga labi gamit ang akin.
They still taste the same.
AS1: AFFECTED GUN
ALL RIGHTS RESERVED
©2021
@FORTYUNEYT
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro