Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 21

Chapter 21: Blake's Feelings

BLAKE'S POINT OF VIEW

DUE to that Dalton guy's suggestion na mabilis na nakakuha kaagad ng oo ni Lala, I decided to spend the night here too. Hindi ko alam kung bakit ako sumang-ayon kahit may trabaho ako bukas, but after seeing Lala's excited face upon hearing that we can spend the night here, hindi ko magawang balewalain iyon.

I think my heart just forget its job as I witness his new adorable side.

He must be really wanting to reconcile with those guys. Pwede naman akong mauna nalang since may trabaho nga ako bukas pero a part of me is firmly against the fact that Lala will be sleeping here with that Malton guy.

They laughed together and they seemed to be very close. Tila komportable si Lala na nakalambitin ang taong iyon sa kaniya.

What an eyesore!

Kagaya noong naramdaman ko sa grocery store ang nararamdaman ko ngayon. Para akong batang nag-expect na maging first honor ngunit hindi pala nangyari. Naging third pa ako!

Is it possible na may nabubuong feelings na ako para kay Lala?

I don't know pero I don't dislike the idea. Eh, ano naman ngayon kung magkakaroon ako ng feeling para kay Lala? I'm very single.

Parang binunotan ako ng tinik dahil may kung anong napayapa sa loob ko. If I was to turn the world upside down, it won't change the fact that Paine had left me and we have already broken up.

That's right, I'm single. So, why not give it a try?

Bakit naman hindi ko magugustuhan si Lala? He's got the looks. He's got some careless vibes pero responsible siyang tao. I admire his positive energy. Besides, people in this age aren't giving a sh*t about gay relationships or if they will, I'm gonna kick their ass.

They should see Lala's face first, so they would know what I am feeling every freakin' time that he's near me.

Gusto kong ipagpatuloy ang kakaiba ngunit napakakomportableng pakiramdaman ko na ito. Gusto kong maramdaman muli ang pakiramdam ng kasiyahan kapag nakikita kong tumatawa siya. This tingling but warm sensation.

Am I really falling for Lala? Paano iyon nagagawa ni Lala sa akin? Is this really okay?

Gusto kong ako lang ang ang makakagawa no'n sa kaniya. At saka even if I know Lala has feelings for me. Wait, hindi ko pa na-confirm sa kaniya kung totoo nga bang may nararamdaman siya sa akin.

But I really hope that we can fall together.

Pero I'm having doubts inside me, I'd been inlove with Paine for years. Was it that fast to fall out of love for someone and then, fall in love with another one you barely know?

Is time, a variable when it comes to love?

Kasalukuyan ngayong nag-uusap nang masinsinan si Lala at ang triplets. Inis na inis na talaga ako dahil dikit nang dikit iyong Dalton na iyon sa kaniya. I'm his boss, so bakit niya binibigyan ng maraming atensiyon ang lalaking iyon? At ang Dalton naman na iyon, can't he separate from Lala kahit isang minuto lang? Is Lala numb or something? Ramdam na ramdam kong may gusto sa kaniya ang Dalton na iyon.

Lala's driving me nuts!

May ibinigay silang damit para sa akin at para kay Lala. They gave us new set of toothbrushes too. Sa second floor daw sila matutulog habang kami ni Lala ay rito sa ibaba.

"Sa totoo niyan, gusto ko sanang sa sahig matulog, miss ko na matulog sa sahig kaso andito si Boss eh. Baka ayaw niya sa malamig at matigas na sahig." May pag-aalinlangang sabi ni Lala sa taong tinatawag niyang Boss Popi.

I put a determined face. "No, okay lang sa akin. Hindi ako mapiling tao." Ngumiti si Lala sa tugon ko. Kakayanin ko. Lala's thrilled to sleep on the floor so baka komportable naman matulog doon.

For the sake of Lala's smile. I'll do it.

"...atsaka nakalimutan mo bang pulis ako? Siyempre naranasan ko na iyan as a training. To be precise, it wasn't not that bad."

May sumingit sa usapan. "Lala, pwede ka sa sahig ng kwarto ko, tatabihan kita gaya ng dati." Nagpantig ang tenga ko dahil sa aking narinig.

How dare him?! Gusto niya pang magtabi sila ni Lala?!

"No, you sleep beside me, Lala." Hindi ko alam kung gaano na kakunot ang noo ko ngayon. Naglabanan kami ng tingin ng Dalton na iyan. Ang kapal naman ng mukha niyang patulugin si Lala sa kwarto niya. I'm his boss!

And his... friend too!

"Sige na. Umakyat na kayo Martha, Magno, Malton at Boss Popi. Natatakot yata sa multo si Sir Henry kaya ayaw magpa-iwan." Ah, ganoon? Ginagawa niya akong katawa-tawa sa tingin ng mga taong kakilala niya. Tingnan natin mamaya kung makakatawa pa ba siya.

Umakyat na ang mga taong iyon sa itaas since alas nueve na. By the time na narinig kong isinarado na nila ang pinto ay nilapitan ko ang nakatalikod na si Lala. And as if may sariling buhay ang mga kamay ko, awtomatikong pumulupot sila sa bewang ni Lala. Nagulat siya... nagulat kaming dalawa.

This is not my first time to hug someone from behind pero this is my first to do this to a guy.

Ipinatong ko ang ulo ko sa balikat niya. "Sino ngayon ang matatakutin?" Amoy na amoy ko ngayon ang napakabangong buhok niya.

Nagulat ako dahil sa mabilis na pagpula ng kaniyang tenga. Why is that?

"A-Ah, ano. M-Matulog na tayo, Sir." Nauutal niyang sambit. Mabilis na umalis siya sa pagkakahawak ko at mabilis na humiga sa medyo may kaliitan at manipis na sapin na nakalagay sa sahig.

"Why are you in a hurry? Do you have something in mind already para bukas?"

I immediately followed Lala kaso halos hindi kami magkasiya sa sapin. Pang-isang tao lang ata iyon kaya kinakailangan naming humiga nang patigilid.

Tumibok na nga nang malakas ang puso ko sa ideya palang na magkatabi kaming matutulog, ito pa kayang actual na.

Noon, pinagkakasya ko lang ang sarili ko pagtingin sa natutulog niyang mukha, ngayon napakalapit na namin sa isa't-isa at hindi limitado ang oras ko.

Noon, akala ko I was just only admiring his face. Akala ko noon na pu-pwedeng magnakaw parati nang tingin mula sa kaperpektohang taglay niya. But my actions are illegal, I didn't have his permission to do so.

Kung pagbabasehan sa batas, pwede itong maging harassment kung hindi ko mapigilan ang sarili ko.

"Wala pa akong plano, Sir. Kahit ano-ano nalang siguro. May marami namang lugar na pwede kong pagpahingahan at pasiyalan. Basta ba sisiguraduhin niyong magiging okay lang kayo mag-isa sa bahay." I don't know why, but my cheeks are slowly burning. I'm happy that he's still thinking about me kahit na pahinga niya ang pinag-uusapan.

"No need to worry about me. I can handle myself. Basta ba babalik ka, don't you dare leave your work or else I will get mad. At baka isipin kong may katanan ka talaga. Mas lalo akong hindi magiging okay niyan kung iiwanan mo ako nang mag-isa." I meant jokingly.

But really, Blake? Threatening him? Have you gone mad? Kulang nalang bawiin mo ang day-off na ibibigay mo.

Hindi na ako nakarinig ng sagot niya but he was mumbling something kaya nag-alala ako. I noticed na parang giniginaw siya dahil kahit walang aircon ay malamig talaga ang setting nitong karenderya, malapit sa mga puno. Ang nipis din kasi ng ibinigay na kumot na ginagamit namin. Napag-alaman ko kanina na itong kumot pala ginamit ni Lala noong nagtatrabaho pa siya rito.

What am I gonna do?

Nakatalikod siya sa akin kaya kitang-kita ko ang panginginig niya. Pinaharap ko siya. Inilapit ko ang mukha ko sa mukha niya at nagsalita, "Pwede mo akong yakapin upang maibsan ang lamig na nararamdaman mo ngayon. You know, I'm big as a bear. 100% ang effectiveness ko."

Tama nga ba na yakapin niya ako? Baka marinig o 'di kaya'y maramdaman niya ang malakas na pagtibok ng puso ko.

Ngunit huli na para bawiin ang sinabi ko. Inilapit niya ang maliit niyang katawan sa akin. Isiniksik niya ang mukha niya sa dibdib ko ngunit hindi naman nagsalita.

Hindi na ako nagulat sa kuryenteng muling naramdaman ko dahil sa wakas ay naglapat na nga ang aming balat.

Lumipas ang ilang minuto ay naririnig ko na ang mapayapa niyang pagtulog. Humihilik na siya nang mahina. He must be really sleepy.

"Sleep tight, Lala. Sweet dreams. Kung pwede, dream of me." I whispered to his ears bago ko iniyakap ang mga braso ko sa maliit niyang katawan. Ipinikit ko na ang mga mata ko at dala-dala ang ngiti sa mga labi hanggang sa panaginip.

***
MAAGA akong nagising which is unusual. Nagulat ako dahil bumungad sa paningin ko ang isang taong nakatayo at nakatingin sa akin—kay Lala na nakasiksik sa dibdib ko.

It's that Dalton guy... I mean Malton guy!

"Sigurado akong nakita mo kung gaano ako nag-aalala para kay Lala. Kung gaano ko kagustong napapalapit sa kaniya. Kung gaano ko siya kamahal." He said with a serious look on his face. So, we're having this kind of discussion, first thing in the morning?

"Alam ko." May gusto pa sanang sabihin si Malton dahil kitang-kita ko ang pagbukas ng bibig niya kaso bigla siyang napabuntong-hininga.

"Alagaan mo nalang si Lala. Halata namang may iba siyang taong napupusuan. Kung sana hindi nalang siya umalis rito noon, ako sana." I shrugged. Wala pang kasiguraduhan na may gusto si Lala sa akin. It's possible that he likes that guy that we met in the grocery store, mukhang ka-close rin ni Lala.

And maybe his name has Blake on it.

Kumuyom ang kamao ko dahil sa taong iyon. Wala na ngang Malton, meron naman iyong asungot na iyon. Thinking highly of himself! Mas mayaman pa nga ako sa kaniya lalo nang pinamanahan ako ni Lolo.

Umalis na si Malton dahil naalimpungatan si Lala at malapit nang magising.

Kahit hindi mo pa ako pagsabihan, aalagaan ko talaga siya.

***
WE are currently heading towards the city now. Nakapagpaalam na si Lala sa mga tao roon. Gusto pa yata ng one-day extension ni Lala kaso hindi ko pinayagan. At isa pa, I promised to give him a day off today.

Mas mabuti kung hindi niya rito sayangin ang buong araw niya. Even if that Malton guy already gave his consent, I can't still get myself to believe that he won't be doing anything that will take Lala's attention since he seemed to be a VERY clingy type.

Mahirap na.

I have to request Lala to do something na tumatakbo sa isip ko. Hindi na rin kaya ng isip ko na patagalin ang ideyang iyon na hindi nasasabi sa kaniya.

"Lala." Nilingon niya ako nang mayroong napakalaking ngiti sa mukha. I think tumigil ang puso kong mag-function. Mukhang tumigil din ang pag-ikot ng mundo dahil pati sila nabighani sa napakatamis niyang ngiti.

Ah. That's cringe.

"Before mo sabihin ang mga gusto mong sabihin Sir, gusto kong magpasalamat. Salamat dahil binigyan mo ako ng pagkakataong makita silang muli. Hindi mo alam kung gaano ako kasaya ngayon." I enjoyed being here too—I enjoyed being here with you. Kumislap ang kaniyang mga mata dahil sa namumuong mga luha.

"Wait, why are you crying?" Nag-aalalang tanong ko. Baka may nagawa na naman akong mali.

Pero tumawa lang siya, nagkikislapan ang mga mata. "Hindi, Sir, 'no. Napaiyak lang ako dahil sa tuwa."

Napahinga ako nang malalim, "Don't scare me like that." Halos makalimutan ko pa ang sasabihin ko dahil sa nerbiyos ko na baka may nagawa akong mali kahit wala pa akong ginagawang aksiyon.

"Unahin natin sa pagtawag mo sa akin. Can you call me Blake from now on, Lal? And iwasan mo na nga pag-po dahil hindi naman nalalayo ang edad natin." Gusto kong marinig muli ang pangalan ko mula sa kaniyang bibig. 'Blake', ang ikalawang pangalan na ang mga taong malapit lang sa akin ang pinapayagan kong tawagin akong ganiyan.

Inihinto ko ang kotse sa gilid ng kalsada. Inilapit ko ang mukha ko sa kaniya at pinagmasdan ang kaniyang napakapulang labi.

Gusto kong makita kung paano bigkasin ng mapupulang labing iyan ang pangalan ko.

Nag-iwas siya ng tingin kaya hinawakan ko ang baba niya at muli kong pinagmasdan ang kaniyang mukha. Dahan-dahang namula ang kaniyang mukha bago nagsalita. "B-Blake. A-Ah ano, napakalapit ng mukha niyo sa akin." Nababalisa na siya at kung saan-saan na napapatingin.

Tumawa lang ako dahil ganiyan na pala kagrabe ang epekto nitong mga simpleng bagay na ginagawa ko.

O siya lang ba ang naapektuhan ng malaki? Eh, bakit itong puso ko ay tumitibok nang malakas na sa sobrang lakas ay kaunti na lang ay lalabas na sa aking sariling dibdib?

Bakit ngayon ko lang napagtanto na napakalaki na ng epekto niya sa akin. Simula pa noong una kong nakita ang mukha niya, tila ako asong naulol. At hindi ko itatanggi na ninais kong angkinin siya noon pa man. Kung hindi lang sana ako engaged that time ay baka kinuha ko na siya at ikinulong sa kwarto ko upang walang makakita sa kagandahan niya. That's the first time I felt something for a guy. At inaamin kong nagustuhan ko ang estrangherong pakiramdam na iyon.

I am a sinner and I won't deny it.

I liked how he furrowed his eyebrows that time. I liked how he wrinkled his nose because he was frustrated of my teasing. I liked how he rolled his eyes upon hearing my corny jokes. I liked the feeling of lowering my guard because he said that he won't leave my side.

I like everything about him that I can't even put them into words.

I'm looking forward to seeing more of those. I'm looking forward to seeing more of his adorable sides. Gusto kong nasa tabi niya habang dumadaan siya sa sarili niyang pagsubok. Kung wala naman talaga siyang nararamdaman para sa akin edi I'll make him fall for me kagaya ng ginawa niya sa akin the whole time.

I will definitely make him mine.

Himala ngayon dahil hindi man lang pumasok sa isip ko si Paine. Totoo nga bang unti-unti nang napapalitan ni Lala ang pwesto ni Paine sa puso ko?

Hahayaan ko na ba ang sarili kong mahulog muli sa bitag ng pag-ibig?

Sa halip na sagutin ang tanong na iyan ay kinuha ko na lamang ang kamay ng natutulog na si Lala. Pinatakan ko ng halik ang kaniyang kamay bago ko binatawan at ipinaharurot ang sasakyan. Ngumiti ako nang malaki.

For the last time, "I'm crazy."

AS1: AFFECTED GUN
ALL RIGHTS RESERVED
©2021

@FORTYUNEYT

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro