Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 20

Chapter 20: Wala Na Pong Adobo

LALA'S POINT OF VIEW

"EEEEHHH! I heard that you and Paine have officially broken up! I'm really happy for you, Blake. Mabuti at nakawala ka na sa hawak ng bruhildang iyon. Her potion has lost its effectiveness. I, now want Lala to replace Paine's place in your heart. Ako ang magiging cupid niyo!" Hindi man lang ako nakareact sa sinasabi ni Kendara dahil may humila sa braso ko. Nagpatayo ako bigla at napalakad papunta sa exit ng coffee shop dahil kay Sir Henry na hila-hila ako.

Naiwan si Kendara na nakatayo at nakabukas ang bibig. Kawawang nilalang.

Mabilis akong pinapasok ni Sir Henry sa kotse niya at mabilis niyang pinaandar ito pala to sa coffee shop. Bakit ba nagmamadali siya? May emergency ba?  Ay oo, meron nga pala.

"H'wag kang maniniwala sa taong iyon, Lala. Nasiraan yata 'yon ng turnilyo sa utak. Halos kabaliwan lang yata ang pumapasok sa utak n'on. I can't let him influence you." Puna niya sa sinabi ni Kendara. Tumango na lamang ako dahil tila nanghina ata ang sistema ko sa sinabi niya.

Kabaliwan?! Oo, baliw talaga ang taong nasa harapan mo at totoong may feelings para sa iyo.

Wala na ba talagang tiyansa?

Sabi ko nga kasi na wala na talagang katiting na pag-asa na mapapalitan ko ang pwesto ni Ma'am Paine sa puso ni Sir Henry. Ni hindi man lang ako nakaramdam ng saya nang sinabi ni Kendara na tutulungan niya kaming magkatuluyan ni Sir. Para namang seryoso iyong Kendara na iyon, mas baliw pa iyon sa akin.

"Okay po, Sir. Mukha ngang nababaliw na siya. Halos mamatay na ako kakatawa dahil sa sinabi niya." Pero taliwas sa isinagot ko sa tanong niya ang tumatakbo sa isip ko.

Pwede kayang bayaran si Kendara upang maging matchmaker naming dalawa ni Sir Henry? Huhulog-hulugan ko nalang ang pambayad, nag-iipon pa ako eh.

"Do you want anything na gusto mong kainin? Bibilhan kita. Hindi 'yong sa iba ka nagpapalibre, andito lang ako, mas may pera ako kaysa sa kaniya." Nandito na naman tayo sa pabulong-bulong niya. Hinihinaan ang boses para siya lang ang makarinig.

Edi ang sarili mo nalang ang tanungin mo kung bubulong ka rin naman pala.

Ibinaling niya ang tingin sa kalsada. "Hindi po ba kayo pupunta sa lakad niyo po?" Tanong ko sa kaniya. Mabuti na lamang at hindi nagkasalubong ang aming mata. Iniwasan ko ring tingnan ang repleksiyon niya sa salamin.

Nakakahiya ang inakto ko kanina, para akong sadistang girlfriend, nagseselos na nga nang wala sa lugar at nanakit pa. At ang malaking punto, ni wala kaming relasyon ni Sir Henry. Masyado akong nagpapahalata.

"Lakad? May sinabi ba akong may lakad ako? W-Wala akong maalalang sinabi kong may lakad ako." Pinaikot ko ang mga mata ko. Eh ano 'yong sinabi niya kanina? Para saan 'yung pahila-hila niya?

Attention seeker ba siya?

"Baka hindi ko alam, Sir."

"Hindi mo alam na ano?" Nagtatakang tanong niya.

"Baka may nangyari sa iyo. Nabagok ba ang utak mo at nagiging makakalimutin ka? Ipaalam mo naman sa akin para madala na kita sa ospital. Sabi na nga ba natumba ka nang wala ako. Kawawa ka naman."

Nagkibit-balikat lang si Sir Henry at hindi pinansin ang natuklasan ko,"How about a place na gusto mong puntahan or muling puntahan? My treat."

"Ha? Kagagaling lang nating mag-ice cream." Ani ko. Ang sarap nga ng ice cream na iyon at may pa-freebie pang popsicle. Gusto ko sanang humingi pa kaso baka sumakit ang ngipin ko.

"The day is long, sayang naman kung sasayangin ko ang sick leave ko." Kung sabagay.

Speaking of somewhere na gusto kong muling puntahan. Sa Rolly's kaya? Miss ko na rin kumain doon at miss ko na si Boss Popi at ang mga dati kong kasamahan.

"Ha? Sigurado ka? Baka sabihin mo makapal ang mukha ko na alam kong slight lang naman." Paninigurado ko. Masakit sa loob ang mga pagbibiro niya, nakakawala ng pag-asang mabuhay.

Kumunot ang noo niya. "Anong makapal ang mukha mo? Ako ang makapal ang mukha dahil hindi man lang kita nabigyan ng day off. Napakawalang kwenta kong amo."

"Tapatin mo nga ako, Sir. Kung bibigyan mo ako ng day off, sinong magluluto para sa iyo? Sino ang maglilinis ng bahay mo?" Napakalaking bagay ng day off, ang benepisyo ko lang ay pahinga pero wala akong makukuhang sweldo atsaka ayaw kong gumastos. Baka bukas paalisin na ako sa bahay niya, kukulangin pa ang pera ko.

At saka kahit nasa process ng pagmo-move-on ay ano... mahirap. Nahihirapan akong isipin na malalayo ako sa kaniya ng isang araw man lang. Except kapag trabaho na, mas gusto ko professional ako.

Ang hirap naman kasing diktahan ang puso kong iwasan ang mga magagandang mga mata niya. Ang hirap maghintay ng buong maghapon upang makitang muli ang gwapo niyang mukha.

Ang hirap kapag inlove. Letse.

Sumagot si Sir Henry, "Kung sa bagay, ayaw ko ring magtake out kasi unhealthy. Pero I suggest na bigyan ka ng day-off bukas. Don't worry kung pera ang iniisip mo. Si-swelduhan pa rin kita upang makabawi sa lahat ng araw na dapat may day off ka. Ibig sabihin kahit day off mo, bibigyan parin kita ng sweldo. Don't worry about my food, I can manage."

Kung sakali man o 'di kaya'y nananaginip ako nang gising, deserve ko ba ang ganiyan kabuting tao? Deserve ba ng isang dating kriminal ang isang mabuting pulis?

Siyempre hindi. Malaking HINDI.

Pero siyempre hindi lang kami normal na dating kriminal at pulis. Amo ko siya at kasambahay niya ako.

"Hala! Okay lang po talaga kahit na walang day off, Sir. Napakaswerte ko na nga na hindi mo ako ipinakulong, may tinutuluyan ako ng libre, may sweldo at may poging amo." Taeng dila, parating nangunguna. Masabihan pa akong humahanga na sa kaniya at hindi na naiinggit.

Pero normal namang purihin ang amo lalo na kung manghihingi ka ng pera o 'di kaya'y nabigyan ng hindi inaasahan, ano ba ang kaibahan noon?

Ang kaibihan ay sineseryoso ko ang sana ay biro lang.

Nawala ang ngiti niya dahil sa hindi inaasahan, nagtagpo ang aming paningin. Ngunit isang segundo lang iyon dahil muli siyang ngumiti na nagdulot ng matinding epekto sa puso ko. Tumambling yata sa loob ng ribs ko.

Dug dug.

"Sige na. Sabihin mo na kung anong gusto mong kainin o gusto mong puntahan habang may araw pa. Para naman masulit ang araw na ito habang 'di pa ako masyadong busy sa trabaho."

Maaari ko ba itong tawaging date man lang?

Hindi na nakapagtimpi pa ang aking bibig at nagsalita siya. "Sige na nga. Tutal ikaw na ang pumipilit. Hindi na ako hihindi pa. Sayang ang araw." Hindi dapat hinihindian ang date kasama ang taong kinamumuhian este kaibigan mo.

Itinuro ko na lamang ang direksyon patungo sa Rolly's. Nae-excite na ako!

***
PAGKALABAS namin sa sasakyan ay napangiti ako. It's so good to be back! Nilingon ko si Sir dahil napakatahimik niya pero nahuli ko siyang nakatingin sa mukha ko na tila ba naging normal na para sa akin. Ewan ko rin kung bakit.

Na para bang napapamilyaran ako sa ganiyang tingin-tingin na iyan.

Nag-iwas ako ng tingin at ipinukol ang atensiyon sa karenderyang bente singkong taon nang nakatayo sa mismong harapan ko. Ganoon pa rin ang itsura no'n at tila walang nagbago. Pagkatapos ko ng highschool pa ang huling punta ko rito at himala, wala pa ring pinagbago.

Hindi kaya'y dahil sa kawalan ng presensiya ng gwapong si ako kaya ganoon pa rin itong karenderya?

Sabay kaming pumasok ni Sir Henry sa karenderya. Magkaholding-hands kami kasi date nga ito at nakangiti sa isa't-isa.

Joke lang. Nananaginip lang ako ng gising.

"Lalaaaa!!!" Nagulat ako dahil halos mabuwal ako sa pagkakatayo dahil kahit nasa bungad pa lamang ako ng karenderya ay may mga toro na sumugod at niyakap ako.

Halos mapaiyak ako dahil nakita ko ulit ang mukha ng triplets ni Boss Popi. "Martha, Magno, Malton!!!" Dalawang barako at isang sirena ang anak ni Boss Popi. Maiingay sila at makukulit.

"Namiss ko kayo!!! Sobra." Matanda lang ako ng isang taon sa kanila kaya medyo ka-vibes ko pa rin ang mga ito. Lalong-lalo na si Malton na ka-close ko talaga. Best buddy yata kami niyan kahit sabay kaming apat na lumaki. Siya kasi ang unang lumapit sa akin noong una akong ipinakilala sa kanila ni Boss Popi at nakagaanan ko na ang pagsunod-sunod niya kahit saan ako magpunta.

Sa huli, bumitaw na sila Martha at Magno pero si Malton nakabaon parin ang mukha sa dibdib ko. Hindi ko nga alam kung paano niya nagawang ibaon ang mukha sa dibdib ko dahil mas tumangkad ito kaysa no'ng huli.

Pero sanay na rin ako, noon pa man ay matangkad na ito sa akin at gustong-gusto niya talagang ginagawa iyan. Hindi ko naman pinagbawalan. Nakasanayan na rin.

Mahina siyang nagsalita, "Namiss kita Lala."

Ngumiti ako. "Hmm. Namiss din kita Malton." Halos umabot yata ang ngiti ko sa tenga ko nang mas hinigpitan niya ang pagkakayakap sa akin. Akala ko kasi hindi niya na iyon gagawin pa kasi mukhang nagmature na siya. Iyon pala akala ko lang pala.

"Ang bunso natin mahal na mahal talaga si Lala!!! Sanaol." Nagkantiyawan ang lahat na tinawanan ko lamang. Parati talaga nilang tinutukso si Malton. Wala lang naman sa akin, mababaw lang naman siguro iyang nararamdaman niya para sa akin. Infatuated lang siya kumbaga.

Siguro'y nagkamali lang siya at iniisip niyang may gusto siya sa akin kaysa isiping kagusto-gusto talaga ako. Mapa-matanda, bata, at hayop.

Nagulat kaming dalawa ni Malton dahil may umubo sa gilid. Nilingon ko si Sir dahil baka may nangyari sa kaniya kaya siya inubo ngunit nakita ko lamang ang kaniyang seryosong mukha habang nakatingin sa tukong nakayakap sa aking bewang. Napakasama ng tingin niya kay Malton.

Hindi kaya nagugutom na siya?

Sinabihan ko si Malton na bumitaw na. "Andyan ang boss ko. Mamaya nalang Malton, mukhang nagugutom na eh, tingnan mo, makakalapa na ng tao ang mukha. Baka mapagalitan ako."

"Ang epal ng boss mo. Galit na galit pa kung tumingin. Sino ba siya sa akala niya? Porket amo, mapang-insulto." Ha? Sino ba nagpauso ng ugaling pabulong-bulong at gugulpihin ko. Nakinig si Malton sa utos ko at bumitaw na nga sa pagkakayakap sa akin.

Pinasadahan ko ng tingin ang lugar na naging saksi ng paghihirap ko habang lumalaki. Ang lugar na ito ay hindi pa rin ako binibigo, nandidito ang kanilang malulutong na tawa, ang magandang puna nila tungkol sa pagkain, at ang salitang, 'nag-enjoy' ako.

Napatalon ako sa gulat nang may nagsalita sa gilid ko. "Lala. Ikaw na ba iyan?" Napangiti ako dahil narinig ko ang boses ni Boss Popi.

"Ang pinakapoging boss sa balat ng lupa!!! Boss Popi hindi mo ba ako namis?"

Akmang susugurin ko ng yakap si Boss Popi pero inunahan niya ako sapak. "Aray! Boss naman. Mapanakit ka na naman."

"Mabuti naman at naisip mo pang bumisita dito. Akala ko nakulong ka nang bata ka." Alanganin akong napangiti, "Mahabang kwento, Boss eh."

Sa kaloob-looban, gusto kong humingi ng tawad kay Boss Popi. Ang lalo na ng tulong niyan para mapalaki akong kagala-galang at mabuti pero ako lang iyong baliko kung mag-isip.

"Sino 'tong poging kasama mo? Jowa mo ba, Lala? Wala na bang may perlas sa mundo at ito pa ang pinili mo. Pero kung ako nasa posisyon mo. O-okay na rin ako kasi ang gwapo. Kung 'di mo kaano-ano, akin nalang siya. Hindi nalang ako papatol sa iyo dahil makakalaban ko si Malton." Pakikisali ni Serenang Maui a.k.a. Martha.

"Ah. Mga tuko, ito ang Boss ko sa siyudad, si Sir Henry. Sir, ito mga kasama ko noong panahon na nagkaroon ako ng matinong trabaho. Ako rin ang kasama nilang lumaki."

"So you had a decent job? Dito ka sa karenderya nagtrabaho?" Tanong niya na ikinatango ko agad. Nagulat ako dahil biglang ngumisi si Sir Henry.

Ano kayang pinaplano nito?

"Why don't you join them and serve me with all of your five star dishes." Wow, hindi ako bibigyan ng pagkakataong kumain? Sanaol.

Dinuguan, Pinakbet and Bicol Express ang ipinaluto ko kay Boss Popi. Siyempre inabala ko ang sarili kong tumulong dahil medyo naiilang ako sa ibinibigay na tingin ni Sir Henry nang isuot ko ang uniporme nang karenderya. Sunod nang sunod siya sa mga ginagawa kong kilos kaya dumito nalang ako sa kusina.

After maluto ay sinerve ko na kay Señorito Henry ang mga niluto namin. Kain lang siya nang kain habang ako nakatayo lang sa tabi, naglalaway.

Pero pwede naman na pumalit ako sa pwesto ng kutsara.

Hindi ako sa pagkain naglalaway, sa ibang bagay ako naglalaway. Kahit ano nalang ang pumapasok sa isip ko. Baka kunin ko iyang kutsara at itusok ko sa nagmamarunong kong ulo.

"By the way, nakita ko sa menu ang adobo. I want to give it a try." Namutla ako sa request niya. Lumibot yata ang bilog ng mata ko sa buong sulok ng mundo upang makahanap ng excuse. Siyempre, kasali ang adobo sa five-star, 'no.

"Adobo ba kamo, sige—"

Pinutol ko ang sasabihin ni Boss Popi. "Ahehe. Wala na pong adobo, Sir Henry. Magsasara na po sila. Last costumer ka na po."

Narinig kong balak na magsalita muli ni Boss Popi ngunit sinenyasan ko siyang tumahimik. Malalagot ako kapag nalaman ni Sir na kalasa ng adobo ni Ma'am Paine—na kalasa ng adobo na niluto ko para sa kaniya noon ang adobong niluluto rito.

Ako rin naguluhan sa iniisip ko.

Mabuti nalang at mag-aalas siete na kaya okay lang siguro iyong dahilang iyon. Okay lang naman siguro ang bawas sa sahod. Ako na lang ang magbabayad... sa gcash! Mamaya pagdating ko sa bahay.

"Oh, I see. Lala, ano ba? Tutunganga ka nalang ba diyan? Ang dami nitong pinaluto mo. Do you think na mauubos ko itong lahat?" Naiinis niyang ani.

Ako ba nagsabi na iserve ang lahat ng five star dishes? Ako ba? Ako ba?

"Sabi ko nga. Uupo na ako. Wala naman akong sinabing hindi." Nagmamadali akong umupo sa tabi niya. Nakasunod lang ang mga mata niya sa mga kilos ko. Nagsimula akong kumain.

Napakasaya dahil nakabalik akong muli rito. Napakasayang nakakakain kong muli ang mga luto ni Boss Popi.

"Dito ka na matulog, Lala. Gabi na. Para makaiwas ka sa disgrasiya pauwi." Ani ni Malton. Ngumiti ako kay Malton at tumango. Bakit ko pa tatanggihan? Namiss ko sila.

"Sige! Sig—" Bakit ba parating pinuputol ni Sir Henry ang mga pahayag ko? Ngayon ay maingay niyang ibinaba ang kutsara't tinidor.

Sana tabi kami matulog ni Sir kung papayag siya, ano?

AS1: AFFECTED GUN
ALL RIGHTS RESERVED
©2021

@FORTYUNEYT

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro